Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang Hirit)

Hindi ko naman naisip na mag blog talaga..naisip ko lang na isulat ang mga kaganapan sa aking journey sa unang pagtapak ko sa Kingdom of Saudi Arabia apat na buwan na ang nakakalipas. Inumpisan ko ang mga kwento sa aking facebook account..di ko naman maiisip na magugustuhan ang aking “libreng nobela”. Gusto ko lang malibang ang aking sarili at maipahatid sa lahat ng mga mahal sa buhay sa Pilipinas, para naman madala ko sila dito kung saan man ako naroroon sa pamamagitan ng aking kwento. Feeling ko naman ay nadala ko sila..maraming nagpahayag ng kanilang saloobin, mga kumento, maraming nagustuhan (nag like)..maraming humirit..kahit di pa tapos ang kwento hanggang sa kasulukuyan..at tinulak ako nito papunta dito sa blog site na ito..

Sino ba ako??? Ako si Ariel (kung tawagin nila Ayie), taga Maynila pero lumaki sa Cavite..isang simpleng empleyado sa Pilipinas ng humigit kumulang nag labindalawang taon. Naisipan at nagbakasakali na mangibang bayan, at nag bigyan naman ng isang magandang pagkakataon..nang una kong nalaman na may pagkakataon ako na makapunta sa Saudi Arabia, nasabi ko na lang..THIS IS IT! eto na ang pagkakataon ko..

Mga dalawang oras na ang nakakalipas bago ko i-create and blog site na to.. may natanggap ako na mensahe mula sa dati kong boss bago ako lumipad patungo dito..at ang nilalaman ng mensahe sa aking facebook account?

Chona Valles January 21 at 6:25pm Report
Hi Ariel,
I’d like to suggest that you start a blog for your Saudi Adventure journals. It is easy, just go to world press and start one! You can do so part by part and add photos, etc.
You can then post on FB that you have a blog and invite all your friends to read – or you can email your blog link to each!
You can cut and paste what you already wrote for the first two or three parts of your blogsite and then go on from there.
Looking forward to reading your blogs.
Chona

At sya ang nagtulak sa akin (dahil isa syang mahusay na manunulat) na umpisahan, ang totoo..ni wala sa hinagap ko na gagawin ko ang blog na ito..pero feeling ko naman sa mahabang panahon ng aking hihintayin sa aking muling pagbabalik, sa ngayon isusulat ko muna ang lahat..

Sa aking journey sa Saudi Arabia..dadalhin ko kayo kung sa bawat sulok kung saan man ako pupunta..at susubukang ipapakilala sa inyo ang mga taong makakasalamuha..at sa bawat paghinga, pagtawa at pagluha..pagkabusog..pagkadapa..at PAGTATAGUMPAY..at sa bago kong mundong ginagalawan, SAMAHAN nyo ako at kikilitiin at bubusugin ko kayo sa simple ngunit kakaiba kong karanasan sa Saudi Arabia…

Ito nga ang journey ko..Ako Sa Saudi Arabia!!

MABROUK!

“Imagination is the beginning of creation. You imagine what you desire, you will what you imagine and at last you create what you will.” – George Bernard Shaw, Playwright

11 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang Hirit)

  1. wow! this is it talaga.. eto mas maganda para andito na lahat. una mokong fan dito promise! try mo tingnan yung kay kbrosas.wordpress.com may mga video..try to learn how to put videos para mas bongga ang adventure ng chika..hehehe hope to see more posts from you ayie. ingat palagi ha…

  2. Bongga ka kapatid! This is an accomplishment! Congrats! Teary eyed nman ako for you ngayn pa lang…looking forward for more adventures! Mwaaah mwaaah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s