Ako Sa Saudi Arabia (Karir Ito!) – “Train the Trainer sa Riyadh” June 28-29, 2011

Train the Trainer

Location: Al Mutlaq Hotel, Riyadh KSA

with my co-participants!

Matapos ang mahigit kumulang 5 oras na biyahe mula Province of Ha’il to City of Riyadh, ang day 2 & 3 ko sa Riyadh ang sinadya kong puntahan kasama pa ang ilang representatives mula sa Almarai Poultry Processing Plant.  Ano pa nga ba, excited ako to attend this training! Pwede ko nga masabi na lucky ako that ive been picked by my manager to attend this training! An opportunity not only to have fun in the City, but also to develop my skills in terms of training! Dahil dyan, thanks to Mr. Carlos and Mr. Hendrik for this opportunity.  Sabi nga ng boss ko before we left for Riyadh, “this is the only way to pay back my people for their hard work, we may not give in monetary at least they will have a chance to explore and develop their skills and to refresh. Good and hard working people will go places!”..sarap ng feeling!!! very inspiring!

this way to Al Bustan Hall..
Al Bustan Hall (ang venue)
Ako Sa Saudi Arabia

Trainer na ako dati pa, masasabi ko na passion ko na nga ang training and back in the Philippines, naka pag conduct na rin ako ng several in-house training (voluntary ito..hehhe) since 2004. I got one training certification when i was still in MIDA that is SERVESAFE! Tama, iba din talaga if you will have a certification from one of the best training company that is known globally ang CEDAR ASSOCIATES! http://www.cedarassociates.co.uk/. Pero siyempre, iba ang feeling..

with Kuya Rey & James
Kuya Jun, Ka Rudy and James

Looking long term, i will be able to explore more and use this skills to train other people.  Training is one way of sharing your knowledge.. and ngayon na ako ay isang CERTIFIED TRAINER (clap clap clap!) mas malugod ko pa na i si share ang alam ko..kung ang love life at personal life ko na i share ko, bakit hindi ang knowledge na meron ako! Training for trainers is one that i consider important in my career, nakuha ko na yung una..ang INTERNAL AUDITOR certificate! Bago pa ko pumunta sa Riyadh, I remember when i was still with MIDA FOOD, dahil napaka generous nila sa training..sa MIDA FOOD ko rin na explore and enhanced ang skills at qualification ko sa training! (background lang po..)

train the trainer day 2

800AM ang tinakdang call time sa pagsisimula ng unang session ng training! At 1700H ang tinakdang oras para matapos ang training.  Excited na ako to meet the trainer, and of course..ang iba pang makakasama ko sa training aside from my co-worker in the processing plant! I was able to meet other guys of our division, and most of them are from SALES! Sa loob ng dalawang araw na training..sulit na sulit! Mahusay ang nagbigay ng training sa amin, si Mr. Alistair Gibb..isang Briton!

with Mr. Alistair of Cedar

At naging Masaya ako sa training dahil:

1. May na meet ako na bagong friends, nag karoon ako ng chance na makipag interact sa outside world of farm and factory! Na meet ko ang mga Indian guys, si Aziz, Sabu, Ammar, at ung Sri Lankan na si Hansar, syempre yung mga pinoy na si Edgar, Greg,  and Bryan.  Happy ako at masaya sila na nakilala nila ako..nakks!

with Greg and Aziz

2. Natutunan ko ang mga bagay na di ko pa alam..deeply, i learned how to accept my weak points, and how will i improve this weakness..na EMPOWER ako!

3. Nalaman ko na ang learning preference ko ay “reflector”..at dahil dito, nagawa ko na mag step up, para lumabas sa comfort zone ko..proud naman ako at sinabi yun ni Mr. Gibb..Naisip ko tuloy na..hindi porket nakpag bigay ka na ng training eh alam mo na ang lahat..marami ka pang pwedeng matutunan! and the only way to learn is from your mistake! mas mahirap naman kung mistake na nga, hindi mo pa ginawang ma improve ito! nakkks again!

feeling comfortable naman si Ammar (lol)..with Sabu and Aziz

4. Ang tumayo in front of different nationalities to speak up na para gawin ang exercise in front of them! At nasabi ko na KAYA KO PALA! kaya pwede na akong sumali sa international beauty pageant! (chos!) hahahhaha

hi Hansar! =)

5. At marami pa pala akong pwedeng gawin at na improve ito ng mas bongga pa ang personality ko! Gustong gusto kong gamitin ito, para mag succeed pa sa mga susunod pang mga endeavors!

Certified Trainers!

(WAIT MGA FRIENDS..hindi ako mag bibigay ng training dito sa blog na to..hahahahha)

breakfast @ Al Mutlaq

I have also enjoyed the hotel sa free wifi nito..comfortable dahil mag isa lang ako sa room, malinis, mabango.. panalo! I love the food in the hotel! it was really GREAT! the food in Al Mutlaq is fantastic!! Hindi kaya dahil naburo na kame sa araw araw manok ang food namin??!?! Pero hindi naman obvious na winner ang food sa Al Mutlaq, at sobrang dami namin nakain..at bonggang bonggang bonggang kain!

Al Mutlaq Hotel (training venue)

As we ended the training session and babalik sa probinsiya, baon ko ang magandang experience na ito! Nalungkot pa nga ako, kasi feeling ko super close na ko dun sa mga na meet kong bagong kakilala..well, ganun talaga..next time na lang ulit!

Al Mutlaq Hotel

Karir Ito! sa 9 months ko sa Almarai, i feel very blessed..very very blessed! and thanks thee to God! and again I AM PROUD TO BE A FILIPINO!!

“The price of success is hard work, dedication to the job at hand, and the determination that whether we win or lose, we have applied the best of ourselves to the task at hand.” -Vince Lombardi

2 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Karir Ito!) – “Train the Trainer sa Riyadh” June 28-29, 2011

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s