Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) – SANDSTORM!

Sand Storm ba kamo?? Eto Ang Sand Storm Experience!

Pang karaniwan na sa mga tropical countries kagaya ng Pilipinas at malapit sa Pacific Ocean ang “moonson rain” kaya naman bonggang bongga ang bagyo sa Pilipinas !! Pero..PERO..pero..wag na wag isipin na hindi kayang tapatan yan ng mga bansa mula sa DESERT land at talaga naman hindi mo kakayanin! Kung sa Pilipinas eh kahit siguro Super Typhoon..kering keri mo pa ang mag pa tumbling tumbling sa gitna ng malakas na hangin na may kasamang ulan..well, wag mong subukan gawin kapag may SANDSTORM, at kung ayaw mong manghiram ng mukha sa ALIKABOK! hahhahaha..pero NO JOKE, maglaro ka na ng APOY..PERO wag na wag kang mag laro sa BUHANGIN!

"SAND STORM"!

Minsan ko na rin na experience yun last year, siguro mga 1 month pa lang ako dito sa Ha’il..nang ibinaba ako ng sinakyan ko mga 500 meters ang layo mula sa accommodation ko..PWES! kelangan kong lakarin ito..ang Sandstorm or kung may sandstorm, wala kang maririnig na NEWS mula kay Kuya Kim..BABALA: May paparating na Sandstorm..at SIGNAL # 25 ito!!! Walang PASOK..may Super Sand Storm BEBANG!!! WALANG GANYANG LEVEL!! ang SANDSTORM..isang surpresa!! hindi mo alam, habang naglalakad ka eh, may sumusunod na pala na mala HALIMAW na SANDSTORM! maryosep!! NALOKA talaga ako noon at talagang SHUMUKBO (tumakbo) ako!! at buti na lang, may bakateng bahay (pero wala si kuya doon..hahahha) na pde kong silungan habang dumadaan ang MALAKAS na Sand storm! SOOOOO SCARRRYYYY..

"sandstorm..kuha mula sa loob ng kontrobersyal na bachelor villa!"

SAND STORM at bakit naman SAND STORM..ang totoong tawag talaga sa SAND STORM, eh DUST STORM..DUST (Alikabok) at STORM (malakas na hangin)..so DUST + STORM = DUST STORM.  Na pinag samang malakas na hangin na may kasamang ALIKABOK! gets mo???!! So..ang DUST naman hindi lilipad kung walang hangin diba?? tama??? SO..kung may malakas na hangin isasama ng malakas na hangin na ito ang mga alikabok..at mabubuo ito na dust storm..parang signal # 3 ang lakas ng hangin..na may kasamang malakas na dagundong ng hangin! ayan SAND STORM! (So mga bata..ngayon alam nyo na ang sand storm..halina’t magbilang..ISA DALAWA TATLO! SAND STORM! hahahahha) Hindi na naman bago sa mga taong nakatira sa mga disyertong lugar ang Sandstorm..common na ito, at kagaya nga ng sabi ko..wala naman syang schedule at pwede syang mangyare ng maraming beses sa loob ng isang araw! pwede itong paulit ulit..paulit ulit..paulit ulit..hahahha..pero ang totoo..nakakatakot kapag may SAND STORM! (bakit ayie, nakakatuwa ba kapag may SUPER TYPHOON?! looookkkaa!)..Usually, nangyayare ang sand storm, kapag summer..malalaman mo kapag mag sa “sand storm”, kapag sobrang init ng panahon..at talaga naman bigla na lang..AYAN NA! SAND STORM na..minsan, kapag katapos ng sand storm..kasunod nito ang malakas na ulan! kapag may sand storm at malakas na ulan???!! alam na..wit booking! at dedma at baka maging si Ms. Sand Storm Earth ka pa! hahahah

Mga dapat gawin kapag may SAND STORM!!!

1. Huwag mag panic..relax! steady lang..at i secure ang sarili..

2. Huwag mag pa cute sa mga boys sa labas..dahil wala rin sila sa labas, at hindi rin sila lalabas hindi dahil pinagtataguan kanila kung hindi nagtatago din sila dahil sa sandstorm! At lalong walang babae!!

"zERO Visibility"

3. Kung nag da drive.. Huwag pasaway..wag bilisan ang pagmamaneho..at baka mauna ka pang matapos bago ang sand storm! mag minor! dahil hindi mo halos makikita ang makakasalubong mo..dahil halos hindi mo na makita ang daan..huwag kalimutan mag signal! DRIVE SAFELY!

4. Kung nasa opisina? huwag sumugod at mag feeling super hero! mas HERO kesa sayo ang sandstorm! ayaw mo maniwala try mo! hahaha

5. Kung nasa loob ng kwarto at naka aircon..pwes! tiisin mo ang init at i turn off ang aircon..kung ayaw mong mag karoon ng sandstorm scene sa loob ng bahay or kwarto mo..para ka na rin nag dinner ng buhangin dahil sa ayaw mo at sa gusto..papasok ang alikabok sa loob ng aircon mo! takpan ito, kung kinakailangan..

AT HIGIT SA LAHAT!!!!

-huwag na huwag mag tago sa ilalim ng lamesa or sa kama at hindi ito LINDOL! Sand Storm ito kapatid..SAAAAAAAAAAAANNNDDD STORRRRRRRRRRRRRRRMMMM!!!!-

Silipin ang video na aking kinunan ng nakakalokang sandstorm!

http://www.facebook.com/video/video.php?v=1737771206294&saved

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s