Ako Sa Saudi Arabia (ang unang 100 araw) – “Ikaw anong Pangalan Mo?”

-Ikaw, Anong Pangalan mo?-

“November 30, 2010..25 days bago mag Pasko”

PAALALA: At dahil sa ni rerespeto ko ang identity ng bawat isa..at ang kani kanilang pangalan..pinili ko na lang na wag na lang isulat ang mga pangalan nila sa totoong buhay at baka hanapin nyo pa sila sa FRIENDSTER!!!

Na alinsunod sa nauna kong plano..at aking kino kowt:

“Ang mga pangalan ng mga sumusunod na mga tao na nakalathala dito ay totoong nabuhay (well, buhay pa sila) at mga nakasalamuha ko..HINDI yan IMBENTO!! hahahahhahah

Wag mag worry, kasi pag pinag sama sama nyo naman ang mga pangalan nay an..eh makakabuo naman kayo ng aktwal na pangalan nila ayon sa kanilang country of origin!!

ETO NA..ang NAME GAME!!!

Sa unang 100 araw ko..tumatak din sa akin ang mga kakaibang pangalan ng mga tao na nakakasalamuha ko..NAME EXPERIENCE naman ang drama ko dito..baket??? BUKOD SA BAGO sa pandinig ko eh..NAKAKALITO at halos PARE PAREHO..or PAREHO TALAGA.!!  At isa rin sa mga naging libangan ko sa mga unang 100 araw ko eh kilalanin ang mga tao at mga kani kanilang mga pangalan…

Hindi ba nakaka panibago kung ang mga nakasanayan mong mga pangalan..Joel, Rey, Marlon, Jose, Brandon, Nolan..Mel..Victor, Benjie, Mar, James..

Joselito..Randy..Ryan..Michael..Potpot..Bing..Bong..Beng..Ping..Pong..Pang..Ding..Dong (dung)..Dang..Deng..King..Kong..Len..Lyn..at ang mga inuulit ulit..Potpot..Bengbeng..cheng cheng..meng meng..Bambam..noy noy (president???)..at ang pinaka bongga at walang katulad..walang kakupas kupas at hindi masyadong common..at pangalang ko..ARIEL!! Mga common na mga pangalan na kahit English names (or mga pangalan ng foreigner), kagaya ng Robert, Hendrik..Carlos..Stanley..Howard..Gordon..Steven..BIG TIME!!! pero common pa rin! Ibig ko bang sabihin eh, lagi ko itong naririnig kahit san man ako magpunta..eh paano na kaya ang mga pangalan na sa bukod na ang hirap intindihin..magkakamukha..at magkakapareho.  Sa atin kasi pag magka apelyido, may chance na mag kamag anak ito..or isa lang ang pinag mulan..or totally HINDI MAGKAANO ANO!

Check nga natin..tayo na sa BATIBOT, at pagsama samahin ang pareho pareho..la la la la la…

*Nepalese Names*

Ahmmm..ano nga ba ang common sa Nepalese names?? Common ang Suresh, Santosh, Hari, Madhav..at kung ano ano pa..pero dahil pare pareho, ang tagal din bago ko maalala ang mga pangalan ng bawat isa..dahil minsan napag hahalo halo ko sila..hahahhaha.  At eto pa,

Eto ang mga common na first name..

Suresh, Santosh, Krishna, Ram, Santa, Hari ,Madhav, Bijeesh, Harka, Burna, Bharat, Sreedhar, Debendra, Tilak

Dugtungan mo ng kanilang casts or ethnic group..Chaudry, Rai, Gurung, Thapa, Rai, Yadav…at marami pang “cast” names…

*Indian Names* (non-christian) – kapag mga Christian kasi..halos katulad din ng mga common names ng mga Pinoy..pero meron din iba (hindi naman lahat)

Dharma Raj, Rijo, Manjur, Sushant, Lukman Sha, Gow Har, Nab Raj

*Venus Raj????? Hehehhehe..

*Egyptian Names*

Abdel, Khaled, Alla Ramadan, Raouf, Ali, Ahmed, Mahhamoud

*Sri Lankan Names*

Tofique, Jifry, Mohan, Krishna (naligaw na katulad ng Nepalese name)

*Saudian*

(reserve ko muna ito..di ko keri! di pa yata ako ready na ilathala ang mga pangalan nito..tsaka na lang..pero common ang mga saudian na may Abdul, Ahmad, Ahmed, sa pangalan nila)..basta mga winner ang mga yan! Bwahahhahah.TAKOT????!!!

*Pakistani Names*

Zafar Iqbal, Zarfaras, Akbar

*Bangladesh Names*

Zahir, Ismal, Azizur

*Sudan*

Mahir

May common din naman sa mga English names diba..or Pinoy names diba?? Lalo na sa pinoy..may inuulit ulit..paulit ulit..at magkakatunog..Ang napansin ko lang din dito, halos karamihan ng mga pangalan ay maaaring galing sa kani kanilang ninuno..or sa kung ano man RELIHIYON nila…kapag Muslim, halos magkaka pareho ang mga pangalan..kapag mga Nepalese naman, depende kung anong “casts” nila..ang casts ang tawag sa mga local tribes nila kung san sila nagmula.  Sabi nga ng mga nakausap kong mga Nepalese..di sila pwedeng mag asawa kung hindi nila kapareho ng “casts”..

NAKAPILI KA NA BA NG GUSTO mong pangalan??? HAHAHAHHAHA..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s