Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Si Senyor! Manok Manok Manok”

-October  5, 2010, “Si Senyor..Manok Manok Manok!!”-

Nagising ako ng maaga, malamang sa 4:00 AM ako nagising at dahil sa hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa nag a adjust ako sa bagong TIME ZONE (MINUS 5 HRS from MLA Time)..at dahil din sa excited ako sa unang pagpasok ko sa trabaho! Naka ready na ang lahat, at isa pa maaga din ang breakfast..5:00-7:00 ang oras ng agahan..hindi pwedeng magpahuli at baka maubusan!

Excited na ako! Kay bilis kong naligo gamit ang SAFEGUARD na sabon galling sa Pinas..hahahhaha..Nagbihis..at lumarga papunta sa trabaho sakay  ng coaster (or service bus) ng company..TINATAYANG nasa 20 kilometers ang distance ng Processing Plant galing sa BLOCK 3 ROOM 7..at tinatayang mga 15-20 minutes din ang byahe..siguro kasing layo ng LAS PINAS to LAWTON..o DASMA to LAWTON (kung walang trapik ha!)..Malayo layo layo din..at habang nasa byahe ako, kung ano ano ang nasa isip ko..TIPIKAL na pakiramdam ng isang first timer lalo na at bago ka sa lugar..

–          Ano kaya ang hitsura ng processing plant? Maganda kaya? Bongga kaya ito?

–          Ang mga kasama ko? Ayos naman kaya? Ano anong lahi kaya ito? Ilan ang pinoy? Balita ko kasi may kasama ako na Egyptian..

–          Ano ano kayang lahi ang aabutan ko sa planta? Kalahi kaya ni Ashok? Ni Rafique? Ni Lingga?

–          Si Boss..masungit kaya? Ano kaya hitsura nya? Bata pa kaya? Balita ko kasi isa syang ESPANYOL!

–          Ang mga pinoy na maabutan ko ok kaya sila?

–          Ang trabaho ko kya paano? Kagaya kaya ito sa Pinas? Kagaya kaya ng MIDA? Ng Argentina?

–          Paano ang lunch? Ang pag uwi..sino kaya ang una kong magiging kaibigan? Kaaway? (ahahahhahahah)

–          At ang iba pang amo? STRIKTO kaya sila? Si Mr. Robert Fineron, makikita ko kaya ulet? (Si Robert Fineron ang nag interview sa akin sa Manila during the Employer’s interview, na mahigit sa isang oras yata kaming nag usap..hahahahhaha) na may hawig kay Bruce Willis…

Hayyyy..halo halo yan sa isip ko..habang binabagtas naming ang kalayuan ng Processing Plant at sa daan masasaksihan mo ang napakalaking FARMVILLE sa GITNA ng disyerto..hindi rin naman ako na BORED at nakakita rin ako ng GREEN GREEN GRASS of home..hahahahha..May Corn, Dates’ Trees, Trigo…at ang EVER FAMOUS na ALFA ALFA (grass na pinapatuyo after ma harvest upang ipakain sa ALAGANG mga BAKA ng Almarai)..ibang iba dahil sa walang naglalakihang building kagaya ng isang industrial estates sa Pinas..Ang FARMVILLE sa pormas BILOG BILOG (kapag pinagpamasdan mo sa himpapawid)..BONGGGGAAAAAAA! Ganunpaman hindi ko rin makakalimutan ang lahat ng “SANA” na pwede KONG IDASAL sa LANGIT………………

“Sana ok naman ang mga magiging kasama ko..”

“Sana hindi sila gaanong kahigpit kagaya ng tsismis na narinig ko”

“Sana OK SI BOSS!”

“Sana maging maayos ang lahat sa unang araw ko at sa mga darating pang mga araw”

AT sana wag nilang MAHALATA! Hahahahha

SANA..SANA…SANA…

Dumating na ang takdang oras..nakita ko na ang planta; Hindi ko makakalimutan ang sandaling bumaba ako ng coaster..na parang tumigil ang oras at umikot ang KAMERA!! Makikila ko na si BOSS…palakas ng palakas ang kaba sa dibdib ko..hindi ko alam kung anong bating panimula ko..hhahahahhaha

  1. “Good Morning Sir…” (konting smile lang..shy type)
  2. “HELLO SIR!!! GOOD MORNING”…(meDyo loud and well modulated na voice)
  3. “Hi Sir, I’m Ariel Zamora..your new QA from Manila..” (sabihin kaya ni BOSS..and so?!)…HAHAHAHHAHAHA

Eto na..pumasok na kami ng OPISINA! At ang unang banat ni BOSS…”Ariel?!…Hi Ariel..Welcome..Good Morning..”..How are you? How’s your trip? ….MY GOSH, eto lang ang nasabi ko..”Good Morning Sir..I’m Good..” (na halata naman ninenerbyos..)..”IM CARLOS ALFARO!!!” wow, COOL!!! Hahahahhaha..siguro nasa mid 50s na si Mr. Carlos Alfaro! AT ANG FIRST IMPRESSION KO???????????? Hmmm..strict siguro to.. pero ang kinaloka ko sa lahat ang kanyang SPANISH ACCENT!!!!..(Si Mr. Carlos bago lang din sa company, mga 2 months pa lang ng dumating ako…)“Ok Ariel, on your first day Mariano, one of our QA assistant will tour you in the plant”..and we’ll talk after this is very busy day”..sabay tawa ng malakas..HAAHAHHAHAHAhahaahah..”  Andun si Mar (or Mariano) at sya ang nag assist sa akin, kinuha ako ng BOTA? GOWN? CAP? MASK? à TIPIKAL NA TIPIKAL PROCESSING PLANT…at HANDANG HANDA na kami para sa isang PLANT TOUR!!!!

Pumasok kami sa planta..at ang bumungad sa akin..PACKING AREA na lahat ng tao eh NAKAPUTI! ALL WHITE…sa lahat yata ng nakakasalubong naming, ipinapakilala ako ni Mar, lalo na sa mga Supervisors..at KITANG KITA ko nag NAGTITINGINAN ang mga tao PAGPASOK ko ng planta! JUSKO para akong kandidato..at lahat nakikipag kamay sa akin; sa isip ko OA naman sa hand shake mga tao dito..hahahhahahah. Nakilala ko isa isa ang mga tao, mga SUPERVISORS..mga FOREMEN..ibang QAs..mga PINOY..at kung sino sino pa…MARKADO ang araw na to sa ken..hindi ko alam pero parang IBANG FEELING ko..MASAYA ako sa feeling ko sa FIRST DAY! Ito lang naman ang lagi kong naririnig..or kapag binabati nila ako at pinakikilala..

“NEW??QUALITY? (alam na from Quality Assurance ako, dahil sa puti kong CAP na hindi ko alam kung kanino…hahahha)

“HOW ARE YOU? NEW?”

(Sasagot sana ako ng..”HINDI OLD..OLD na ako dito”..hhahahahhahah)

OOOPPSS , ibang iba ang ACCENT ng mga taong nakausap ko..kaya sa dahil di ko masyadong maintindihan eh ilang beses na “SORRY??!!” ang narinig nila sa akin..at sa bawat pagpapakilala nila sa akin eh NAKA HAND shake talaga sila at SUPER SMILE talaga sila..AYOS!!! ß

Nakita ko ang kabuuan ng Planta..at ang libo libong MANOK MANOK MANOK! Sa pag ikot ko sa buong planta at pagdaan namin sa KILLING at SCALDING SECTION (Ang Killing Section, obviously kung saan HINIHIWA sa LEEG ang manok base sa kaugaliang ISLAM..at ang SCALDING chamber kung saan pumapasok ang mga MANOK, at lulubog sa MAINIT na tubig para madaling matanggal ang balahibo nito..) ..ang pinaka BONGGA kong MOMENT (at kung may ABANTE na dyaryo..HEADLINE ako!)..MASUKA SUKA ako hindi dahil sa nakita ako ng DUGO na nakikita ko kung di dahil sa AMOY ng usok na nangggaling sa SCALDING CHAMBER…Nabalitaan ko sa aking SOURCE na NEGATIVE ang impression sa akin sa UNA kong ARAW dahil na I TSISMIS na ni MAR sa mga tao na NASUKA daw ako sa loob..at ang FEEDBACK?? ANG ARTE KO DAW!!! Hahahahhaha…KAKALOKA si MAR!!!! at anong ginawa ko? DEDMA!! Pero may isang nagtanong sa akin kung totoo dawn a nasuka ako..anong sasabihin ko? “OO!”…hahahhahahha..

Nilibot ako ni Mar at nalaman ko ang pinakabasic na process at flow ng buong planta..isa lang ang naisip ko!!! HMMMMMMMMMMMM…CHALLENGING!!!!!!!!!!!!  Nakakaloka man ang first day ko sa processing plant with Mar..gusto ko pa rin magpasalamat kay Mar sa effort nya para sa pag tour at pag orient nya sa akin on my first day! THANKS MAR!

Sa first day ko, na assess ko na rin na kayang kaya ko ang magiging trabaho ko at wala naman itong pinagkaiba sa mga nauna kong trabaho..maninibago man ako dahil from MEAT, to READY to EAT, to PACKAGING, to SEAFOOD and ngayon..MANOK!!! May mga magiging adjustment man..pero I think it is normal..lalo na ang adjustment sa mga taong makakasalamuha ko..kaya mas lalo akong naging excited sa bagong yugto ng career ko! At dahil first day ko..di pa ganun katindi ang pressure sa work at pwede pa akong pumetiks! Dahil may choice ba ako? Ang choice ko ay gawin ang lahat ng magagawa ko para sa pakikibakang ito..dahil ito ang pinunta ko dito ang magtrabaho! hahahhahaha

Itong araw na rin na ito ang muling pagbabalik ko sa FACEBOOK, after almost a week din ang hinintay ko at bumalik sa dating gawi..ang mag facebook! Mag check ng facebook..mag check ulet ng facebook!!! At dahil wala akong laptop, pinagamit naman ako ng isang mabuting kaibigan na si Victor. At least I had a chance to communicate with my love ones..bongga! Thanks to Victor! Katakot takot na messages at mga wall posts ang na receive ko! At ang FACEBOOK shout out ko?  “Ayie Zamora nakapag FACEBOOK din!! pagkatapos ng 5 days sa KSA!! ngayon na nagsimula ang talagang totoong buhay!! maraming salamat sa inyong lahat na nag wish ng success ko at nagdadasal sa aking safety! miss ko na kayo!!” AYOS!

Ang Karugtong: Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Trabaho sa Tag Init”

2 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Si Senyor! Manok Manok Manok”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s