Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “From Block Three to Bachelor Villa”

-November 2010, From Block Three Room # 7 to Bachelor Villa # 6-

Kagaya din nang pag alis ko sa Pilipinas at pagpunta dito sa Saudi Arabia, may mga bagay na kailangan na pwede mong iwanan ng panandalian o ng permanente..sa pagkakataong ito, kailangan ko lumipat mula sa Block Three (kung saan nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan) papuntang Bachelor Villa.  HAHAHHAHAH..ang OA (overacting!) ko naman..eh di naman kalayuan ang Bachelor Villa sa Block Three.  Pero..pero..pero, ganunpaman..di na rin magiging katulad ng dati..Tambay sa labas ng Block Three, para mag yosi..pinapanood lahat ng dumadaan, o kaya may kakatok sayo para mag lunch, mag dinner..o kaya pupunta ng tindahan.  O kaya yung mga maiingay na kuwentuhan sa corridor ng Block Three..pati ang panonood ng movies sa loob ng room kasama ang mga kaibigan..ung maliligo na ang cover lang eh “shower curtain” kung salbahe ka, pwede mong hawiin ang kurtina ng lahat ng maliligo..hahahhahahha. Kwentuhan kasama si kapatid na Marlon, mag ba Barbican o kaya Moussy.  Iba din ang Block Three “I may say”..”hindi sing tagal, pero sing saya..”..Well, ganun talaga..

Una rin naman nakalipat si Kuya Rey, then si Joel..pero dati pa nasabihan na ako ni Kuya Rey kung gusto ko sumama sa kanila kung saka sakali..ano pa nga ba ang isasagot ko!! Eh di isang bonggang bonggang “YES!!!”..di naman sa ayaw ko kasama si James sa room, infairness eh ayos din kasama si James sa room..kung tatanungin ulet ako at ibabalik ang pangyayare..”pipiliin ko pa rin si James bilang room mate ko..””naks!! BETTTT!!! Hahhahahha..Nangyare na ang dapat mangyare..dumating na ang Kuya Rey, “o mag impake ka na..”, pasimple pa ang sagot ko..”bakit po, kuya?”..hahahhaha..gabi yun eh..gabi ng lumipat ako! Syempre ang saya ko nang malilipat ako sa Bachelor Villa, di dahil sosyal ang place..dahil feeling ko mas magiging comfortable ako dun at may privacy sa room kumbaga…di ako mahihirapan maligo lalo na sa madaling araw na kailangan kong tumakbo from shower room to my room, dahil naninigas na ko sa lamig! So, dahil wala akong masyadong gamit bukod sa aking nag iisang “cute” na maleta..sabi nga nila, “yan lang ang gamit mo????”..sagot ko naman..”baket?? kelangan ba marami? Marami ganun??”…ehehhehehe..at syempre di ko naman kailangan kalimutan ang aking bonggang bonggang “madam GMA chair”, na napulot naming ni Joel at James..After ng pag iimpake, kelangan ko nang lisanin ang kauna unahang solong higaan ko sa Block Three, na sa loob din naman ng isang buwan at kalahati eh naging memorable ito sa ken..at dito rin ako nag adjust sa maraming bagay dito sa Saudi Arabia..Masarap din naman ang feeling, na sa sobrang dami rin nman na pwede nilang gustong kasama sa Bachelor Villa..eh ako naman ang nabunot sa tambyolo..pak!

Well..this is the moment! Sumakay ako sa Toyota pick up ni Kuya Jun, na nag prisinta na ihatid ako (labs nila ako talaga!!)..pak! 5 minutes pa lang andun na kame sa Bachelor Villa..at naghihintay naman sa akin ang bago kong kwarto..

Ang Bachelor’s Villa ay isang typical house, may sala (living room) na may bonggang couch, may table for TV, may maliit na washing area, may shower room (syempre), meron din naman parang pantry kung saan pwede mag coffee, at tatlong kwarto, un nga lang di kami pwedeng mag luto dito.  Hmmmmmmmmmm pero, meron kaming refrigerator. Kering keri na! Sa room ko, actually tamang tama ito sa solo or pang isang tao…meron syang cabinet, kama (bed)..at table na maliit (na kung saan pwede akong mag chat!) na saktong sakto nman para sa aking “madam GMA chair”! Sakto..happy talaga ako, bonggang HAPPINESS!! Salamat talaga ng walang humpay kay Kuya Rey at Joel..salamat salamat! Walang mapaglagyan ng HAPPINESS..hahhaha

Wala naman talaga akong ma “say” sa Bachelor’s Villa..parang feeling ko sulit naman ang Unang 100 Araw ko sa Saudi Arabia..kahit sa mga simpleng bagay na ganito, nagiging makabuluhan ang mga kaganapan at parang isang “bagong kabanata” ito ng pagtahak ko sa mga bagong hamon..at sa mga susunod na araw pagkatapos ng “unang 100 araw”..pero di natin masasabi, maraming pwede pang mangyare..pero kung ganun man, pagkakasyahin ko ang sarili ko kung saan at kung ano ang meron..pak na pak!

3 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “From Block Three to Bachelor Villa”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s