Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) – 30 Days of Ramadan Experience

August 01, 2011 – 30 Days of Ramadan

30 Days of Ramadan

Ang kauna unahan kong RAMADAN experience sa Islam Capital of the World! Base sa aking nabasa at nakalap na facts, ang Ramadan ay ang ika siyam na buwan sa Muslim Calendar o ang tinatawag na Hijri Calendar.  Ang Ramadan ang buwan kung saan ang mga kapatid nating mga muslim ay nag titika at tinuturuan sila dito na pahalagahan kanilang buhay at mag alay ng mas marami pang dasal hindi kagaya ng normal na araw.  Ginagawa nila ito para sa kanilang God (Arabic: Allah).  Tumatagal ang Ramadan ng 29-30 days.  Parang sa mga Kristiyano, may Mahal na Araw tayo..sila naman Ramadan.  Sa aking ika 10 buwan dito sa Saudi Arabia, matutunghayan ko ng live Ramadan Scene, at makikita ko kung ano ang pagkakaiba nito sa ordinaryong araw.  Isa pa, curious din talaga ako..at marami din akong gustong malaman, about sa kanilang fasting..sa kanilang Iftar..sa kanilang pag dadasal at baka pati outfit iba rin..

Importante sa mga kapatid nating muslim ang Ramadan and i quote The month of Ramadan is the month in which the Quran was sent down, a guidance for the people, and clear verses of guidance and criterion.  [Quran: Chapter 2:183] – http://theramadanblog.blogspot.com

Imagine..30 days silang mag fa fasting!! My Gosh!

Mga Common Things kapag Buwan ng Ramadan:

1. Nag fa fasting sila from Dusk till Dawn (simula bukang liwayway hanggang takip silim)

(hindi sila kumakain simula umaga or sa pagsisimula ng unang dasal hanggang sa paglubog ng araw; hindi rin pwede uminom ng tubig, kahit manigarilyo)

2. Mas mahaba ang praying time nila or Sallah (praying)

3. Kumakain lang sila paglubog ng araw ( Maghrib).  Tinatawag ito na Iftar ang gathering ng family or ng mga muslims para sa isang break fasting meal! Parang fiesta espesyal sa sobrang dami ng food.

4. Sumisimbolo ang NEW MOON, para sa Ramadan. Kaya pala marami akong nakikita na crescent moon symbols sa kung saan saan, bilang pagpapaala sa pagbubukas ng Ramadan.

5. Mas maiksi (or shorter) ang working hours ng Muslim employees. Dito sa company namin, 6 hours lang ang working hours ng mga Muslims, while the Non Muslims regular working hours.

Mga Hindi Dapat Gawin ng mga Non Muslims tuwing buwan ng Ramadan:

At dahil dito ako nag ta trabaho sa kanilang bansa at kabilang ang iba pang mga expatriates (na non muslims), marapat lamang na irespeto ang kanilang kultura at paniniwala.  Kaya ang lahat ay ginagabayan ng mga alituntunin na hindi dapat gawin tuwing buwan ng Ramadan.  Hindi naman nila sinabi na mag fasting din kame (or tayo), pero ang igalang naman ang kanilang paniniwala. So..eto na!

1. Huwag na huwag kakain (or kumain), iinom or maninigarilyo sa labas or sa public places lalo na tuwing umaga hanggang sa paglubog ng araw; Kumain sa tagong lugar. Kahit kendi..kahit tubig..bawal!

2. Huwag na huwag mag iingay sa malapit sa Mosque kung saan sila nagdadasal; at kung makakita man ng kapatid na Muslim na nagdadasal in public, bigyan galang ito at NO NOISE ALLOWED! Irespeto sila kagaya ng pag respeto nila sa atin!

3. Huwag na huwag naman natin hindi irespeto ang paniniwalang ito..1 month lang naman yan..pwes, kung matigas ulo mo, gowww mag pahuli ka!

Tiyak marami pa akong malalaman sa loob ng 30 days kaya isusulat ko ito..

RAMADAN KAREEM is a greeting in the Arabic language that is used to wish happiness during the start of the holy month of Ramadan. The word Kareem means generous or bountiful in the Arabic language. (so its Bountiful Month)

PAALALA: Bawal kumain, manigarilyo, kahit uminom at mag emote sa public places lalo na sa umaga hanggang paglubog ng araw; SERYOSO ang mga kapatid na Muslims dito..kaya kung gusto mo i risk ang buhay mo..MAG PASAWAY ka! 

Ang aking 30 Days of Ramadan Experience

Day 1 – at super bantay ang Mutawa sa canteen, para siguraduhin na walang kumakain hanggang sa pagsapit ng Iftar. Winner!!

Mutawa –  or Mutaween, Ang tawag nila sa kanilang religious police! Kung makakita ka ng may mahabang balbas at ang outfit, bitin bitinan..ayyy sya na..MUTAWA sya!

Day 2 – at super box office ang pila sa canteen bago mag IFTAR! 6PM pa lang nakapila na sila para sa kanilang hapunan..ang nakakaloka dun, kahit na kumakain kame, dedma lang..di nila pde kainin ang food nila..hangga’t hindi pa nalubog ang araw!

Day 3 – nag start naman ako mag palit ng schedule dati ay 8am, ngayon 10pm para sa Ramadan. (connection?! dahil 6 hours lang ang pasok ng ibang kasama naming Muslim, at kailangan silang i cover! pakk..)..at eto na eto na..kahapon, box office ang pila..ang situation naman sa kabilang canteen, hindi ganun..hindi nga lang ganun ka FAB ang food..pero pwede..semi bountiful siguro! at pagkatapos nga umaatikabong bakbakan sa pagkain after IFTAR..mag dadasal naman sila..para sa 4th Sallah! pagkatapos ng Iftar..may 2 remaining Sallah pa..

Day 4 – late na ang schedule ng service bus papuntang bayan..dahil sa gabe nag bubukas ang karamihan sa mga establishments in the city! so ang gabi, ginawa nilang umaga..At hindi totoo na bawal ang mag gupit ng finger nails tuwing Ramadan! kaloka! =D

Day 5 – its a regular Friday (i think)..walang pasok! off ang lahat (i mean dito sa site).  parang Sunday sa mga Christians, meron silang ceremony at 1pm or just after noon.  Eto ang tinatawag na Jumu’ah o ang congregational prayer or sallah na ginagawa tuwing Friday!  Ito ang katumbas ng prayer nila pag regular day na tinatawag naman na Dhuhr!

Day 6 – food sharing! eto ang nakita ko kanina bago mag IFTAR, may mga Saudi locals na nag dadala ng food para sa iba pang Muslims! Hindi ko na inusisa pa, pero yung isa may dalang parang dessert! yung isa may dalang malaking bag na may laman din food! it’s so nice to see that giving and sharing exist around the globe! seeing it deeply, Ramadan demonstrates true meaning of giving & sharing! pa share nga! NICE!

Day 7 – fasting + sobrang init = collapse! meron lang incident na nag collapse, maaaring dalawa ang cause nito..hindi ka kumain at wala kang tubig pang support sa dehydrated mong katawan dala ng sobrang init..try mo nga mag fasting, tapos mag ta trabaho ka sa mainit na area, at hindi ka iinom??? ano nga mangyyare??

Day 8 – nalaman ko na hindi totoo na bawal ang maligo tuwing Ramadan! Iniisip ko kasi dati na kasabay ng fasting eh bawal maligo! hahahhaha..Nalaman ko din na bukod sa religious reason, ginagawa din nila ang fasting para mas lalo nilang maintindihan at maramdaman ang kahalagahan ng mga bagay na binigay sa kanila katulad ng pagkain..na sila ay truly blessed!

Day 9 – during IFTAR, may mga ilang muslim na nag tatalo about juice! Good at today, di ko na experience ito..sana eh maisip nman nila..na ginawa at binigay ang juice (pati mga food), hindi para mag away sila..and they have to share! Ibalik ko kaya sila sa Day 8!!! hhahahha

Day 10 – salamat sa isang Saudi guy, he gave me 1 bag of Samosa during Iftar!! Sarap..and i shared it to others too! nice!

Day 11 – may mga napansin ako na karamihan sa mga Muslim nagpapakalbo..hmm, bakit kaya? di pa ako nagkalakas loob na tanungin ito..susubukan ko in the coming days! Nalaman ko rin na in encourage ang Muslim community na basahin ang Qur’an.  Nagkakaroon nman ng recitation ng Qur’an tuwing gabi na ginagawa sa mga mosque na tinatawag nilang Tarawih!

Day 12 – nakita kong naghuhugas ng face, arms at feet ang friend kong si Fahad na taga block 3.  Tinanong ko sya kung para saan, at kung anong tawag dun..ang sabi nya, Wudhu daw ang tawag dun.  Ginagawa nila ito bago mag pray (or Salah) para daw malinis sila bago sila mag pray at para makapag concentrate sila sa prayer na gagawin nila.  Siguro may mas malalim pa na reason behind kung bakit nila ginagawa ang Wudhu..interesting! =)

Day 13 – nalaman ko sa kasama ko na si Dr. Mahir, na ang Wudhu ay ginagawa nila every prayer, eh diba, 5 times sila nag pe pray sa isang araw..so 5 times din nila ginagawa ang Wudhu!!!Kala ko kasi pag gabi lang nila ginagawa ito, at akala ko rin dati bago sila mag pray saka sila nag huhugas ng feet..sushal! feet!!

Day 14 – 29 days lang daw ang Ramadan this year..so dahil nag simula ito ng August 01, matatapos ito ng August 29.  Sinasabi na di nman daw talaga malalaman ang exact date nito, depende ito sa sa kanilang Islamic Lunar Calendar.  Depende rin ito kung kelan nman lalabas o makikita ang hilal (crescent moon to new moon).

Day 15 – ano ba yan, bakit di ko magawa ang mag fasting..hmm, i’ll try bago mag end ang ramadan! Si Fahad (ung isang QA) nag paalam na mag le leave ng 3 days para pumunta sa Makkah together with his family!bongga! Hmm…yung ibang Muslim kasi, nag pupunta sa Makkah para gawin ang Umrah. Usually ginagawa nila ito tuwing Ramadan, pero di nman yan required..pwede nila gawin kahit anong oras o panahon sa buong taon..mag re research pa ko about Umrah! At Happy Birthday nman ng bongga kay Mar! Barbican Night Alright! =)

Day 16 – hmm, ang mga non muslims bawal kami makita in public na kumakain, umiinom..pero during lunch may mga muslims din na nasa canteen..di nman sila kumakain, pero nakikita nila kame..weird!

Day 17 – nothing special today..bukod sa nakita ko si bff na naka outfit ng bonggang bongga..feeling ko Ramadan talaga. Teka nga, yung iba naman, masabi lang na bawal kahit hindi nman..ginagwang dahilan ang Ramadan, tinanong ko na yan Kuya..hindi bawal maligo!

Day 18 – lahat yata ng Muslim gusto mag Umrah! Nag paalam naman yung isang QA nag mag le leave sya for 1 week para mag Umrah sa Makkah! Bongga! at 11 days na lang at mag e Eid ul Fitr na!

Day  19 – ang mga non muslims, super effort mag tago habang nag yo yosi! hahahhahaha..makapag yosi lang, hala sige tago!hhahahha..pero good yun, at alam naman kung ano ang dapat at hindi! Try ko kaya mag panggap na pulis? hahahhaha..At congratulations naman sa Team Slaughterhouse for winning the basketball game! =)

Day 20 – habang naka tambay nman ako sa block 3..sinubukan kong i observed kung gaano ang tinatagal ng Tarawih tuwing gabi (ginagawa nila ito sa pinaka huling Sallah).  Nalaman ko na tumatagal ito ng 30-40 minutes, kung naka experience ka ng Pabasa, parang ganun sya..

Day 21 – maaga ang sweldo kapag Ramadan..so narinig ko maaga daw. We’ll see!🙂.  At eto pa, kasali kaya kami sa 3 days na walang pasok para sa nalalapit na Eid?! i doubt..mukhang super dami ng nakapilang manok, para sintensyahan..lol, but we’ll see! Aba kanina, may matapang na isang guy (di Pinoy), na nag yoyosi sa labas..bawal yan kuya!

Day 22 – nalaman ko sa workmate ko na si elo na kapag daw dinatnan ang babaeng muslim ng kanilang monthly period during ramadan, cancelled ang fasting nila! so meaning, mag re resume sila ng fasting pag end ng buwanang dalaw ni ateh! Ibig sabihin, mag e extend sila depende sa kung ilang araw sila tumigil.  Thanks E.l.O for the info! At iginoogle ko naman ito, at eto ang sabe..

“Women during the period of menstruation or of post childbirth confinement. Fasting during these periods is forbidden and should be made up later, a day for a day.” http://www.islamfortoday.com              

Day 23 – pumunta kame sa Hail kanina, at na witness ko na late nga nag bubukas ang mga shops at iba pang establishments.  9PM na nagbukas ang mga shops, ang iba naman mga 930PM.  Sarado sa umaga bukas sa gabi..ang umaga ginagawang gabi..at ang gabi naman ginagawang umaga! bongga!

Day 24 – dahil malapit nang magtapos ang Ramadan, at nag hahanda naman sila sa nalalapit na Eid! Infairness at mahaba haba ang Eid holiday nila.  Nabalitaan ko pa nga na yung iba 5 days na walang pasok, kagaya nila Jerome! Panalo! At kame?? balita pa lang..pero di pa sure! Kahit di na 5 days..basta may holiday!🙂

Day 25 – nalaman ko pa kay Elo na may mga exempted din pala sa pag fa fasting kapag Ramadan! Tulad ng mga bata (yung di pa binata at dalaga), mga matatanda at ang mga may sakit at ang mga nag dadalan tao! at hinanap ko naman ulet sa google if true or not..ayy totoo nga, dahil nabasa ko sya dito http://www.islamfortoday.com  

Day 26 – 3 days before Eid! Dahil its Friday..its Restday..at lahat eh mukhang abala sa nalalapit na pagtatapos ng Ramadan! Nalaman ko din na Qada ang tawag sa pag pupuno ng na missed na fasting days kung sa ano mang dahilan at binibigyan naman ng penalty or Kaffarah kung intentional ang di pagsunod sa Sawm..

Day  27 – nagpunta ulet ako sa bayan..pero sa umaga naman.  Open ang mga banks and remittance center, pero from 1pm to 4pm lang..then open ulet sila ng 9pm! Ngayon ang last day nila at simula bukas, holiday na sila! Happiness naman ako at binigyan nman ako ng HAT ng dalawang Saudi! Winner…Shokran Sadiq! its 2 days before Eid! =)

Day  28 – 1 day bago mag Eid..holiday na nga sa Saudi Arabia! Sa planta..naka holiday na rin ang mga Saudi staff! Bukas Eid na!

Day 29 – EID MUBARAK (Blessed Festival)! This is it..ito ang last day ng Ramadan..kanina, parang di pa sure kung ngayon ang Eid or bukas, so kailangan pang hintayin kung lalabas ang crescent moon bilang signal sa pagtatapos ng Ramadan! Finally idineklara kaninang mga 800PM KSA na ito na ang Eid!

Kinaya ko na itala ang aking Ramadan experience sa loob ng 29 days..at sa ika 30 days, mag uumpisa na ulet ang bagong araw at bagong buwan ng Hijri Calendar.  Inisip ko na mag fasting din kahit isang araw, pero nabigo ako.  Ganunpaman, marami akong natutunan sa kulturang ito..at kung paano ginugunita ang proseso ng pag titika at pag titiis upang bigyan diin ang pasasalamat sa mga blessings na natatanggap ng bawat isa at pag babahagi nito sa kabilang banda! Sa panahon ng Ramadan, bilang non muslim, natutunan ko na irespeto kung ano mang paniniwala ang mayroon ang bawat isa.  Hindi sa wala akong choice dahil andito ako sa Saudi Arabia..kung hindi dahil ito ang nararapat!

EID MUBARAK!

Pumunta at silipin ang mga bagong lathala. I click ang link sa ibaba

https://akosasaudiarabia.wordpress.com/2016/06/05/ako-sa-saudi-arabia-mga-extra-ramadan-kareem/

 

17 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) – 30 Days of Ramadan Experience

  1. kabayan, maraming salamat sa iyo.dahil sa blog na to marami akong natutunan. papunta din kasi akong almarai poultry.pero d ko pa alam kung saan particular area dyan.riyadh ang nakasulat sa job offer pero maari din sigurong ilagay nila ako dyan sa hail. as of now ngpa process pa lang ako ng docs.tinanggap ko na job offer ng almarai.sana d ako ngkamali sa pagtanggap ang pag iwan sa current job ko dito sa atin. first time ko sumabak mg abroad kung sakasakali.
    ingat dyan lagi..

    1. thanks sa pag visit mo at pagbasa sa blog na ito! Sana nga eh dito ka sa Hail ma assign para ma meet kita..thanks again and Good Luck sayo kabayan! God Bless! =)

  2. thanks sa swift response kabayan. sa poultry hatchery siguro ako maassign kasi yun naman experience ko dito sa atin. kumusta naman working condition dyan? stockman ang magiging position ko. may kakilala kang stockman dyan?
    God bless u 2..

    1. hi mike, no prob! ahh sa hatchery..dito rin yan sa loob ng HADCO. Honestly, di ko pa narating ang hatchery, pero may mga kaibigan ako na dati dun nag work. Ok naman daw dun, sabi nila. Working condition?! i’m not sure in hatchery, pero sa division naman namin, ok naman..kelan ang due mo pagpunta dito? if you dont mind me asking..thanks and ingat, God Bless =)

  3. actually, minamadali na ako ng agency na magpa medical kasi urgent daw. d pa ako makahanap ng time kasi bz masyado sa work. mahirap magleave ds days kasi sobrang bz..pero nasubmit ko na other docs. baka sept or oct pa ako madedeploy. d rin ako makapag resign kaagad.sana ok ang medical result para hintay2 nalang ng date of deployment. enjoy muna ako dito bago sasabak sa panibagong adventure..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s