Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “A-Ha’il-Zing Race”

-October 06, 2010-Labingwalong Araw bago ang October 19-

*Pagpunta sa Bayan (ng Ha’il) ala Amazing Race*

First time kong pupunta ng bayan ng Ha’il na may liwanag pa..kasi noong unang punta ko dun, ung galing ako ng Riyadh at dumating ako dun madalim..so di ko nasaksihan ang tinatagong ganda ng Hail City…sakay kami ng Amana Coaster (ang Amana ang contractor na gumagawa ng ibang projects ng Almarai)..dahil talaga naman close si Sir Rey sa mga tao dito, nag invite ang mga pinoy from Amana na sumama kami..syempre, kasama ko si Sir Rey (ung nasa Room #1) at si Joel (ung nasa Room # 2) na mga kasama ko na ngayon sa bahay (sa Bachelor’s Villa).  Hapon ng hinila ako ni Sir Rey at tanungin kung gusto ko sumama sa bayan (bayan kasi kung tawagin namin ang Hail…), para lang galing ka sa malayong lugar na kapag tinanong ka ng kapitbahay mo..”oh, san ba ang tungo mo?”..at ang isasagot mo?? “ayy..sa BAYAN po..”..SA MAKATWID!!! Nasa PROBINSIYA kame! Hahahhahahahha..hindi na ko nag patumpik tumpik..walang kagatol gatol na YES ang sinagot ko kay Kuya Rey..suot ko ang maong kong pants, ang aking lumang chuck taylor na sapatos…at ang aking slim fit na shirt! SEXY! Hahahhahahah..at ang aking mini bag!!!

Alas Tres ng hapon (3:00PM) ng tumahak na ang COASTER papuntang bayan ng Ha’il..excited ako syempre, ganun naman kapag first time (actually first time ng may liwanag pa..hahahha). well, well, well..ano pa ba ang e expect ko? Malawak na DISYERTO..pero meron din naman na ikinatuwa ng mga mata ko..ang grupo ng mga TUPA (SHEEP)..ang galing..hehehhehe..noon lang din kasi ako nakakita ng maraming maraming tupa…at ang hindi ko inaakala na makikita ko???????????????????????? RANGE OF MOUNTAINS!!!! Dilat na dilat ang mata ko ng makita ko ito..bigla tuloy naglakbay ang isip ko na nasa summit ako ng isa sa mga bundok na nakita ko..hindi ito kagaya ng bundok sa Pilipinas (mapuno, kulay berde…), hindi ako makapaniwala na “ABA, INFAIRNESS..MAY BUNDOK sa SAUDI!!!”..un nga lang..kulay brown, mabato at walang puno!!! kasi alam ko dati..disyerto lang, puro disyerto..mainit..kasi puro disyerto! Biruin mo may ganito rin pala..Naisip ko tuloy, pwede kaya akyatin ito? Mag rock climb? Mag hiking man lang??? or kahit mag pa picture ako sa gitna ng bundok..pero nalungkot ako at napabungtong hininga, pagkalagpas namin..kasi wala naman akong magagawa, at sa ngayon hindi ko sila mahahawakan…pero ayos lang, ISANG ARAW..mararating din kita!!! Kaya hanggang sa loob lang ng coaster ang picture picture na nakuha ko..at binusog na lang ang mga mata sa nakikita ko..ganda pa naman nun, kasi palubog na ang araw..At kasabay ng paglubog ng araw ang pagpasok namin sa bayan ng Hail! Mga Alas Singko Y Medya ng hapon ng dumating kami..Bumaba si Sir Rey, dun malapit sa hospital..kasi pupunta yata sya sa doctor..kung bakit? Hindi ko alam..hahahhahahah..basta ang alam ko, pag uwi dun na lang kami kitakits…

At ako naman, sasabit kung saan man pupunta si Joel..at ipapasyal nya ako kung may time pa..dahil pupunta si Joel sa banko para magpadala ng pera! Yaman!!! Hahahhahaha..wala akong kamalay malay at first time ko nga..so marami akong nasaksihan na isa rin palang malaking kalbaryo ang pagpunta sa Hail..hahahhaha..PARANG AMAZING RACE..

Ready..set..GO!!!! Pagbaba namin ni Joel..ayyyy, teka teka teka!! JOEL teka!! May lakad?? Nagmamadali?? May binyagan?? Bakit kelangan tumakbo!!!! As in..para kaming criminal..na may tinataguan kasi may sumusunod sa amin..GANYAN ANG EKSENA..wala akong choice!! Kung di ang sumunod..go!!! WALKATHON??MARATHON?? my gosh! Isabay mo pa na consiuous ako masyado dahil ang daming mga ibang lahi..na FEELING ko naman eh sumusunod ng tingin sa ken.. (Ooppps..RULE # 1..WAG MO SILANG TITINGNAN!! Magiging ASIN ka!!hahahhaha)…Wala akong idea kung gaano kalayo ang BANK..basta sunod lang ako sa kanya..ang bilis ng lakad naming sobra!! Kahit ang bibilis ng sasakyan..GOW!! TAWID!!!!!!!!!!!!!! Hiningal ako..ayun pala, kasi malapit ng MAG SALA (Sala = Praying Time)..at kapag Sala, maryosep..SARADO lahat ng establishment..as in LAHAT!!! So pag inabutan ka ng SALA???????? Sorry?????  WAIT GALORE ang magiging drama!! Well di ka matutuwa..pero may choice ba kame..meron! ang maghintay matapos at ng matapos na rin kame pumila sa bank! Mga ilang oras din, natapos na rin kame sa bank..ako na siguro ang pinakamasaya nun at natapos na kame..hahahahhahah

Imagine..if pupunta ako mag isa dun kada sweldo..ganun ang magiging eksena ko..takbo..takbo..ng takbo..hindi mo na mga mapapansin mga tao sa paligid mo eh..ang tanging alam mo na lang, matapos ka kung ano ang dapat mong gawin..swerte na lang kung makapunta pa kame sa food shops para bumili at kumain ng gusto naming kainin..hayyy! pero yan ang game, at I have to deal with it! Pak!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s