Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “TAO RIN AKO”

-TAO RIN AKO-

Maraming mga kwento ng natakot ako base sa mga ilang na iulat ko sa sinundan nitong lathala..kasunod nito, ayoko din naman ng mga kwentong kumukurot sa puso ko..pero may mga bagay na sadya talagang ganito at nagaganap sa paligid natin na di natin kontrol, HINDI NATIN ITO MAPIPIGILAN  Kahit naman mag pumilit pa akong maging masaya, pero sadya naman pag may mga bagay na ganito..HINDI KO RIN NAMAN KINAKAYA, na sa kabila ng lahat ng mga ngiti..sa likod nito..may mga drama!  Ayoko man ng mga kwento ng pagluha at pagkalungkot..ito ay isang bahagi ng buhay ng tao..hindi ko alam kung iba ba ito dahil andito ako sa ibang bansa, pero damang dama ko ang sakit nito..

Mga tanong pa rin..na paano kung ako ang nasa posisyon nila..paano kung sa ken mangyare ito???? kaya ko kaya?? kakayanin ko ba??? mga balita na hindi magaganda..tungkol sa pamilya..mga mahal na kaibigan..Ayoko ng makakita ng kababayan na na “HOMESICK”..affected ako ng bonggang bongga!!! Sa kabilang banda, maganda rin na nasasaksihan ko ang mga bagay na ganito, at least…may mga bagay na kahit papaano..MAPAGHAHANDAAN KO..REALITY BITES sabi nga nila!!!

Pinaka mahirap yata ito sa lahat ng mga naisulat kong labing apat na lahathala..sa UNANG 100 ARAW ko dito..tatak na tatak ito sa ken..sige lang, isusulat ko na lang..

SI TATANG WORKING PA RIN???!??

Kapag matanda na kaya ako at Senior Citizen na ako, mag ta trabaho pa ba ako kagaya nila?? Malaking pasalamat ko lang sa magulang ko at napag tapos nila ako at kahit papaano ito ang kanilang yaman na pinamana sa aken..Pag sampa ko kaya ng 50 yrs, ano o nasaan na kaya ako?? Pag dating ng 60 yrs, ano na ang ginagawa ko sa buhay?? Sana naman eh buhay pa ko nyan..

May mga ilang tao din na nagta trabaho dito na nasa edad 50 pataas, tantya ko eh kulang kulang 60..at hindi sila mga SUPERVISORS or MANAGERS..sila eh mga Production Labor, na hindi naman kadalian ang trabaho.  Na kung iisipin mo, sa mga panahong ito..dapat eh sinasamantala na nila ang mga pagkakataon na dapat eh kapiling nila ang kanilang mga asawa’t anak.  Na nag e enjoy sila sa kanilang mga buhay buhay na out of stress, pressure at kailangan eh nag e enjoy sila, pero sa siguro di naman maiiwasan na pagkakataon at kani kanilang personal na reasons..KELANGAN PA NILANG KUMAYOD! At hindi lang sila basta basta ilang taon lang na nag ta trabaho sa planta na ito..10-20 years ang kanilang naging years of service kaya kung iisipin mo, hindi naman ganun kadali ang ginugol nilang panahon dito.  Na sa tuwing nakikita ko sila, naiisip ko ang tatay ko na ngayon eh 68 years old na. Matiis ko kaya na mag trabaho pa ang tatay ko at kumayod pa para sa amin, para sa kanyang pamilya..Sa totoo lang, hindi ko halos malapitan ang mga Senior Citizen na to dahil parang ang sakit sa puso..pero wala naman akong magawa, dahil parte ng trabaho ko eh kausapin sila..at lagi ko silang kinukumusta araw araw..sa paglibot ko sa buong planta..di pwedeng hindi ko lalapitan isa isa ang mga tatang na ito.  Ito ang mga taong, tahimik lang na nagta trabaho sa kani kanilang mga pwesto..hanggang sa matapos ang araw ng kanilang mga trabaho..Ngayon..kailangan na nila lisanin ang trabahong kanilang minahal sa pagka haba habang panahon at tinamaan sila ng policy na lahat ng mga nasa braket ng kanilang edad eh kailangan ng mag retiro, at umuwi sa kani kanilang bayan..Nang mabalitaan ko ito, nalungkot ako pero naging Masaya ako para sa kanila, at para naman makasama na nila ng BONGGANG BONGGA ang kanilang pami pamilya…

Siguro lang ang kaibahan lang eh, mahirap ang ginagawa nila kumpara sa ginagawa ko..dahil PISIKAL ang trabaho na ginagawa ng mga TATANG na ito! Aba eh, mahirap ang PISIKAL na trabaho..ang mag buhat, tumayo maghapon habang nag hihiwa ka ng 5,000 pirasong manok, mag press ng 5,000 pirasong manok..na ang kondisyon ng katawan ng isang may edad na eh iba sa mga bata bata (kagaya ko??!)..pero keri ko ba ang trabahong ginagawa nila? Kaya naman, pero hindi siguro kasing galing na sa paraan na nagagawa ito..

Hayyy..pero tiningnan ko ang reflection na ito sa sarili ko (TITO BOY AKIN NA ANG MAGIC MIRROR!!!)…Naisip ko tuloy na, dapat talaga na ma secure ko ang sarili ko sa mga panahon na umabot ako sa edad na kagaya nila.  Ayoko naman umabot yung time na kakausapin din ako ng company at sasabihin sa aken na “Mr. Ariel, we know that you are aware of the company policy regarding working age, and at this point..YOU ARE FORCED EVICTED!!!!” kakaloka!!! Pero sana naman hanggang 60 naman..ayoko naman tumambay ng 50 pa lang ako..siguro naman kung malakas pa ako nyan, keri ko pa mag trabaho..hahahhahahah.. Pero, isa lang naman ang sinasabi nito sa akin, dapat kahit papaano eh maging handa sa mga pangyayare na na fo forsee na natin na maaaring mangyare.  Sa mga bagay na hindi naman na sa totoo lang na kahit gaano ka pa kahanda..may mga bagay na hindi mo maiiwasan mangyare at mangyayare talaga ito kahit anong gawin mo at wala kang magagawa kung hindi tanggapin ito at gawin ang mga bagay na sa tingin ko eh nararapat.  Ganyan talaga ang buhay..walang permanente!

Pero sa inyong lahat mga baba..SALUDO ako sa inyo! Mabrouk!

SI JEROME AT ANG KANYANG PAPA

..hindi ganoon kadali ang mga bagay na kagaya nito..at naiisip ko tuloy ang tatay ko..(na kahit sa puntong ginagawa ko ang kwento na ito, mahirap sa puso ko na ibahagi..pero sa tingin ko ay kailangan..dahil ito ang isa sa katotohanan ng buhay)…

May sasakit pa ba sa balita na habang ikaw ay nasa ibang bansa, mababalitaan mo na pumanaw ang isa sa mga mahal mo sa buhay? Paano kung sa akin nangyare ito, na hindi naman imposible mangyare..hayyyy..iba talaga pag buhay na ang pinag uusapan..lalo na pag may mga namamatay..maryosep! Kahit nga yung nsa Pilipinas ka lang, may mga ganitong balita eh kulang na lang gumulong ka sa kakaisip at ma comatose sa pagkalungkot!!

Bago mag Christmas, tumulak si Jerome pauwi ng Pilipinas galing Riyadh KSA para mag spent ng vacation (si jerome ay ang isa sa mga best friends ko, na 20 YEARS ko na kaibigan simula pa FIRST YEAR high school..alongside with EDlourd).  Syempre tumawag muna si kapatid na Jerome sa akin para mag paalam at para ipadama ang kanyang excitement sa kanyang pag ba bakasyon.. Syempre bongga, at happiness kami dahil after a year ayun at uuwi sya ng Pilipinas! Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may karamdaman ang kanyang tatay..pero hindi ko alam na ang kanyang kondisyon eh hindi kagaya ng iniisip ko..kala ko ok lang..

Isang linggo pagkatapos ng paglapag ni Jerome, nagkaroon kami ng pagkakataon na mag chat.  Ayun nga, binalita na nya..na di daw nya inaakala na ganun na ang situwasyon ng kanyang ama..malapit na daw siguro ang ending ng tatay nya.  At ang ginagawa niya eh alagaan ang kanyang ama na may MALALANG KARAMDAMAN..hindi ako makasagot kay Jerome agad..hirap akong mag type ng sasabihin ko..Sabi nga ni kapatid na Jerome, “siguro ok na rin yun kung talagang ending na ni PAPA, para matapos na rin ang paghihirap nya..mahirap din kasi sa amin na nakikita syang NAGHIHIRAP”..HAYYYYYY..

HAYYYYYYY..(buntong hininga)……………………………..

………………………………………………………………………………..

………………………………………………………………………………..

………………………………………………………………………………..

Imagine, hindi ko alam kung timing ang pag uwi ni Jerome, parang hinintay lang talaga sya ng Papa nya…2 linggo pagdating nya ng Pilipinas..PUMANAW NA ANG KANYANG PAPA..naka chat ko noon si Jerome, habang hinihintay nila ang mga labi ng kanyang Papa..(PARANG TUMIGIL ANG MUNDO KO NON, PARANG WALANG SOUND..KUMBAGA SA MOVIE PARA SYANG INDIE FILM NA ANG BAGAL NG PHASING NG MGA DIALOGUE..WALANG BACKGROUND MUSIC OR MUSICAL SCORING..ANG TANGING MARIRINIG MO LANG ANG MABILIS NA TIBOK NG PUSO MO..AT ANG TUNOG NG KEYBOARD NG LAPTOP MO)…Pero naisip ko, buti na lang nasa Pilipinas na sya, PAANO kaya ang pakiramdam ng dito mo sa Saudi Arabia, mababalitaan na may tatawag sayo..at sasabihin na “wala na si papa mo..”..”wala na si kwan”….KAYA MO KAYA??? MASAKIT DI BA???? ANG SAKIT SIGURO NUN…

Dali dali ko naman tinawagan ang parents ko kina umagahan, para alamin agad ang kondisyon nila..lalo na ang TATAY ko na alam ko naman na sa kasulukuyan eh may nararamdaman na rin..tinanong ko agad sya..”kumusta tay?? Ok lang ha?? Malakas pa ha..nakakapag bike pa ba kayo?..ang tatay ko kasi mahilig mag mountain biking, kaya alam ko kung nagagawa nya pa ito, KERI nya pa..sabi naman nya “oo kaya pa..nakakapunta pa daw sya ng Angono Rizal”..malaman ko lang na sa kabila ng kung ano ano ang nararamdaman nya eh nagagawa nya pa ang mga bagay na gusto nyang gawin..kakaloka ako, sabi ko pa tuloy sa kanya..”o, wag kayong magkakasakit ha..wag muna kayo mamatay..wait nyo ko, para bonggang bongga!!”..NATAWA si tatay…ganun kasi kami mag usap..Pero ang taas ng emosyon ko noon, ewan ba bakit kailangan pa na mapunta ako sa Saudi Arabia, para lang maging constant ang communication ko sa pamilya ko at alamin ang bawat nangyayare sa kanila, at siguruhin ang kanilang seguridad..

Siguro nga..dito ako tinulak para ma realize ko ang mga maraming bagay at isa dito ang tungkol sa pagpapahalaga sa PAMILYA na minsan ko nang tinalikuran…

Sa Papa ni Jerome – may your soul rest in peace po! At saludo ako sayo kapatid na Jerome..dahil sa nangyare na ito, mas minahal ko pa sila ng sobra ngayon…

4 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “TAO RIN AKO”

  1. Ariel, kaming mga senior citizens ay mas matatag at malakas kaysa inaaakala mo. Si tatay mo at ako, halos magkaidad – siya galing pang mag mountain bike, ako naman galing mag respond sa blog mo. So kada isa sa aming mga seniors may kanya kanyang wisdon at skills at talents na wala ang mga nakababata sa amin, and we are a proud breed. sabi nga namin, dual citizenship kami: Filipno citizen at Senior citizen. In you words, kering keri namin ang life na ito kasi kami, ‘been there, done that’.

    Love your blog!

    1. -hi Ms. Chona V., marami pong salamat..naniniwala po ako sa wisdom na ito..at kitang kita naman..proud po ako at galing pala ako sa proud breed. at ang galing ng “been there..done that”..kering keri talaga!

      marami pong salamat sa patuloy nyong pagsubaybay.. =)

  2. Hi ayie! grabe neng haba nito, napagod akong magbasa pero ramdam kita, sobra kahit mahaba tinapos ko talagang basahin. Pinaiyak mo ako ha, Ganyan pala talaga ang buhay sa saudi…. Malungkot na masaya..pero mas marami ang lungkot kesa saya….haaaayyyy

    1. -hello Malou!! thanks for the visit! napa iyak ba kita..dont worry, minsan healthy rin daw ang umiyak..hehehehhehe..ganyan talaga ang buhay..masaya..malungkot..masaya..malungkot..but dont forget to live life to the fullest!! take care ang God Bless..i miss you! =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s