Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Ang Unang Umaga at Kabsa”

-5:00 ng Umaga, Biyernes: October 1, 2010-

“Hi Sir, where can i get COFFEE???”

Yan ang tanong ko sa lalaking inabutan ko sa kitchen ng canteen (lalaking medyo singkit, maputi, at may bigote at nasa 48 ang edad, standard na hitsura ng mga nag sa saudi ng kapanahunan nya)..HINDI KO SURE kung PINOY ba sya, dahil nga sa singkit nyang mga mata…ang tagal nya bago sumagot, tiningnan lang nya ko ng mga ilang segundo at sabay SABI…..”naku naman kaibigan, wag mo akong inglesen, at pareho tayong pinoy”..so siyempre naman nagulat ako at napahiya at di ko inaakala na ganun ang magiging reaksyon nya, at kumbaga para lang sigurado. Nag smile lang ako sa kanya, sabay sabi ko na lang..”ay pasensya na po kayo kuya”..hahhahaha..itinuro naman nya sa ken kung nasan ang kape, at kinuwentuhan nya ako ng kung ano ano, pati tungkol sa pamilya nya at kung ilan taon na sya nag ta trabaho sa Saudi..at ang kung ano ano pang naipundar nya, sa kanyang pakikibaka sa Saudi..ang pangalan nya ay si MANG ERNING.  Mabait naman, simula ng araw na yon, kapag nakikita nya ako..lagi nya akong binabati at di nya nakakalimutan ang kanyang bating panimula sa ken na “OH MY FRIEND..WHAT DO YOU NEED???” na hindi mo alam kung sincere ba sya or SARCASTIC!!! Pero mas lamang ang feeling ko na sarcastic sya, at mukhang na I TSISMIS na nya ako sa iba pang PINOY na andon sa Villa.  Pero dedma lang ako, at hindi na sya masyadong inintindi..infairness to MANG ERNING eh inasikaso naman nya ako habang ako ay nasa Villa at infairness ulet kay MANG ERNING eh masarap syang magluto..dahil dyan, meron syang 3 ½ knives sa ken. PASADO ANG MARKA para maging isang ganap na CHEF..kaya pagbalik ko ng VILLA, sa aking pagbabakasyon..CHEF ERNING na ang itatawag ko sa kanya!! HAHAHHAHAH

Palibhasa Biyernes yun, nalaman ko na wala palang office kapag Friday, at kumbaga yun ang kanilang weekend dito sa Saudi.  Hmmm..kaya ang endin, BUONG ARAW na PAHINGA na nman..so ano na naman kaya ang pwede kong gawin..HUMIGA AT LARUIN ANG CELFONE!!!!

Bumili ako ng sim card para maka communicate ko ang mga naiwan ko sa Pinas, at ang kauna unahang kong sim card?? Siyempre dahil LOYAL ako sa GLOBE!!! Globe operated ang binili ko..MOBILY SIM CARD…sa halagang 40 Saudi Riyals (SR) may sim card na ako..hmmmm, magkano ba yon sa PESO?? 480 Philippine Peso (PHP)..aba may kaMahalan..pero wag na lang I convert para isipin ko na lang na ang pagkakabili ko eh 40 PHP instead na 40 SR. Not bad, kasi may free na itong 10 SR na load, PLUSSSS 10 SR na bonus..so ang TOTAL load ko ay 20 SR.  (sa mga mag co compute, 240 PHP ang free na load..hahahahha). SINUBUKAN kong tumawag sa PINAS..at ang una kong tinawagan, siyempre mabait na akong ANAK eh, ang NANAY at TATAY ko..hehehehhe. .at ang aking BEST FRIEND na si ED MAD..upang ibalita na ako ay SAFE at nasa SAFE na lugar na..MGA LUNCH time na nang tinawagan ko ang isa ko pang BEST FRIEND na si JEROME, na nasa RIYADH, Saudi Arabia din nag ta trabaho..after ng tawag ko na un kay Jerome, sya naman ang tumawag sa ken..and na invite nya ko for a DINNER ..hmmm, MAKAKAPASYAL din ako kahit saglit lang ako sa Riyadh..bago man lang ako itapon sa probinsiya..AT ANG CALL TIME?? 7pm..EXCITED din ako at after a year bago pumunta si Jerome ditto sa Saudi eh magkikita ulet kami..AND IMAGINE sa SAUDI pa!!! excited din ako at para Makita ko naman kung ano mang meron sa labas ng Villa..anong hitsura ng mga mall..landmarks..mga tao..at kung ano ba talaga ang kanilang kultura..BIGLA tuloy ako naintriga sa kung ano man ang meron sila..iniisip ko na agad na dapat CAREFUL ako, at kung ano ang magiging kilos ko..PARA AKONG A ATTEND NG ISANG PARTY..na di ko kilala MASYADO o di kaya HINDI KO TALAGA KILALA TOTALLY ang mga taong maabutan ko sa PARTY!! Isa lang ang alam ko..kailangan kong mag enjoy at wala naman akong ibang gagawin kung hindi mag enjoy ng simple..hindi marahil katulad ng alam kong pag e ENJOY sa Pilipinas..pero DEDMA na bago naman ito lahat sa paningin ko eh.  MINSAN lang naman ang ganitong mga opportunity so I ENJOY!!!

Habang nag hihintay ako ng oras nang pagkikita naming ng kapatid na JEROME, tinawagan ko rin ang kaibigan na si Victor, gusto ko sana syang surpresahin pero di ko na rin natiis..hahahahhaha..tinawagan ko pa rin sya..(Si Victor ay nakilala ko nung nagta trabaho pa ko sa MOFELS, at sya ay representative ng aming client na RFM- Swift).  Si victor din ang nag guide sa ken papunta ng Saudi Arabia, dahil nga nauna sya sa akin ng mga 3 months..nakasabay ko rin sya nung panahon na ininterview kami ng employer.  Kaya kahit paano eh marami na rin akong nakuhang pointers from Vic.  And I know super excited din sya na makarating ako ng Saudi..isa lang nasabi nya pagkatawag ko..”SABI NA EH, ANJAN KA NA EH!!!”..very obvious naman na super excited sya..hahahhahahha..ewan ko siguro na I tsismis na nya yata sa lahat ng mga tao sa planta na parating na ang nag iisang “DYOSA”!!!!

Nagpahinga muna ako sa BIG BROTHER room pagkatapos kong makausap si Victor, dahil sa wala na akong mapaglibangan..ginawa kong libangan ang mga tao sa paligid ko..HAHAHHAHAH..at pinagmamasdan ang mga kilos at galaw ng mga kasama ko at ng aking paligid..

  1. Meron 1000xxx na yata nya nakalikot ang kanyang laptop..kahit walang internet. Yun bang tipong Masaya na sya na nakikinig ng music kahit paulit ulit..
  2. Meron naman ilang beses pabalik balik..mula sa higaan papunta sa labas..labas pasok..di alam kung anong gagawin, siguro naiinip..at walang ginawa kung di mag yosi mag yosi mag yosi..
  3. Meron naman, nagkasya na sya dun sa kanyang bed, nakatitig lang sa kisame..nag smile naman kapag kinausap mo..hahahhaha
  4. May maingay..Meron din nakuwento na ang kanyang talambuhay..meron naman telebabad sa celfone..maya maya nag lo load..inubos na yata ang baon na pera sa kakatawag sa mga mahal nya sa buhay..imagine ha, 2nd day pa lang un..paano pa kya kung lumipas ang ilan pang mga araw..ilang libong load kaya magagastos nya..
  5. Meron naman yung isa, na kwento nya kung bakit sya na terminate at bakit nya sinuntok yung kasama nya..KALOKA!! proud pa sya non ha…habang kinukwento nya..
  6. At si kuya, na sinundo kagabe ng kanyang kapatid..IBINIBIDA naman nya ang kanyang BAGONG RUBBER SHOES na binili ng kapatid nya..(UPDATE: kamakailan lang nabalitaan ko na umuwi na ito sa Pilipinas dahil di na nya kinaya ang HOMESICK..)
  7. At ang maya’t mayang naririnig ko ang pagdadasal na nag mumula sa katabi naming moske..

Hindi ba nakakainip na pagmasdan mo at pakiramdaman mo ang lahat ng tao sa paligid mo dahil wala ka ng gagawin sa sobrang pagkabagot..or kung hindi man..MATUTULOG ka na lang…habang ako, may sarili rin mundo HABANG nag hihintay ng takdang oras ng pagkikita namin ni JEROME…

THIS IS IT!!!! 6:30PM nag RING ang PHONE ko…tumatawag ang kapatid na JEROME!!! At papunta na nga sila sa VILLA, at tinatanong kung san ang EXACT location ko..dito ko rin nalaman na ang palatandaan kung saan ang malapit ang lugar mo eh kung saan kang EXIT! At iyon ang gagamitin nilang ladmark para alam agad ng TAXI driver..Ang Almarai Villa ay nasa EXIT 17…hindi ko alam kung malapit ba iyon or malayo iyon sa kanyang location..basta ang alam ko PAPUNTA na sila..Medyo natagalan din sila dahil kahit na sinabi na ng kapatid na JEROME sa taxi driver ang location ng Almarai Villa ay nagkaligaw ligaw pa rin sila..nakailang tawag din sya bago pa nila natunton ang exact location ko..nag hintay pa ko sa labas, kahit medyo nakakatakot..para abangan ko sila, kasama yung isang pinoy na kasama ko.  Yun bang tipong naghihintay ka sa parating mong bisita sa kanto ng Barangay or ng Village nyo para makita ka nila agad ng hindi na sila maligaw..marami man nagging hassle eh nakarating din naman sila..hahahahha..Pinatuloy ko muna sila (kasama si Joel na friend din ni Jerome, na first time ko din naman na meet..) sa BIG BROTHER HOUSE..hahahahhahaha para makita nila ang room at kung sino ang mga kasama ko..AYOS!! at ready na kami pumunta sa kung saan man kami mag di dinner!!!

Sandaling nagpaalam muna ako sa aking mga kasama, para sa aking mabilisang pamamasyal..nagbilin na rin at baka makatulog sila, at walang magbubukas sa kin ng main door..at kahit si BIG BROTHER eh makatulog sa paghihintay..

Well..tanging TAXI lang ang available na transportation..lalo na kung wala kang sariling sasakyan..di kagaya sa Pilipinas na madaming iba’t ibang klase ng transportation means ang pwede mong pagpilian..At palibhasa kami ay nasa Saudi..doble pag iingat.  NUMBER 1 RULE?? HINDI PWEDENG BUMIYAHE NG MAG ISA!!!! Dahil marami na rin mga napabalitang iba’t ibang klase ng KASO o hindi kanais nais na PANGYAYARI sa mga ibang tao (pinoy man o ibang lahi)..galing na rin sa KAPWA Pinoy..totoo man o hindi, DOBLENG PAG IINGAT ang kailangan..Hindi naman kami nahirapan na makapag taxi..at ang DRIVER ng TAXI?? PAKISTANI…obviously dahil sa kanyang PAJAMA inspired na OUTFIT!!! Habang nasa kalye papunta kung saan man..isang INOSENTENG ayie na naman..at walang ginawa kung di tumingin sa paligid..IBANG IBA talaga ang PALIGID..tama nga ang kwento sa akin ni Ms. Chona (ang isa sa boss ko sa MIDA)..na ang Riyadh, Saudi Arabia ay COSMOPOLITAN..hindi kagaya ng inaakala ko na Saudi Arabia..na para bang isang MALUNGKOT na probinsiya..hindi man ito kagaya ng BAYWALK or MAKATI sa Pilipinas na may PARTY PARTY sa kalye..pero ang sentro ng Riyadh ay isang MALIWANAG at MALAKING SIYUDAD..ibang klase ang mga infrastructures..kahit mga simpleng bahay..animoy mga malalaking BRICKS..na lumitaw mula sa ilalim ng DISYERTO…

Dinala nila ako sa GRANDA MALL..CARREFOUR..isa sa pinaka sikat nag MALL sa Riyadh..10 riyals yata ang binayad nila na mga 10-15 minutes ang travel time from Almarai Villa! Ewan ba, pero manghang mangha talaga ako..at BONGGA ang mga outfit ng mga local Saudis..kaya ang daling ma identify sino ang Saudi..at kung sino naman ang ibang lahi..PERO PERO PERO..ung mga girls na naka abaya, ok lang kung pa isa isa mo silang makikita..PERO….kapag isang grupo na sila..GRABEEEE..pakiramdam ko eh ISA ISA silang LILIPAD…AHAHHAHAH..mata lang ang makikita mo talaga! Meron naman, pati MATA may takip!! INFAIRNESS..kumbaga sa kotse eh TINTED ang kanyang cover sa EYES!! Winner..aliw na aliw din naman ako..sa isang banda, napaisip ako na ganito nila PINANGALAGAAN ang kanilang KULTURA at TRADISYON (wow ang lalim)..PUMASOK na kami sa Mall..dami kong PINOY na nakita..NAGKALAT sila..KAKAINIS lang kasi talagang para bang dinumero ang mga kilos mo. Hindi ka pwede basta basta maglakad ng nag iisa..kapag may nakasalubong kang babae, lalo na kapag Saudi..iiwasan mo! Ang mga places, very selective, hindi pwedeng makiusyoso kung “FOR SAUDIS ONLY”..Kahit sa pila?? Iba ang pila ng BABAE at LALAKE!!! Naku..Kapag may CUTE??? HINDI MO PWEDENG TINGNAN..dahil kung nagkataon at timing na isa pala syang MUTTAWA?? Baka KALABOSO pa ang labas namin. PERO SOSYAL ang MALL na ito..HMMMMM..para syang ROCKWELL!!!  Tinanong nila ako kung saan ko gusto kumain..syempre, ang sabi ko..KUNG ANO ANG WALA sa PINAS!! Hindi naman ako DEMANDING nun..hahahha! Sayang din naman ang pagkakataon na MATIKMAN ko kung ano man ang hindi ko pa na try kainin..FOR EXPERIENCE ika nga! Meron na kaming nakitang place..FINE DINING RESTAURANT!! Parang Fridays..Steak house ang restaurant..ANG KASO..Family day daw, so di kami pwede pumasok..Kapag Family Day kasi ng isang establishment..EKSLUSIBO lamang ito para sa mga taga SAUDI ARABIA!!! Ok OK Ok FINE! So hindi pwede..nag hanap pa kami ng iba. May mga kiosk din naman..AT SA FOOD COURT mo dadalhin ang food! Well..may nakita rin naman akong mga familiar places..pero dun na lang kami sa pinakamabilis na SERVICE..na may mga COMBO MEALS!! So DEDMA na sa fine dining RESTAURANT!!! Ang aking binyag na FOOD???? KABSA!!!! Tomato and Spicy Roasted Chicken with Rice (para syang rice toppings..pero very spicy)..na ang serving ay pwedeng 2 tao sa halagang 17 Riyals (204 php) na may kasama ng BIGGIE na SOFTDRINKS!! Not bad! Na enjoy ko naman ang pagkain ng KABSA..nalaman ko na very popular pala talaga ang KABSA not only in Saudi..but mostly in Middle East countries..PARANG 2 PIECE CHICKEN WITH RICE SA JOLLIBEE!! O KAYA ROASTED CHICKEN SA KENNY ROGERS..Hahahhahahaha…sa sobrang laki ng serving..hindi ko sya NAUBOS!! After ng aming DINNER..nag libot kami sa MALL..at nagpunta sa EXTRA EXTRA..kung saan makikita ang mga BONGGA ELECTRONIC GADGETS..na sabi nila MURA daw talaga..TOTOO NGA NAMAN..at hindi ito CHISMIS..very cheap ang mga gadgets..like laptop, celfone, cameras, electronics..like TV, DVD, etc etc…etc….TINGIN TINGIN at naka plan na ako bumili ng laptop..bilang GIFT ko sa sarili ko sa UNA KONG SWELDO sa Saudi..at tatawagin ko itong BABY..ahahahhahah! NAGTINGIN TINGIN din ako ng mga gamit for trekking dahil nga sa adik ako sa mountain climbing..boutique lang ng COLUMBIA ang nakita ko, wala pa akong nakita na THE NORTH FACE (pero sabi nila meron naman daw)..OOOPPSS..CANVASS LANG NAMAN!

After ng mga 2 hours ng dinner and window shopping..i decided na umuwi at medyo napagod din ako! And tingin ko naman na satisfy ko naman ang aking mga mata sa MAGAGANDANG BAGAY na nakita ko.. hayy naku NEXT YEAR na ulet kami magkikita ni Jerome, dahil mukhang malayo talaga ang aking work assignment from Riyadh..THANKS kay kapatid na JEROME at kay JOEL sa isang masayang PAMAMASYAL..AT inihatid nila ako hanggang sa Almarai Villa..

Ang Karugtong: Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “IQAMA at WARAGA”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s