2013 in review

•December 31, 2013 • 1 Comment

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2013 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

A New York City subway train holds 1,200 people. This blog was viewed about 7,900 times in 2013. If it were a NYC subway train, it would take about 7 trips to carry that many people.

Click here to see the complete report.

Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) | Rica Marie o Poorita Jones?

•July 12, 2013 • Leave a Comment

12th July 2013

Rich or Poor? (Rica Marie o Poorita Jones)?

Tawa tawa muna tayo pag may time! Hahahahahhaha

Salamat sa http://pinoyjoke.blogspot.com/2006_12_01_archive.html sa pag share ng blogpost na ito at kahit paano kering keri pa rin ang life in dreamland! Cheers!

Ako Sa Saudi Arabia

Ako Sa Saudi Arabia

Kung mayaman ka, meron kang “allergy”**
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay “galis” o “bakokang”**

Sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress”**
Sa mahirap, “sira ang ulo”**

Kung mayaman ka, “pneumonia” daw ang sakit mo**
Kung mahirap, “TB” yon**

Sa mayaman, “hyperacidity”**
Kapag mahirap, “ulcer” dahil walang laman ang tiyan**

Sa mayamang “malikot ang kamay”, ang tawag ay “kleptomaniac”**
Sa mahirap, ang tawag ay “magnanakaw” o “kawatan”**

Pag mayaman ka, you’re “eccentric”**
Kung mahirap ka, “may toyo ka sa ulo” o “may topak” o “may sayad”**

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine”**
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom”**

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is “scoliotic”**
Pero kung mahirap ka, ikaw ay “kuba”**

Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay “morena” o “sun tanned”**
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay “ita” o “negrita” o “baluga”*
*

Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay “petite”**
Kung mahirap ka lang, ikaw ay “pandak” o “bansot”**

Kung socialite ka, ikaw ay “pleasingly plump”**
Kapag mahirap ka, ika’y “tabatsoy” o “lumba-lumba”…pagminamalas ka,
“baboy”**

Kapag mayaman, “fasting” ang hindi kumain**
Kung mahirap, “nagtitiis”**

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay
“socialite”**
Kung mahirap ka, ikaw ay “pakawala” o “pok-pok”**

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay “liberated”**
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo “malandi”**

Kapag mayaman, “misguided” o “spoiled” ka**
Kung mahirap ka, “addict” o “durugista”**

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo “single parent”**
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo “disgrasyada”*
*
Kapag mayaman at sexy, “fashionable” daw**
Kung mahirap, sigurado “GRO” o “japayuki” ka**

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, “vegetarian”**
Habang kakaawa ang mahirap na ” kumakain ng damo.”**

Sa exclusive school, “assertive” ang mga batang sumasagot sa mga guro**
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa
kanila ay “bastos!”**

Ang mayamang tumatanda, “are graduating gracefully into senior citizenhood”*
*
Ang mga mahihirap ay “gumugurang”**
Ang anak ng mayaman ay “slow learner”**
Ang anak ng mahirap ay “bobo” o “gung-gong”**

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
“masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking”**
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host
will say to himself na ikaw ay “patay-gutom”**

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang
tawag sa iyo “expat”**
Kung mahirap ka lang, ikaw ay “contract worker”**

Kung boss ka at binabasa mo ito sa office mo, “okay lang”
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay” nagbubulakbol”…
kaya forward mo na agad ito dahil nasa likod mo ang boss mo!*

Ako Sa Saudi Arabia (Mga Bagong Kabanata) | Kambyo – Ang Una Kong Driving Experience

•July 12, 2013 • Leave a Comment

5th July 2013 – Kambyo

Ang Una kong Driving Experience -Day 1

Ako sa Saudi Arabia

Ako sa Saudi Arabia

Iba eh, iba talaga..iba talaga eh, yun feeling na kakaiba..Nakakakaba..nakakanerbyos…nakakatakot..nakaka excite..nakakaloka..lahat na yata ng NAKAKA na feelings..eh naisip ko na..naramdaman ko na..feeling wonderful naman ang drama, ung feeling na di mo makakalimutan na experience sa buhay mo..dahil un ang FIRST mo. Parang nung una kang na in Love..ung unang experience mo na masaktan, yung eksenang, dati naiisip at pina pangarap mo lang gawin, eh ngayon nagawa mo na! yung dating na i imagine mo na anong feeling ng nakakapag drive ka..ngayon reality na ang feelings! Sa pangatlong attempt ko na sumakay at hawakan ang manibela at kambyo..isa lang ang naisip ko at naramdaman ko..hindi ako makapaniwala! Totoo na sya!!! My first attempt was last 2011 with Betchai, pero di ko napatakbo..2nd attempt was 2012 with my first love..napatakbo ko in circle..and now the third time..napatakbo ko siya..napatakbo ko ang car!!!!! Hindi ko alam..yung eksenang gusto mo sumigaw at sabihin na YESSSSSSSS!!!! Taraaayyyyy!!!

Konting briefing ng aking instructor..Basic..basic..basic!!! Isa lang nasabi ko sa instructor ko..(itatago ko muna ang identity nya..hahahahahaha), “don’t worry po kuya, fast learner po ako…”. Kalerki!!! Unexpectedly, bigla nyang sinabi na..ikaw na..”Ooopppppps bro..keri ko ba ito???!!””..wala ng atrasan te!! Iniisip ko pa lang..nalilito na ako..hala sige te..arya!! tnis is it!! ihanda ang sarili sa driver’s seat..buckle up..hawakan ang manibela..ang mga nanginginig kong paa na di ko alam kun saan ko ipu pwesto!! But..sige..gow lang ng gowww!!! I kambyo!!! Ready..set..go!! 0..10..20…20 kph..para sa kinakabahan na bagitong beki!! Hahahahahahha…ilagay sa tamang lane ang auto, dahan dahan lang muna..dahan dahan lang..di pwedeng biglain at masakit!! Charaught!!!!! Hahahahahah

Ako Sa Saudi Arabia

Ako Sa Saudi Arabia

Next challenge ko eh ang lumiko..thrilled!!! Liliko ako sa kaliwa..pak, dahan dahan..apakan dahan dahan ang break, sumignal..at ayan..ipihit ang manibela sa kaliwa at umandat!!! Ayyyyyy te.. NagawA ko..hahahah..tawa ng tawa si kuya!! Panalo!! Eto na ang simula ng derechong kalsada. Kakatakot..paano kung may makakasalubong na ako???!!! Paaano na te!!!!! Sige lang..kineri ko..determined ako..KAYA KO! Nalagpasan ko ang mga trucks! Mga bus!!! Mga kotse!! At ang pulis!!! Hahahahahhaha….na di naman nila na notice na..ayyy..”sinetch itey???!!” Hahahaha. Well..well..well, tumakbo ako ng 60-80 kph, nerbyossssss!!! Infairness..kineri ko!! oooooopppss, di pa natatapos dyan dahil 15 km pa lang ang tinakbo ko! We stopped..not for a break, kung hndi para sa pag ikot ikot na lesson..at dito ko natutunan ang tamang pag hawak ng manibela, kapag pipihit ka..”do it the professional way”…kasi nung una, ipit ipitan ang drama ng kamay ko! Hahahahaha…then nung nagawa ko na, aba ang sabi ng aking instructor..”u r a pro!!” Hahahaha..echusera! But, i enjoyed it..i enjoyed making a big circle..para ma ensayo ko ang pg pihit..pihit..pihit!!

At ang pinaka exciting na part? Ung feeling na nagiging comfortable ko na sa ginagawa mo..and u started loving it..wowwwww!! tuloy tuloy lang te..40kph..60kph..80kph..and i asked my intructor..”kuya, pwede ko pa bang bilisan? Para mas ma feel kung speed?!..ang tangi lang nya nasabi??? GOW!!!!! Hahahahaha.HALA! Sige..igiling mo te..tapakan ang gas!!! 120kph!!!!!! Ang sarap….mabagal muna sa umpisa..dahan dahan..hanggang sa pasarap na ng pasarap ang feeling..pabilis ng pabilis..ng pabilis! babagalan kung kailangan..bibilisan kung kailangan..hanggang sa kailangan mo ng tumigil kasi..nakaraos ka na sa unang araw ng isa sa hindi mo makakalimutan na experience sa buhay mo!!! Charaught!!

Ako Sa Saudi Arabia

Ako Sa Saudi Arabia

Day 1 pa lang yan..eto pa lang ang start ng driving experience ng buhay ko! At itutuloy ko ito…itutuloy ko talaga..salamat kay KL para sa kanyang matyaga na paggabay..at sayo na naniwala na kaya ko at magagawa ko! Isang power hug sayo!! :)

“Determination is the wake-up call to the human will.” -Anthony Robbins

Ako Sa Saudi Arabia (Mga Bagong Kabanata) – Fastfood Galore feat. McDonalds | Ha’il City

•June 18, 2013 • 3 Comments

Ako Sa Saudi Arabia (Mga Bagong Kabanata) – FASTFOOD SHOPS | Ha’il City

18 June 2013

“One of the very nicest things about life is the way we must regularly stop whatever it is we are doing and devote our attention to eating.” – Luciano Pavarotti

McDonalds Hail City - I'm Loving It

McDonalds Hail City – I’m Loving It

Tatlong taon..tatlong taong walang JOLLIBBBBBEEEEE!!!! Wala man Jollibee sa Hail, pero bongga naman day ang progress!!! Mula sa nag iisang McDo sa Hail, aba ngayon dalawa na.  Bukod sa chatting, work, shopping, work, shopping, shopping, work..what else can you do? To be honest, ang tumira sa rural o para mas madali, ang tumira sa gitna ng farm sa gitna ng disyerto, ay hindi naman madali.  So..may mapaglilibangan pa bang iba? Meron..ang kumain! Kain..kain..at more sa kain! More Kain, More Fun! More din sa gastos! ahhahahahha

Sa Pinas, kaliwa’t kanan..bawat kanto na yata may fast food, isang kembot mo lang aba..Jollibee na naman.  Hindi mo need mag wait ng 6 days, para lang maka laps sa favorite mong fast food chain.  Jollibee, McDonalds, KFC, Kenny Rogers, Pizza Hut, Wendy’s, Tropical Hut…at maraming marami pa.  Para ngang kabute ang mga FFC na to sa Pinas.  Pero dito..dito sa Hail??????????? Parang gusto mong tumambling..dahil limited ang mga fast food chain.  Ang nakakaloka pa dito..you need to travel 120 km (one way) at dahil babalik ka sa site, eh di 120km +120km = 240km.  Eh tatakbo ka ng 80 km per hour, so ilang oras na travel time? Mahigit kumulang dalawang oras!! Nganga ka na sa gutom bago mo pa makita ang McDo at gutom ka na ulit..pag balik mo sa kwarto..winner ang experience!! Hindi matatawaran! Effort kung effort makakain lang ng yummy BIG Mac ni McDonalds.  Ma appreciate mo nga ang super craving mo sa burger..dahil sa talagang sasadyain mo sya..ano itey..tourist spot!? Keribels, may choice te? Witchicles!!! Wit na sa complaint abour living in the middle of the desert, far from your loveones..more sa hardwork..kayod kayod kayod for the family..miss ko na si misis, anak ko at si kumpards, na kasama ni misis mag Jollibee..hahaha, chos! hayy naku..tigilan ako sa mga drama at ang pag MMK..basta push lang every weekend or kung may available na sasakyan papuntang bayan..maka laps lang burger! Basta kung saan may food..at fastfood, I push ang HAPPINESS!!!

Pero infairness naman sa Hail, kahit medyo may kalayuan keri na rin.  Dahil noong dumating ako dito back in 2010, nakita ko lang ang McDo..napa HUWAW na ako..hahahahha..primitive! may KFC,Pizza Hut din naman.  McDo, KFC, Pizza Hut..Pizza Hut, Hardees, McDo, KFC..ayyy DELICIA! Hahhaha..paulit ulit ulit lang din sila.  Pero teka, nag po progress din naman ang Hail, dahil..nangaganak na rin ang mga FFC na ito, imagine..2 na ang McDo, 2 na rin ang Pizza Hut..1 pa rin ang KFC, mga local FFC like, Herfy, and Kudu, Baskin Robbins..pero may mga nadagdag..andyan na rin si Subway, Burger King, ang matamis na  donuts ni Krispy Kreme, Seattle’s Best + Cinnabon, Cinnzeo..attttt, may Domino’s Pizza pa..pak! pwede na! may variety na rin! Nung nakita ko nga ang Krispy Kreme at Burger King..para lang akong galing ng liblib, yung eksenang ngayon ka lang ulit nakakita ng Burger King??? Ayyy..ignorante much, ayy exicted much lang pala ang drama! Ayyyy di naman namin mapapalagpas yan..ginagawa pa lang ang store, naka plano na kami agad! Saya much!

with friends Joel & Rey S. @ McDo Hail City

with friends Joel & Rey S. @ McDo Hail City

Hmmmmm..nakaka aliw isipin na ang tumira sa disyerto ay di biro pero may mga bagay na pwede mong gawin..para di naman hindi mo bine beybi ang homesick! Hahahaha..kain galore! Gusto ko isa isahin ang mga fastfood chains dito sa Hail, para naman ma ishare ko naman ang mga fastfood places na to..para yung iba, ma enjoy din naman nila ang pag laps pag may time! Enjoy eating di te! J J

Isa – isahin nga natin..

1. McDonalds Hail, Saudi Arabia – “I’m Loving It”

McArabia, yan ang isa sa paborito kong sandwich ng McDonalds Saudi..McArabia!

McDonald's Burgers & Fries

McDonald’s Burgers & Fries

Apat na ang McDonalds sa Hail. Dati 2 lang, ngayon apat na..Market Market te? Hahahha. Ayyyyy, wait meron pa pa lang isa, nasa food court ng Garden Mall, pweeeeeedeeeee! Ung unang McDonalds, nasa King Abdulazzis Rd., bago mag unang rotonda. Wit ka naman sa pagkaligaw te, dahil may McDo sign naman! Ung kulay dilaw na “M”..hahaha..kapag tumingin ka naman sa bandang kanan, ayyyyy..makikita mo naman si Pizza Hut and KFC! Tawid tawid lang..makkapag Pizza kna!

At ang address:

King Abdul Aziz Road, Hail
P.O.Box: 7284
Phone: 06-5313740, 06-5347718

Hmmm..yung second McDo naman, hahanapin ko ang mapa nyan! Pero dun sa sa road na kapag dinerecho mo ung pinakabago at isa sa pinakamalaking mosque sa Saudi. Yun dun sa road na un! Tingin sa kanan..ayyy, McDo na agad! Pwede rin naman daw mag drive thru!

At ang address:

Jamaeen District ,King Fahad Road

Al Salhia Plaza Northern Hail

At ang pangatlo? Go lang sa Garden Mall, makakapasok lang tayo mga te, kung di family day, at kung di bawal! In case makapasok kayo sa Garden Mall, go lang sa 3rd floor, sa may food court..

McDonalds Hail City

McDonalds Hail City

Yung pang apat..sa loob ng Samah Mall, sa tabi ng post office, kapag tumingin ka sa likod, makikita mo ang Hail tower, sa may parking lot! Basta alam ng mga friends natin from Almarai yan!

At ang address:

Samah Center ( Food Court )

Samah Centre Northern Hail
KSA Central

06 531 8846

At dahil dyan..mapapa “love ko to” naman kayo..dahil andun naman si classic Big Mac and Fries, happy meal, value meals, salad..and dessert..still original McDo taste pa rin naman talaga.  Mapapa achieve din naman kayo dahil nag se serve din sila ng brekky! Pancakes..pancakes..pancakes, coffee and hot choco..hash browns??? Yes na yes!! I enjoy din natin ang delivery nila..

At tumatagline din naman ang McDonalds Arabia -> “I’m Loving It”

At ang address:

At hanapin din naman sa google maps!

http://www.daleeli.com/profile/OTYyODg=/McDonalds.html

http://www.mcdonaldsarabia.com/ksa-riyadh/en/locations.html

There is no sincerer love than the love of food.” – G.B. Shaw

Up Next! – Itutuloy natin ito.. :)

  • Kentucky Fried Chicken (KFC) – Finger Lickin’ Good!!
  • Hardees
  • Pizza Hut
  • Domino’s Pizza
  • Subway
  • Krispy Kreme
  • Burger King
  • Cinnabon / Seattle’sBest
  • Cinnzeo
  • Herfy
  • Kudu
  • Baskin Robbins

Ako Sa Saudi Arabia (Mga Bagong Kabanata) – WIFI

•May 31, 2013 • 2 Comments

31 May 2013

Now I can smile BIG TIME!!!

Ako Sa Saudi Arabia

Ako Sa Saudi Arabia

Sa humigit kumulang na 30 months na paghihintay..eto na talaga, totoo na ang free wifi! – Winner Itong Free Internet (WIFI)!!!  Two thumbs up naman at ang lahat ng mga nasa “iwahig” eh bo bongga ng smile.. at finally..maipagpapatuloy ko na ang mga kuwento ng pang cho chorva, friendship, struggles, achievements..pagbuo ng pangarap..pagtawa, pagluha at pakikibaka (wow…lalim lang) ng “Ako Sa Saudi Arabia”..at ang managinip sa una kong tinawag na dreamland! :)

Matagal tagal na matagal na matagal na panahon na di ako nakakapag sulat..at sa sobrang tagal, makakabalik pa kaya ako?? Why not!!!! marami na namang nangyare..marami ng napuntahan..marami na rin silang na i tsismis..hahahaha..at marami na rin nakilala..marami na rin nag bago..marami na rin naman pwedeng ikwento..marami na rin ang pwedeng i tsismis..ang dami dami dami.. i mean i share, facts..mga totoong pangyayare..mga totoong kwento ng pictures..mga storya behind the smiles and dimples..

Sa bawat araw na di ako nakasulat..feeling empty naman ako..walang outlet, trabaho..room, room..trabaho..chika lang everyday..may mga panahon na gusto ko lang mapag isa..imagine that!!! baliw baliwan lang ang drama..Pero pero pero..dahil sa sana ay tuloy tuloy na mabilis na internet connection, siguro naman matutuloy tuloy ko na rin ang pag bahagi ng mga karanasan maging personal, emotional, wholesome, or rated R..axperiences ko sa dreamland..hahahhaa..pwede naman mag work backward, sana nga lang maalala ko..kering keri yan! Maghanda na mga kapatid..mga sis..mga di out na sis..mga bros, mga nagpapaka bros..dahil promise..this is it!! this is it na talaga..

2013 na kasi eh, tapos May na..tapos bukas June na..so what, eh di tuloy tuloy lang naman ang lahat. Natiis ko nga ang halos isang taon na manahimik at mag kasya lang sa maliit kong telepono..at mo moment ulet ako…dito sa 3rd love ko..at sa humigit kumulang na isang taon..bumulaklak ba ang karir ko, frienship kaya..family..or ang buhay pag ibig..or sadyang ang buhay pag ibig ay hindi na friendly sa akin..we’ll see..hinihintayin ko naman kayo sa pag basa ng mga lathala, at sana sa pangatlong pagkakataon at pangatlong taon..mapangiti ko kayo sa bawat tipa ko ng titik sa aking mga panulat..sa pagtatapos ng May, BUKAS sure na..JUNE 01, 2013 —> ang mga bago kong kabanata sa Saudi Arabia.. :)

“Everyday is an opportunity to have a fresh start. It doesn’t matter what happened yesterday all that counts is today. When you wake up in the morning know that today is full of opportunities waiting to be grabbed. It is a new day, a new start, the beginning of a new life awaits you.”

Mga Bagong Yugto | Bente-Kwatro

•December 8, 2012 • 1 Comment

Bente-Kwatro 2012.10.01

Bente-Kwatro, Dalawamput Apat..24..TWEYYYYYYNTTTYYY FOUR! 24 months na ako sa Kingdom..in short 2 years na! Imagine..na survive ko naman ang mala hospital..mala rehab..mala Survivor at Big Brother na drama dito sa Dreamland! Sa pagpasok ng ikalawang taon ko sa Saudi..tinawag ko itong DREAMLAND! Kung bakit? Feeling ko eh dream lang itey..hahahahha! Ako na ang mabuhay sa panaginip! But seriously..feeling ko lang na dito ang Dream Come True ng mga Dreams of all DreamS!

Ako sa Saudi Arabia

Ako sa Saudi Arabia

Aba marami na rin naman nag bago..well adjusted na rin naman ako sa culture dito..at kung ano ano pang mga “culture thing” dito sa Dreamland! Hmmm..syempre ang matakot sa mga “motorola” ay di na maiiwasan..di ko yata keri ang ma krompal..masakit ito! Hhhhaha..Hmmm, syempre..ngayon mas easy na ang pag recognize ng mga faces ng mga candidates ng Mr. Universe! Egyptian, Pakistan, Indian, Saudian..at mga Pamintuan! Hahahahha..ano pa ba? Syempre complete pa rin ang mga karakters na pinag bibidahan ng pinaka tahimik at kulang sa pag ka panic na pinaka adorable na si Senyor..hahah! (sipsip)..andyan pa rin ang mala Amazing Race na pagbaba sa bayan..Riyadh, Buraidah o Hail pa yan..

Ang second year ay di masyadong kadalian..pero andun yung “kaya pa” factor..but of course, huwag mag umarte at ginusto ko ito..kailangan kayanin..ang mga past love LIVES..take note “mga”..kineri ko..eto pa?? Well..happy ako as always..dahil infairness, dami rin naman bagong challenges, at mga bagong friends..and frienemies..hahahhahah

Highlights ng Second Year!

1. Nakabalik ng Dreamland after 33 Days na bakasyon sa Philippines..di ba ang maka balik ng matiwasay at pagtuloy sa pagyakap sa mga posibleng opportunities eh talaga naman something to look forward and not backward!

2. Career..tuloy tuloy ang opportunities na makapag training at makalabas from Farmville! Dahil nag attend ako ng SDP training in Riyadh..last March, May and September..Wagi!

3. Nagkaroon ako ng chance na makapag pa picture with no other than..the CEO of Almarai himself..hep, hep, hep..wag kuwestiyunin at may ebidensya ako! Hahahahhaha..

4. Apple mania..end of story..hahahhaha..baka ma accuse ako na Socialite..hahahahha

5. Witness ng World War, blind item..kabilaan…at ang mga issue ng pagka inggit..at kung ano ano pang mga drama..laptop na pinalitan kuno..tsismis daw..at kung ano ano pa..kakaloka lang..lam mo yun..kakaloka lang..

6. Ang struggle ko sa internet..dahil wala akong internet..s loob ng 9 months..wala akong internet para magamit sng laptop at ma i continue ang pagsusulat..ang hirap naman mag sulat sa celfone..ang hirap te..mahirap!

7. Ang pag attend ko first time..first ever..unang una..ng Wedding Ceremony ng isang Saudi..na di mo makikita a bride ever! Para lang kaming ng attend ng awards night at kami ang pangunahing pandangal! Pictorial left and right..smile..todo smile! Pero enjoy ang first time experince ko na matikman ang Camel meat at malasing ng tea at arabic coffee! Zzzzzzzzzz

8. Pagbisita sa pinakaabangan na Chicken City! Excited na rin naman ako..sarap naman isipin na may malaking swimming pool sa gitna ng Farm!

9. Wow..na meet ko ang mg blog readers ko..(feeling madami)..hahaha..na meet ko in person ha..dito sa Saudi..sa Saudi mismo..haha..thanks nman kay Mike, Jaymar and Alex! Cheers! 10. New friends..workmates..ang saya lang to meet new friends..at makilala mo rin ang mga frienemies..hahahhaha..

(lagi na lang 10..gawin ko naman 11!)

11. Highlight ko rin na pagkaroon ko ng Nanay na healthy..reunited with my siblings..masaya ako at andyan sila to support me..enough, baka mag emote ako!

Sa 2 years ko..mas natutunan ko na mag tiwala sa sarili..at mahalin ang sarili..Lovelife? Saka na yan..makapag hihintay yan..hahahahhaa..echusera!! Hindi ko naman dapat makalimutan magpasalamat sa mga fans..at sa mga GL accounts! Hahaha..seriously, sobrang nag uumapaw sa pasasalamat ko kay dear Bro dahil kung di dahil sa kanya..wala naman ang mga ito! tuloy tuloy lamang ang saya at pagtupad ng mga pangarap..no reason to be frown..

Marami pong Salamat Lord!

“We are all inventors, each sailing out on a voyage of discovery, guided by each of private chart, of which there is no duplicate. The world is all gates, all opportunities.” – Ralph Waldo Emerson

Mga Bagong Yugto | Kapatid, Ano na ba ang Latest?

•July 23, 2012 • 2 Comments

Kapatid, Ano na ba ang Latest?

Kapatid, Ano na ba ang latest?

Ang isa sa first love ko nga yata ang mag sulat. Pero imagine, NOVEMBER 2011 pa ang last na blog post ko!!! Ang hirap ng walang laptop..or kung may laptop ka man, wala ka naman magandang internet connection..Pero na miss ko ang mag sulat..na miss ko rin i share ang mga magagandang pangyayare simula ng una ako nag bakasyon ng Dec 2011-Jan 2012. At ang pagbabalik ko sa tinaguri kong “DREAMLAND”. Mga drama ng buhay, buhay ko at buhay ng mga kasama ko (hahaha..tsismosa). Hindi bale, babalikan naman natin ang seven months na lumipas. Mahaba habang kuwentuhan na naman ito. Kakaloka lang kasi last time at may mga nagtatanong (huwaw..may “MGA”)..hahaha..kung kumusta na daw ang blog ko..ang nasabi ko na lang, sabay buntong hininga (ala ate guy)..”hayaan mo..mag susulat na ulit ako..very soon!”. at least, infairness at may nagtanong..Basta sulat lang ng sulat..kuwento lang ng kuwento..

Pero isa sa nakakamangha, napatunayan ko na very VERY powerful talaga ang internet..dahil kahit wala akong post, patuloy ang dagsa ng mga nag vi view sa mga kuwento at patuloy na nag co comment. Aba..aba..aba..helpful nga naman yata sya!!! Dalawa rin actually sa mga nag basa ng blog na ito, ang actually na meet ko dito ON SITE.. heheheheh..amazing!!! At ayon naman talaga sa statistika ng aking blog, ang busiest day was last July 21, 2012, na mayroon 124 views. Aba, 124 na tao ang nag aksaya ng panahon para mag basa..kung sino man sila, maraming salamat sa panahon.

Ano na ba ang latest? Isa lang ang nasabi ko..ang bilis ng panahon:

1. Mag first death anniversary ni Tatay sa September.
2. August na naman sa isang linggo, pagkatapos ng August..September..tapos OCTOBER..yay, 34 na ako!!!!
3. Padami na ng padami ang pinapatay na manok!! Imagine..libo libo!!
4. Loveless (hmmmmm)
5. Wagi ang career (medyo stressed lang talaga lately..ewan ba, pwede naman hindi..)
6. Miss ko na rin ang Pinas
7. May mga bagong nabili naman..
8. Nag iisip ng bagong investment
9. 100 (+) days at bakasyon na ulet..(yeyss…cobol na!!!)
10. Happy & Contented (truly)

Sa ngayon..wala akong pinag kakaabalahan kung hindi ang mag pakadalubhasa sa career. Sus, keri lang naman na hindi, at pwede naman easy lang..keri na yun..sabi nga ni Jessica Sanchez..”whatever happen..happens..” Patuloy lang ang pangarap..Naisip ko rin na ang pag susulat ko ang nakaka release din ng stress na meron ako..bukod sa pagiging abala ko sa Facebook, Twitter, Instagram..at kung ano ano pang social networking sites..hahahah..

In the meantime, ngayon ay buwan ng Ramadan..at hindi naman sinabi na bawal ang magsulat kahit daytime, nightime..noontime..walang oras at panahon! Hindi ko yata feel ang “Mga Bagong Yugto”..parang book 2 lang ng MARA CLARA ni tiyo carlo! hahahahhaha..pag iisipan ko yan.. Ang sarap din naman tumawa hanggang sa pagsulat.. na miss ko na ring ang mga nakakalokang sandali na halos ma stress ako kung wala akong ma isulat..yun feeling na “ayy..dapat meron buwan buwan..” hahahah..feeling showbiz personality..Sa isang banda naman..malaki talaga ang naitulong sa akin ng pagsulat sa pagkilala..at paghulma ng aking pag katao..

Be yourself. Above all, let who you are, what you are, what you believe, shine through every sentence you write, every piece you finish.” – John Jakes

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 32 other followers