Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “IQAMA at WARAGA”

-5:00AM, Sabado,  OCTOBER 02, 2010-

Sa ALMARAI HEAD OFFICE..yan ang aming next destination, sa third day ko sa Saudi Arabia.  Para mag pa medical for the IQAMA (ang IQAMA ang residence license ng lahat ng taong naninirihan sa Kingdom ikaw man ayaw dayuhan o permanente na naninirahan), ma orient ng HR para sa pag open ng bank account para sa payroll, at para makakuha ng Cash Advance na binibigay ng employer para allowance habang hindi pa na sweldo..3rd day ko, at hindi pa rin ako naliligo..hahhahahha!

Sinundo kami ni Ashok (ang NEPAL na driver) at naghanda na kami papunta sa Head Office.  10 minute drive from Almarai Villa papuntang Almarai Head Office.  Sa wakas, DAY TIME ko naman MASISILAYAN ang GANDA ng Saudi Arabia…

Habang nasa coaster, ikot ang mata ko sa paligid..isa talaga syang SIYUDAD SA NAPAKALAKING DISYERTO..Kagabi, “Riyadh at Night” ang drama ko..ngayon, “Daytime at Riyadh”..di talaga ito kagaya ng naisip ko bago ako pumunta ng Saudi! BONGGA! Ang gaganda ng mga sasakyan..nagkalat ang GMC, Toyota Camry, Toyota Land Cruiser, Mercedez Benz, Ford Expedition (na nakikita ko lang sa mga big boss sa Pinas)..samantalang ditto, ang Toyota Camry???????? Isa syang TAXI! Sabi nila, mura lang daw kasi ang sasakyan dito dahil tax free ito! Sabi nga nila kung may 30K Pesos, may sasakyan kana..at winner na daw ito! Oh well..sarap man isipin, pero pangarap na lang muna sya sa ngayon..hehehhehe..

Nakarating kami sa Head Office ng Almarai,at dito pala kami mag b-breakfast..ang layo ng canteen from the gate! Pero winner ang mga offices, very corporate ang feel! Isa lang nasabi ko..”aba aba aba..bongga talaga!”  At pagdating naming sa canteen..walang katao tao, except sa mga nag se serve sa counter ng canteen at ilang mga janitors.  Sinabi na ni Ashok na pwede na kami mag breakfast, very accommodating naman ang mga canteen staff, syempre alam nila na mga bagong dating kami and all smile naman sila sa amin! Coffee, pancakes, and rice, sausage..parang masyado yata kaming binubusog..hahaha..siguro matintinding activities ang araw na ito..After ng masayang at kabusog busog na breakfast, now kailangan na naming mag prepare for a long day! Bumaba kami from canteen papunta kung saan man, at sa basement kami dinala ni Ashok.  Sa isang room na very obvious na for new employees, at kinuha ni Ashok ang mga pasaporte naming, kung para saan di ko pa alam nung una. Then, umalis si Ashok, nakakainip din maghintay ng 30-45 minutes and bumalik na si Ashok dala dala ang mga forms (especially for bank account opening, para sa payroll) at ang mga original copies ng aming contract! Dahil kailangan namin pirmahan ang contract (same copy ito ng pina sign sa amin ng agency sa Pinas).  Pagkatapos ng mga humigit kumulang na 1 hour..natapos na ang unang transaction.  Hihintayin ulit namin ang pagbabalik ni Ashok at kung san kami pupunta, di ko pa alam!!! Parang laging may surprises!!!  Sa pagkakataong ito, matagal na bumalik ang Ashok!  At ang next, kailangan ng pumunta sa clinic para mag pa medical for IQAMA (ay residence visa na parang green card ng US, eto ang ginagamit para makapag stay sa Saudi in temporary replacement of the passport while we’re in Saudi, ang IQAMA ay in pvc CARD form).. batch ang pagpunta sa clinic! At di ako pinalad na mapunta sa 1st batch, so kailangan namin maghintay sa pagbabalik ng first batch..after 1 hour, 11am na yata yun sa pagkakaalala ko ng bumalik si Ashok at sinakay na kami papunta sa clinic! Kinakabahan ako basta medical dahil alam ko kukuhanan na naman ng dugo para kung sa ano mang test…dahil sadyang takot ako sa karayom! Hahahahhaha..Oh well, as if my choice ako!! So kailangan ko na naman harapin ang fear ko na ito! HMP! Aba ang radiologist at medical technologist..mga Pinay! Kaya nakampante naman ako, si radiologist..medyo kindness! Di masyadong masungit..pero si medical technologist, naloka ako..tatalian pa lang nya at tutusukin pa lang nya ako ng karayom..sinabihan na ako ng “RELAX KA LANG, WALA PA NGA EH!!!”..aba galit ba sya? OR BAKA DALA NG HOMESICK..at dahil wala akong choice, kailangan kong kayanin..at di pwedeng mahalata!! Hahahaha..kailangan kunwari, strongness ako! Ang ending??? Di  sya kagalingan kumuha ng dugo, dahil namaga ang ugat ko! Nung tinanong ko sya kung bakit ganun, ang sagot ng girl? “ang laki kasi ng ugat mo eh!”..Ambisyosa! hahahahha..Natapos na ang lahat, past 1:00PM na yun..late na ang lunch! Gutom na gutom na talaga ako! Sumugod na kami ng Head Office sakay ng coaster..at pagbalik ng canteen?? Kakaibang canteen ang nakita ko..ang dami daming tao! Ang mga empleyado ngAlmarai! WOOOOWWWWWWWWWWWWWW.. para na nmang UNITED NATIONS!!! Feeling ko pagpasok namin ng canteen, kami na ang nahuling DELEGATE!! Dahil andun na ang lahat ng ibang delegate..at dahil palibhasa, nakapang office attire sila..kahit naka maong ako..feeling ko naka coat and tie ako!  Hahahahhaha..and what do you expect? Pinagtitinginan kami ng mga tao dun..dahil infairness marami talaga kami! Dedma na..kailangan ng mag lunch! Aba..bongga rin ang representative from India na tingin ko eh kumbaga sya ang executive chef! Kung todo ang greetings nya sa amin..at in Tagalog ha..HINDI ENGLISH! Hahahhahaha..TARAY! Complete meal ito, paksiw na bangus, Pakistan rice, may choice of dessert kung fruit or cake, at may potato salad..and different varieties of juices! Almarai juice! Juice-Ko! Bumabaha talaga ng juice..nagmaganda na naman nga ako! At gusto ko ung pagkain ng ibang lahi..sorry ako, kasi hindi pumayag si Executive Chef! Hahahahha..After ng lunch..baba ulit sa room sa may basement..this time, para tapusin ang pag open ng payroll account!! And this time ang facilitator..isang bonggang bonggang pinoy! Hindi ko tanda ang name, pero ang alam ko isa syang SISTER!!! Maliit, maputi..singkit..at MATARAY! Kasama nya ang isa pa na naka blue na barong na isang sister din..at opposite hitsura ni sister 1 kay sister 2..at aaminin ko, NATARAYAN at FEELING KO OA silang dalawa..(wala naman cute sa mga kasama ko)..Tantya ko eh, matagal na sya sa Almarai, dahil din na nila kailangan pang itago ang kanilang pagiging DYOSA! At eto pa, dedma rin sila kahit may kasama silang Saudian na ang pangalan ay ISA! Cute din sya..haahahhahaha..Anyways..may choice ba ako? Ang choice ko lang ngayon eh gawin ang sabihin ng dalawang dyosa..ng matapos na! Habang nagkukuwento si sister..dumating pa ang isa pang Saudian! At ibibigay na yata ang aming CASH ADVANCE!! Ayy PAK na PAK! Totoo nga dahil isa isa n kaming tinawag para ibigay ang Cash Advances..na 500 SR per head, para sa 1 month na allowance naming habang wala pa kaming sweldo! Memorable ito..dahil first time kong makahawak ng 500 SR! Pagkatapos ng transactions kina sisters at mga saudian..bumalik si Ashok para I distribute naman an gaming mga WARAGA (ang Waraga ay ang temporary IQAMA habang pina process pa ito..ang waraga ay nasa isang company letter head na ang content ay in Arabic Characters)..Binigay na rin ung Waraga ko at naka attached dito ang photocopy ng passport ko at ng visa ko..at nakalagay na rin dito an gaming work deployment kung saan specific division and place sa Saudi Arabi kami mapupunta! Naloka ako sa mga kasama ko kasi parang hindi nila alam kung saan sila ma de destino..bakit ganun? Di nila alam kung sa Dairy, Poultry or kung saan pa!! Nakakaloka nga dahil alam ko na sa Poultry Divison ako, aba ang mga kasama ko..nung nakita nila na POULTRY, aba parang gustong mag back out (as if my choice sila)..Well, wala naman din silang nagawa! Hahahahhaha..

After ng madugong maghapon..kailangan ng bumalik sa Almarai Villa. Ung ibang kasama ko na schedule na rin that day para sa kanilang work deployment..aba isa isa na kaming nalalagas! Kung sabagay ako din naman ay bored to death na rin, dahil para makapunta na ako kung saan man at kung gaano kalayo ito!! At dahil OA din ako, nalungkot din ako at naisip ko na sana magkakasama na lang kami.. Wala pang sigurado or malinaw na schedule ng pag biyahe ko papuntang Poultry Divison (or Poultry Processing Plant), basta nabalitaan ko lang din kay Victor na alam na ng Manager ko na nsa Riyadh na ako and kailangan na akong makapunta sa lalong medaling panahon..at saan ito??? Sa Ha’il, Kingdom of Saudi Arabia…wala akong ka ide idea kung gaano ba talaga kalayo ito, basta sabi lang ni Victor, malayo mga 12 hours ang byahe..MANILA to BICOL ba ito???? MARYOSEP!!! ANG LAYYYYOOOOOOO!!!!!

Ang Karugtong: Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Sa HADCO”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s