Ako Sa Saudi Arabia (Tara Kain) | Feat. Krispy Kreme

4th July 2016

Ang Donut Bow!

image

Donut ba kamo???? Isa yan sa pinaka paborito kong tinapay..at pang merienda ang “pandesal” hahhahha..char lang, syempre ang “doughnut” or in short donut!!! ewan ko ba, basta kapag sinabing donut, ayyy hindi ko talaga yan tatanggihan. At keri kong dedmahin ang pag iipon ng dove soap, makakain lang ng donut. hahahahah. Juicecolored, long overdue na yata ang pagsulat ko ng chikka tungkol sa Krispy Kreme, inabot ng 3rd anniversary bago ko pa talaga ma ikasa ito, anyare te? hahahha. Hmp, basta ang mahalaga, ma ichikka ko ang masarap na donut at kape ng KK!! yun na!

5 years ago dahil palibhasa na sa gitna kami ng disyerto at wala kang makikita kung hindi alikabok, at kahit pumunta ka pa sa pinaka malapit na bayan, hindi ko talaga mahanap ang paborito kong donut. Maaring meron, pero wala eh..wala talaga. hahahahah. Kaya naman kapag lumuluwas ako sa Riyadh, isa sa sinisiguro ko na maka lala ako ng donut (Definition: Lala,v., kumain, lumafang, lumalala) especially DD!!! Pero ang dinadala kong pasalubong sa mga kakosa ko, ang KK o Krispy Kreme, kahon kahon..at dose dosenang Krispy Kreme ang dinadala ko pagbalik sa kampo. In e effortan ko talaga bitbitin at i byahe ang box box na donut. For some reason, meron yata talaga akong pagmamahal sa donut!! kaya nga favorite..parang love, in e effortan mo yan.

image
Krispy Kreme, Hail Saudi Arabia
image
Ramadan Kareem from Krispy Kreme

Kaya naman noong 2013, isa sa pinakamasayang moment ko na malaman na may KK na sa Hail!!!! Syempre naman hindi lang donut ang meron sila, may coffee (hot and cold), donut..at donut. Lahat yata ng mga flavoured donuts nila winner, di naman sya OA sa katamisan, pero mas winner sya i pair sa tea nila or coffee americano, hindi ko na kailangan bumyahe ng 200km or 600km makabili lang ng donut!! dito ko nga lang talaga nabibili ang KK na yan, kasi pagdating sa Pinas parang hindi keri ng budget ko..hahahhaha. dito sakto lang sa pag ka keri! Well, at least, malapit na sa akin ang comfort food ko, oi wag kang ano friend..malapit talaga ang 100km, tanong mo pa kay Senyor!! Kaya naman, sa tuwing ako eh nalulumbay, naimi stress sa work, na mi miss ang family..kain na lang muna ako ng donut, dahil napapasaya ako nito. Kaya if ever na bet mo akong bola bolahin, isang pirasong donut, tiyak mapapa tameme ako.hahahhahaha..at kung papipiliin mo ako between dove soap or donut, kiber na sa dove!! Aarte paba ako kung may mag givesung ng donut sa akin? Magi!!! basta may donut talaga happy na ako! Isa pa, dumadaan talaga ako sa KK para bumili ng Mocha Coffee or ng Cappuccino nila, at least gising gisingan ka habang nag d drive pabalik sa camp. Maka camp naman ako, ano sundala? ahhahahaha

Ang Krispy Kreme sa Hail ay pwede kang mag dine in, keri din naman ang take out, and meron ding drive thru. Ang shop ay cozy, at winner na place ng mga friends na mag chikkahan. Sa mga hindi pa nakakaalam ang Krispy Krene Ha’il ay tingnan ang mapa sa ibaba, sa mga nakakalam naman, eh di wow.hahahahha. Kita kits na kang tayo at mag donut at mag kape!

image

“Hindi hawak ng donut ang iyong pang matagalan na kasiyahan, panandalian lamang ito wag kang abusado, matuto kang makuntento!”

Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) | Ikaw Anong Theme Song mo?

18th June 2016

Ikaw, anong theme song ng buhay mo?

image
Feeling Gitaritsa – Ako Sa Saudi Arabia

Aba, title pa lang ng blog post na ito ay emote na emote na. Yun bang i a associate mo ang kwento ng buhay mo sa isang awitin? Tuloy pa ba natin? Emote ito panigurado..hahahhaa..Bigla na lang pumasok sa isip ko, at dahil na rin siguro sa kapapanood ko ng mga favorite artist ko sa youtube! Dati kasi kailangan mag tune in ka pa sa radio, abangan.ang top 10 sa radyo, hanggang nagung sa tv (mtv), at ngayon..may internet ka lang, kahit anong songs yata, makikita mo na sa youtube. Bilang OFW, libangan ko na ang makinig sa mga paborito kong awitin, bago man yan, o luma. Sa opisina, kapag nag mamaneho, kapag nag papahinga..isa ito sa aking mga stress reliever o kaya naman pam pa relax, or pampagising ng diwa.

May theme song ka din ba? Well, pwede naman happy song ang theme song buhay mo, depende naman sayo yan..hindi talaga kami makiki alam, susuportahan ka namin dyan. At hindi din naman ito limited, ang pagpili ng mga awitin na nagiging kulay ng mga buhay natin ay unlimited. Damihan mo pa para intense. Hahhaha. Kapag broken hearted ka, kaya mo kaya na mag emote kung be bersyunan mo ang “tatlong bibe”?? hahahaha..uso kasi yan ngayon. “Tatlong bibe” emote version! Oh di kaya kapag pasko, tapos ang song mo for pasko eh, “Tuwing umuulan at kapiling ka!” hahahhaha.. napapanahon, tag ulan sa kapaskuhan. Syempre naman pipili ka naman ng song na naayon sa panahon, keri lang..song mo yan eh.hahahahha. Meron ba kaming choice.

Pero, seryoso, sa sobra sobrang dami ng kanta..o awitin, parang ang hirap pumili ano? oh kaya ,ay nag lalarawan ba talaga sa isang awitin ang buhay natin. Hmmm..ako kasi, oo ang sagot, depende sa panahon at mga karanasan. Mahilig din kasi akong kumanta, kinakarir ko talaga yan dati. Dito na nga lang yara ako natigil. Ang sarap kasi, alam mo yung kapag kumanta ka ma re relax ka. Kapag may mga drama ka, kanta ka lang ng makabagbag damdaming “Gold”! hahahha. Naalala ko pa nung broken hearted ako kay ano, paborito ko talaga yung kanta ni Sarah G. na “How could you say you loved me”..yun parang andyan talaga sya sa harap mo..yung emote na emote ka, ung mga letra ng kantang un..pak na pak para sa pag b break nyo! ayyy..ang saklap! May mga ilang ulit..paulit ulit kong kinakanta yan. Tapos,meron pang isa, yung pag narinig mo..yung parang madudurog ka. Ewan ba sa mga song writers na ito. nauuto tayo..hahahah. Yung “I Love you Goodbye!” na orihinal na inawit ni Celine Dion, tapos may version si Nina! Ayyy..yun letra na, “I am not the one you needed, i love you..goodbye!” taray!!!! Giving up talaga..parang sinasabi mo na”Oo na..sya na, kayo na talaga..” ganooonnn! hahahahha. Nakakatuwa lang isipin na ang mga awitin ay malaki ang impact sa atin “psychologically”.

Pero kung may bet na bet talaga ako na song, ang all time favorite ko, yung song ni Elton John..”Your Song”, kanta ko yan sa mga naging at magiging jowa ko! Feeling ko, ako sumulat ng song. “Its a little bit, funny this feeling inside. I am not one of those, who can easily hide”. Ganda! Parang pag kinanta mo yan sa jowa mo, kayong kayo na talaga forever. Sa OPM naman, walang tulak kabigin talaga ang mga emote na emote na songs ni Gary V. Damang dama kahit ng mga internL organs mo ang bawat letra. Kapag kinanta mo ang mga songs ni Gary V., mapapa Gary V. ka rin ng interpretation! hahahhahaha.

Ang bawat kanta ay isinulat ng mga composers, dahil ito ang nararamdaman ng kanilang puso, at base sa kani kanilang karanasan. Kahit ano pa ang emosyon mo, masaya, malungkot, in love, nakipag break ka, galit, pag bangon, iba iba..galing sa iba’t ibang emosyon. Naalala ko pa nga, dahil favorite ng talaga ng pumanaw kong tatay ang “My Way”..kapag kinakanta ko talaga ito, napapluha ako. Kapag kinakanta nya kasi yan, parang talaga sya ang sumulat ng kantang un, ung bawat letra nun eh lahat karanasan nya. Kapag binasa mo naman, ay talaga naman “He did it..his way” amg pagatataguyod nya sa amin. Yung kaibigan ko naman, grabe..kapag kinanta nya ang “I Write the Song” ni Barry Manilow..hahahahahha..matatanong mo sya na “Ikaw sumulat ng kantang yan teh?..eh di ikaw na!” hahahahahha. Grabe ang emosyon nya..mapapa “I Write the song that make the whole world sings..” ka!

Yung mga pang friendship songs ko..syempre andyan ang “That”s what are friends for”, “Count on me” at syempre “Chiquitita”. Wag kayong ano, pang friendship ang “Chiquitita” pakinggan nyo pa! hahahahahha.  Kapag pang mudrakels..bet ko yung “A song for mama” ng Boys II Men and syempre ang klasik na “Wind Beneath my Wings”.

Kapag inlababers naman, yung mag i istart pa lang..hahahah..winner ang “I think i’m in love”, “Pangarap ko ang ibigin ka”, at yung “Vogue” ni Madonna! char lang yung “Vogue” pang model model yan..hahahahha. ayyy, naku emote na emote ang “A thousand years” ni Christina Perri! Kapag naman na mi miss mo sya, feel ko naman ang pag ka miss sa “I miss you like crazy”, oh kaya “get here”..”I don’t care how you get here, just, get here if you can..”

Eh yung mga pa break na..tapos galit ka pa..”Stupid Love” lang period! hahahahahhaa..kapag nag break tapos may pag hopya ka pa..number 1 na ang “Just Once”..can we find a way, to find and make it right..”Just Once”…ooohhhhh!

Kahit anong kanta o awitin pa yan..kahit nasaan ka pa, Saudi, Japan o Hongkong..sa mga kagaya natin na malayo sa ating pamilya, isa sa maganda medication? ang makinig sa mga paborito natin at mga paborito nilang awitin! Nakaka relate ako..ako pa ba? Pero tandaan mo friend, “Hindi talaga hawak ng mga favorite songs mo ang iyong kapalaran, lilibangin ka lang nito..meron kang free will, i share mo ito!” ahhahahhaha

Ikaw anong Awit ng Buhay mo? Share naman friend..or kanta muna tayo..

“Pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan pa..bakit may mahal ka nang iba? Ngunit di bale na, kahit mahala mo sya..mahal naman kita…”

Isang magandang gabi po sa lahat..mwah, mwah..lab lab! ❤️❤️❤️

Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) |Ramadan Kareem!

06th June 2016

Ramadan Kareem!

image

Ito ang aking ika anim na taon sa ika anim na araw ng Hunyo, 2016. My 6th year of Ramadan Experience today 06/06/2016. Anim na taon na ang nakakaraan simula ng una kong maranasan ang pagpapala na masaksihan ang pagdiriwan ng Ramadan dito sa Saudi Arabia. Sa anim na taon na ito, marami akong natutunan at mga nalaman tungkol sa Ramadan. Naisulat ko rin sa loob ng tatlumpung araw ang aking mga karanasan kasabay ng araw araw na gawain ng mga kapatid nating Muslim tuwing buwan ng Ramadan. Kahit naman ako kay Kristiyano, hindi naman ito hadlang upang masaksihan ko ang kahalagahan ng paniniwala at pananampalataya at maranasan ito sa banal na buwan ng Ramadan.

Marami ang mga hindi dapat gawin tuwing buwan ng Ramadan sa itinakdang oras ng kanilang pag f fasting. Kahit hindi tayo Muslim, dapat natin itong igalang kagaya nga pagalang nila sa atin. Mula sa akin at sa aking pamilya, binabati ko ng Ramadan Kareem o Ramadan Mubarak ang lahat ng kapatid nating muslim sang sulok man ng mundo.

image
Larawan mula sa Khaleej Times

Alam nyo ba?

  • Ang Ramadan (Arabe: رمضان, Ramaḍān) ay isang kaganapang pang-relihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung saan naihayag ang Qur’an. Ito ang panahon ng pag-aayuno na iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw. Nagtatapos ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari Raya Puasa. Ang pag-aayuno ay ginagawa para maturuan ang isang tao na magsakripisyo, magpakakumbaba, at maging mapaghintay. Ito ay ginagawa para sa Diyos, at pagdasal ng mas marami kumpara sa dati. Ito’y panahon kung saan humihingi ng patawad para sa kanilang mga kasalanan ang mga muslim,dasal para sa kanilang kaligtasan sa araw-araw na buhay at sinusubukang rin nilang malinis ang kanilang sarili sa pamamagitan ng disiplina at kawang gawa. (mula sa Wikipedia)
  • Ang Ramadan ay hindi lamang “banal na araw” kung hindi “banal na buwan. Ang Ramadan ang ika syam na buwan sa Hijri calendar. Halimbawa, ito ay  parang “Setyembre” na ika syam na buwan sa Gregorian calendar.
  • Hindi lang pagkain ang bawal kapag sumikat ang araw at sa paglubog ng araw, kung hindi ang pag inom. Mahigpit na ipinagbabawal din ang paninigarilyo.
  • Ang buwan ng Ramadan taon taon ay nag babago, dahil ito aya naka base sa lunar calendar. Kaya pala 5 years ago, ang Ramadan ay nagsimula noong Agosto 1. Nag uumpisa kapag nakita na ang Hilal (arabic para sa crescent or new moon) na makikita tueing buwan ng Ramadan. Kapag nakita na ang hilal, ito ang pag uumpisa ng buwan ng Ramadan.
  • Pinaniniwalaan na kaya special o di pangkaraniaan ang buwan ng Ramadan, dahil sa buwan na rin ito sinasabi na nailabas Quran, kasabay nito ang pagbibigay ng tribute sa Quran.
  • Alam nyo ba na Dates ang common na unang kinakain sa pag break ng fast, kasama nito ang matamis na juice na kung tawagin ay Jallab. Ang jallab ay isang uri ng inumin na gawa sa dates at rose water.
  • Mas late nag sasara ang mga malls, restarurants, at iba pang pamilihan. Kung sa normal na buwan, mga hanggang 11pm lang, kapag Ramadan, inaabot ito ng hanggang 2am.
  • Sa unang araw ng Ramadan, magandang batiin ang mga kapatid na muslim ng Ramadan Kareem o Ramadan Mubarak na ang ibig sabihin ay “Blessed or Generous Ramadan”
  • Ramadan at Ramzan ay parehong tamang pagbigkas nito.
  • Pangkaraniwan sa mga nag hahanapbuhay na Muslim na magtrabaho ng maiksi kaysa sa normal na araa, upang magbigay ng mas mahabang oras sa pagdadasal at pagtitika.

Mga link na makakatulong sa marami pang impormasyon tungkol sa Ramadan:

http://english.alarabiya.net/en/News/middle-east/2016/06/05/Tuesday-first-day-of-Ramadan-Saudi-Arabia.html

https://akosasaudiarabia.wordpress.com/2011/08/01/ako-sa-saudi-arabia-mga-extra-30-days-of-ramadan-experience/

http://www.khaleejtimes.com/ramadan-2016/ramadan-news/ramadan-to-begin-on-monday

“Fasting is, first and foremost, an exercise for identifying and managing adversity in all its forms. With faith, in full conscience, fasting calls women and men to an extra degree of self-awareness.” – Tariq Ramadan

Ako Sa Saudi Arabia (Faces and Places) | Doon sa Bayan ng Muhayil!

16-18 April 2016

Doon sa Bayan ng Muhayil!

image
Mga Unggoy ng Saudi Arabia!

Ito ang kuwento ng aking paglalakbay at pagbisita sa Muhayil, Assir Saudi Arabia. Anggggg layyyooooooo..ang layo layo!!! hahahhaha..kinakabahan, kinikilig, natatakot, masaya, mga emosyong di maipaliwanag, mga emosyong pang ewan. Ano ba, excited ako..excited ako na makadaan sa Abha at makarating ng ibang bayan at nayon sa Saudi Arabia. Alam ko iba ito eh..iba talaga. First tine ko makakarating doon kaya siguro ganoon ang naramdaman ko. Hindi ba kapag first time mo, excited ka. hahahhaha. Yung may halong kaba..pero masaya ka. Ganoonnn!!! Hmmm, dami rin nman kasi akong narinig na magagandang kuwento tungkol sa lugar na yon, kay Senyor pa lang hindi mo na kakayanin ang takot.hahahhahaha. Bukod sa syempre mga friends na Arabo makikita mo..champion na champion naman daw kasi ang nature doon. Mga bundok, mga unggoy, mga misteryo..naks, pa excite pa..well, nature lover and adventurous naman talaga ako, tanong nyo pa kay Ramil! Ang friend ko na nag sho showcase ng Dove soap! ahhahahah.

Lulan ng eroplano tumulak ako mula Hail, bumaba sa Riyadh, mula sa Riyadh papuntag Abha. ilang sakay ng eroplano un??? ahmmm..dalawa. Ilang oras? Ang Hail papunta Riyadh mga 45-60 minutes, ang Riyadh naman papuntang Abha, mga 90 – 105 minutes. Hindi ba nakakapagod!! dalawang domestic flight. April 16, 2016 yun..araw ng Sabado. Sandali lang..hindi pa naman dun nag tatapos ng byahe, pagdating ng Abha, nag taxi pa kami (kami, ibig sabihin may kasama ako, may dala kaya syang dove soap??) hahahaha. Nag taxi mula Abha papuntang Muhayil. Doon..doon sa Muhayil ang tungo namin. Naku..naku..naku..ipaalala ko lang ha, na ang pagpunta ko dun eh ay business trip..at hindi lakwatsa! In-experience ko lang talaga ang bawat byahe ko..ang byahe ay parang love, at ang love ay isang byahe. Na dapat kang sumakay, maglakbay, at isang karanasan. Eh di ako na ang ma emote, mag ku kwento lang tungkol sa byahe, e eksena pa ng mga love love and “hugot”!!! hahahah. Ayun na, bago pa lang bumaba ang eroplano sa paliparan ng Abha, na Afraidy Aguilar na ako sa nakita ko..puro nga talaga sya bundok..mahilo hilo pa ako. wala naman iba, kulay brown pa rin sa ibaba. Kulay brown kasi ang mga bundok kulay brown. Huminga ng malalim, at panindigan ang dala dala kong confidence!!

Probinisya!!!! Jusko, pagbaba ng paliparan..kailangan pa mag taxi dahil mga 60-75 minutes ang byahe papuntang Muhayil (paulit ulit ulit). Minsan ang takot ko eh dahil sasakay ako sa Taxi na ang driver ay arabo, tanong nyo na lang kay Joel kung bakit. Kumapit ka..dahil sigurado ako..para yang roller coaster!!! hahahahhaa..Habang nasa byahe..palingon lingon ka, chikka sa kasama mo..chikka sa driver, kahit di ako masyadong marunong mag arabic..sige lang chikka pa. Huminto ang taxi, may mahabang pila ng mga sasakyan..anu ba meron??? checkpoint???! ganon? nag tanong ang driver sa pulis, at may nililinis daw dun sa may tunnel kasi may banggaan. Hindi nman kami masyado matagl nag hintay, mga 10 minites lang..

image
Bulu bundukin lugar ng Abha

 

image
Muhayil, Assir, Saudi Arabia

Eto na..kumapit ka!!! kapit pa..akala ko ordinaryong kalsada lang..na chikka na rin naman sa akin ang daan na yan, trulali nga..dadaan kami sa gitan ng bundok, na pababa..pataas..at may kasama pang napakaraming zigzag road!!! alam mo yung tinatawag ma bitukang manok, yung daan na parang paputang Baguio??! ganoon..mas intense nga lang ito!! Aba bago pa kami tumahak sa buwis buhay na kalasada..may pa welcome pa ang mga unggoy na nag kalat lang sa gilid ng kalsada!!!! Totoo nga..nasa kalye lang sila. Kasi sa Pinas, sa zoo mo lang makikita ang mga ito!!! Pero ibahin mo ang Abha..mapapatanong ka na lang ano pa kaya ang mga klase ng hayop ang makikita mo bukod sa unggoy! ayyy meron pa pala, na realized ko ng tumingin ako sa kasama ko..hhahahha..charrr lang!! Yang mga unggoy na yan na kay ma macho, feeling ko nga may abs pa sila, naku dedma na sa abs, kita nyo nman pinkish diba? ahhahahha

Hindi ako nag karoon ng pagkakataon na lapitan ang mga friendship kong unggoy, na miss ko sila ha. Kaya naman, nakak sad na hindi ko sila nakahalubilo. hahahahah. Pagkatapos ng pa welcome ng mga friends na baboon, eto na ang scariest road ever (sa mga napuntahan ko lang ha..kaya wag kang maka compare dyan..hahahha.).  Iba..large intestines, kung large intensines..pababa ng pababa, paikot ng paikot ang mga kalsada. Kaya pala may trapik at na stop kami dun sa checkpoint, may aksidente nga, at may na tegs (sumalangit nawa), naka cover na naman ang budey! Dumaan kba naman doon tapos mag papatakbo ka ng minimum na 100kph!!! heller..kaya hindi ako sa unggoy at daan natakot, doon sa driver kung paano nya kekerihin ang 120-140 kph!! kalerks. ang dami din tunnel ng daan na iyon, ung ibang motorista, dahil ung iba care bears naman kung mag drive!!! Baka nga kesehodang ngengebels ang driver at maka aksidente pa sya, makatakbo lng ng higit sa 140kph!! ahhahahhaa. Higit kumulang isang oras ng paglalakbay at pagtakbo ng ganoon kabilis sakay ng taxi, seryoso teh, isang oras na zigzag, ispageti pataas-pababa na leveling ng kalsada. Hindi ko kineri!!! ewan ko sa kasama ko, basta ang alam ko, pag tingin ko sa fes nya..putla na sya..hahahhaha. at least hindi kulay lila. Yung eksenang hindi mo alam kung kelan matatapos ang kalasada na parang roller coaster!! yun..boom hilo! hahahha

Hindi ko na nga maalala kung anong oras kami nakarating, pero pagbaba mo talaga sa Muhayil mula sa Abha, napapaligiran talaga ang lugar na ito ng mga bundok. Literal, nasa baba ka ng napakaraming bundok. Yung karanasan sa kalsadang yun eh parang isa sa pinaka mahabang isang oras ng buhay ko. Isang pagkakamali lang ng driver…ayyy friend, tegs kung tegs ka..booog tegi! ganern..kahit na may halong kaba..takot..nerbyos..na enjoy ko naman ang napakagandang view mg Abha at ng Muhayil. Bukod dito, napakasarap din naman talaga ng klima sa Muhayil, hindi mainit..hindi rin naman malamig..alam mo ung sakto, katamataman..hindi tuyo, hindi rin naman maalinsangan. Infairness, pinag pawisan ako dun. Sa Hail kasi..ay inday, wit kang pag papawisan ng todo!

Nagpapasalamat naman talaga ako ng marami syempre sa Almarai dahil sa oportunidad na makapaglakbay habang nagt trabaho. At kay kuya Jonathan na nag hatid sa akin pabalik ng Abha. Shukran.

image
Buhangin sa Saudi Arabia

Hayy Saudi Arabia iba ka!!!👍👍🙈🙈

(Mag dadagdag pa ako ng mga kwentong ka-ungguyan pag naalala ko..hahahha)

Ako Sa Saudi Arabia (Faces and Places) | Good luck Alex!

3rd June 2016

Good luck Alex!

image
“Hiniram ko sa Facebook ni Alex” – Si Alex sa Saudi Arabia

Time out nga muna tayo sa mga kaek ekan at sa mga kwento ng dove soap. hahahhaha. At mag f feeling close muna ako kay Alex! Today, as in ngayon ang last day ng friendship at ka trabaho namin na si Alex! last day lang naman dito sa Hail, dahil lilipiat na sya sa Al kharj, Saudi Arabia. Mamaya ko na kukuwento kung saan ang Al Kharj at kung gaano kalayo or kung malapit man sya sa Hail. Dahil itong kwento na ito ay para kay Alex!!! kay Alex..kay Alex..kay Alllleexx!! hehehe.

 Si Alex..special na tao para sa akin si Alex, dahil isa sya sa masugid kong taga basa ng mga ka ek ekan ko sa Blog na ito. Bago pa sya mag Saudi noong 2012, nagbabasa na sya. Kaya noong first day nya dun pa sa lumang planta, na meet ko sya at nag pakilala sya at sabi nya na kilala na nya ako dahil sablog na ito. Naks sikat.. hahahhaha. hindi ba naman, nakakatuwa naman isipin na makikilala mo ang mga nag babasa ng mga kwento mo sa mga hindi inaasahang pagkakataon..parang love lang..hahhahaa..dito ko na kaya matagpuan ang forever love ko? sige..expectorant ka pa! hahahha.. Kaya naman si Alex ay special sa akin at deserve na deserve nya na maisulat dito bilang pag pupugay sa isang taong totoo naman na ni rerespeto ko on and off camera. Hindi man kami ganoon ka dikit talaga (i mean close) pero kapag may mga tanong naman ako at panganagilangan na payo pagdating sa trabaho, naasahan ko talaga ng bongga si Alex. Hindi ko talaga sya tatawagin na kuya dahil matanda talaga ako sa knya ng dalawang buwan. umaamin ako sa edad ko!! hahahahha..Madalas nga kami napagkakamalan na magkapatid. Wala naman akong choice, shut up na lang..charr lang Alex.hahahhaa

image
Ako at si Alex sa Saudi Arabia

Kaya naman sa huling araw naman nya dito kasama namin sa Site, eh dapat naman talaga na i celebrate at walang kadudaduda na hindi sapat ang isang box na dove soap para kay Alex. Salamat sa free lunch ngayong araw na ito, at sa mga susunod pa na mga lunch at dinner. Pinagmamalaki ko na naka trabaho ko si Alex..period!!! Sa bagong hamon na haharapin mo at sa panibagong adventure mo sa iyong karera, ang hiling ko ay patuloy mong tagumpay at kasiyahan para sa sarili mo, mga kaibigan at pamilya. nu be yen, emote kung emote!!(bakit ba ako ganito ngayon dahil ba 25 years na ang MMK???!). Isang bagong panimula sa iyo, at sa amin dito..mag a adjust sa kapalit mo..hahahahahha. Shukran at Mabrook Alexander!!! achieve na achieve mo yan..Muli salamat sa pagbasa mo ng mga kuwento ko at kwento nating lahat at maraming salamat din sa pagbibigay mo ng inspirasyon sa aming lahat.

image
Si Alex at sila.
image
Kuha sa Ash Shinan Crater 2012

Ciao Alex! Ang kanta na i d dedicate ko sayo? One Call Away ni Charlie Puth! ☺️☺️☺️☺️

 

Ako Sa Saudi Arabia (Ang Sa Akin Lang) | Bakit Tagalog at Hindi English?

2nd June 2016

Bakit nga ba hindi English ang Blog na ito, at isinulat sa Filipino?

image
Ash Shinan | Hail

Tinanong kasi sa akin yan ng isa kong mausisang friend, actually mapanuri kong kaibigan..hahahhaha. na bakit daw isinulat ko ang mga kwento ko sa tagalog at hindi English, para kahit daw mga banyaga maintindihan nila. Isa lang nasabi ko, “pakelamera mo mars!” hahahahha.. char lang. Ang totoo yan, wala naman talagang eksaktong dahilan bakit tagalog..yan siguro ang nakasanayan kong paraan ng pag sulat. Ang sabi ba naman sa akin, siguro hindi winner ang english mo, ang sabi ko naman kay friend, “Mars..ang judgemental mo, eh di ikaw na..ikaw na ang best in english, most articulate, honorary in english communicatio..ikaw na, ikaw na..ambisyosa!” hahahah. Simple lang naman ang reason, and i will write that in english, naku prepared ba ako dito, baka mahusgahan ako ni friend na nag doctorate ng english eklaver sa Alaska!!! hahaha..

“Well, the reason behind why i wrote my stories in Filipino is because my chosen audience are my countrymen, the Filipino people. I would like to tell them my stories the way that i can communicate the stories at least as closer to my emotions similar to their emotions as possible. I believe that it will be more easier for them to relate to the stories as i can effortlessly put some humor on it, not because they will not understand the story or the message in English, but i believe it creates more excitement to my readers and i don’t see anything wrong with that at all. Furthermore, I wanna show the world (the universe rather) that writing and reading my stories in Filipino is intended for my confidently beautiful countrymen. Thank you!!”

Sa wikang filipino:

“Ang dahilan ng pagsulat ko ng lathala na ito sa wikang filipino at hindi sa wikang ingles ay dahil ang piling mambabasa nito ay ang aking mga kababayan, ang mga Filipino. Gusto kong ipahayag sa kanila ang mga kuwento sa paraan na mararamdaman nila ang puso mg mga kwento na malapit sa emosyon na kagaya ng sa kanila. Naniniwala ako na mas madali nila itong mauunawaan at maihahalintulad nila ito sa kani kanilang sariling karanasan dahil madali ko rin itong ma hayag sa simple at “nakakatuwang” paraan at wala akong nakikitang mali dito. Gusto kong sabihin sa mundo (ayy sa kalawakan pala) na ang pagsulat at pagbasa ng mga kwento at lathala ay nilaan para sa mga matatag at magagandang lahing Filipino. Maraming salamat!”

hahahahaha..naitawid ko ba mars ang explanation ko sa wikang ingles at hindi mo na kailangan ng interpreter!! na bigyan ko ba ng hustisya at tamang lohika ang dahilan kung bakit wikang Filipino at hindi english ang blog na ito? hahahhaha..

Ang sa akin lang, kahit ano pang lenguwahe o dialekto kung sinsero ka sa mga gusto mong ipahayag, hindi para maging in o magpasikat, dahil masaya ka sa ginagawa mo eh bonggang bongga ka dyan mars! Tandaan mo na ginagawa mo ang bagay na ito na sana upang makapag pasaya, makapag inspire, at makatulong sa mga nangungulila mong mga kababayan sa ibayong dagat, kasabay ng iyong pag lilibang sa mahabang panaho na inilalagi mo na malayo sa iyong pamilya. Sabi nga, nalibang ka na..nagamit mo ang talento mo..masaya ka pa! eh di ako na!! hahahhaha..

yan ang tinatawag na “ako sa saudi arabia version 2.0!! simple lang naman ang pinang gagagalingan nito, tamad na tamad ako at walang magawa kung hindi ang tumutok dito magsulat ng kahit ano sa ilalim ng araw!

Tandaan, hindi hawak ng blog na ito ang mga desisyon mo sa buhay, wag ka masyado mag pa apekto. Gabay lamang ito at mga kwento. Meron kang free will at sarili mong kwento..i kwento mo!” 😍😍😍