Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) “Trabaho sa Tag Init”

-October 06, 2010-Labingwalong Araw bago ang October 19-

*Ang Mag Trabaho ay Hindi Biro*

Simula na ng totoong pakikibaka..tapos na ang lahat ng pag pa pa cute, dahil mag uumpisa ang totoong laban. .Second day sa trabaho, kailangan namin mag usap ni Mr. Carlos..un ang pagkaka alam ko, pero iba ang nangyare, sumabak na agad ako sa trabaho, tama rin naman..ano nga naman ang gagawin ko! Yun nga lang, hindi ito kagaya ng trabaho ko sa MIDA Food, may sariling computer..emails, yahoo messenger.. photos.. dokumento..chat kay boss..walang staff..mag core training at kung ano ano pa..dahil dito isa akong STAFF! Hindi derecho nagrereport sa mga directors! Dahil ang gagawin ko?! Mag full time work sa LINYA! Ayos naman..nahirapan man akong mag adjust ng konti dahil parang bumalik ako noong 1999 nung simula pa lang akong nag trabaho..natanong ko nga sa sarili ko, “awww..ngayon pa lang mag uumpisa ang karir ko?”..hindi ganun kadali ang lahat..hindi ito kagaya ng nakasanayan mo na kailangan may mag turo say o kada kaliit liitang detalye ng dapat kong gawin, kaya naman kahit papaano natutunan kong pag aralan ang lahat ng pasisikot sikot! Tiwala ako sa sarili ko na kaya kong gawin ito, para saan pa ang TIWALA na binigay sa akin ng Almarai sa unang pagkakataon na tumapak sa kanilang planta! At para saan pa ang mahigit kumulang na sampung taon kong pag ta trabaho sa ganitong larangan..Gagamitin ko ito bilang sandata ko upang pagtagumpayan ko lahat ng mga gagawin ko..madali ba? Sa una hindi ganun kadali..dahil??????

Challenge # 1 – Iba’t ibang lahi ang mga kasama ko dito…mula sa pinakamataas na managers hanggang sa taga hugas ng plato..iba iba ang lahi? MY GOSH! Nandyan ang mga MANAGERS na British, South African, Espanyol (Si Senyor Alfaro), India..kung ang mga MANAGERS na ito kung minsan nahihirapan akong intindihan ang kanilang iba’t ibang ENGLISH ACCENT (eh hindi naman ako nag call center..hahahah), kumusta naman ang mga NEPALi, INDIAN, BANGLADESH, PAKISTANI, SAUDIAN, EGYPT, SUDAN, SRI LANKAN..at syempre may mga PINOY (bisaya, ilonggo, kapampangan, ilocano..etc..etc!!)..ano ba ako kanditata ng isang beauty pageant???? Miss universe or Bb. Pilipinas?..So dito pa lang natanong ko na agad..Paano ako makikisalamuha..paano ko sila kakausapin? Paano ko gagawin ang mga bagay na may kinalaman sa pakikipag usap..feeling ko kasi noong una, lahat ng taong aabutan ko marunong mag ENGLISH! Nagkamali ako..kailangan kong matutong mag adjust sa bawat taong kakausapin ko..iba ibang lahi iba ibang LANGUAGE!!! And now I will end up being a LINGUIST!! Good for me!! Hahaha..MY GOSH! PAANO NILA AKO MAIINTINDIHAN!!!! O tamang mas itanong kung PAANO KO SILA MAIINTINDIHAN!! Isa lang ang nasabi ko..KAYA KO TO!LANGUAGE 101

Challenge # 2 – Alam ko naman na madali akong maka adopt sa iba’t ibang klaseng tao, kultura, pamumuhay..etc, etc..o siguro mataas lang masyado ang expectations ko nang dumating ako dito..aba aba aba, syempre dahil hindi local job ito, inaasahan ko na ang lahat ng system ay kasing ayos at kasing bongga! Hindi pa pala..kaya naman lalo ko itong ikinatuwa dahil damang dama ko na marami akong gagawin! POSITIVE!!!  MIND SET TING101

Challenge # 3 – Ano ba naman ang alam ko sa MANOK?!!!!?? Meron pero hindi ganun kalalim..tanungin mo na ako tungkol sa HIPON..pero MANOK? Pwes!! PAG AARALAN ko ito ng bonggang bongga!! Biruin mo, ang tantya ko eh ito na ang pinaka mahirap na I handle na hayop sa balat ng lupa at sa sobrang sensitive ng hayop na ito..dermatitis, cellulitis, periphiatitis, at kung ano ano pang “titis”..narining ko na..at ang pinaka common??SALMONELLOSIS!!! OOOPPPSSS… POULTRY101

Challenge # 4 – IBA ANG HUSAY NG PINOY!!!Bilib na bilib ako sa pinoy dahil pinoy ako! MAHUSAY..MARAMING ALAM, mahusay mag English! Creative..malakas ang loob..ano paba? Hmmmm..MABANGO..ARAW ARAW NALILIGO…kumpara sa ibang lahi..bongga nga naman ang pinoy! Pero sa sobrang galing ng pinoy, pati yata CEO ng kumpanya gustong palitan (hindi naman lahat) at sobrang lahat lahat na ay alam..gusto ko lang sabihin “OH SYA NA, IKAW NA..KAW NA ANG BOSS!!!”hahahahhaha..at wag kalimutan, CHISMOSO at REKLAMADOR!!hahahahha.. siguro dapat ulit malaman na ang PINOY ay tinitingala sa saang mang sulok ng mundo sa husay at galing nito pero kalakip ang HUMILITY (PAGPAPAKUMBABA) at tamang RESPETO sa iba’t ibang tao anong uri at antas ng pamumuhay nito..tama! advantage at pinoy ang ibang makakasalamuha mo, pareho nga kami ng salita, tagalog..tagalog..tagalog..pero meron talagang iba sa sobrang galing, nakakalimutan na ang BASIC principle ng communication, ANG MAKINIG! Feeling ko nga, mas madali pang kausap ung mga katutubo nila kung tawagin kahit sign language lang..hahahahha..pero nasa Pilipinas pa lang ako, narinig ko na ang mga chismis (kita mo pinoy ako chismoso..hahha) na “wag daw magtiwala lalo na sa kapwa mo pinoy?” weehh hindi nga??? Pero kung totoo man ito..my gosh..very bad!!! Oooppss..lilinawin ko lang..HINDI ITO PARA SA LAHAT NG PINOY..para lamang po sa iba! Kung feeling mo ikaw yun, ikaw na nga yun!!hahhahaha.. PINOY ATTITUDE101

Challenge # 5 – Ang tumayo ng walo hanggang sampung oras at magpaikot ikot sa buong planta! Well, 9-10 hours a day ang duty at mag paikot ikot sa buong planta..kung medyo sinuswerte mga 11 hours..pero madalang naman mangyari ito! Pasok sa umaga, mag check ng mga tao, mag check ng mga makina..mag check ng MANOK! MANOK…AT MANOK! Noong unang dalawang linggo ko, talagang nakadama ako ng matinding sakit (ang lalim..hahahhaha)..oh well, as if naman may choice ako, so kailangan kong sanayin ang sarili ko sa mga bagay na para akong Sales lady sa SM (sales lady talaga?hahahha)..masakit sya sa binti!!! At dahil nagkaka edad na rin tayo..sumasakit na rin ang kasu kasuan..hahahha..oopps, di pwede mag inarte, kailangan kayanan ito!!! Iniisip ko na lang na ang paglalakad at pagtayo tayo eh makakatulong sa respiratory system!!! EXERCISE 101…

Hindi din naman puro ganito ang challenges ang na experience ko!! Kailangan din naman ang totoong challenge..at sa 1st week ko?? Aba..may unang project ako kay Senyor Carlos! Isa itong malaking opportunity for me para atleast to earn “trust” at ibigay ang pagtitiwala na alam ko naman kailangan kailangan ko..nasabi ko na lang na..”hindi ko sya pwedeng biguin”..at hindi ko pwedeng biguin ang sarili ko sa kakayahan ko na alam ko naman na kaya kong gawin “to the best ability I CAN!!”..at ang project?? “Tingnan ang isang area, pag aralan, alamin ang bawat pangyayari..at ibigay ang resulta!!” UMPISA na..ISA..DALAWA..TATLO!!!.Madali ko naman nagawa ng lahat, nakuha ko naman ang nais at alam ko na nagawa ko ang dapat kong gawin..napuri ni boss ang effort at nahigitan ko naman marahil ang kanyang expectations.  Subalit, nakalimutan kong isipin na hindi lahat ng bawat detalye at ninais ko upang maisaayos ang bagay na yon, ay magiging reality..siguro sa sampung sinabi ko, 2 lamang dito ang tinanggap..disappointed ba ako? Aba syempre!!! Hayyyysss..bumalik ako sa drawing board, at binalikan ang ginawa ko..tama naman! Kaso, nakalimutan ko isipin na lumagpas ako ng sobra at ang 2 lamang na tinanggap ni boss sa sinabi ko ang kailangang kailangan namin gawin sa ngayon! ABA!!!!! tama!!! Walang naging masama..it is just a matter of timing, at hindi naman magagawa yun ng isa o dalawang araw! HINDI na masama..at na realize ko na nag umpisa na bawat magiging hakbang ko.  Habang  ginagawa ko ang bagay na iyon..naalala ko ang pinanggalingan ko ang MIDA FOOD! Parehong pareho ng senaryo..lumipat lang ako ng lugar!!! Naalala ko pa nung naka chat ko ang dati kong boss si Michael Corpuz mga 3 araw matapos ang October  5..”kayang kaya yan ni Ariel Zamora”..nanggaling kay boss Mike? Lalo pa akong na inspire ng BONGGANG BONGGA!!! Ganun lang siguro talaga..hindi talaga lahat ng mga bagay ay makukuha sa isang iglap..kailangan itong paghirapan at kailangan maghintay..kumbaga..”TIMING IS EVERYTHING”..kagaya ng lagi kong nababasa sa YM status ng isang kaibigan na si Mart Rentoria! At totoo nga mismo ang “PATIENCE IS A VIRTUE!”hahahhaha..and besides, mahaba haba pang panahon ang lalakbayin at marami pang mangyayari..nag UUMPISA pa lang ako..

At sabayan mo pa ng matagal mga higit kumulang na 2 hrs na paghihintay ng service or ng coaster pabalik sa Block 3 Room 7 after ng duty..hindi ba nakakatuyo??? Pero kung sinuswerte ka at may masasabayan na may KOTSE..maaga akong makakauwi! Pero mas maraming beses ko na experience ang mag hintay sa coaster at maghintay sa labas ng planta at pagmasdan ang malawak na disyerto..

Hindi man naging madali ang mga ilang araw sa unang isang daang araw ng aking pagtatrabaho..well, ang importante nag e enjoy ako sa ginagawa ko at gustong gusto ko ang ginagawa ko..FEEL na FEEL ko naman na nakikita ng mga kasama ko na nag e enjoy ako! at hindi naman ako nag iisa ano, anjan naman sila Dr. Mahir, Dr. Raouf, Joel, James, Mar, Madhav, Buddah..Si Senyor Carlos..Mr. Hendrik..Boss Robert at Boss Stanley.. Bukod pa rito, marami pang mga tao ang nakilala ko.. maraming marami talaga na malaking naging bahagi ng unang isang daang araw na ito………..

*Ang  Tag Init at Ako*

Alam naman nag lahat ng tao na mainit talaga sa Saudi Arabia..kaya naman nasabi ng kaibigan ko na si Cris Flores, maswerte daw ako at malamig na panahon na ang sasalubong sa akin! My goodness..tama! sa Riyadh pa lang ako, malamig nga..malamig sa loob ng kwarto kasi may aircon! Hanggang sa pagpunta ko sa Ha’il, SOBRANG MAINIT pa rin! Buti na lang dala ko lahat ng sando ko!!! Hindi ko naman kasi na clarify na PAPASOK PA LANG ANG TAG LAMIG!! Excited ba ako para sa tag lamig??? Hahahhaha..

Dito ko yata na experience na hindi pagpawisan!!! Kahit na sobrang init..walang pawis na lalabas sa katawan mo..tantya ko nsa 40 degree Celsius ang temperature noong dumating ako..kung sa Pinas nga umaangal na ako kapag 35 C ang temperature..kumusta naman ang 40 C..at eto pa, nabalitaan ko pa na umaabot ito hanggang 50 C..Well, tama nga naman si Cristobal..kasi hindi na nga mainit kagaya ng 50 C!!!!  Imagine 50 degree C at sa gitna pa ng disyerto..Ano pa nga ba, nasaan ba ako?? Nasa lupain ng DISYERTO! So??? MAINIT talaga..hahahahhahaha..Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis talaga matuyo ng sensitive kong skin, alam nyo naman porselana ang kutis ko! Bwahahahha..at ang mga labi kong natutuyo..WALA akong dalang LOTION! WALA akong dalang LIP GLOSS! WALA akong dalang MOISTURIZER! Ang dala ko lamang eh SAFEGUARD! Hhhhmmmmpp! At dahil sa sobrang init..dalawang beses yata ako naliligo! WALA rin akong dalang SUN GLASSES! Dahil mapapapikit ka talaga lalo na sa tindi ng init ng araw..Grabe, sa totoo lang..hindi naman ako madalas gumamit ng lotion..lip gloss..moisturizer…at kung ano ano pa! Basta nakapaligo ako at mabango, ayos na..pero dito, HINDI PWEDE! At kung hindi makikita mo na unti unting nagbabakbak ang balat mo..ang dating KUTIS PORSELANA..ngayon naging KUTIS GRAVA! Hahahahhaha..Pero dalawang buwan ko lang na experience ang tag init..sabi kasi nila 4-5 months daw ang tag lamig and the rest puro TAG INIT na..so sa mga susunod na panahon, ang paghahandaan ko ulet ang talagang mas matinding TAG INIT!!! Malayong malayo talaga ito sa tropical KLIMA ng Pilipinas..pero para sa kakaibang experience, pwede na!

Ang Karugtong: Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Ako Sa Block Three”

2 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) “Trabaho sa Tag Init”

  1. Hmm it appears like your blog ate my first comment (it was
    extremely long) so I guess I’ll just sum it up what I had written and say, I’m
    thoroughly enjoying your blog. I as well am an aspiring blog writer but I’m still new to the whole thing. Do you have any tips for first-time blog writers? I’d
    certainly appreciate it.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s