Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “Bahay Kubo!!!”

January 05, 2011

..ito ang ika siyamnaput pitong araw (97 days) ko dito sa Saudi Arabia, tatlong araw bago matapos ang 100 days at 5 araw sa bagong taon!

ako sa disyerto..

Inisip ko rin ng bonggang bongga ang pagsulat ng lathalang ito, at feeling ko naman eh hindi naman ito dapat ilihim at gusto ko lang naman na ibahagi ang bongga kong HAPPINESS!!!

Mahalaga ang araw na ito para sa ken..bakit??? dahil ito ang araw na naisakatuparan ko ang 3rd wish ko sa aking wishlist bago ako pumunta dito sa Saudi Arabia! Binalikan ko ang mga notes ko, at tiningnan kung nasa tamang daan pa ba ako..hahahhaha! DAPAT LANG! (dahil magagalit si MART..si Mam Nome..si Mam Chona..at ang Sosyal Klaymers!hahahhaha..at higit sa lahat magagalit ako sa SARILI KO!)..Simple lang naman eh, ano ba ang purpose ng pagpunta ko dito? Lahat naman ng mga nag o OFW may kanya kanyang dahilan..

– pwedeng “for experience sake!”, kagaya ng makapunta lang sa ibang bansa, keri na..pero naman, bakit naman sa Saudi Arabia pa! hahahhaha..
– meron naman yung iba, gusto makahanap ng lovelife..baka dun nila makita ang kanilang “prince charming”! pero naman, andito ba sa Saudi Arabia si “prince charming???”..hahahhaha, malay mo andito nga!
– Meron iba nagtatago..hahahhahaha..tskk..tskk! bakit naman sa Saudi Arabia pa kailangan magtago!! hahahhahaha
– meron naman para sa pamilya, at ang common thing..”para makatulong at maiahon sa naghihikahos na kaharipan ang kani kanilang pamilya”..ahmmm, yan Saudi Arabia yan! hahahha
– para sa mga pamilyado..para sa isang bonggang kinabukasan ng mga anak! At ang laging sinasabi ng mga taong ito?? “para naman hindi maranasan ng mga anak nila ang mga naranasan nila..”..kaya din naman siguro yan dito sa Saudi Arabia yan! Try..wala naman mawawala..
– syempre, makaipon daw para pang negosyo pagbalik sa pinas..
– yung iba, para tulungan ang mga nangangailangang kamag anak!
– Yung iba,para bumili ng electronic gadgets (cellfone, cameras, laptop)..mga winner na damit..tv..ref..kotse..at BAHAY! (dito ko kaya ito makukuha???? Hmmmm…)
– At higit sa lahat..makaipon para sa paghahanda pagdating ng araw ng pagtanda!

Ahmmm..Alam ko sa una pa lang ang plano ko..ang mga dapat kong gawin dito, ano ang purpose ko, ano ang dapat kong unahin..inilista ko itong lahat, at ito ang priorities ko! PAKKKKKKKKKKKK! Mabait si Lord sa pagbibigay sa akin ng opportunity na ito, ito ang mga bagay na nararapat kong gawin sa panahong ito..

THIS IS IT!!!!

Pagkatapos din ng mahigit dalawang buwan kong paghahanap..natagpuan ko din siya..higit pa sa lovelife..sa mga malalapit kong kaibigan alam nila ito! Hindi rin pala ganoon kadali, masyadong mabusisi..minsan kumplikado..pero kailangan kayanin..why not??!?!?!? FINALLY…THIS IS IT!!! nakuha ko na ang BAHAY na gusto ko na tumama sa lahat ng mga plans ko habang andito ako, at habang nag ta trabaho at naghihintay ng bakasyon..(timing kasi, sakto sa budget ko! Hahahahha)..Hindi nga lang cash, dedma na..pero ang importante, may patutunguhan ang pagpunta ko dito at hindi naman talaga madali ang mapunta dito sa Saudi Arabia! Masasabi ko na kahit papaano eh..sa ngayon, ito ang pinaka mahalagang achievement ko sa buhay ko..milestone ito kumbaga! At para naman makita ko na may napuntahan naman lahat ng magandang opportunity na ito..at sa maiksing panahon, sa munting “bahay kubo” kakanlungin ang buhay ko at ng pamilya ko sa darating na panahon…

Tuloy tuloy lang..wag titigilan..gow lang ng gow! kahit naman siguro saan ka pumunta, ang importante “determined” ka na gawin ang bagay na gusto at kailangan mangyare ito..kung sakaling hindi ito mangyare pagkatapos mo gawin ang lahat..don’t worry, hindi ka nag iisa..pwede naman ulitin..pwede subukan ulit..isa pa, marami pang options..

Sa kabila ng lahat.. Isa naman talagang bonggang bonggang thank you kay God para dito! At Salamat Saudi!!!

Tama nga siguro ito..kasi dati naiisip ko lang ang bahay kubo, pero ngayon..natupad ito!

“Imagination is the beginning of creation. You imagine what you desire, you will what you imagine and at last you create what you will.” – George Bernard Shaw, playwright

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s