Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “October 19, 2010”

October 19, Bago ang Birthday Ko

Nagkaroon ako ng chance na makilala ang ilan pang mga pinoy na malapit sa planta..dahil matagal ko na nabalitaan na gusto nila makasama ang nagiisang “DYOSA”..hahahahhaha..

Nakilala ko unti unti ang mga tao sa loob ng planta..nakilala ko ang mga boss..nakita ko na mag visit ang ilang mga boss sa ibat ibang sangay ng Almarai..

Nalaman ko ang totoong amoy ng mabango..

Natuto akong sumabay sa agos..mag adjust..makiramdam..

Natuto akong wag matakot..

Natuto akong matulog ng maaga..kumain ng tama sa oras, mahalin ang sarili..

Natuto akong ilista ang mga plano ko..sa unang isang taon..ano ba ang kailangan kong ma achieve..(magbayad ng utang..bumili ng laptop…pasalubong..bahay..etc..etc)

At damang dama ko ang kasabihan na “KAPAG MAY TYAGA, MAY NILAGA.!!!!” hahahahhaha

Swerte ako at 2 araw bago ang birthday ko? Napili ako na mag attend sa training (ang first training ko!) na ang facilitator eh New Zealand national..proud naman ako at kahit papaano 17 days pa lang ako..nabigyan ako ng chance na mag attend sa training at bonggang gusto ko nman talaga..kasama ko ang ilang mga pinoy at ibang mga lahi..at ang nasabi ko..THIS IS IT!

At ang lahat ng mga pangyayare ay routine bago ang October 19, 2010—araw ng birthday ko!

-October 19, 2010 Birthday Ko Nga!-

Tuliro isip ko..syempre excited kaya ako na mag b birthday ako, sa pinaka SIMPLEng birthday sa tanang buhay ko! Naranasan ko naman sa Pilipinas na mag birthday ng wala..na nasa bahay lang ako, kasi walang pera na pang celebrate..pero di ko naman iniyakan yun, kasi alam ko andun lang ako..at any time, pwede akong mag party sa paraan na gusto ko..ang MAG INOM! (*sigh*)

Pumasok sa trabaho at umuwi pagkatapos..walang magtatanong at mga kaibigan na excited kasi birthday ko..ung tipong pautangin lang nila ako, maka pag party lang kame..walang ganun! Wala kang in eexpect na mag ri ring ang phone mo, kasi may tatawag para I greet ka, kasi mahal ang tawag..ang lahat ng mga makakasalubong mo sa opisina, “happy birthday Ariel..”..at ang mga txt messages na nag uumapaw.. ganyan ang birthday ko.. MAHIRAP! mahirap kalimutan ang nakagisnan mong birthday party..ang DRINK to DEATH kong BEER-day celebration, sa kanto man yan..sa compound..sa bar..videoke..bundok..san mig light, red horse..baileys..emperador, grand matador..TEQUILA! wala akong nakikitang barkada ko na gumagapang sa kalasingan..at kasama na ako doon..walang sumisigaw mg PARTEEEEEEEEEE..at hindi lang isang araw na party..ISANG BUWAN (*sigh*)! txt galing sa nanay at tatay ko ang unang una kong na receive ng paggising ko bago ako pumasok..”happy birthday bunsoy, mahal ka namin..” (*sigh*)

TAHIMIK..SIMPLE..EMPTY!

Walang nakakaalam kung di ang mga mahal sa buhay sa Pilipinas ang araw ng birthday ko! So ang feeling ko magmukmok lang ako..at kailangan mag trabaho, para lilipas din ito…ang tanging katapat lang nito eh FACEBOOK!!! wala naman ako talagang kaibigan pa sa Saudi..ung mga taga block 3, na hindi rin nman nila alam..Gabi na ng buksan ko ang Facebook account ko..at dahil sa mahigit na kabi kabilang 100 birthday messages ay talaga naman di ko na napigilan na lumuha..di ko alam kung anong emosyon meron ako ng mga panahon na yun..at hindi ko na napigilan ang pagbuhos nito..sobrang saya ko ng halos lahat ng mga kaibigan ko ay may effort na mag greet, na yun lang ang tanging kukumpleto ng espesyal na araw ng buhay ko.. nakita tuloy ako ni Vic, na pumasyal sa Block 3 Room 7 at plano nya na matulog dun..ng tanungin nya ako..”oh bakit ka umiiyak? Homesick?”..ang nasabi ko na lang..”BIRTHDAY KO KASI”…sabay tawa nya at inalaska ako ng bonggang bongga..kaya napilitan na rin ako na sabihin na BIRTHDAY ko nga..at least ma release ko ang nag uumiyak kong isip at puso na BIRTHDAY ko nga talaga ngayon..napag pasyahan ko na sabihin na iba pang kasama ko na si Joel at Kuya Rey..at bumili ako ng ice cream at ng BARBICAN (non alcoholic beer amf!)…PARA LANG MASABI NA birthday party  to no! todo na to! Hahahahhaha..

Tigilan ang drama (sambit ko sa sarili ko)..uber na naman ako sa pagka OA na maglungkut lungkutan..”GINUSTO KO TO DIBA??..kaya naman nasabi ko na lang na, ito ang tinatawag na “CHARGED TO EXPERIENCE”…ang ibahin ang ikot ng mundo sa simple, payak..at NO HANG OVER BEER DAY PARTEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!! At isipin na lang na mas marami pang magandan mangyayari..ang importante, napasaya ako ng mga taong nalaman ko na nagmamahal sa akin…lilipas din naman ang araw na ito..at ang tanging difference lang eh nadagdagan lang ang edad ko..marami ng lumipas na PARTY PARTY..eto na ang pagkakataon at ang kailangan kong gawin? MAG HINTAY ng UNA KONG SWELDO at TUPARIN ANG MGA PLANO AT PANGAKO KO SA SARILI KO!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s