Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Takot Ako Eh!”

-TAKOT AKO EH!!!-

“PAALALA: Ang mga larawan ng mga sumusunod sa lathalang ito ay walang kinalaman sa isyung napaloob dito..hindi sila ang “main” character sa mga storyang yan..kaya wag kayong mag -assume..hahahahhahaha”

Ang pinaka ayoko sa lahat yung mga kaganapan na may kinalaman sa mga aksidente..o di kaya, may dinampot ng pulis or ng security, may mga suntukan or pag aaway na pisikal na nagaganap..tapos may duguan pagkatapos..mga trahedya (sino ba naman tao ang may gusto ng trahedya!)..dahil kahit di ako involve dun, naiisip ko agad..paano kung ako ang nasa sitwasyon na yun!?!!  Lalo na dito sa Saudi Arabia, na mahigpit sila sa pagpapatupad ng kanilang BATAS! Pero dahil sa di ko rin maintindihan na mga sitwasyon..NANGYAYARI ANG MGA BAGAY NA GANITO..parte na ng buhay ng tao! Ayoko rin ng mga bagay na mapapaisip ako ng PAGKALITO sa mga nagaganap, bakit nangyare yun? Bakit nya ginawa yun? Bakit kelangan hulihin? Kasi ang totoo..hindi ko alam kung may magagawa ako para makatulong..o dedma na lang! Syempre DEDMA na lang kung di naman kailangan ng tulong ko! Mamaya, sa kaka prisinta ko sa sarili ko..ako pa ang malagay sa alanganin..pero syempre, KUNG KAYA NG POWERS KO??? WHY NOT!!! Keri naman siguro ng pagiging DIVA ko yan! (diva?????!!!! KALAS!)

REPORT # 1 – PAKISTAN VERSUS NEPAL!

Nagkagulo ang tao sa loob..habang ako, walang kamalay malay na nag susulat sa pwesto naming! Pag tingin ko..ayyyyyyyyyyyyy, MAY NAGSUSUNTUKAN!!! Aba..aba, may ring side sa loob ng planta…Pak! Wait,  nakita ko si James umaawat sa gitna ng nag uumpukang mga tao..ahmmm, taray ni James ha..feeling nya ang tangkad nya..hahhahahha..bilog lang ang katawan nya! Pero wala ako ma say, kung di “bow”..But wait, ano nga ba ang meron..Ayyy ang Nepal sinuntok sa mukha ang Pakistani!!! Duguan ang face sa bandang kilay..kitang kita ko na putok ang face ni Pakistani! Natakot ang lola mo..steady lang at wala naman akong magagawa at marami na naman ang umaawat..at eto ang hindi ko kinaya, akala ko magkakagulo na ng bonggang bongga..bukod sa nag suntukan na ang dalawa…Parang may riot na magaganap!!! Ang grupo ng mga Nepali (at madami sila), unti unti nang sumusugod sa area, ISA ISA silang naglalapitan..(di ko alam kung tatakbo ako or kung anong gagawin ko..) kung saan nagaganap ang kumosyon! Wow..kuyog ha!!! Syempre..papatalo ba ang kapatiran ng mga Pakistani..NOOOOO!!! NOOOOOOOOOOOOO!!! isa isa na rin silang sumusugod para saklolohan ang duguan nilang tropa! Akala ko talaga magkakagulo na ng bonggang bongga! Nasaan na ang WORLD PEACE…naisip ko na naman na ako ang ambassador ng UNITED NATIONS..pero sa pagkakataong ito, si James yan..hahahahhaha..At kung magkagulo man, naisip ko na saan kaya papanig ang iba pang mga lahi?? Kay Nepali? O kay Pakistani??? Ahmmmm..for sure ang Pinoy sa isang tabi lang at pagpupustahan kung sino mag wawagi sa FLYWEIGHT DIVISION..

Well..hindi sila nagtagumpay sa maitim nilang plano..dahil ang Saudian na security, sumigaw ng malakas!!!! (hindi ko na matandaan kung anong word yun..pero isa lang ang sure ako..ARABIC yun! Hahahhahaha)..Sa tindig at boses pa lang ng Saudian na yun, aba eh kailangan mo nang matakot..naawat ang dalawa, binitbit papalabas ng area, habang kitang kita ko na tumutulo ang dugo sa face ng Pakistani..Bug! Kaloka!!! Ako naman comatose lang sa kung saan ako tumigil habang pinapanood ko sila..(hahhahah.takot!!)..Hindi ba naman mag dudugo ang face mo kapag sinuntok ka ng kamao na may bakal..hahahahhaha..(naka steel gloves kasi yung Nepali, kasi kailangan ito sa pag cut ng manok..para hindi sya masugatan), ayun iba ang nasugatan nya.  Ang hindi ko lang maintindihan..at ang hindi ko kinaya eh, pareho naman silang “mabait”, sa tingin ko ha.  Pareho naman lagi naka smile sa akin ang dalawang yun everytime na nakikita nila ako..isa sila dun sa story ko, especially yung Pakistani na kapag nakakasalubong ako eh, “kuways, ng kuways”..at may smile na kasama yun..Hayyy, di mo rin talaga masabi..Pero..pero..pero, base sa nakalap ko na balita, eh pinrovoke naman daw pala ng Pakistani si Nepal..kaya ayun, napilitang suntukin ni Nepal si Pakistani..sabi pa nga ng mga usisero, di naman daw kalakasan ang suntok nitong si Nepal…hahahhahaha…AND THE WINNER IS???? WALA!!! Pareho silang natanggal sa trabaho (samakatwid..pareho silang nag wagi sa titulong FLYWEIGHT CHAMPION OF THE WORLD!! Dahil pareho silang lumipad pauwi sa kani kanilang bansa)..at sa ngayon, eh nasa piling na sila ng kani kanilang pamilya..hayyy, MAFI KUWAIS!

Ang LESSON???? habaan ang pasensya..umiwas sa gulo! Wag mananakit ng pisikal..dahil sigurado ka, KALAS ang KARIR!!!

Sayang nga ang Nepali na yan..6 years na rin nag ta trabaho sa HADCO at masipag pa naman sya..at isa pa, kamukha sya ni Rey Malonzo..SAYANG NA SAYANG!!

REPORT # 2 – NAHULI SI NEPAL?!?!?!?

Talaga nga naman, ewan ko ba..siguro ang Nepal na ang may hawak ng titulo na “NEWS MAKER OF THE YEAR!!”…dahil eto na naman! Eto na naman sila..pero sa pagkakataong ito..walang suntukan…

Nasa room na ako ng mabalitaan ko kay James, na yung isang Nepali eh dinampot dahil saan?? NAHULIHAN kasi sya nag may piraso ng manok sa kanyang bulsa! KALOKA!!! Ewan ba..Hindi ko maintindihan kung bakit naman kailangan mag labas ng manok galing sa loob ng planta..tiyempo pa nag frisking ang mga security ng time na  yun (nalaman ko rin sa aking source..)..hahahhaha! PAK…nahuli si Nepal!!! Nakalimutan ko na ang pangalan nya..pero natandaan ko sya dahil lagi ko rin syang kausap at pakanta kanta pa sya pag kinakausap nya ko..Well, nakakaloka sya..baket? akala ko naman kumuha ng manok para sa kanyang personal na pagkain, na tingin ko naman eh di nya gagawin, at san naman nya lulutuin yun! Hhahahhaha..Pero kahabag habag sa kabilang banda, kasi ginawa nya yun para ipakain sa mga PUSA na umaaligid aligid sa block (or quarters) nila. Taray!! Si Nepali, pet lover..itataya ang pagpunta sa Saudi para sa mga alagang Pusa..Hayyy, siguro hindi rin naman nya alam na bawal ang maglabas ng piraso ng manok kahit pa ipapakain mo ito sa DAGA! At ano na nangyare kay Nepal??? KALAS!!!

At ang LESSON??? Dedma sa pagiging caring sa mga PET!! Dahil kapag nahuli eh di naman kahit isa sa mga PUSA na yun eh magiging abogado ko para ma absuwelto ako! Hayyyy, MAFI KUWAIS!!!

REPORT #  3 – Pinoy at Indiano sa Hot Seat

“Hayy..iba talaga pag napag bintangan ka..wala kang kalaban laban”..yan ang narinig ko sa isang Pinoy na nag uusap dahil may nahuli daw  na Pinoy na kumuha ng manok! Huh!??! Ano ba meron sa manok na yan eh patay na ang manok..hahahha, kung saan saan napapadpad! Pagpasok ko sa loob ng planta..may kumakalat na tsismis!!! Eh di naman ako ‘tsismoso’ kaya naman hindi ko rin alam kung anong mga kaganapan.  AHMMMMM..si M & M (pinoy ang mga ito), dinala ng security sa security office.. syempre gulat na tanong ko..”HA???????????BAKET??? ANONG NANGYARE??? Nakita daw na may dalang MANOK?? “HA?????????????????????”

OK..OK..OK!! So may dalang manok? San galing ang manok..bakit may manok dun?? Yan ang tanong ko sa tsismoso kong nakausap..importante na malaman ko yun, dahil malapit sa puso ko ang mga taong involve sa eksena na ito!!! Isa lang ang nasabi ko..”for sure, di nila magagawa yun…para sa isang pack na manok?? Haller!!”..Ganunpaman, aligaga ang mga Pinoy dahil nga sa nangyare, usap usapan na kasi na pag may mga ganitong eksena 80% ang chance na makauwi ka ng Pinas! KALAS! Parang lahat kami eh nag aabang ng NEWS sa TV or sa Radyo na kung ano na ang hatol ng KORTE! Tanghali na, wala pa rin malinaw na balita..puro pa rin haka haka! May nagsabi pa nga na, “hay, sigurado papauwiin na sila..”..ayyy!!! MAY GANUN?? Pero truly, naniniwala ako na kering keri ni Marwen yung eksena na yun! Unang una..wala talaga syang kinalaman doon (base sa mga impormasyong nakalap ko)..at keri din nyang ipagtanggol ang sarili nya, dahil marunong syang mag ARABIC, kaya maipapaliwanag nya ng bongga at accurate ang mga pangyayare.. Wait, may umeksena rin kasi..yung Indiano na ilang araw pa lang (siguro mga 3 days pa lang sya) ayun napasama sa eksena! Ang usap usapan..ito daw guy na ito, ang nakakita ng ITEM sa labas at sinabi sa isang Pinoy..at itong pinoy na ito, lumapit sa isa pang pinoy (bwahhahahaha..parang blind item), pero no joke..ganun daw ang eksena..pero winner din ang Indiano na yun, winner daw ang sagot sa  Q&A sa security..at kung ako ang naka rinig nito personally..meron syang isang STANDING OVATION sa ken!!! “I did not steal..any chicken!!! Chicken!!! CHICKEN!!!!  ..ang sabi daw ng guy na yun, di daw sya nag aral at naghirap makapunta ng Saudi para lang magnakaw…TARAY!!!!

HAPON na nang nabalitaan ko na..ANG MGA HINATULAN AY HINDI GUILTY!! Ang TARAY!!!!

At ang LESSON?? Dedmahin ang manok na makikita mo..kung may sense of CONCERN ka?? Dapat na MABILIS na itugon o ilapit ito sa KINAUUKULAN!!  WELL..WELL..this one?? KUWAIS!!

**pero sa lahat yata ng storya na ka gaya nyan, eh ang pinaka hindi ko kinaya yung may nahuli na may napulot na “asong kalye” at dinala sa accommodation para paliguan..at nakarating ito sa General Manager..ayun, bongga..pinatawag ang nasakdal!!! Pero…infairness, sumikat ang balita na yan..akala ko nga noon, ma tsu tsugi yung pinoy..buti na lang hindi..kaloka!!! kaya ang lesson..dedmahin ang mga “asong kalye” na pagala gala..kesehodang nagugutom sila..”

__________________________________________________________________________________________

“MULI KONG PINAPAALALA NA HINDI SILA ANG MGA NASA KUWENTONG YAN, PERO GANYAN ANG MGA “FACES’ NG MGA LAHING AKING NABANGGIT!!!”

8 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Takot Ako Eh!”

  1. Kaloka pala mga tao dyan..mga pet lover, hampas soil, so funny talaga ng mga kwento mo kapatid. it’s a breath of a fresh air… fun fun fun!!!

  2. kaloka ang mga manok dyan! the culprit of all sufferrings! kaya ayie, hwag kang papatuksong humipo, dumampot, kumurot o tumitig ng manok kung gusto mo pang ikeep ang career!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s