Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) – Hail to Riyadh 27062011

Ha’il to Riyadh

June 27, 2011

Excited, yan na yan ang feeling ko nung nalaman ko 2 weeks ago na inihatid ni Senyor ang super beautiful news na pupunta nga ako sa Riyadh to attend a training kasama ko ang iba pang mga Filipino from the Site.

Ako, Kuya Rey, Kuya Rudy, James and Kuya Jun

Naisip ko tuloy ng tumulak kame sakay ng company coaster at makikita ko na rin ang daan na tinahak ko 250 days ago.  Kasi naman, nung pumunta ako from Riyadh papunta ng Hail last October 03, 2010, bukod sa ako lang mag isa..gabi na ng abutin ako sa daan.  Ano pa makikita ko nun??? eh di DILIM! hahahahhaha..Pero sa totoo lang, ano pa nga ba ang makikita ko?? eh di disyerto ulet..pero baka naman iba yan, dapat ko lang bigyan ng chance kung ano pa ang pde ko makita..Ganun naman talaga sa una..excited ka lage (or may halong excitement!)..na excite talaga ako!

rock formation sa gitna ng disyerto!

Ang una kong nakita?????????? CAMEL!! kahit na hindi ko sya nahawakan..nakita ko sya ng malapitan! ang lapit lapit..kahit pa nasa loob ako ng coaster! tinuro lang sya sa ken ng Indian na kasama namin..gusto rin nya siguro ng camel! hahahaha..at ang kinatuwa ko..aba!! KUBA NGA ANG CAMEL! hahahahhaha

kuba nga!! aba kuba ang camel! hahahaha

Ang di ko lang nagustuhan, ang hirap kasi talaga kumuha ng picture mula sa loob ng sasakyan..super alog, ang likot likot kaya talaga naman pahirapan! Pero kahit papaano nakakuha ako ng iba’t ibang scene..hahahaha..why not!

Nakita ko na may iba pang kulay ng buhangin..kulay “orange”..yan ba ang tinatawag na pulang lupa! amazing! grabe ang pagka fine ng buhangin na yun..un bang tipong parang lulubog ka talaga ng bonggang bongga! parag KUMUNOY! hindi nga lang putik! dahil bading ako..gagawin ko syang KUMUNEY! hahahahha

ikaw kaya ang maging puno??!😀
fine sand..very fine!
pulang lupa..
pwede kaya tayong mag run dito?? grabe..walang puno!

Pinagtyagaan ko naman kuhanan ng pics ang kung ano man pwede kong makita..may mga part na mabato, na ang disyerto na may kasamang maliliit at malalaking bato.  May disyerto naman na puro pulang buhangin, na wala kang makikita kung hindi ang red fine sand na ito (kung naging malapit kaya sa dagat yan..RED BEACH kaya ang tawag, kasi RED SAND??)…Meron din naman ilang part na may mga puno, pero ang puno parang kasing taas ko lang (or mas mababa pa).  Kung ano man ang tawag sa puno na yan, yan pa ang aalamin ko kay Kuya Kim..hahahaha

zig zag!
tower road!
a closer look sa tower road!
ako sa saudi arabia
Saudi nga ba?

Pero bago pa kami tuluyan mag punta sa siyudad, nag stop over muna kami 100 kms papuntang siyudad proper! At infairness, para syang south expressway na may mga fastfood sa mga gas stations! at dun namin pinili na mag lunch at isa pa, may PINOY FOOD!

Al Atesh Philippines Restaurant!
Sinigang na Hipon
Daing na Bangus

Ang mas lalo pang naka pag pa excite sa akin ay ng pumasok kame ng Riyadh City! From Province to City ang drama namin.. feeling ko eh PROMDI kami na pupunta ng siyudad! Parang galing ka ng ABRA! hahahahhaha..napaka layo!!

welcome to riyadh

Nung una kasi halos puro kwento lang ang naibigay ko, pati tuloy ang nag bigay sa ken ng snickers crunchies noon, nailathala ko..hahahhaha. Pero malaking pagbabago ito, nung talagang first time ko 250 days ago..

1. Hindi ako mag isa sa byahe..at least may kasama akong pinoy at kakilala ko

2. Hindi ako nag bus or public transport

3. Maaga pa ang byahe ko..hindi gabi!

4. Hindi na ako affected kung may check point..dedma!

5. Na meet ko ulet ang BFF ko at hindi na lang isa ang pics namen..hahhahaah

si jerome at ako! mainit init pa..hahah

hihirit pa..at marami pang i di discover sa pag babalik sa Riyadh!!

ang KINGDOM CENTER!

..hanggang sa muling pagbabalik!!

2 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) – Hail to Riyadh 27062011

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s