Ako Sa Saudi Arabia (Ang Sa Akin Lang) – “Mga Epektib Tips para Maka Get over kay Baby!”

August 30, 2011

“Mga Epektib Tips para Maka Get Over kay Baby!”

“Some people think that it’s holding on that makes one strong; sometimes it’s letting go.”

Starring: Si Baby – ibig sabihin jowa, girlfriend, boyfriend, asawa..pede rin fling or playmate..basta sya si Baby!  At Ikaw – ikaw na umibig..at iniwan..

Gusto ko lang din naman malaman kung may paraan ba para mabilis kong makalimutan ang mapait at hindi bonggang love karanasan ko kay baby? Or kahit hindi naman mapait..pero di pa rin happy ever after and ending ng love story! Marami naman sigurong ibang tao dyan na nakaranas ng break up noh..kagaya ko, ilan beses na rin..nadapa (aray), umiyak (huhuhu) at nasaktan (wait ang sakit huh!).  Pero ang totoo hindi madali ang makalimot, dahil tama..nasa isip mo lang yan, NASA ISIP MO SYA!

Araw..tanghali..gabi..madaling araw!! Yung gigising ka sa madaling araw at emote emotan ka, dahil super cry ka..dahil WALA NA SYA! Pinagpalit ka nya sa aso nya! SAD..kaka SAD! Yung kapag kakain ka..hindi mo halos makain ang fudang mo dahil..naaalala mo ang mga times na magkasama kayo habang nag lu lunch..dinner..kain sa labas! My goodness..those were the good times! Pero eto na, nag sabi na sya sayo na..”Angelica..this aint gonna work.” Infairness, english ang linya..at wala na ang “baby” sa umpisa na kanyang sweetness na mga lines before.  EMOTERA!

Well ganun talaga..ano pa nga ba ang magagawa mo, meron pa nga ba? kung talagang ending na ng love story nyo? Baka in the future..pero paano kung ginawa mo na ang lahat..pero wiz! as in wala na talaga.  Ipagpapatuloy mo pa rin ba ang kahibangan, na “there’s always a second chance..” kahit na nakita mo na in love na in love na sya sa bago nyang puppy?? hello??!!! gising..sabi nga ni Bob Ong, “walang gamot sa tanga..kung hindi ang pagkukusa!” Now na ang tamang panahon, hindi mamaya..hindi bukas! Now na! ang totoo, wala naman talagang formula makalimutan mo lang sya..dahil kahit anong gawin mong tago, mananatili at mananatili sya jan dahil minsan sa buhay mo, dumating ang katulad nya, naging maayos man ito or hindi. Maaaring makalimutan mo ang love, pero ang tao..di mo sya kailan man makakalimutan! Walang madaling proseso after ng breakup lalo na kung sobra itong painful..ang pwede mo lang gawin, tanggapin ito..sa tamang panahon makakalimutan mo din ang sakit..dahil may darating ulit; kung kailan? sa TAKDANG PANAHON na kaw lang din ang makakapag sabi.

Pero huwag mo naman i stress ang sarili mo makalimutan lang siya, at baka maloka ka.  Marami ng kaso ng mga naloloka dahil sa iniwan at niloko sila ni baby.  Pwes, huwag ka na sumali!

Ang Ten Epektib Tips maka Get Over ka lang kay Baby!

1. Please burahin mo na sya sa phone book mo ng cellfone mo! Dahil super love mo ang phone number mo na yan, burahin mo na ang number nya, hindi lang sa phone book, pati sa missed call, received calls at dialled numbers! Ang totoo..pag sinabi ni friend na burahin sa phonebook, binura nga pero di sa CALL REGISTER! ahhahahah..dahil super asa asa pa rin tayong mga iniwan na tatawag sya or mag re reply kpag nag miss call tayo! Aminin mo…kapag di nag nag reply sa miss call mo..gagamit kpa ng ibang number para lang malaman kung mag re reply sya dun. Tama? Dedma, i delete na yan!

2. Mag palit ng bagong number! At dahil ready ka na..at feeling mo wala na talaga, at hindi na maibabalik pa ulit? well, tama ang desisyon na magpalit ng bagong number! Pero teh, wag mo naman lokohin ang sarili mo, nag palit ka nga..memorize mo naman ang number nya at super misscall ka pa rin at nag ttxt ka pa na kunwari bagong txt mate..at ang isasagot sa yo..”Hu u?! where did you get my #”  happy ka na..pwe! hahahahhahaha..

3. Theme song ba kamo?? Kahit gaano pa ka bongga ang theme song na yan..noon yon, hindi na ngayon! at ang theme song mo na ngayon..”Nang dahil sa pag ibig” or “Somewhere down the road!”..na kapag naririnig mo yan, kulang na lang bumaha ng luha sa Taft Ave (sa tapat ng la salle)!  Minsan nga parang nanadya pa yan..kung kelan ayaw mong marinig ang mga theme songs nyo, eh dun pa i pe play ni Manong driver! hahahhaa..kaloka! Pa theme song theme song pa kasi..hahah..bakit ba naman kasi nauso uso pa ang theme song na yan.chos! Well, let go! Palitan mo na ang theme song mo ngayon ng spirit uplifting songs..or pwede rin yung mga ampalaya songs, try mo kaya ang “How could you say you love me” ni Sarah, ewan ko lang kung di ka maimbyerna sa knya! hahahha..Try to listen sa mga songs na makakapag uplift ng spirit mo at ng well being mo, mainam na gamot ang music, believe me! try mo rin sabayan..para ma feel mo..pakk!

4. Phone Messages – burahin mo yan kapatid! Masarap talagang balik balikan ang mga nagdaang panahon na super in love pa kayo sa isa’t isa.  Sweet messages..i love you doon..i love you dito..miss you..kain kna bhe..lunch na bhe..sweldo na bhe..hahahahha! Pero dahil ayaw mo ng may na mi miss, burahin mo na yang mga messages na yan at hindi sya lalabas sa fone mo!

5. Mag paka busy, humanap ng bagong mapaglilibangan, mag out of town! Naku kung walang pera para sa bagong mapaglilibangan..mag gardening! mag housekeeping..mag cooking! Maraming pwedeng gawin, makapag libang lang! Maghanap ng ka txt..ka chat..maligo oras oras para freshness! Pero huwag na huwag kang mag lalakad sa tulay ng BBB sa Valenzuela habang umuulan o kaya iiyak sa loob ng jeep habang naulan at habang pinapanood ka ng ibang tao..hindi hobby yung ginagawa mo! hahahha..Pero seriously, maraming pwedeng gawin para maging busy..ang tanong kung ready kna magpaka busy, im sure you will!

6. Mag pa gwapo..mag paganda..mag pa bongga! Tingnan mo ang old pics mo (before ka ma inlove at after ng break up) ano ang pinag ka iba? Bago kayo maging mag on ni baby, wow winner na winner ka..kung todo ang pustura.  At dahil sa pagiging obsessed mo sa pagmamahal mo sa knya..unti unting nawala ang ganda mo kapatid! pumayat ka..nangalumata ka..in other words, SUPER STRESSED ka! Yan ang epekto ng mas minahal mo ang baby mo kesa sa sarili mo! NOW dahil wala na kayo..its your time to re-SHINE! hahahha..lumabas at magpaganda..magpabongga! Wag OA at hindi babalik ang dating ganda mo in 24 hrs..process yan! loka! goww lang..araw arawin mo ang pag pa bongga, makikita mo..in time, kaw na ulet ang dating si Angelica! bongga!

7. Umiyak – ganun talaga, goww iiyak mo lang yan.  Minsan effective na ilabas ang nararamdaman mong kalungkutan at pagkasawi sa pamamagitan ng pag hagulgol! Hindi ibig sabihin na pag umiyak ka mahina kana (sabi lang nila yun dati). Maniwala ka mapapagod ka rin, at pag gising mo isang umaga..sasabihin mo na lang “teka, bakit ba ako iyak ng iyak..parang hindi yata tama..” at ang totoo..heller, nakakapagod kaya umiyak ng umiyak! ano luka luka?! At kapag napagod kna? magagawa mo na ang iba pang nasa listahan na to..Oopps, umiyak lang ha, pero huwag mo gawing hobby!

8. Huwag makikinig ng mga programang malulungkot..at mga love stories. di ka pa ready na tanggapin na wala na kayo ni baby.  Maalala mo lang sya, unti unti lang..tsaka ka na ulet mag luka lukahan sa mga love stories na movies at mga palabas, kapag tanggap mo at ready kna ulet!

9. Makipag re unite sa mga pansamantala mong kinalimutan na friends (dahil imbyerna ka dati sa kanila, dahil matagal na nilang sinasabi sayo na iwanan mo na si baby..pero di ka nakinig).  Don’t worry kapatid..di sila galit sayo.  Meet up your friends and hang out with them. Kahit araw arawin mo..gabi gabihin mo..goww! Gusto rin nila yan magkantahan kayo everyday!

10. Puntahan si Madir and Padir, wag ka naman mag sumbong..ask a BIG HUG from them! it will be a big relief, mind you!

At sa huling hirit! Please lang..refrain from seeing your baby, iwasan makipag kita sa baby mo..hindi ito makakatulong para maka get over ka, maniwala ka! Pinapahaba mo lang ang proseso, at patuloy mong pinapahirapan ang sarili mo. Hindi ba nga..kahit gaano pa ka winner ang mga payo ng kaibigan mo sa yo at kahit anong tulong ang ginagawa nila para matapos na ang kahibangan mo, na sa sa iyo pa rin yan! Kaya nga katawan mo yan eh..hindi sa akin!

“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.” – Bob Ong

6 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Ang Sa Akin Lang) – “Mga Epektib Tips para Maka Get over kay Baby!”

  1. – hahahahaha… di ako maimagine na ginawa ko yan mga tips na yan, wa epek..punong puno ako ng hinagpis nuon, mga haup na lalaki,matapos mo ibigay lahat lahat..kulang pa din, mga haup sila!! haup!!! ang hirap hirap maka get over, kelangan basa ang unan gabi gabi habang nka head set at nakikinig ng mga love song,,,,ampotah….bwahahahaha

  2. di effective ang number 1 kasi memorized ko ang number. nampoch… ahaha! the best way to get over someone is find someone new. =)

  3. how many BABY passed onto your life before you come up with these tips? learning from your experiences makes you more a great person.. keep smiling! no more BABY? or juz waiting???🙂

    1. Hi Thess! Thanks! you can still count with ur fingers..lol! Sure thing..no more baby for now! waiting???! these “babies” are waiting for me, i think! dami kaya fish dito sa saudi! lol..Take care Thess and see you soon!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s