Ako Sa Saudi Arabia (“Piktoryal”) – FLORA ARABIA

July 18, 2011 – Flora Arabia

Bukod sa mga boys..may bulaklak din naman pala sa disyerto! kagaya ng Grapes, Peaches at kagaya KO (HAHAHHAHA)..parang ako, ang bulaklak ng disyerto..nabubuhay din kami dito..that means, di naman pala boring sa Saudi Arabia! Naisip ko tuloy na “napaka simple ng buhay, tayo gumagawa pari maging kumplikado ito..”.  Ang mabuhay na malayo sa mahal mo sa buhay ay hindi simple, THINK! maraming mga bagay na kahit di ito ang kinagisnan mo, eh matutunan mo din mahalin ito..at tanggapin at masabi na  “that’s life, and i have to deal with it!”

Kaya nman kinuha ko ang paborito kong 13 inspirational QUOTES tungkol sa LOVE, and LIFE IN GENERAL ni Bob Ong ang isa sa paborito kong local author!  thanks to Bob Ong!

“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”
“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”
“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal..

LET’S CELEBRATE LIFE..”life is good..live it to the fullest!”

““nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”-Bob Ong

PAUNAWA: “Ang lahat ng mga larawan na ginamit sa lathalang ito ay pawang orihinal..walang kinopya dito, dahil may camera ako!”

2 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (“Piktoryal”) – FLORA ARABIA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s