Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Ang Unang Pasko at Bagong Taon..BANG!”

*Bachelor Villa-Unang Pasko at Bagong Taon sa Saudi Arabia (2010)*

Walang Christmas Light sa gabi..at Wala rin Christmas Tree sa loob ng BACHELOR VILLA..sa bahay kung san ako nakatira kasama si Joel at Kuya Rey..(syempre naman, isang walang hanggang “thank you” sa kanilang dalawa at naging worthwhile ang first christmas experience..pakkk!)

Big Brother Rey, Joel and Me

 

Kagaya ng birthday..Ang Unang Pasko at Bagong Taon ko dito sa Saudi Arabia ay hindi magiging kagaya ng nakasanayang celebration sa mother Philippines!! Pero kagaya din ng birthday, lilipas din naman sya..Pero dedma, ipipilit pa rin namen na maging Masaya at sama sama!!!Dedma muna sa parol, paulit ulit na Christmas carol..simbang gabi..caroling ng mga bagets, wala munang mga ganitong drama! Hahahhaha..Sa mother Philippines kasi, September pa lang feel na feel mo na Christmas..well, dito yata…habang paparating ang christmas at new year, parang di ko pa ma feel..not until na mga ilang days before Christmas eh, finally….NA FEEL KO RIN SYA!!!

..ohh ha..Sosyal Klaymers' Christmas Party yan! pakkkkkkk!!

Bago pa man dumating ang araw ng Pasko eh nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ang SOSYAL KLAYMERS (ang grupo ng mountaineer na kung saan ako kabilang..) sa kanilang na set na CHRISTMAS PARTY..dapat nga sana, WEBCAM party ito..para kasama ako, pero di ito natuloy..hahahhaha..kaya pinili ko na lang na tumawag para naman ma feel ko na ka join din ako!!! (KASALANAN MO TO JOAN!!! Hahahhahaha)..Thanks guys at talaga naman miss ko na kayo!!!

December 24, 2010 (bisperas ng Pasko)

Um-effort kami ni kuya rey at joel na mag grocery!! Para nga naman kahit pa paano eh maitawid naman namin ang PASKO! Andito na nga kame..mag lu lungkut lungkutan pa?? HELLO!! HELLO???????????!!!

Dalawang linggo siguro bago mag Christmas, nag plan kame..naisip ko lang na tamang tama at nakalipat na rin kaming tatlo sa Bachelor Villa, at least may place na mas maayos para makapag celebrate at makapag invite kame ng mga kapwa noypi..winner!!! at dahil naman gusto ko rin naman ang mag plans ng mga event, kagaya ng mga party..kaya kaya ng powers ko?? Hahahhahaha..Pero syempre naman with the help of the guys, mas magiging winner ito!!! So kelangan mag prepare..ang naka set na mag ce celebrate, 25 na tao..syempre yan yung mga sure na..at kailangan ng extra para sa mga extra na bisita..kung sakaling meron man..hahahhaha

apol?? orends? hahhaha

Pinili naming noong una na mag barbeque party (o inihaw party!!!)..dahil ito ang pinaka madali..At ang nakapila sa aming menu?? Inihaw na manok..inihaw na isda..fruitsalad..at sari saring fruits!!Maryosep..dahil isa ako sa punong abala (motherly??!?!! Sisterly???!?!! Hhahahha)..mahirap na exciting ang mamalengke ng mga kailangan para sa aming Christmas Dinner..hindi ko kabisado ang lugar kung saan dapat bumili, di ako familiar sa mga prices so di ko alam kung swak sa budget ang bibilhin ko..pero hindi, alam ko na kering keri ko ito..para talaga syang “EXTRA CHALLENGE” at binigyan lang ako ng ganitong budget at unfamiliar marketplace ang pupuntahan ko..Di kagaya kung sa SHOEMART (SM) ko bibili or sa ROBINSONS..at least familiar ako sa lugar na madali kong madadampot ang mga kailangan ko at alam ko na rin ang mga prices..

Parang ganito ang sitwasyon:

“kinakailangan mong maghanda para sa party na may 30 na tao na mag a attend, at ang budget mo ay nasa 300 SR..at ang oras mo ay 30 minutes para bilhin ang kailangan mo..”

HAHAHHAHA..sa PANDA ang supermarket kung saan naganap ang challenge…isa isa kong hinanap ang mga kailangan bilhin..good thing at kahit medyo naligaw ligaw ako sa supermarket eh napag tagumpayan ko..nahirapan ako lalo sa pakikipag usap sa Seafood section, dahil fresh section ito..may taong nakabantay doon para mag assist pero ang problema..di sya nakakapag salita ng ENGLISH!!! Pero kung ano man ang available sa display eh yun na ang kinuha ko..naka kumpleto ang mga dapat bilhin (meron mang kulang..pero pwede na!)..

Maraming salamat kay kapatid na marlon at kay mel na nakapag provide ng sasakyan para makapunta kami sa bayan..dahil kung hindi..NO CHRISTMAS DINNER na mangyayare!! Hahahaha

..at wala sanang dinner, at wala rin happy faces kagaya nito..hahahah

Araw ng paghahanda..dahil working day ang Christmas eve..hindi kami pwedeng mag sabay sabay na lumayas sa planta para lang mag prepare..at ang nakakaloka pa dito, kung kailan dahil unang una..di naman sine-celebrate ang Christmas dito sa Saudi Arabia..so dedma kung Christmas day man!!! So na I distribute na rin namin kung sino sino ang mag pe prepare at magluluto ng food..at maghahanda ng piging para sa maliit na salu-salo! Naging maayos naman lahat..infairness!!

THIS IS IT!! THIS IS IT!!!

pak! pasko with the guys!

Maraming nag punta, BONGGA!!! At ang mga expected visitors..ang mga ilan sa mga nagpunta, andun sila Kaka, Kuya Jun, Nolan, Brandon, James, Benjie, Arnel andun din sila..Ted, Allan, Al, Jason, at Jeffrey..syempre andun din si Abed, James, at medyo late na rin dumating sila kapatid na Marlon at si Mel at manggagaling pa sila sa kabilang party! Dumating din ang mga boylets na si Uly and si JR! May mga ilang bisita pa..pero di ko tanda lahat ang pangalan..at karapat dapat naman na present kaming tatlo..si big brother Rey, at si Joel..May special bisita kami na si Nalaca..yung Sri Lankan na cutie na may kuha kame FACE to FACE!!! Hahahhaha..pero bukod sa mga nagsi punta, ang ending kainan GALORE!! Pinag saluhan namin ang konting naihanda..well, keri naman..

..si kuya jun at ang laptop!

Sa totoo lang bukod pa sa party..mga food at mga guest..may inaabangan ako talaga eh..kasi alam ko naman na iba talaga ang feeling ng mga OFWs..lalo na kapag dumadating ang mga ganitong pagkakataon..kagaya ng BIRTHDAY lilipas din ito, pwede mong itulog..pwede mo rin I celebrate sa simple o BONGGA mang PARTY PARTY!! Inaabangan ko kung sino ang ULTIMATE HOMESICK guy of the NIGHT!! Pero sa isang tao ang talaga nga naman kumuha ng attention ko..si Kuya Jun! dahil sobrang damang dama ko na MISS nya ang kanyang family especially ang mga kids!! MAG EFFORT talaga na kahit SOBRANG LAMIG sa labas eh dun sya nag internet para maka sagap lang ng malakas na SIGNAL!! At tumawag pa sya nun ha infairness..na kahit na ang saya saya ng hi and hello nya sa kanyang family eh sa likod nito ay ang pagka MISS nya sa mga ito (syempre naman!)..feeling ko IYAKIN si kuya jun!! hahahhaha..di lang kering ilabas at shyness sya!! Hahahaha..pero Kuya Jun, dama ko ang puso mo!! PAK!!!

At ang iba??? Ganun din naman ang iba..pagkatapos kumain kabi kabilang tawag sa kani kanilang pamilya…at kanya

habang kausap si kapatid na Ed! =)

kanyang emote! Ganun pala yun ano..kasi ako, ayoko naman maging OA kasi di naman ito ang first time na hindi ako mag Christmas sa house..pero first time ko na mag Christmas na wala sa Pilipinas..iba rin pala talaga! Kasi pag sa Pilipinas ka, andun ka lang..kahit hindi ka nakauwi..andun ka lang, pwede mo itong planuhin sa susunod na mga araw..pero pag nasa IBAYONG DAGAT ka?????? Kung walang kagaya ng simpleng salo salong ito ITUTULOG mo na lang talaga..AT AKO NAMAN?? Tumawag ako kina mother and father..at tumawag din ako sa BFF ko na si Ed, na bonggang bongga rin naman ang pag e emote, madalas kasi ako mag pasko at mag bagong taon sa kanila noong mga nakaraang taon, kaya naman si kapatid eh sobrang delighted ng tumawag ako..syempre ako din naman! hahahhahaha

ako kasama si kuya jun

Well..wala naman announcement at price yang ULTIMATE HOMESICK GUY OF THE NIGHT..hahahha..kasi..Hindi naman ito kagaya ng mga naka gisnang CHRISTMAS party..na may raffle, may mga group presentations..may mga contest..at may exchange gifts..alam ko na isa lang naman ang nasa isip ng bawat isang OFW na nakasalamuha ko..ang mapasaya nila ang bawat pami pamilya nila sa kabila ng lahat ng pagti tiyaga at pag titiis nila na hindi nila kapiling ang mga mahal nila sa buhay..na marinig lamang nila ang boses nila, at ibalita na masaya sila…kahit naman kanino mo itanong kung kumusta sila pag Christmas o New year..isa lang naman sagot nila lagi..”ganun talaga eh..kailangan magtiis at para din naman ito sa kanila…”..WINNER!!! Kasi syempre iba naman ang case ko at single ako, though part ng pagpunta ko dito ay ang makabawi kina nanay at tatay..iba rin talaga pag may asawa’t anak; kitang kita mo naman talaga na mga EMOTERO din ang mga guys!! HAHAHHAHAH..

..itaas nila!! pasko with the guys..again and again!

Hindi KASING BONGGA..pero isang SULIT na first CHRISTMAS experience..

December 31, 2010 (bisperas ng bagong taon)

Isang parehong parehong “CHRISTMAS CELEBRATION” SCENARIO ang makikita mo sa pag celebrate ng bagong TAON dito sa Saudi..WALANG MAINGAY NA LATA..WALANG FIREWORKS..WALANG STREET PARTY..AT WALANG COUNTDOWN TO 2011!!WALA..WALA..WALA..hahahhah

arnel..brandon..santos..big brother rey and nolan (ako ang kumuha) hahha

Pero…pero..pero..meron naman kaming salo salo..at ang tanging meron kami? PRUTAS!! Ang naka gisnang SIMBOLO ng bagong taon sa Pinas..kailangan kahit hindi labing tatlo..at least meron bilog bilog na prutas sa mesa!! Para naman ma feel namin na BAGONG TAON na nga..hahahhaha..at ang medyo may kalakasa na MUSIC, para naman “itaboy” ang “malas”..na alternative naman sa FIREWORKS..bawal ang maingay..kaya pwede na rin yun! Hahaha..

..oopps, grilled pusit!

As usual..marami rin pumunta..KAMI KAMI ulet! Hahahahhaha..pero this time meron kaming GRILLED SQUID (Hu-wooooowww!)..FRUITSALAD!!! (NA HINDI NA PARANG SINIGANG dahil lumalangoy sa gatas at cream ang mga prutas!)hahahahhaa..TUNA SANDWICH!!! WALANG HANGGANG SPAGHETTI!! At ang star?? INIHAW NA TULINGAN!hahahhahahah

..ooppss, fruit salad yan! =)

At dahil 5 hours ang advance ng Pilipinas, eh dapat 7:00PM Saudi Time (12MN Manila Time)..eh tumawag kami sa mga

..waiting for new year countdown sa Pilipinas habang ka chat si Julius

mahal namin sa buhay sa Pilipinas..kung ang Christmas Eve ay meydo quiet..syempre this time, MAINGAY ang background ng taong tinatawagan namin..pero ako, dahil alam mo na..kapag New year’s eve, eh talaga nga naman BONGGA ang network traffic ng Globe, Smart, Sun sa Pilipinas..at ang lahat ng network..kelangan tumawag agad agad..dahil kung hindi, baka ITULOG na ang mga taong BABAITIN ng “HAPPPPPPPPPPPPPYYYY NEW YEARRRRRRRRRRRRRRRRR!!!” HAPPY 2011!!!..so ako pinili ko tumawag earlier, 3:00PM pa lang yata tumawag na ko..hahahha..at EMOTE EMOTE at maiyak iyak pa ko habang kausap ko si Mother and Father..hehehe, at winner naman ang HAPPINESS nilang dalawa..

Ang tangi ko lang kasama (syempre bukod sa mga Saudi Friends)..ang Phone ko na kailangan ko pangtawag sa mga dapat kong tawagan sa Pilipinas..ang laptop ko para makapag internet, at ma update ko at mabati ko ng HAPPY NEW YEAR ang mga friends ko..salamat din naman kay Koya Jols (JULIUS) ng Sosyal Klaymers at sya ang ka chat ko nang New Year’s Eve hanggang sa malasing sya!! hahahhaha

.."kami" ang pamilya!

Gusto ko lang magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng makabuluhan na unang pasko at bagong taon ko sa Saudi Arabia..at bukod sa mga handa at mga drama..marami akong natutunan sa mga bawa’t kilos at galaw ng bawat isa sa inyo..at na experience ko naman ang buhay Saudi Arabia tuwing Bagong Taon! Sana ay mas maging bongga pa ang bagong taon!! At sa susunod na NEW YEAR, pa bonggahin din natin..naisip ko nga tuloy na..”hindi lahat ng celebration ay kailangan may party..inuman..sayawan..fireworks..kasi naman wala lang talagang choice!!hanggang ganito lang muna kame Hahahhaha”..ganun pa man, ang mahalaga..nag sama sama kami na mag celebrate at salubungin ang papasok na BAGONG TAON na matiwasay..kasi naman, wala naman kaming ibang pwedeng sandalan na ibang pamilya dito kung hindi kami kami din..”KAMI ANG PAMILYA”…kaya naman guys!! Salamat..salamat..

Ten..Nine..Eight..Seven..Six..Five..Four..Three..Two..One..HAPPY NEW YEAR..HAPPY 2011!!

mula sa aking Facebook account 2010 thanksgiving message

Sa lahat ng mga kaibigan at kapamilya na napadalhan ko ng new year thanksgiving card..cheers! sa lahat naman ng hindi eh..sorry naman, wala kasi kayong facebook!hhahahhaha

At magsisimula na ang 10 araw bago magtapos ang UNANG 100 ARAW ko sa Saudi Arabia!!

At sa pagbubukas ng 2011..ito ang magiging gabay ko..sa pagtupad nga mga simpleng pangarap..

“Imagination is the beginning of creation.  You imagine what you desire, you will what you imagine and at last you create what you will.” – George Bernard Shaw, playwright

2 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Ang Unang Pasko at Bagong Taon..BANG!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s