Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “EPILOGUE”

—EPILOGUE —

Ang pagwawakas ng “Ang Unang 100 Araw”

January 08, 2011

(gagawin ko sanang video ito..pero next time na lang..hehehehhe)

Hindi biro ang ginawa kong pagsusulat na ito..ang finally NATAPOS din! Hahahhahahaha..and isa itong achievement na bukod sa natapos ko itong lathala ng aking UNANG 100 ARAW eh winner ko naman na-survive ang first three months ko dito sa Saudi Arabia..hindi rin naman talaga biro ang pagpunta, isa talaga itong bagong mundo..

Ako Sa Centennial Terminal 2 Airport

Eh bakit ba naman kasi 100 days! Minsan nga naisip ko..kahit nga ako naiinip na matapos to..hello, April 1, 2011 na..ngayon pa lang natapos..hahahaha..minsan din naisip ko, bakit ba kasi sumulat pa ako..PERO ANG TOTOO, nag e enjoy naman ako na I kuwento ang nangyayare sa akin dito..(syempre di naman lahat..HELLO!)..hahahaha..100 days, hmmm..kasi feeling ko ito ang panahon ng start (of course kung saan at kailan ako nag simula, simula pa lang ng pagtapak ko sa malaking bansa ng disyerto!)..dahil feeling ko eh andito ang excitement (at sana naman na excite din kayo!), adjustment sa mga bagay bagay..sa mga lugar..sa mga tao..sa klima..sa pag bili gamit ang currency nila (convert dito convert doon)..sa bagong trabaho..parang nagsimula kasi ulit ako! Masaya naman talaga ikuwento ang mga experiences lalo na kapag first time..ang unang birthday ko dito..andito ang unang sweldo ko, unang experience ng Christmas and new year..at marami pang iba…pak na pak..walang duda, SULIT ANG 100 DAYS! Life..malungkot minsan, pero dapat maging Masaya..maiksi lang ito eh para sa mga drama!

Ako Sa Riyadh (at ang Kabsa)

Syempre sa una eh kinakabahan..iba’t ibang emosyon, kasi di  ko naman alam kung anong aabutan ko..may idea ka, pero iba kapag aktwal mong nasubukan (o na experience..tama??) and hello??? kahit naman siguro sino eh maloloka naman sa kakaisip kung ano ba meron lalo na kapag first time! Naloka nga ako diba?? Riyadh airport pa lang..tumabling na ako ng bonggang bongga! hahahhahahaha

Ako Sa Processing Plant

Mula Manila, Pilipinas..tinahak sakay ng eroplano papuntang Saudi Arabia..at mula Riyadh..nilakbay ang 800KM na layo papuntang Ha’il City! Madali ba yun?? Na sumakay mag isa sa bus..matakot at kabahan na  baka any moment, hablutin na lang ako ng kung sino..(wow ganda ko??? Hahahhaha)

Iba’t ibang lahi ang nakakasalamuha ko..at makipag usap at mag adjust para sa kanila..madali ba yun????

Iba’t ibang pagkain..maanghang..matabang..at kung ano ano pa! hahahahha..masarap ba yun? (masarap din naman..yun iba..)

Mag adjust ng oras ng tulog at pag gising..hello?????? hindi madali! Dahil feeling ko everyday akong bangenge!!

Sumabak sa mainit na tag araw..at manigas sa napaka lamig na tag lamig! Enjoy ba yun???????? HELLO! Hahahhaha..

Abangan na mag online ang mga friends..tapos makikita mo sa mga pictures nila, kaw lang ang wala..hindi ba nakaka miss yan!!! Parang engot na pilitin ang mga barkada na mag webcam party..webcam climb kaya pwede?hahahahhaa

Ma miss ang mga parents (weeh?? Hindi nga?? Hahahha)..well, walang kokontra..kasi totoo naman! =)

Pero…pero..pero..kahit ano pa man ang mga yan eh part lang naman yan ng buhay na mag sakripisyo ka kung ito naman ang tutulong na tuparin ang mga pangarap mo..hindi na masama, tama?? Hhahahha..

OPPORTUNITY!!! yan ang pinunta ko dito! Saying naman kung hindi susubukan..hindi din naman ako nagkamali

Ako Sa Almarai (noong tag lamig)

sadesisyon na subukan at tanggapin ito..Tinanggap ko na pansamantalang talikuran ang mga bagay na nakasanayan ko..dahil bawal ang ALAK dito! Hahahahhaha..may bundok nga, wala naman mga puno..isa pa hindi ko naman alam kung paano aakyatin un..or kung may chance ba o wala? Hahahhahaha..

Sa kabilang banda, nagpapasalamat ako ng maraming marami at napunta rin ako dito..marami kasi akong na realize at marami rin akong nagawa na hindi ko nagawa dati, about sa buhay buhay ng iba’t ibang tao..mga kultura at paniniwala ng iba’t ibang lahi..magawa ang mga bagay na kaya ko naman pala..imagine, keri ko naman pala ang hindi uminom..sumusubok ng iba’t ibang mga bagay..ma discover ang iba pang talent ko (ang kumain ng apoy..joke!)..na ma miss ang mga magulang ko, ..about sa sarili ko (hindi pa ko nag pa sex change..at wala akong plano hahahha..hello!)..na realize ko kung gaano kasi ako ka swerte bukod sa magandang opportunity na nandito ako, kung hindi kung paano ako pinalaki ng tama ng mga magulang ko, na kung gaano ako ka winner na pagsikapan nila na mapagtapos ako..mapalad ako na kailangan maraming dapat ipag pasalamat dahil kahit wala ako dito, CHAMPION talaga ang mga magulang ko!

Ako Sa Bachelor Villa

Winner din naman ako sa experiences ko sa buhay..dito ko yan na realize (kaibigan..trabaho..mga naging mentors ko), yan ang nagiging sandata ko.. Na realize ko rin kung gaano kahusay ang mga Pinoy..kung gaano rin tayo pinagpala (na kahit magulo tayo minsan) eh magaling pa rin ang education system sa atin (kumpara sa iba)..na realize ko rin na kaya natin mabuhay ng simple, ung hindi magarbo..matulog, magtrabaho..mag libang..pero ang higit sa lahat..at dahil maraming tao pa rin ang hindi mapapagkakatiwalaan kaya “DON’T TRUST NO ONE!”

ENOUGH IS ENOUGH..marami pa akong gustong sabihin, pero hindi yan mauubos (sa taklesa kong ito)..hahahahhaha

Hindi ko na isa isa pang pasasalamatan pa ang mga tao na laging nandyan para kumustahin ang lagay ko..at ang mga taong wala naman talagang ibang gusto para maging successful ako dito! At para naman pag uwi ko..EVERYBODY HAPPY!!!

Ako sa Saudi sa Unang Bagong Taon

Ang JOURNEY ko dito sa Kingdom of Saudi Arabia ay hindi simple..pero WORTHWHILE! Ang PANGARAP daw eh nasa ISIP lang (WELL..tama naman)..pero pwede itong maging totoo..maniwala ka lang!

Isang bonggang bonggang bonggang thank you at kahit walang “infairness” eh thank you thank you at nandiyan kayo hindi lamang sumilip sa mga lathala ko..at sa bawat pagsilip nyo sa bawat lathala ko mula sa FACEBOOK hanggang WORDPRESS?? Para nyo na rin sinabi na MISS nyo na ko..at bongga rin naman na miss ko na rin kayo! “harinawa” eh napasaya ko kayo (at minsan napaluha) sa mga kuwento ko!

Hanggang sa mga bagong kabanata! (kung ano man ang susunod na kabanata..wala naman nakaka alam, kahit ako hindi ko rin alam..pero hindi naman natin ito mapipigilan..ang importante ay mahalaga! hahahha)..Libre ang tumawa at maging masaya!

SHOKRAN SADIQ!

(-END-)

Ako Sa Saudi Arabia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s