Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Ang Unang Sweldo”

-October 30, 2010, Ang Aking Unang Sweldo-

May tatalo pa bas a EXCITEMENT sa KAUNA UNAHANG SWELDO???? DAHIL ano ba ang pinunta ko dito sa Saudi? Hmmmmm..primarily para makaipon bukod sa kakaibang experience at adventure na ito sa Saudi Arabia..Well, excited..first time eh! Parang bumalik ako ng 1999 nang una kong nakuha ang first pay check ko..un bang tipong di mo alam kung san mo dadalhin..ano unang bibilhin mo..anong unang gagawin mo sa UNANG SWELDO mo! Kakain kba sa Jollibee (well walang Jollibee dito sa Hail), mag iinom kaba? (well bawal mag inom dito sa Saudi)..magbibigay ng share sa parents? (hmmm..di ko matandaan nung 1999, parang hindi yata..), mag lalakwatsa..gala dito gala doon..hahahhah..ang sarap! Masaya..

Hmmmm..dumating na yung mag papa sweldo, isang Saudian..kailangan mong pumila para makuha ko ang aking FIRST PAY CHECK SA SAUDI..ANG UNA KONG SWELDO sa SAUDI..pang apat yata ako sa pila, pero feeling ko pang 100 ako sa pila dahil bawat segundo parang kailangan ko I multiply ng 60 minutes dahil atat yata ako na makuha ang first sweldo ko, wala lang..gusto ko lang sya mahawakan…hahahhaha..kulang na lang sabihin ko sa sinusundan ko, “hoy ako na kaya..una na ko sayo..” o kaya, sabihan ko yung kahera na, Please..pakibilisan!”..hahahhaha..syempre di ko pwede gawin yun at baka saktan nman ako ng kahera at ng mga sinusundan ko..”I have to wait for my turn!”..THIS IS IT!! Ako na..i ready ang dapat I ready..Una, ang Staff #, bawat empleyado ng Almarai ay may Staff # (kulang na lang I tattoo sa noo mo yung staff # mo, para alam nila agad..o kaya may barcode, para di kna magsasalita..scan na lang ng barcode reader ang staff #..hahahhaha), Pangalawa..ang IQAMA (remember nyo naman siguro kung ano yung IQAMA diba?)..at pangatlo, syempre, ang EXCITED kong SARILI..hahahha, kailangan present ako..at kailangan pumirma sa receiving note na katunayan na na-claim ko ang sweldo ko! “SIGE NA..I ABOT MO NO YAN!”..hahaha..kulang na lang hablutin ko na ang sobre! Hahahhahah..habang pahaba ng pahaba ang pila at parami na ng parami ang mga tao..finally dumating din ang pagkakataon, inabot din ng kahera ng BONGGANG BONGGA ang sobre ng aking UNANG SWELDO..kulang na lang yata eh yakapin ko at mag pa ikot ikot habang may background music na “the sound of music”..pero “sweldo ang tema”..hahaha..pumunta ako sa table, sa harap ng computer..huminga ng malalim, at tangan tangan ko ang sobre na naglalaman ng pinaghirapan ko sa loob ng isang buwan..at nagpasalamat kay “Bossing” sa biyayang ito! (ewan pero parang maluha luha pa ko..hahahhaha..OA!).  binilang at tiningnan kung tama..hindi peso ang laman ng sobre ko, SAUDI RIYALS (kung magkano..eh dedma na..secret nay un).. at habang binibilang, iniisip ko na kung winner ba ang plano kong pagkagastusan, top 3 lang naman ito sa unang buwan..(1) magbayad ng unti unti ng mga nahiram kong pera nung nasa Pinas pa ko..in other words, magbayad ng utang!PAK! (2) magpadala kay madir (sa mga tataas ng kilay..pwede nyo I confirm kay madir..kung true!) PAK na PAK! Syempre ang (3) at pinaka importante sa lahat, ang gift ko para sa sarili ko, para naman ma inspire ako at ma pamper ko sarili ko..ang unang plano ko? IBILI KO ANG SARILI KO ng LAPTOP! PAK na PAK na PAK!….at ang matitira?? Itatabi ko para sa aking savings (wow, savings????!! Wehhh di nga?)..Hmmmm..masaya ang isip at puso ko, dahil sa UNANG SWELDO ko??? Napasaya ko ang dapat kong mapasaya..ang sarili ko, pero lalong lalo na ang PARENTS ko at makabawi bawi naman ako sa kanilang dalawa..PAK!

Syempre naman, di ko naman pakakawalan ang sandali o mga moment ko sa aking TOP 3 priority na ginawa ko sa UNA kong SWELDO!

# 1 – magbayad ng utang! Pangalanan ko na nga..pero di lang sa kanya ako nakahiram (pero lahat naka plano kung kelan at sino ang uunahin at lahat naman sila ay nasabihan ko kung kelan)..si MERVS ang una sa listahan! Pinadala ko kay Mervs ang halagang maibabayad ko..at tumawag ako sa kanya, hmmmm! Bukod sa na miss ko si kapatid na Mervs, eh bongga ko sa kanyang binalita na “kapatid..kumusta? tom ittxt ko sa yo ang control # ng anis!’..DAHIL thankful ako ng bongga kay Mervs nung bago ako umalis at nakatulong talaga ng BONGGANG BONGGA ang pera na pinahiram nya sa ken..salamat ng marami kapatid na Mervs! Yung iba pa, naka schedule na rin sila..dami???hahahhahahha..

# 2 – magpadala kay madir at padir! Syempre di na kailangan sabihin ni madir at padir na “haller, anak..alam mo na???”…hahahhahaha..nagkusa naman ako! Naku naku naku..alam na, pagtawag ko pa lang..eh feeling ko nanalo sa lotto si madir at padir..o kaya may tumawag sa TV na nanalo sila as HOMEPARTNER!! “MISIS..sa Cebuana Lhuillier po to..kayo po ay nanalo bilang HOMEPARTNER ni ARIEL ZAMORA!!!CONGRATULATIONS PO!!! “ayyyy, kame?? Kame ang HOMEPARTNER ng ANAK ko?? ANAK namin sya!”..hahahahha..SARAP! Sarap ng feeling habang kausap ko si “nanay at tatay” na alam ko na matagal na nila akong inaasahan na magbago..hindi maitago ang kasiyahan ko, na halos mapa iyak pa ko, dahil hindi lang dahil sa pera ito, kung di dahil alam ko na magiging mas mabuti pa ang lagay nila ngayon..pero totoo, naiyak ako noon (di lang nila alam)..naiyak ako sa TUWA! Naisip ko nga, kailangan ko pa pala nga lumayo ng mas malayo para magawa ko ito..ALAM KO KASI NA ITO NA ANG PANAHON NA MAS KAILANGAN NA NILA AKO…

# 3 – LAPTOP! Ito lang ang tanging paraan para makabalita ako sa pamilya at kaibigan ko, at ito ang pinaka mabilis na paraan ng communication ko, at isa pa..INTERNET! yan ang ADDICTION ko! Facebook, CHAT! Para naman ma update ko rin naman sila kung ano na ang mga kaganapan sa akin dito sa Saudi Arabia! Hindi naman ako artista, pero feeling ko eh saying naman at naimbento pa ang internet! Hahahahhaha..Hmmmm, di pa naman ako nakabili agad, siguro a week after pa ng sweldo ko, at nakapunta kami ng bayan (sa Hail)..kaming tatlo, kasama ko si Kuya Rey at Joel.  Sinamahan nila ako, at sakay sakay kami sa kotse ni Boss Rolf.  Nag post pa nga ako sa facebook status ko eh “what’s on your mind?”..”DUMATING NA ANG BABY KO!”…at ang mga luka luka kong friends eh..tanong naman kung sino ang baby ko..hahahahhaha..”guys, meet Acer!”….

Isa lang naman talaga ang pinunta ng mga taong nangingibang bayan eh..minsan nga tinanong ako ng isang Nepali na worker, na every morning eh kinakausap ako pag umiikot ako..sa gitna ng paguusap naming..natanong nya ako..”My friend, why you work here??”..syempre sagot ko parang tanga..”hmm, for my career, to explore new things..for the company” (taray diba??? Beauty contest?ewan ba bakit ko nasabi yan, siguro dahil ayoko isipin nya na mukha akong pera..hahahhahahah)..bigla nyang sinabi sa ken..”no, we are here for money, to work for money for our loveones!”…ARAY, ARAY.. OUCH OUCH OUCH! Totoo naman, para akong sinuntok sa face..ang walang halong pagpapanggap nang taong yon, napabilib nya talaga ako! Tama na primarily karamihan siguro tinatayang 90% ng mga taong nag ta trabaho sa abroad eh kumita ng pera para matugunan ang mga pangangailangan at para maging sapat para sa mga dapat mapuntahan nito…MAG IPON! Kung di ako mag iipon, wala rin itong pinag kaiba ng nag ta trabaho sa Pinas, sana lang mapagtagumpayan ko ito! Ang career, susunod na lang yun dahil pumunta ka rin for career para sa trabaho..at ang kapalit nun eh ang kinikita buwan buwan! kUng maging maganda ang career sa mga susunod na mga panahon, depende na rin kung paano ko ito pag hihirapan, na para mapasaya ko at suklian ang company na nagbigay sa akin ng magandang PAGKAKATAONG ito!

4 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Ang Unang Sweldo”

  1. Wow and yaman mo na Ariel. Pautang naman kapag tapos ka na magbayad ng utang hehehe. Akalain mo yon first sweldo nakabili na ng lap top, nakabayad pa ng utang, nakapagpadala sa magulang at may naitabi pang savings. Meaning, sa next sweldo yong worth ng acer maitatabi na din as savings kasi hindi ka naman bibili ng isa pang lap top.

    I am glad you are doing well dyan kahit madami akong naririnig na hindi maganda sa bansang iyan.

    You are a good person. You deserve to be happy.

    1. -hello sir rommel, mayaman talaga?? lol..oo nga eh, madaming di magagandang review..and medyo na challenge nman ako at infairness naman maraming magagandang bagay din meron ang Saudi..keep on reading my posts..i like the name of your blogsite.. iamsaipan.wordpress!!! winner!! take care!! =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s