Ako Sa Saudi Arabia (“PIKTORYAL”) – “Sunrise to Sunset”

“Piktoryal” – SUNRISE TO SUNSET..

Sa loob ng mahigit isang daang araw..hindi naman biro ang tumira ka sa gitna ng disyerto! kaya naman sinubukan ko na gawin subject ang araw sa aking piktoryal..at sa unang lathala para sa bagong kategoryang ito..

Ang buhay ng tao..parang Araw, may oras ng pagsikat at paglubog..
Minsan, makulimlim..malamlam..hindi mo alam kung sisikat pa..Minsan, matingkad..maliwanag..kagaya ng isang magandang umaga
Ang pagsikat ng araw..ang simbolo ng pag LIWANAG ng buhay..
Parang tayo..ang pagsikat natin, hindi pantay pantay..may mas MALIWANAG..may MALAMLAM..
SUMIKAT man ang Araw..Hindi mo mapipigilan ang paglubog nito..Kagaya ng tao..lulubog din ito..
Sa oras ng paglubog ng araw..pagmamasdan mo lang ito..Malungkot..may kirot..ma drama..
Parang ang tao..sa pag lubog nito, malungkot ang sandaling ito..may drama..Hindi naman dapat bawat paglubog..malungkot..
Pwede itong maging Masaya..maging inspirasyon..kagaya ng paglubog ng araw..Lumubog man ito..SISIKAT muli ito..
Lulubog ang araw para makapag pahinga ito..parang tao..Sa paglubog ng araw..pagkakataon mo itong ipahinga..
Dahil pag gising mo..maliwanag man o makulimlim ang pagsikat nito..ISA ITONG BAGONG ARAW para sayo..
Parang tao..sa muling pagsikat mo, hindi man ito sa sobrang LIWANAG! Isa pa rin itong BAGONG PAGKAKATAON para sa yo..dahil ito na ang ORAS NG PAG BANGON MO!

Ang totoo..kahit lumubog na tayo..literally..SISIKAT pa rin ang ARAW!! At LULUBOG pa rin ito!! Kaya wag kang mag emote dyan..ENJOY LIFE!! DRAMA DRAMA ka jan..At baka sa kakaabang mo ng paglubog at pagsikat ng araw..hindi ka na sikatan ng ARAW!! LIVE LIFE TO THE FULLEST!! Not to the FOOLEST! =)


One thought on “Ako Sa Saudi Arabia (“PIKTORYAL”) – “Sunrise to Sunset”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s