Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Ang Pagsisimula”

SEPTEMBER 30, 2010–>Ganap na alas dos ng hapon (2:00PM KSA Time – 7:00PM MLA Time, Limang oras ang advance ng oras ni Pilipinas sa Saudi)..lumapag ang Philippine Airline sa paliparan ng Kingdom of Saudi Arabia..pagkatapos ng mahigit kumulang na 10 oras na byahe..kasama ko ang iba pang 18 na OFW na nakilala ko sa airport sa Pilipinas na pare pareho kaming pupuntahan na company..

KABADO..MASAYA..MAY HALONG KONTING TAKOT..HALO HALONG EMOSYON..

Pagkakita ko pa lang sa bintana ng eroplano..sa labas ay puro disyerto..waaaaaaaaaaahhhh..as in kulay brown talaga..pakiramdam ko napakainit sa labas..NAPALUNOK talaga ako..oooppsss, NSA SAUDI na nga AKO!!!! san ka nakakita ng isang paliparan na nsa gitna ng disyerto..na kpag tumanaw ka ng mga 360 degrees eh lupain ng disyerto tlaga makikita mo…

Hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin, basta ang alam ko lang wala na akong choice na mag back out kung saka sakali..bilang na bilang ang kilos ko, dahil baka mahalata ng mga pulis at mga security..or kahit ng mga taong kasabay ko..DEDMA lang..basta sabi sa Pre-Departure Orientation Seminar o PDOS sa Pinas, wag kang titingin sa mata (or eye to eye)..dahil baka may isipin silang iba..Dapat ALISTO lagi..di pwedeng kukupad kupad..eto na puro ibang lahi na nakikita ko, di ko pa alam kung paano malalaman..kasi ang alam ko lang mga indiano..saudian..isa lang alam ko sa mga oras na yun..ang makalabas ng AIRPORT na yun at makapunta na sa dapat patunguhan..

Dahil mga turista at lalo na ako bagong salta (first timer kumbaga)..kailangan pang dumaan sa kung ano anong security check..PUMILA kame ng pagkakahaba habang pila, na inabutan namen ay puro mga PAKISTANI..at mga INDIANO..palipat lipat ng pila, na di ko rin maintidihan kung anong gustong mangyare ng mga SAUDIAN AIRPORT SECURITY..hindi ko alam kung nkaka cu culture shock ba ko ng mga sandaling iyo pero sadyang nagugulat din ako sa mga nasasaksihan ko..

(1) mga Pakistani na pare pareho ang outfit, mgkakaiba lang ng kulay..mahabang pantaas na damit na hanggang tuhod at parang panjama..karamihan sa kanila eh may makakapal na bigote..na alam na alam mo kung anong magiging trabaho nila doon..ANONG SINABI nila sa Pinoy, na kuntodo ang MALETA..hahahhaha

(2) mga INDIANO..na akala mo mag a attend ng binyag..infairness sa formal outfit, with matching attache case ha..parang abogado, na pormang porma din nman ang mga bigote..

(3) mga SAUDIAN, na manghang mangha talaga ako sa outfit ng mga lalaking saudi, at

karamihan sa mga nakita ko eh puro matitikas at mababango..at ang mga babaeng saudian na mga naka abaya..

(4) ang kinagulat ko sa lahat, ang lantarang beso beso kaliwat kanan pisngi ng mga lalaking saudian..winner!!

(5) at iba ibang LANGUAGES ang naririnig ko..na parang pumasok ako sa isang SYMPOSIUM..na ang topic ay..SAVE THE WORLD, SAVE MOTHER EARTH..at may iba ibang representatives from different countries..winner!!

Ganyan ko nilibang ang sarili ko habang naghihintay ako ng turn ko na makuhanan ng finger print sa kanilang biometrics..para ma rehistro na ako ay official na pumasok sa bansa nila..at nag pa litrato habang kinukuhanan ng finger print..PARA BA NOONG FIRST TIME AKO KUMUHA NG NBI Clearance..HAHAHHAHA..Ganupaman, hindi naman ako nahirapan, infact ang bilis ko sa mga security dahil kailangan ng immigration officer na ilagay ang finger print number..di kagaya nung iba na grabe, akala mo may mga kasalanan sila. May ilan pa nga na pinapapunta pa sa loob ng room ng immigration, di ko alam kung anong gagawin..siguro para tanungin ng ilang bagay..kaloka..hahahhaha..NAKAKATAKOT kasi talaga ang mga hitsura ng Saudi Security (though may mga dating talaga), dahil kaya sa bigote nila??? sa height?? sa ganda at tapang ng mga eyes nila?? o kaya sa taas ng pagkaka TUCK IN ng kanilang POLO..hehehehehehe

Habang nasa laob ako ng paliparan, patuloy ang lakas ng kabog ng dibdib ko talaga..na parang any moment, may dadampot sa akin at kung saan ako dadalhin.  Pero relax lang ako di ako nagpapahalata..buti na lang tama ang naisuot kong damit, at least, medyo pormal..at kayang itago ng outfit ko ang kaba ng dibdib ko, at kung ano ano pang bagay na naiiisip ko..hayyyy…

Nung makuha ko na ang passport ko, ang saya saya ko at kahit papaano ilang minuto na lang eh mkakalabas na ako ng airport kasama pa ang iba..INFAIRNESS, mabilis ko nakuha ang bagahe ko, at hindi na nman binuksan..wala din nman syang makikita at wala akong dala na kahit anong gadgets..MEDYO MAHIGPIT KASI SILA TALAGA PAGDATING SA MGA ELECTRONIC GADGETS..or di ko rin alam baka WEATHER WEATHER lang din. Dahil may hawak kaming mapa, na akala mo kasali kami sa Amazing Race, ang mapa kung saan kami uupo at maghihintay ng aming sundo..di pwede pumunta kung saan..at baka MAHABLOT ka na lang bigla (pag iisipin mo nkakatakot ano)..hahahhahahahha..AT HUWAG MAKIKIPAG USAP SA KAHINA HINALANG TAO..kasi meron talagang mga pagala gala sa airport na magpapanggap na sila ang EMPLOYER mo hindi naman pala (ito ay para kuhanin lang ang passport mo para gamitin ng iba, ang masaklap pa kung anong worst ang pde mangyare kapag nangyare yun)..ilang oras din kami naghintay at dumating na ang sundo namin..DALAWANG PINOY na naka uniform ng ALMARAI! Hindi ko nakuha ang mga pangalan nila, pero nalaman ko na ang EXECUTIVE DRIVER daw yung isa sa kanila..at si SISTER taga opis.  Mula 2:00PM pagdating namin, mga bandang 7:00 PM (12Midnight sa Pinas) na kami nakalabas ng airport sakay ng company coaster at ang aming driver na isang NEPAL national na si Ashok.  WOW!!! may mga taga Nepal din???ilang kayang NEPALI ang meron sa Saudi?? (at napaisip tuloy ako..)

From Riyadh Airport to Almarai Villa, mga 20 minutes din ang travel..MADILIM na ang paligid ng mga oras na yon, kaya di ko na masyadong ma explore..PERO IBANG IBA talaga ang nakikita ko..WALANG NAGLALAKIHANG BUILDING..MAINGAY NA KALSADA, TRAFFIC SA EDSA, MA-TAONG BACLARAN, MAUSOK NA KALYE, MASIKIP NA KALSADA..AT WALANG JEEPNEY!!! Wala akong matanaw kung din malalaking kalsada na parang NLEX sa lapad..may mga ilang billboard din, pero di kagaya ng sa EDSA..iba ang simoy ng hangin..amoy buhangin..slightly humid..OOPPSSS..tumunog ang CELFONE ko, isang TXT MSGE mula sa aking mahal na ina..”Anak ok lang ba ang byahe mo, mag iingat ka lage, God Bless anak..Mahal ka namin”..BONGGA ang mader ko ano!!! hahahahha..infairness, bigla ko naisip na BIBILI AKO AGAD NG SIM CARD..para ma UPDATE ko lahat ng tao na naghihintay ng UPDATE from me!!!!

Hindi ko namalayan ang 20 minutes…dumating na kami sa VILLA ng Almarai!!!! Isa isa kaming bumaba mula sa COASTER at kinuha ang mga maleta..at isa isa na kaming papasok sa ANIMOY BIG BROTHER HOUSE!!!! na hindi ko alam kung ano ang nsa loob nito..

Eto na, mas lalong tumindi ang excitement ko dahil talagang halatang halata ang pagka INOSENTE ko ng pumasok na kame ng MALA PALASYONG PINTUAN ng Almarai Villa, un bang feeling mo eh ala Museo na pintuan, maganda ang grills ng pintuan, ang pinto na made of fiber glass yata iyon, di man ako sigurado pero maganda..na three story na parang pwede rin i compare sa isang class na dormitoryo.. (Sa Almarai Villa kasi dinadala ang mga bagong dating na emplyedo ng Almarai at maghihintay ng schedule ng kanilang deployment kung saan man ang kanilang work assignment. Dito rin nag s stay ang mga galing ng bakasyon)..Hmmm, sa tabi ng villa may isang malaking Mosque! WOW..na excite talaga ako sa bagong environment ng mga oras na yon..

Sa koridor ng VILLA, tahimik..ang foot steps at boses mo ma echo..sunod lang ako sa mga kasama ko habang nag o observe sa paligid at dala dala ko pa rin ang gusgusin ko ng maleta dahil sa ALIKABOK!  Hinatid kami ni Ashok paakyat..hanggang third floor at dinala kami sa aming mga temporary rooms!! Nakakaloka!! mga 16 na tao ang kasya sa isang room!! wait double deck naman yun..May naabutan kami na Indiano (di ko na rin natanong ang pangalan, at mukhang di naman sya interesado sa ken..hahhahahah)..Pumuwesto na ko ng aking pansamantalang higaan, MALAMBOT NA UNAN, BONGGANG COMFORTER at AIRCONDITIONED na ROOM (malayo sa dati kong mga gamit sa inuupahan kong kwarto sa Pinas!! SUSHAL!!!) at least makapag pahinga habang naghihintay ng DINNER..NAIISIP ko nga noon na pakiramdam siguro ng mga kasama ko medyo SNOBBED yata ako kasi seldom lang ako nagsasalita (alam nyo na kung baket..HAHAHHAHA).  Halos wala nga yata akong kahit TEMPORARY FRIEND..oopps except for Kuya Boyet, na feeling ko eh laging nag aalala at binabantayan ang bawat kilos ko..

ETO NA..ang dinner ay ready na!! tanda ko pa ba kung anong food ng mga oras na yon?? AHHHHH..PAKSIW NA BANGUS!!! excited pa naman ako sa food, kasi akala ko LOCAL DISHES makakain ko..hahahhah..HINDI pala, kasi meron talaga silang PINOY COOK, at separate na canteen for PINOY..ONLY FOR PINOY..WHERE FOOD IS PINOY NA PINOY!!! Anyways..wala naman ako choice! gow lang, infairness eh masarap naman ang PAKSIW NA BANGUS!!!

After ng dinner, di na ko masyadong nagtagal sa canteen kahit na may TFC pa (The Filipino Channel), umakyat na agad ako sa room kahit wala naman akong gagawin..humiga at pinili na lang na magpahinga at mag muni muni.  Dahil ba naman sa kilala ako ng mga pamilya, kaibigan at mga kakilala na ADIK ako sa Celfone, Internet..MY GOSH!!! Ma su survive ko ba ang first night ko??KAKAYANIN ko ba??(as if may choice ako..) yan ang tanong ko sa sarili ko..ano ba meron ako noon para malibang? PHONE lang ang meron ako!! ang DUAL SIM kong CELFONE! na WALANG MUSIC dahil di ko na rin piniling lagyan pa ng memory card at baka i check pa sa airport!!!at matagalan pa ko sa paguusisa nila.. SO ANONG NANGYARE?????????

1. NA MEMORIZE ko yata lahat ng mga text messages sa celfone ko..hindi rin ako makapag text kasi hindi pa rin ako nakabili ng SIM CARD kasi gabi na noon wala na kong mabibilhan!

2. NAKABISADO ko na rin ang mukha ng mga kaibigan ko sa mga pictures namin na dala dala ko dito sa Saudi.

3. Naglibang libang kakapindot ng ceflone, para masabi lang na busy ako..at laruin ang puzzle game na mukha ni MONA LISA ang nasa puzzle..

4. at paulit ulit na basahin ang PDOS handbook, makatulog lang bilang PAGHAHANDA sa unang ACTIVITY ko kinabukasan…at ang itinakdang CALL TIME??? 6:00 ng UMAGA…HAHAHHAHAHA!!

Ang Karugtong – Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Ang Unang Umaga at Kabsa”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s