Ako Sa Saudi Arabia (Tara Kain!) – Al Saraya Turkish Restaurant

AL SARAYA TURKISH RESTAURANT

Ha’il City, Kingdom of Saudi Arabia

“Ang Unang Turkish Food Experience”

..pahinga muna sa pritong bangus, pritong itlog, at pritong MANOK!!! TARA KAIN!!!!

Siguro ang isa sa pinaka pwede na rin maging libangan dito eh ang KUMAIN! sa sobrang pahirapan ang paglabas kasi wala naman talaga public transport na “abaylabol” papuntang bayan (Hail city), dahil nga na sadyang nasa gitna kami ng kabukiran (bukod pa sa nasa gitna kami ng disyerto)..Sa site kasi, wala ka naman makikitang mall..puro farm!!! Well, kaya naman kapag may chance na magpunta ng bayan..eh dapat lang na sulitin ng bonggang bongga!! (Guys..Turkish Food ito ha, literal..hindi Turkish Guys! hahahhahahaha)

Salamat din naman talaga kay Senyor Carlos (ang espanyol kong boss), na regularly naman na dinadala kami sa bayan para makapag libang at KUMAIN! At ang na discover nya na place to eat..na HINDI SING MAHAL pero SING SARAP..Ang AL SARAYA Turkish Restaurant!!!

Al Saraya Turkish Restaurant

Obviously, ang menu???? TURKSIH FOOD!! pero more ang GRILLED (o inihaw) KEBAB! Skewered Chicken, Skewered Beef, Skewered LAMB! meron din naman silang iba pang food, pero sa palagian naming pagpunta dito, alin sa tatlong yan ang always present sa aming order! Why not, at ang appetizer nilang bonggang bongga..at ang crispy freshly baked BAZLAMA! eh talaga naman sulit na sulit..

Green Salad

Standard Turkish food ay, Grilled (of your choice, i.e. chicken, lamb), salad (olives and tomatoes), grilled tomatoes, turkish cream dressing, parsley, and ang star?? ONION! hahahhaha..seriously, ma onion talaga..hindi masyadong spicy..pero peppery, pero di typical na pepper sa Pinas..”turkish pepper” maybe..nyahahahhahaha..at ang isa pang star?? FRESHLY BAKED AND CRISPYLICOUS BAZLAMA!!! 

GIGANTIC BAZLAMA!!!

They also serve pasta, pizza and sandwiches, meron din naman silang grilled fish fillet..di ko rin naman expected na ma e

Meze (appetizer, tomatoes, olives and keshar cheese)

enjoy ko ang Turksih food, pero dahil naman wala rin akong choice at sayang din naman ang treat ni Senyor Carlos, it turned out na nagustuhan ko ng bonggang bonggang bongga! At aminin mo yan Joel Acosta, kung twice a month tayo nasa Ha’il eh twice a month din naman kami dito kumakain (at di na nag try na mag explore pa ng iba)..umabot na kami sa punto na, next PLEASEEE! hahhahahahha..wala bang JOLLIBEE??? Well, at eto naman si Joel, sa sobra yatang pag ka fascinated sa fantastic taste ng Turkish meals eh, pang dalawang tao yata ang kering keri nyang ubusin (or sadyang malakas lang talagang kumain itong si Joel..chos!..lab u Joel!)..hahhahahhaha

Freshly baked "Bazlama"

Ang Al Saraya Turkish Restaurant ay hindi naman kasing sosyal na iniisip mo (dahil for sure..pag nakita na naka post ito, may mag HU HU WOWWW..Turkish Restaurant..hahahhaha)..dahil hindi sya kagaya ng place ng Fridays, Italiannis, etc etc..dahil para syang typical at simpleng restaurant, wala masyadong pa bonggang ilaw, tables, di naman ganun ka  cozy..pero hindi mo naman kakayanin sa sarap ang food..winner naman talaga!!! Hindi spicy ang food, hindi din naman parang sobrang persian ang dating..or parang indian food (na ma curry) or arabic..dahil TURKISH nga!!! eh di Turkish taste..hahahahah..Walang biro, typical inihaw pero pero pero sulit na sulit ang 50 SAR for 3 people na may busog sarap factor!! At ang friendly staff (from cashier hanggang chef hanggang sa mga waiter at pati ang manager), feeling comfortable ka lagi with them..

Patates Kebabi (potato kebab)
Patates Kebabi!
Turkish Authentic Beef Shawarma

Sa mga friends from Ha’il na gustong i try ang authentic turkish food, Al Saraya Turkish Restaurant is located about 500 meters away from Salamat Hospital (sa kabilang side) bounding Talatin, adjacent to Marhaba Bakeshop..

Al Saraya Turkish Restaurant Staff

Again special salamat kay Senyor Carlos!!! Gracias Senyor!

with Senyor Carlos!

Al Saraya Turkish recommended!!! AFIYET OLSUN!!

4 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Tara Kain!) – Al Saraya Turkish Restaurant

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s