Ako Sa Saudi Arabia (Ang Sa Akin Lang) – “SALOT!”

March 06, 2011 – SALOT!

..Matagal ko na rin hindi narinig or nabasa ang ganitong pangungutya simula pa noong high school ako, at eto na naman..at dito pa sa Saudi Arabia ha..GRABE!

Nung nakaraang linggo..March 06, 2011 isang tawag ang natanggap ko kay kapatid na Marlon. Mula sa boses na galit na galit..damang dama ko na may mga drama..at ibinalita nga nya sa akin na may mabait na nag lagay sa ‘bench” ng block three at ang nakalagay????

sinubukan naman namin na imbestigahan..pero sino ba naman ang aamin..sino nga ang aamin sa KRIMEN!!! WALA! At hindi ballpen or pentel pen ang pinang sulat ha..INUKIT nya!! EFFORT!!! inukit!!!

At sino naman sa kahit sinong tao na husgahan ang mga ikatlong lahi na SALOT????? clueless kami kung san naman hinuhugot ng tao na ito ang kanyang poot sa mga ikatlong lahi!

Ayoko na sanang patulan ito..pero ANG SA AKIN LANG..

-kung may galit ka sa ikatlong lahi, pwes tanggapin mo na nag e exist ito (at matagal na rin namen na tinanggap na nag e exist ang kagaya mo..)

-kung takot ka naman ilantad ang totoong pagkatao mo or baka naman isa ka rin sa amin..(well..dont worry tatanggapin ka namen ng BONGGANG BONGGA, si Rustom Padilla nga tinanggap eh, ikaw pa kaya..sali ka rin sa PBB)

-kung hindi ka man nabigyan ng load..(pwes, malabo na mangyare yun, dahil di na uso ang load ngayon..)

-hindi mo kailangan isulat ito sa mga public places dahil alam na rin naman ng ibang tao na nag e exist ang ikatlong lahi (ingat ka..kasi alam din ng ibang tao na mas magaling ang ikatlong lahi kesa sayo..)

-at sa ginawa mo, hindi lang namin ang ikatlong lahi ang ikinahiya mo..pati ang ilan pang pinoy na nag t trabaho ng tahimik (ikatlo man o hindi)..dahil isa itong pagpapakita ng kawalan ng disiplina at kawalan ng respeto sa bawat isa..ganito ba talaga tayo?? hindi naman sana…

-at siguro naman sa isa sa mga umpukan ng mga pinoy at kasama ang ikatlong lahi, tumawa or natawa ka naman siguro sa mga jokes namen (ibig sabihin..bet mo rin naman ang maki join..tama????!!!)

-isa pa..bago pa ba ang ikatlong lahi sa iyo? hindi naman na siguro..salot mo bang matatawag ang namumuhay ng tahimik, maging happy..at mag enjoy sa buhay kung ano man ang meron???

Alam namin na hindi pa ito ang huli..pero……

Ang Sa Akin Lang..

Kung may nagawa man o nakapinsala man sa iyo o sa inyo na hindi sinasadya..PAUMANHIN, tao lang din!

Ikatlo man o hindi..igalang natin ang pagkatao ng bawat isa at hindi sinabi ng ikatlong lahi na gustuhin sila ng sambayanang mundo..lahat tayo ay may kanya kanyang role sa mundo kaya..RESPETO lang!

at nag e exist kami para maging balanse ang ECOSYSTEM!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s