Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Ako Sa Block 3”

-October 06, 2010-Labingwalong Araw bago ang October 19-

*Ako Sa Block 3 Room 7*

Hmmmmmmmmmmm..ETO NA! ang Block 3 Room 7 (isasama ko na rin ang Block 1)..Sa Block 3, siguro mga 8-10 na tao ang mga nakilala ko dito..pero unti unti na rin dumadami! Mga 2 months din ako nag stay sa Block 3 kasama ng mga naging kaibigan kong Pinoy dito.  Uulitin ko ulet ha..

Room # 1 – Sir Rey (Health and Safety) – pero ngayon wala na sa Block 3, kasi kasama ko na sya ngayon sa Bachelor’s Villa

Room # 3 – Joel (Quality Assurance) – wala na rin sya sa Block 3, mag kasama kami sa Bachelor’s Villa kasama si Kuya Rey

Room # 4 – Sir Jun and Benjie (Cold Storage) – Nasa Block 3 pa rin, pero malapit na naming syang maging kapitbahay sa Bachelor’s Villa

Room # 6 – Nolan (Cold Storage) – Nasa Block 3 pa rin (kasama si Brandon Lee, na lumipat from Riyadh to Hail)..pero may room din sya malapit sa Slaughter house (yaman! hahaha)

Room # 8 – Jeffrey (Cold Storage) – Naku eh sa kasamaang palad, nasa Riyadh na sya ngayon..cute pa naman to! hahahhaha

Room # 7 – James (Quality Assurance) – ayun andun pa rin sa Block 3, Room 7 ang aking X room mate..

At ang iba pa???

Room # 6 – Brandon Lee (sya ang pumalit kay Jeffrey-si tabachingching..hahahhaha)

Room # 8 – Gilbert (aka CONGRESSMAN!)

Si KAKA!!! Maryosep di sya taga Block 3, pero lagi syang nasa block 3..ang taong nagkaugat na yata sa HADCO, mga 20+ years sya nagtrabaho dito..so imagine kung gaano pa sya kabata nung nag start sya..hahahahahha

At ROOM # 5 – SECRET muna!! Espeysyal kasi sya!! HAHAHHAHAHA – ngayon, nagkaroon na sya ng kasama si Mel, dati kasi mag isa lang sya..

Ano ba ang hitsura ng Block THREE???? Ahh, ehhh..isa syang parang DORMITORYO na may 18  yata na ROOMS na may 1-3 taong nakatira sa bawat room..may common CR, at ang paliguan na kurtina lang ang harang (Shower curtain!!!) BONGGA! ..at ang pinaka inayawan ko (wala naman akong choice) ung comfort room, maryosep..especially designed hindi ito WESTERN STYLE, so you don’t have to sit like a QUEEN..wala kang choice! U WILL SIT LIKE A FROG!! KOKAK!!! KOKAK!! KOKAK!! Un parang sa probinsya, na derecho sa ILOG ang mga kasalanan mo..hahahahhahaha..ganun, pero napag tyagaan ko naman..kasi wala nga akong choice! HAHAHAHHAHA…Pero over all, MALINIS..AT MAAYOS naman ang BLOCK THREE..at kasama na ang lahat ng tao na nakasama ko dito! Syempre noong una medyo SNOB TYPE ang lola mo..lagi lang sa kwarto (alam ko naman na pinag uusapan na ako ng mga tao sa labas..hahahahha), may mga ilang araw o linggo na di nila malaman kung ano ba talaga ang real score sa akin (dahil talagang dedma lang ako)..pero di rin naman nagtagal ito, syempre kailangan ko rin naman maki JOIN sa kanila..well, NAG ENJOY at NAG EENJOY naman ako kasama sila..NAG EENJOY KAYA SILA?! Hahahahhaha..Sa Block Three, ang libangan ng mga tao dito tumambay sa corridor, kung hindi sa labas..at kumain..kumain..kumain..at mag kwentuhan at tumawa ng walang humpay!!! WALANG TV..WALANG MAY LAPTOP (palibhasa bago pa ang lahat noon, pero ngayon meron na lahat)..ay si JOEL lang pala ang may LAPTOP so madalas andun lahat ng mga pinoy na nakatira sa Block Three para makinood (parang noong unang panahon ano, na ang may TV lang sa barangay nyo eh si ALING JULING..hahahha)..para talaga akong nag BACK TO BASIC!!pero MERON NAMAN MAY RADYO, wala nga lang yung mga DRAMA SA RADYO noong araw..Mas maraming panahon sa sarili kaysa ang asikasuhin ang iba at ibang mga bagay..PARANG PRESO, pupunta sa kantin..sabay sabay kakain (di naman tinatakal ang pagkain – INFAIRNESS!!)..matutulog at magta trabaho..ganyan ang routine ng mga tao sa Block Three..ganun din naman sa Block One..marami rin Pinoy doon pero karamihan sa kanila ay nailipat na ng accommodation na malapit sa planta!

May mga ilan din akong nakilala sa Block Three, ung Indiano na parati kong nakaka kwentuhan kapag nagyoyosi ako sa labas..pero hanggang ngayon di ko alam ang pangalan nya..basta ang tawagan naming eh “MY FRIEND”..hahahahha..may tawagan???!!! MAY GANUN???????????? Pero seriously, dahil di ko alam ang name nya..”my friend” na lang ang ipapangalan ko sa kanya..isang medyo chubby na guy, tipikal na mukhang indiano, at pag naliligo sya??? I mean pagkatapos nyang maligo??????????? BASTA! Natapos syang maligo..gamit nya ang kanyang favorite na towel! BLUE TOWEL..at ang kanyang favorite shirt ung kulay ORANGE..at ang kanyang favorite na JOGGING PANTS!! Sporty look!!! Pero mabait naman sya..at maayos naman kausap, madami rin akong nalaman sa kanya tungkol sa bansa nila..hindi naman nya nakuwento ang talambuhay nya..hahahha..

Naging mahalaga sa akin ang Block Three..at ang mga tao dito? Naging importante rin sa akin, dahil sila yung mga tao na talagang naging malapit sa puso ko! Hindi dahil kung sa ano pa man, pero dahil bongga naman nila akong na I welcome..pak!

*Ang Kaibigan Sa Block 3 Room # 5*

ETO NA!!! Naku..ewan ba kung bakit nila inaabangan itong nakatira sa Block 3 Room number FIVE!!! O sya..si MARLON ang nasa room number 5, espesyal na kaibigan si MARLON.  At kahit papaano eh naramdaman ko na hindi ako nag iisa..at may karamay ako sa mga oras ng pag iisa..at ang naturo at puntahan ang mga lugar na di ko pa napuntahan.  Sa kanya ko lang din kasi nasasabi ang ibang bagay na sensitibo, lalo na pagdating sa personal na mga bagay! Hindi ako nahirapan na maging close sa knya (sya kaya nahirapan???? hahahhahaha)…

Ano ba ang hitsura ni Marlon?? 5’4 ang height, maputi, singkit, malago ang buhok, manipis ang mga labi…laging naka jeans..di ko yata nakita na nka shorts itong si Marlon..

Nakilala ko ung ibang mga tao, natulungan ako sa mga kailangan kong gawin, nakapunta ng recreational hall, nakapanood ng basketball (tournament ng mga pinoy)..nakapunta ng Ortigas (Line 6)..magkuwentuhan ng buhay buhay..ang mga drama nya sa buhay..ang mga drama nya sa office, ang family nya..ang “loved ones” nya..ang pagpunta nya sa Saudi..at ang nalalapit nyang pagbabakasyon..

Syempre..sa mga ganitong pagkakataon lalo na sa kalagayan ko..kailangan mo ng may masasandalan..at kung ka URI mo, mas BONGGA!!!!  Pero seryoso, hindi ko naisip na iisipin ng ibang mga kapatid, na ang nasa room # 5 eh special someone in other words, naging jowa ko, or fling or whatever..sorry guys!! Hindi ko naisip..at wala pa sa isip ko yan!! Chos! Ako na..ako na ang malinis..

Ganun pa man, maraming salamat kay Marlon na we became friends, and I wish him good luck..dahil si Marlon talaga ang maraming stories about Room # 5..hahahahhahah..at iba pang mga rooms!! Biro lang kapatid!!

Ang Karugtong: Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Language 101”

3 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Ako Sa Block 3”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s