Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – Ang “Winter” Experience

-ANG “WINTER” EXPERIENCE-

November 2010-40 days bago mag Pasko

Sa totoo..nagsisimula ang tag lamig (or meaning nagpaparamdam na papasok na ang tag lamig sa buwan pa lang ng September..pero hindi ito todo! Pa cute lang ang tag lamig towards October..dumating ako ng September 30, 2010..though mainit, pero di kasing init sa inaakala ko..dahil ng mga panahon na yan, nakukuha ko pang mag SANDO at mag SHORTS!! Lumipas ang mga araw, nilagpasan ang Birthday ko..ahmmm, nakalipas na ang una kong sweldo..nararamdaman ko na ang papasok na TAG LAMIG!!

Eh bakit naman ba big deal ang tag lamig?? Usap usapan na lang lagi kasi sa canteen at sa iba pang bukirin dito sa farm na malamig talaga ang TAG LAMIG sa HAI’IL City kumpara sa ibang city ng Saudi Arabia..Palibhasa, marami din talagang bagong dumating na sa kauna unahang pagkakataon (at isa na ako doon!!!)..ang TAG LAMIG EXPERIENCE!!

Lahat ng tao yata na hindi pa nakakapunta ng Saudi Arabia ay isa lang ang naisip..MAINIT!! dahil sa nasa disyerto..TALAGA NGA NAMAN NA MAINIT..NAKAKAPASO!! NAKAKASILAW!! Kahit nga ako di ko rin NAISIP na malamig sa disyerto! But wait, pagsapit ng November..nagpaparamdam na ang taglamig at papasok na nga talaga ang WINTER SEASON  (winter daw ang season dito kahit wala naman snow!!! Winter-winteran????)..Ayon sa aking pagsasaliksik..dalawa ang season sa Saudi Arabia..ang Tag Init or Summer Season at Tag lamig or Winter Season..Kaya ko kaya ang Winter Season????? WINTER na WALANG SNOW…

Sabi pa nga ng mga nakakausap ko na nagtagal na dito sa Hai’l City, Saudi Arabia..kaya daw ito tinawag na “hail” city dahil daw dati madalas na umulan ng yelo dito..at kapag daw umulan na ng yelo, yun na ang simula ng tag lamig!! Sabi pa ng iba, nsa BAGUIO daw kami ng Saudi Arabia! Well..tingnan nga natin. Dahil din minsan sala sa init sala sa lamig ang tao, kapag mainit gusto malamig na..kapag tag lamig na, sana tag init na ulet..hahahahhaha!

Kung sa tag init sinukat kung gaano ko kakayanin ang HINDI ka man LANG PAG PAWISAN, kahit sobrang tindi na nang init..at ang NAKAKASILAW na sikat NG ARAW..kung TAG LAMIG na kaya, keri ko pba mag SANDO??? Mag SHORTS??? Kaya siguro, pero hindi ko na lang pipilitin, baka manigas naman ako sa tindi ng lamig!

DAHIL SA PAGPASOK NG TAGLAMIG..Goodbye SANDO!! Welcome SUPER BALABAL!!!! Buti na lang at kahit papaano nakapag handa ako, may dala akong jacket na pang taglamig talaga! So nothing to worry..dala ko rin ang malong ko..PERO ANG PINAKA WINNER SA LAHAT?? Yung ibang lahi na ang pang protect nila laban sa lamig..ISANG MAKAPAL NA KUMOT!!!! Imagine ang mga Pakistani kung maalala nyo na naka national costume na parang panjama, na iba iba nga lang ang kulay..dagdagan mo pa ng MALALAKING KUMOT ni kino cover nila pang protect sa lamig..sige na, SILA NA ANG BEST IN NATIONAL COSTUME…But wait..at hindi lang talaga sya basta kumot!!! KUMOT!!! NALOKA ako ng makita ko sila sa LABAS!! Ang TARAY ng mga KUMOT NILA!!!! Pero ang nakaka inis sa lahat, feeling ko napaka OA (over acting) ko..kung maka emote at maka outfit naman ako na kulang na lang ibalot ko ang sarili ko sa kung ano man makapagpapainit sa ken, SAMANTALANG..ang iba pang GUYS..kung todo, sando..kung todo shorts!!! At dinededma ang nanunuot na lamig sa aking mga BALAT at sa buo kong KATAWAN!!! At sasabihin pa sayo na..”SUS..wala pa yan, kung makapag jacket naman kayo..hintayin nyo sa January-February..ewan ko na lang!”..naisip ko tuloy..”weeh..di nga?? So takutan ito..takutin talaga ako..ganon??” Oh well..ok ok ok, good thing at may mga ganyang “advises” at least makakapag ready naman ako ng BONGGANG BONGGA!! At infairness..bet ko rin naman ang mag pa litrato gamit ang mga TAG LAMIG apparel ko..hahahahhaha

_______________________________________________________________________________________

Eh KUMUSTA NAMAN BA AKO NG PUMASOK ANG TAGLAMIG???? Ang makipaglaban sa pinakamababang temperature na mababa sa ZERO DEGREES (Centigrade)..

-kumusta naman ang 5 patong kong damit??SANDO..SWEAT SHIRT..LONG SLEEVES..at ang AKING JACKET..Bonnet?? Bonnet na parang magnanakaw ng isang bangko!!! Hahahhahaha.. Shawl/Scarf??? MERON ako nyan..gloves, knitted gloves..leather gloves..ear cover (pantakip sa tenga)..lahat yata ginawa ko, lahat sinubok ko..pero malamig pa rin talaga..HUMAN BLANKET yata ang kailangan ko..(wala nga lang..hahahhahah)

-kumusta naman ang kung paano ako maligo tuwing 430AM ng madaling araw (dahil kapag 600AM ang duty ko, dapat gising na ako ng 430AM para maghanda)..dahil noong una nasa block three pa ako at walang sariling CR at common ang CR sa buong block three, talaga naman bonggang bongga kong tinatakbo mula CR pabalik ng room # 7 pagkatapos maligo..at hindi ko I de deny, na minsan (tatlong beses yata yun)..na sa gabi ako naliligo, dahil di ko na keri ang sobrang lamig..para akong pinapasok sa freezer sa sobrang lamig..NAKAKAINIS nga eh, may nakasabay pa akong naligo ha, pero parang wala lang..anong klaseng balat meron sya!!!! KALOKA!!!!!!

-at eto pa, kumusta naman ang pagtimpla ko ng hot & cold water para pampaligo..aba syempre di pwedeng HOT lang..at baka masunog naman ang balat ko sa sobrang lamig! Isa pa ayoko pang makalbo!!! Para akong nagtitimpla ng kape..makuha ko lang ang gusto kong init, init na hindi naman nakakapaso!

-kumusta naman kapag gabi at kailangan ng matulog..bukod sa LIMANG PATONG ang damit ko..isang makapal na kumot, at dalawang kumot na may kanipisan ang gamit ko..at super talukbong talaga ako..well, meron naman warmer or heater ang air con, pero di ko ginagamit..dahil sumasakit naman ang buo kong katawan..kaya dedma sa heater!!

-hayy..kumusta naman ang shampoo ko.. JOHNSON for KIDS!!! Dahil feeling ko eh mild lang ito..dahil ayokong ma PANOT (o makalbo..) kasi experience na talaga ng mga nagpupunta yan din..kung di ka daw ma ba bading..MAKA KALBO ka..dahil bading na ako..isa na lang ang CHOICE..ang MA KALBO ako! Ahhahahahhahaha..kaya dapat ingatan ang hair!!

-kumusta naman ang  putok kong mga labe, dahil di ko naisip na kailangan ng moisturizer? Eh ang dry na dry kong balat..dahil di ako nag lotion?? Idagdag mo pa ang nagtutuklapan kong balat dahil di ako nakapag lagay ng moisturizer..maryosep, pag nakita mo ang dati kong malaporselanang balat ngayon pwede na akong maging si DYESEBEL..hayyyy!

-kumusta naman at talagang hindi ko kinaya? Ang maglakad mula bachelor villa papuntang block number 1 tuwing 500AM para mag abang ng coaster papuntang slaughter house!!! Bakit di ako manigas sa LAMIG habang naglalakad..malayo layo din kaya!! YUNG feeling na naglalakad ka sa gitna ng disyerto na hindi mo alam kung san ka pupunta..at kasabay nito ang malakas at malamig na hangin na humahampas sa mukha mo..kaloka!!!

-kumusta naman ang ipagdasal ko sa lahat ng santo..isang madaling araw na buma byahe kami from Villa to Slaughter house..na wala kaming makita sa kalsada!! As in ZERO VISIBILITY!! Hindi ko alam kung ano gagawin ko..dahil sobrang DILIM..parang any moment, baka may bumangga na makaka salubong naming sasakyan!! Kakainis..kakaloka..pag may SAND STORM ganyan din..di mo makita ang kalsada..ganun din kapag balot na balot ng HAMOG ang buong paligid!! Buti na lang winner din mag drive ang driver namin! Pero dama mo sa buong sasakyan..ni kinakabahan lahat ng sakay nito..hahahahhahah

-kumusta naman ang nag yeyelong kotse ni Kuya Rey isang umaga bago kami pumasok..kinilabutan ako, ewan ko ba kung bakit..hahahahha, siguro na IGNORANTE lang ako..para  kasing bote ng SAN MIG LIGHT na ICE COLD (ung nag ye yelo ba ang bote..)..ganun..ganun na ganun!

-at kumusta naman..na hindi kahit kalian nasilayan ng tao ang PAA ko dahil lagi akong naka MEDYAS!!

Well..Kulang na lang I fast forward ko ang panahon..para ma finish na ang TAG LAMIG..

May mga araw at gabi na nakakainis ang LAMIG..nakakainis, nakakairita..lalo na pag bilog ang buwan, ewan ko kung bakit..ANG TOTOO..first time ko marinig na kapag FULL MOON, iba ang klima..at mas malamig..ako naman everytime na makikita ko na FULL MOON..hayyyy, eto na naman, bilog ang buwan..bakit naman hindi na naman ako MANIGAS sa lamig..pero may mga panahon din na kaaya aya ang simoy ng lamig..PARA LANG AKONG NASA BAGUIO..chill chill..kering keri maglakad from bachelor villa to recreation hall..or papuntang admin building! Medyo mahangin na parang may tubig (mists)..lalo na kapag medyo umulan or umambon..naku BET na BET ko yan! Kasi masarap ang hangin..FRESHNESS!!! kaya sa susunod na mga winter experience..mas magiging handa na ako, ganun lang naman talaga, “there’s always a first time..”

Sa pag wawakas naman ng tag lamig sa buwan ng Abril..pero tantya ko eh mas early ang ending ng TAG LAMIG..at maaga din ang pagpasok ng SUMMER!!! Ihanda naman ang SUMMER OUTFIT..ihanda na ulet ang SANDO at ang SHORTS at wag kalimutan ang SUN GLASSES!!! Pero ang higit sa dapat ihanda ang makinis kong balat, dahil papasuin na naman ito ng tindi ng init ng araw sa SUPER SUMMER!!!

AFWAN SUMMER!!!

6 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – Ang “Winter” Experience

  1. helo kuya, Im jay,. in 2 weeks time baka nan dyan narin ako. I was hired as feed officer sa farming division, I used to be a QA technician sa isang feed mill dito pinas, and sabi nung interview ko same job daw work ko jan sabi nung farm manager (nakalimutan ko yung pangalan – british na maliit). Since I am newbie marami ako gustong matutunan, naghahalo yung kaba, takot at excitement. Actually hindi ko pa alam kung ano ilalagay ko sa maleta ko?di ko natanong kung ano dress code dyan sa planta?at kung anong mga damit pwede isuot dyan..hope you can give me some insight jan?kung sino magiging boss ko?o kung may mga pinoy ba ako makakasama sa department?

    1. Hi Jay Mar! Thanks for reading and subscribing to my blog..kakatuwa, kaka overwhelmed. Good choice, i am sure you will succeed..basta alam mo lang kung ano ang gusto mo and kung ano ang mga good plans mo. Focus! Huwag mong titigilan ang momentum! Go lang ng go lage..Normal lang ang kabahan at magkaroon ng takot..kasama sa “excitement” yan. I think mag ka iba tayo ng division pero pareho naman ng site or i mean compound. I am sure i will see you here. HIndi ko sure exactly kung sino ang nag interview sayo, pero kung di ako nagkakamali si Mr. Michael Mcdonald yun. I heard that he is nice to Filipinos. Regarding sa mga kailangan mong dalhin..don’t worry illabas ko yung blog ko for that..im sure marami kang mapupulot dun. In the meantime, i wish you Good luck and welcome to your new world very soon! God Bless Jay Mar!

  2. maraming salamat hah, yup si sir Michael Mcdonald nga. hope to read yung blog mo sa mga kailangan dalhin, napakainformative talaga ng blog mo and nakakatuwang basahin.
    I use to write pero pang diary lang, hehehe nakakaingit online diary mo..hehehehe
    anyway hope to see you soon, nga pala yung food mo ba provided na ng company?yung kasi sa akin hindi provided. may kakainin ba ako jan?heheh may canteen ba na pwede at madaling bilhan? naninigarilyo kaba?gusto mo pasalubungan kita?hehehe for your valuable help hehehe.. so yung feed mill ng almarai jan din sa Ha’il City?

    1. Hello Jay Mar, thanks again! ito na lang ang libangan ko dito..ang sumulat..hehehe. Masarap naman isulat ang mga experiences dito sa Saudi, kasi feeling ko naman kakaiba dito talaga. But anyway, regarding sa food..provided naman ng company but you have to pay for it, wala rin kasi ditong malapit na carinderia kagaya sa atin, kailangan mo pang bumyahe ng isang oras para lang makapunta sa bayan. So sa canteen talaga kami nakain, di rin pwede mag luto. Pareho tayo ng case, magbabayad tayo para sa food natin. Yosi?? walang problema..kasi marami nag yoyosi dito. Pero kung papasulubungan mo ko, wag na yosi. Ok na ako sa BOY BAWANG or HOPIA, para ma share ko din..hhhehehe. Yep ang feedmill ay nasa Hail sa loob ng HADCO kung saan ako nagt trabaho..ingat ka lage and see you soon..God Bless!

  3. walang problema, hehehe, yung hopia ube lang at mungo, bawal ang baboy diba?hahahahah..magkano yung food?monthly ba ang bayaran nun?

    1. HI Jay! hehehe..oo wag kang magdala ng hopiang yobab! haha..ung food, depende yata, im not sure..but in my case kasi im buying food coupon, so depende sa akin kung kakain ko or hindi. Ang cost ng isang booklet ay 100SAR 30 meal coupon yun..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s