Ako Sa Saudi Arabia (Ang Sa Akin Lang) – “Paano Mo Malalaman kung In Love ka Nga?”

Ang Sa Akin Lang – Paano Mo Malalaman kung In Love ka Nga?

July 15, 2011

Paano Mo ba Malalaman Kung In Love ka Nga?

Isa sa pinaka magandang GIFT sa buhay ng isang tao ang ma in love..aminin nyo yan! kahit di kagandahan minsan ang ending or sa iba naman super successful at “they live happily ever after” ang ending..talaga naman bongga pa rin ang ma in love..Ako? ilan beses na din akong na in love..at napasaya naman ako nito ng bongga! Ang pinaka masayang stage ng love eh yung mag uumpisa pa lang ito..at parang every night na lang..iba ang feeling! naiisip mo sya lagi, excited ka na makita sya..minsan pa nga, kahit di ka nman nya gusto, at in love ka sa knya..gow ka pa rin! Ang nakakatawa, kahit di nya alam..at kaw lang ang nakaka alam, parang may kilig..alam mo yung KILIG MOMENTS, na ang sarap pag naalala ko pa..Tanda tanda ko pa noong una akong na in love, yung feeling na ayokong malalaman nya..kasi nakakahiya..hahahha..pa tweetums! hahahhaha..masarap, masarap ma IN LOVE!

Well, naisip ko lang naman na isulat ito..para kasing timely at lahat ng nakakasalamuha at nakakausap ko mga in love, kesa naman maiinggit na lang ako..naisip ko na “paano kung ma in love ako ulet? ano ba ang mga signs?” hahahhaha..FIRST TIMER?! ahhahahhahaha..

At dahil dyan!!! kinuha ko ang opinyon ng mga friends ko sa facebook, kung PAANO BA MALALAMAN KUNG IN LOVE KA NA NGA..”..at kinuha ko ang TOP 10 + 8!!!

1. Kapag gusto mo sya nakikita once in a while, tpos kikiligin kang sobra pag kinausap ka nya.. (yahneez – las pinas)

2. Yung kahit murahin ka, matutuwa ka pa dahil naririnig mo boses nya…ampota- hahahahaha (janah – dubai)

3. In love k kapag lahat ng nkikita o naririnig e naii-associate mo s isang tao, me nkita k lng n bagay naalala mo cia, me marinig k song maalala mo din cia… – (angel of batangas)

4.  In love ka kung ang bukambibig mo ay ang pangalan nia….”ay, gusto ni —– yan, favorite nia yan.” ….” ay, ganun din c——- sken”…….etc…etc… – (dwarfino – bulacan)

5. Pag nakikita mo sya araw araw..naglalambingan kyo araw araw..kumakaen kayo ng sabay araw araw..natutulog kayo magkatabe araw araw. and yet di mo lang sya makita ng sandali e namimiss mo sya..un ang in love..:) – (johnny of las pinas)

6. Inlove ka kung bago ka matulog naiisip mo siya and paggising mo naman siya pa din naiisip mo..in short he’s in your mind day and night,24/7 :)….kapagod sa utak no? alam mo yan pak! oks ba? – (bheng of malabon)

7. Inluv ka kung nagpapakatanga ka na nga pero ginagawa ka pang tanga, at okay lang sayo. hahahaha! – (mitch of quezon)

8. Pag madalas ka sa lugar kung nasaan yung kinababaliwan mo, pag medyo BALIW kna…yun tama pag timang na pkiramdam mo db? – (betch of saudi)

9. when somebody is bad mouthing your GUY and you pretend that you agree w/them but deep in side youre hurt… (ehl carey – cavite)

10. In love ka khit lhat ng nakapaligid syo ay sinasabing d sya krapatdpat syo pero xa prin ang gusto mo mkasama araw-araw… (nadz of palawan)

at dahil feeling ko si Mart of QC na nman ang pinaka experienced dito..eto ang kanyang mga sinabi..hahahhahaha

a.inlove ka kung iniisip mong kayo miski hindi haha

b. masaya kang makita cya kahit ikaw di nya nakikita haha

c. dika makatiis di cya itext kahit di cya nagtitxt

d. napapanaginipan mo na nagdedate kayo

e. nagkakapimple kana kakaisip sa kanya

f. lahat ng bagay sa kanya tingin mo maganda

g. pagtumatawag ka sa bahay nila tawag mo sa mama nya tita kahit di ka naman kilala hahaha.

h. pag may magandang movie cya una mong naiisip isama , papayag kaya? hahaha …

Well..well..well guys gow lang sa pagiging INLABABO (in love); just know your limitations..enjoy that gift, and be grateful that it comes to your life..yiiiiiiiiiihhhhhhhhhhhhhhhhh

At kung darating man ulet ang love sa ken..sana mas alam ko na ngayon..dito man sa Saudi Arabia, or kung saang sulok man ng mundo..PINOY MAN SYA OR IBANG LAHI!! pakkkk

“Love isn’t a decision. It’s a feeling. If we could decide who we loved, it would be much simpler, but much less magical.” – Trey Parker and Matt Stone

6 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Sa Akin Lang) – “Paano Mo Malalaman kung In Love ka Nga?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s