Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Sa HADCO”

-7:00AM October 04, 2010 Ang Unang Araw sa Ha’il City-

Makakagawa ba naman ako ng magandang tulog..pagkatapos ng mahabang byahe..at hindi ka pa masyadong familiar sa place?? Isa pa..ikaw lang mag isa sa bahay?? HINDI YATA!!! Kaya maaga ako nagising nun at nag update ako kay Vic..di ko rin kasi alam kung anong gagawin sa unang araw ko sa Ha’il! May susundo ba sa akin sa Guest Villa? What time? Sino? Ako ba ang pupunta sa admin? Paano? Ang kailangan ko lang sigurong gawin eh maghintay! Kung anong oras, hindi ko alam..isa lang ang alam ko, GUTOM na ko ng mga sandaling iyon! May narinig ako na bumukas ng main door ng bahay..syempre natakot ako..pag OPEN ko ng door ng room, bumulaga sa ken si KUYA..hahahahha..KABAYAN pala! At ang bating panimula..KUMUSTA KABAYAN! Syempre..kumustahan, isang may kabilugang lalake na taga TAGUIG! Gagawin daw nya ang aircon..OK! habang nag hinihintay ko ang sundo ko, para lang ako adik na nag pi picture mag isa sa kwarto, syempre excited lagi..FIRST TIME eh! Na picture ko na lahat ng sulok ng Guest House, ang Dates’ Tree sa labas..at ang Snickers Crunchier na bigay sa akin ng Saudian sa SAPTCO Bus…

Before naman mag lunch time, nakapag prepare na ako..Ooopss, may tao na naman, eto na yata ang sundo ko! Sya na nga..sya daw si Rafique (Indian National) at ihahatid nya ako sa accommodation or room kung san ako mag stay habang nagta trabaho…at ang Block and Room number????????????? BLOCK 3 ROOM 7….tinulungan ako ni Rafique na mag dala ng ibang gamit ko pasakay sa pick up.  Tinanong ko if may kasama ako sa room, and isa lang naman ang sinagot nya..”YES”, wala pa naman akong kamalay malay kung sino man ang kasama ko sa room. Pero ang tangi ko lang choice eh tanggapin kung winner man or di winner ang kasama sa room, for sure affected din sya kung sakaling alam na nya kung sino ang makakasama nya! Hahahahhaha..5 minutes lang naman at nasa Block 3 na kame..aba aba aba..at puro accommodation ang nakikita ko, dahil siguro 10AM yun, di nagkalat ang tao at malamang na nag ta trabaho ang lahat..Pumasok kami sa Block 3, infairness maganda at kaaya aya ang malinis na corridor ng block 3!! At binuksan na ang pinto ng ROOM # 7…well, walang tao..pero may nakatira, IBIG SABIHIN CONFIRMED MAY KASAMA NGA AKO!!! Hahahahhahaha..Tinanong ko ulet si Rafique..”Who stays here Mr. Rafique?” and he replied..”One Filibini guy..” (Filibini – Filipino)..pasok sa banga..WALA NG FOLLOW UP QUESTIONS..ibinigay na sa ken ni Rafique ang key ng room, at inihanda na ang beddings, at nagbigay ng instructions kung san ako kakain at kung saan ang canteen at kung anong oras..AYOS!!!

THANKS TO MR. RAFIQUE for accommodating me and helping me with my needs on my first day in Almarai!

Nag txt si Joel at tinatanong kung napag lunch na ako..sweet ni Joel, nag u update palage..hahahahhah.  Paano ba ako nag punta ng canteen?? Ahhhh..nagpunta ako mag isa dun at nagulat ako..BAKEET??????? grabe ang daming IBANG LAHI!!! HALOS PURO PAKISTANI…WAaaaaaaaaaaaaaaahhhhh..Bago ako pumasok, kelangan mag register muna sa FRONT OFFICER IN-CHARGE para magpalista..hahahahha..at ang tanong sa ken..”NEW?? NEW??” FILIPINI?? STAFF NUMBER”..sagutin ko sana eh ng vice ganda answer eh..”NO, NO..OLD, OLD, IM OLD HERE..IM NOT FILIPINI, I AM PAKISTANI! HhHHAHHAHAHAH..syempre di pwede kaya ang sagot ko lang..”YES”, at binigay ko ang aking staff number! Di ako nagpahalata..very Ariel ang drama ko, composed, confident..pero kinakabahan!! Hahahaha..tatlong mahahabang lamesa ang meron sa canteen..dalawa dito eh para sa ibang lahi (Pakistani, Egyptian, Saudi..atbp, at ang nag iisang mahabang lamesa para sa Filipino..madami rin Pinoy pero di sing dami ng ibang lahi..ALL SMILE din ang drama ko sa UNANG LUNCH ko sa canteen na yon..At alam ko na kung anong iniisip nila!! At I’m sure walang maglalakas ng loob magtanong..di kagaya nung guy na kasabay ko sa airport! Hahahahhaha..NOT TO MENTION, very accommodating din naman talaga ang mga Pinoy canteen people..at isa na dito si RONALD! Bongga din naman ang lunch! MARAMING JUICE!! AHHAHAHAH..tinapos ko ang lunch at nagbalik sa accommodation..wala akong ginawa kung hindi ayusin ang mga gamit ko..at maghanda dahil papasok na ako sa trabaho bukas!

May kumatok! Aba aba aba..sabi ko na eh, SI VIC nga! Hahahahhaha..hindi na nakatiis, pumunta na agad sa room..well, para din naman bisitahin ako, at alam ko rin naman na di ganun kalapit ang place nya.  At higit sa lahat, para kunin na ang mga pinadalang kung ano anon g kanyang family! Dama ko ang kanyang excitement…HAHAHAHHAHAHA..

At dinner time!!! Dumating na ang room mate ko, at ang pangalan??? JAMES SUNICO taga Quality Assurance din!! Actually alam ko na bago pa sya dumating! HAHHAHA..aba aba aba!! medyo malakas ang dating ng lalaking ito..malakas ang dating kasi medyo may kaangasan, tipikal na lalaki! Walang BAHID! Hhahahhahaa..At alam nyo naman ang mga drama ko, medyo SNOB at first..isa isa ko na rin nakikilala ang mga taga BLOCK 3..tanda ko pa ba??BUT OF COURSE!!!

Room # 1 – Sir Rey (Health and Safety)

Room # 3 – Joel (Quality Assurance)

Room # 4 – Sir Jun and Benjie (Cold Storage)

Room # 6 – Nolan (Cold Storage)

Room # 8 – Jeffrey (Cold Storage)

Room # 7 – James (Quality Assurance)

At ROOM # 5 – SECRET muna!! Espeysyal kasi sya!! HAHAHHAHAHA

At infairness..vey accommodating din naman ang drama nila! Pero sa tingin palang nila sa akin, alam ko na kung anong naglalaro sa mga isip nila! AKALA nyo ha, hindi ko alam?? HALLLERRRR!!! Hahahahha..

Kasabay ko silang nag dinner..at marami pa akong ibang Pinoy na nakilala. Pero isang tanong isang sagot lang ang drama ko! Mga common questions kagaya ng “San ka sa ten?”,  “Sino kasabay mo dumating?”, “X-Saudi knb?”..at sa mga malalakas ang loob magtanong..”MAGKANO BIGAY SAYO NG ALMARAI??” bwahahahhahaha..syempre, ako ay trained sa pagiging malihim lalo na kung ang bagay na ito ang pinag uusapan..pero syempre sa mga hindi makakatiis..paulit ulit silang magtatanong.hahahahha..at ang huling tanong (pag tipong desperado na), “ANONG GRADE MO?”..May grade kasi bawat empleyado..O Grade, E Grade, at M Grade..at malalaman mo kung anong sweldo ng isang tao, sa pamamagitan ng GRADE..at dahil safe ako..”E GRADE” lang ang sinasagot ko..meron din kasi mga level bawat grade..E1, E2..etc..etc..ANG PINOY NGA NAMAN..hahahhahahah..NAKAKALOKA!!! Anyways..dedma na lang! at baka naman concerned lang..Neverthless, ok naman ang mga taong nakilala ko, at sila rin ang mga makakasama ko ng matagal..at dahil ito lang ang nalalabing kong CHOICE, kahit ayaw ko! ECHOS LANG!

After dinner..nagkulong ako sa kwarto at pinili na muna na mapag isa..at mag emote at paghanda sa UNANG ARAW KO SA PLANTA! Pina praktis ko kung anong sasabihin ko..paano ko I introduce ang sarili ko..anong susuutin ko..SOBRANG EXCITED ako makilala ang mga tao sa planta..at dahil dito ko gugugulin ang malaking oras ng buong unang taon ko sa Saudi Arabia..

Ang Karugtong: Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Si Senyor! Manok Manok Manok”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s