Ako Sa Saudi Arabia (105 Days) – 105 Days of Blessings

105 Days..Countdown, Now Na! Ito ang 105 Days of Blessings

"Ako Sa Saudi Arabia" - Countdown to Bakasyong Grande

CONFIRMED!! This is it..pagkatapos mag 3rd runner up ni Shamcey Supsup sa Miss Universe, eto na talaga to, wala ng paligoy ligoy pa..eto na ang susunod na kabanata..OA nga siguro, pero ngayon pa lang excited na ko..Para lang nman countdown to Christmas to diba? so pagbigyan nyo na..hahahahha..Hindi ko na sana ilalathala pa ito, nag dalawang isip pa ko nyan ha, pero dahil wala naman akong magawa at ang libangan ko eh ang magsulat..so pinili ko na ituloy pa rin! hahaha..so nag explain ako diba?? siguro nga dahil excited din talaga ako ng bongga..so kung ano man ang mga susunod na darating sa susunod na 105 days, ito ay blessings! halos 365 days na ang pananatili ko dito sa Saudi Arabia, pero kelangan kong mag extend, napili ko ang date na yan, dahil feeling ko yan ang tamang timing ko para sa bonggang bakasyon! Hindi man natin alam ang mga susunod na mangyayare..pero at least naman mapaghandaan ko ang mga bagay na pde naman, pwede naman siguro no, why not from today till 105th day! Bongga!

Day 105 – Thanks to Pete, for forwarding ang pinaka hihintay kong balita, na confirmed na..Isa ka talaga blessing! hahah..Thanks din ng bongga sa nag ayos ng maaga, bonggang bongga!

For today and its blessings, I owe the world an attitude of gratitude.

Day 104 – Nagbalik na si James (ung kasama kong QA), back to work na ang James, medyo lutang nang konti pa si James, kasi kagagaling lang ng bakasyon, pero infairness..pume freshness ang James! hahahaha..Ako kaya? dapat freshness din!!! Hmmm..natalo ang Team Slaughterhouse sa first game nila for Semis over Horticulture by 1 point lead! Keri lang, next time na lang ulet guys! Siguro kaya natalo sila, kasi di ako na nood..ayy na sa sad ako! Feeling ko eh mag ka ka fever ako, siguro dahil magpapalit na ang klima, malapit na kasi ang tag lamig..sana naman wag kang mag ka fever, di ko keri!!! Blank pa rin ang isip ko about plans for my vacation..Dahil late na ko umuwi from work, di ko yata keri sumulat, so i will try tomorrow (hahahaha..feeling writer tlaga?!)..

Follow your heart, but be quiet for a while first. Ask questions, then feel the answer. Learn to trust your heart.

Day 103 – Thanks sa mga friends na naka chat ko, thanks to Mitch, Julius, Bheng, Marissa, Joan, Ehl, Arvie, Joey Pacheco, Ruby (thanks for the advise), Sab, at sa pinsan ko na si Weng! Thanks to BFF Jerome para sa tawag, na relieve ako! Pero ang nagpaka complete talaga ng araw ko si Crisalie! my village friend, nag travel tuloy ang mind ko pabalik sa aking kamusmusan bongga! Thanks kay Mitch and Bheng, at least may nabubuo akong plans for vacation! Kahit na may mga pinag dadaanan..go pa rin..bigla ko tuloy na i tweet “kahit ano pang mangyare..kakayanin at kakayanin ko ito! I am a SURVIVOR..i know! Kaya ko to..I just pray that they will hold on too..”, may mga masakit na pwedeng mangyare, pero kailangan tanggapin ang mga bgay bagay na di natin maiiwasan! Basta andito ako for them to support sa lahat ng laban namin! I’m still looking forward to have the best NEW YEAR CELEBRATION with my parents and my siblings! see you soon guys!🙂

If the people we love are stolen from us, the way to have them live on is to never stop loving them. Buildings burn, people die, but real love is forever.” – The Crow (1994)

Day 102 – Maaga ako pumasok (0830AM) at maaga rin ako umuwi (1700H)! Thanks sa pinsan ko na si Weng, at naka chat ko siya para i update din ako.  Nag send din sya ng mga ilang pics, para makita ko ang Nanay at Tatay ko, at pumasyal sila sa bahay kanina.  Happy ako at nakita ko sila kahit sa pics, excited na ako umuwi at makasama ulet sila..

Other things may change us, but we start and end with family” – Anthony Brandt

Day 1o1 – Nagtrabaho sa planta, ginawa ang mga dapat gawin! What a productive day! hahaha..nag punta sa bayan ng Ha’il kasama si Senor Carlos at Meldwin, at nag dinner sa walang kamatayang Al Saraya Turkish Restaurant at nakasama rin namin si RQ! Bongga!! Very bondat dinner, right Melwin? hahahha..Pagkabalik ng site, na nood ng semis ng basketball tournament, that was Team Slaughterhouse vs. Team Bailing! Pagod man daw sa pag aararo ang Team Bailing, nakuha pa rin nila ipanalo ang game at ito ang kanilang 2nd win for the semis! Keri lang again, Team Slaughterhouse..maganda ang effort na ginawa natin! Proud ako sa Team..tuloy ang Salad Party sa sweldo! pakkk!

Courage is the discovery that you may not win, and trying when you know you can lose.” – Tom Krause

Day 100 – September 19, 2011-time of mourning. Ito na sa history ng pagtanda ko at ng buo kong pamilya ang isa sa pinaka painful.  Pero kagaya ng sabi nila, THAT’S LIFE! dumating na ang time eh, last time na i post ko pa ang nangyare sa father ng isa sa best friend kong si Jerome, and this time ako naman..it’s the time for grief for the whole family.  But this too shall pass.  Makakapiling na lang namin sya sa mga memories.  Ang pinaka malaking blessing ko sa buhay ay ang pamilya ko, di man matuloy ang Grand New Year Reunion namin this year, pero tuloy pa rin ang reunion ngayon darating na miyerkoles, para ihatid namin ang # 1 na bayani ng buhay namin.  Tatay, marami pong salamat sa lahat at mahal na mahal po namin kayo! Gusto kong pasalamatan ang boss ko na si Mr. Hendrik at si Senor Carlos, iba kayo guys! pinabilib nyo ko sa moral support and generosity ninyo..

“Mourning is not the end of the relationship,  Our love for them does not die with them. Everything in life is a beginning.”

Day 99 – Naayos ko ang ticket ko at iba pang kakailanganin pabalik ng Pilipinas para sa emergency vacation..at tumulak ako papuntang Riyadh para pumunta ng mas maaga sa flight ko na tinakda noong September 21, 2011.  Gusto kong pasalamatan si Kuya Rey, Kuya Bong, Saleh, Mohammad ng HO, Abdulrahaman Alowais, kay Jaleel na ipag drive ako patungong Riyadh at yung iba pa na hindi nag atubili na tulungan ako. .Salamat! Tahimik ang mundo ko at di ko rin alam ang pakiramdam ko, balisa..lutang! Salamat din kay Barexx at nakuha nya pa akong i meet sa Riyadh.

Grieving is a necessary passage and a difficult transition to finally letting go of sorrow – it is not a permanent rest stop.  ~Dodinsky

Day 98 –  Ang byaheng papuntang Pinas!Tumulak ako via Fly Emirates ganap na 400H, pero 1130H pa lang nasa airport na ko.  Tutulak ito papuntang Dubai, at from Dubai papuntang Manila. Matagal tagal na byahe talaga ang ginawa kong iyon.  Pinagod ko ang sarili ko noong Day 99, at di talaga ako natulog..para makapag pahinga, ang hirap at di mo alam kung saan mo ilalagay ang utak mo kakaisip.  Pero, ang pinaka importante sa lahat..ang makauwi ako at makita ko si tatay kahit wala na sya, sa huling ilang araw.. Lumapag ako bandang 1030H ng gabe..at saktong naka rating sa Evergreen memorial kung saan naka lagak ang mga labi ni tatay mga 1130H.  Halos mag kasunod lang kami dumating ng panganay kong Kuya.  Hindi naman ako naging emosyonal, at kami lang magkakapatid ang magiging sandalan ng aming nanay sa mga panahon na ganito.  Malungkot..tahimik..si tatay na ang nasa puting kahon.  Sabi nga lagi sa mga inuman, kapag nag bibiruan..una una lang yan.  Tama naman,  hindi natin talaga alam kung kailan.  Imagine..ganun lang kabilis lumipas ang panahon.. “

Tears are the silent language of grief

Day 97 – Dagsa ang mga bisita ni Tatay.  Dumating ang isa ko pang Kuya.  Ang lungkot ng gabing yan..Hindi ba napaka hirap ng situwasyon ng mga nasa ibang bansa, kagaya naming magkakapatid, na nalaman nyo na lang ang balita sa telepono..na di nyo na makakasama ang isa sa pinaka ma mamahal nyo sa buhay?

“When someone you love becomes a memory, the memory becomes a treasure.”

Day 96 – Ang Huling Lamay. Madami ang dumating para makiramay at samahan ang mga naiwan at makita sa huling gabi ang aming Tatay! Nag karoon din ng prayer offering na ginawa ng kaibigang pastor ng eldest brother ko.  On the other side of that pagdadalamhati..makikita mo ang light after nito at ma re realize mo na, mabilis lang dumaan ang panahon, at totoong natatapos ang misyon mo dito sa lupa.  Akala ko kasi dati..hindi ito totoo, pag may namamatay na kakilala feeling ko minagic lang, drama..isang palabas. Totoong totoo pala ito!

“Life is short..Death is sure..”

Day  95 – September 24, 2011-Ang paghahatid kay Tatay sa kanyang huling hantungan! Tinakda na ang tamang panahon, araw ng Sabado, pagkatapos ng mass offering na ginawa ng 1000 ng umaga, ganap na alas tres ng hapon..sa huling pagkakataon na aming nasilayan ang aming Tatay, na sa kabilang buhay na ulit namin sya makakasama! Isinara ang nilulunan ng kanyang katawan, at ginawa na ang cremation.  Hindi madali..malungkot..nakakakilabot, nakakalibot dahil sa isang iglap maaaring mawala ang mahal mo sa buhay..o tayo! Alam namin na masaya si Tatay at hindi sya nahirapan at makakapag pahinga na sya doon.  Kami naman dito, most especially si Nanay, na talaga namang nagpakita ng katatagan ng puso..na naihanda ang sarili kahit papaano sa mga sitwasyon na yon.  Alam namin di magiging madali ang pag tanggap at dadaan pa ang panahon para mabawasan ang lungkot..pero ang masasayang memories namin with Tatay ay mananatili sa puso at isip namin.  Lahat ng nangyayare sa buhay ko at ng buo kong pamilya ay utang lahat kay Tatay.  Naging mabuti kang Tatay para sa amin..at hindi ako magsasawang sabihin na “im proud to be ur son..”.  Mahal na mahal ka namin Tay, san ka man naroroon. Wala akong pagsisi dahil kahit naligaw ako ng landas..alam ko sa puso ko naipadama ko ang pagmamahal bilang anak sa aking Tatay.  Paalam Tatay! Sa pagkakataon ito..haharapin naming pamilya ang isa bagong yugto ng buhay namin at sisimulan ng pagmamahal sa buong pamilya..

“Everything in Life is a Beginning..”

Day 94 – umpisa ng bagong yugto ng buong pamilya.  Si Nanay..sila Kuya, ako at ang bunso kong kapatid. Hindi nag paawat ang mga kapatid ni Nanay, na hindi kami uuwi ng Pampanga..bago man kami bumalik sa iba’t ibang bansa kung saan kami nag t trabaho! Ayos..nai saaayos na lahat..tumulak ang buo kong pamilya at ang ilang kamag anak papuntang Pampanga.  Taga Pampanga kasi si Nanay..at ang mga kapatid nya, nasa Pampanga nakatira..at para pumunta kami doon.  Sobrang tagal na rin kasi namin di nakapasyal sa kanila. Kaya ayon..isang mini grande reunion! Hindi kami binigo ng mga kamag anak..bongga ito! Alimango..Sugpo..Bangus..Dalag! Samahan mo pa ng fresh na fresh na kinatay na Itik at ginawang dinuguan! Sarap! Konting salo salo at bonding with kamag anaks ang nangyare..konting piktoryal.  Ang sarap! Para kang binalik sa panahon noong araw..na nag pupunta kami ng buong pamilya lalo na pag may espesyal na okasyon. Nagpapasalamat naman ako ng marami sa Pingol-Mallari clan..para sa pagdamay at pagpapasaya sa amin sa kabila ng nangyare..

Every new beginning comes from some other beginning’s end.

Day 93 – Ang pagbabalik sa Saudi, pagkatapos ng limang araw, eto at hinahanda nman ang sarili para sa pagbabalik ko sa Saudi, at pansamantala ko munang iiwan si Nanay.  Ang maganda dito, nag karoon kami ng pagkakataon ulet na mag bonding at mag lunch together..sayang nga lang di nakasama ang bunso kong kapatid at ang pamilya nya.  Ewan ko ba kung bakit.  Nag lunch date kami sa Megamall, nag pa parlor si Nanay..para naman kahit papaano maitago at mawala ang stress! Tumulak ako papuntang NAIA airport mga 300PM para sa aking pag babalik sa Saudi.  Malungkot syempre..dahil ang tanong, kailan mo na naman sila makikita ulet at kailan ulit mauulit ang mga ganong pagkakataon. Marami akong magagandang plans for family, kay Nanay going forward. Ang tanging nasa isip ko na lang ngayon..kailangan ako ni Nanay at hindi ko sya maaaring biguin.  Kailangan nya ng buong pagmamahal mula sa akin at sa mga kapatid ko.  Kami ang magiging sandalan nya at lakas..para malagpasan sa mga panahon na ma mi miss nya ang Tatay.

A journey of a thousand miles must begin with a single step.

Day 92 – Dumating ako sa Riyadh airport lulan ng Fly Emirates ganap na 230 ng umaga, Martes.  Ang winner..maghihintay ako sa driver na susundo sa akin ng mga 7 hours, at ba byahe ulet ng 6 hours papuntang probinsiya ng Hail! winner nga! pagod..stressed..kakaloka! Ganun pa man ang maganda..dumating ako ng safe! blessing yon! Thanks to Jaleel at kahit pagod sya, nasundo nya at na i drive ng safe pabalik dito sa Ha’il. At uumpisahan ulit ang mga bagong yugto..ito na ulit ang simula!

What we call the beginning is often the end. And to make an end is to make a beginning. The end is where we start from.

Day  91 – September 28, 2011-BACK TO WORK! Masaya naman akong nakita ang mga katrabaho at mga kaibigan..dama ko na na miss nila ako, especially ng mga “fans”..hahahhaha.  This is life! It wont stop while ur still awake.  Kailangan ko ito..at kailangan ko sila, ang mga kaibigan ko para sa pagpapatuloy ng new chapter ng buhay ko.  Nadama ko ang warmth from them.  Nang nagpunta nga ako sa loob ng production..BIG SMILE ang bonggang binigay sa akin ng mga taong ito! They were all sad because they knew what happened.  And the tap on my shoulder  and the hug made a big difference! Pa planuhin ko sa mga susunod na araw ang mga gagawin ko sa king susunod na bakasyon, at sa December yon! Prayer and love from my family and friends will make me going! Ito lang ang choice ko..ang magpatuloy ng tama at positibo! Living life to the fullest..and loving my family to the very best i can..THAT’S IT! It’s a blessing indeed

A beginning is only the start of a journey to another beginning.

Day 90 – Maaaga pa ako kay Senor pumasok, nauna lang siguro talaga ako..hahahha.  Puyat pa rin kaya medyo antok pa.  Nag decide ako mag punta ng bayan para mag padala para kay Mudra! but i failed..muntik pa ako mapaaway.  Ang saya ko pa naman at apat na kalahi ni Sushmita Sen ang kasama ko..tapos ganon lang???? Imagine pumila ako ng almost 1 hour dyan sa Al Rahji remittance center na yan..aba tapos nung turn ko na, sasabihin sa akin ng teller na “is this transfast? i am not accepting here transfast”..sabihin ko sana..”talaga?? hindi nga..seryoso ka!!!”..ahhaha..kakaloka, pero di ko na kinaya, ang sabi ko na lang “THIS IS NOT FAIR!”…”I waited almost 1 hour here..and you will just tell me, its not you???”..ganun paman sa sobrang pag ka bwisit ko, WALK OUT QUEEN ang drama ko.  Imagine nasa Saudi ka na nga, ganun pa yung mga tao..ako ang customer pero parang kailangan ko pa silang i please, considering na teller yun ha.  Kakaloka, di man lang sabihin ng maaayos sa akin, pero kung sabagay kahit gaano nya pa kaayos sabihin sa akin yun, di ko sya maiiintindihan.  Walang man lang sign, walang kahit ano..lahat ng windows “REMITTANCE DRAFT” ang nakalagay..ung dating last window sarado, kasi wala si kabayan.  Tapos sasabihin nya sa akin, parang mali ko pa??? Nag Vilma Santos tuloy ako dun..kakaloka! Hayy buhay..yan na lang ang nasabi ko.  In other words, kailangan kong bumalik para magpadala. Ayos lang, charge to experience..ang lesson for today?? PATIENCE! mag baon lagi ng milyon milyong pasensya!

Patience is the ability to idle your motor when you feel like stripping your gears.

Day 89 – September 30, 2011 Ito ang First Anniversary ko sa Kingdom! I survived it! 1 year sa animo’y rehab ay hindi talaga biro, but i managed to survived ang walang bisyo, walang alak..walang bidyoke..happy yet sad, happy dahil nagawa ko ang mga plans for the first year, sad kasi Tatay passed away.  But then, it is time to move on and start a new beginning with what is left and what i have right now. I am truly blessed, dahil kahit ano pa mang circumstances iyan..kering keri ko yan! Pumasok ako for Friday rest day dahil may production kami..and that’s how i celebrate my Almarai Anniversary! At sa lahat naman ng mga taong nakasalamuha ko..naka trabaho..naging kaibigan..mga kaibigan..sa lahat naman ng mga kaibigan na laging nag p pray ng aking wellness..thank you thank you..kayo ang the best! Susulat ako ng separate article on my First Almari Anniversary in the coming days..

“Blessed is the man who expects nothing, for he shall never be disappointed” 

Day 88 – Videoke galore, para malibang..mabawasan kahit konti ang nararamdamang sadness! It’s a beautiful day though! At medyo busy din at super talaga ang pinagawa nila boss! Wala naman akong ibang naisip today except that busy ako..pero pag uwi ko from Joselito’s room eh na sad ako..at isa lang ang nasabi ko..”Lord ingatan nyo po palagi si Nanay..” Thanks to Pete and Joselito for the singalore night!

You block your dream when you allow your fear to grow bigger than your faith.

Day 87 – Hindi ko alam pero it was a lazy Sunday! Kahit nga maaga ko rin natapos ang mga kailangan sa trabaho..tamad na tamad tlaga ako..hahahhahah..Maaga ako umuwi (5PM naman yun) at tumambay sa block 3 with Brandon.  Kuwentuhan with Brandon..Halos di ko nga rin bet mag internet, at maaga naman din ako natulog.  Siguro nga super bawi ng pagod at puyat from last week! Re charge muna ako ng bongga! Napansin ko na medyo lumalamig na..at panay panay na ulet ang sandstorm, ibig sabihin malapit na ang pinaka ayaw ko na tag lamig! Ooppss..Thanks sa Fruit Salad ni Meldwin! At para naman sa mga nag e emote?? Madami na akong iniisip para isipin ka pa..may God bless you!

“A man’s own good breeding is the best security against other people’s ill manners.”        

Day 86 – Early Bird! Hindi naman ganoon ka early..pero early na rin, i mean sa work! Hindi yata kaya ng laziness ang duguang utak ko sa pinagawa nila boss..but then again, kineri ko naman.  I mean kering keri! Naisip ko tuloy na masarap talaga gawin ang isang bagay na naka ka challenge! Hindi mo pwedeng sukuan dahil alam mong kering keri mo! Masarap din gawin ang isang bagay na ina appreciate..para naman ma inspire ka na gawin ang mga susunod na mga tasks! Parang life..you need to appreciate what you are doing, u have to love it..whether you succeed or not, it is still part of the game..pdeng mag win, pede rin lose! kasi pag hindi??? Para ka lang uminom ng kape na walang asukal! As of the moment, medyo malabo pa mga plans (i mean ang mga itinerary) for my December vacation at mukhang maraming mababago.  But then, i will make sure that it is something worth especially for Nanay..

Life’s challenges are not supposed to paralyze you, they’re supposed to help you discover who you are.

Day  85 – Humility & Patience! Ayan mabagal ang internet connection ko!!!! Bilang parusa..feeling ko tuloy napasubo na naman ako dito sa diary na to..hahahhahha.. Hindi masyado marami work today, just right.  Iba talaga ang workplace dito, kailangan matibay ka..sa sobrang daming intrigero, dapat matatatag ka! Kasi kung hindi..sa sobrang salbahe nila? kakainin ka nila ng bonggang bongga..eh kung sila kaya ang kainin ko??? bwahahhaa..Di bale, natutunan ko naman na dapat super humble ka dapat at wag pumatol..lalo na sa mga matatanda! But, thanks to kapatid na Jerome na nalaman ko na ang Princess Nora University (exclusive for women) sa Riyadh KSA ang pinakamalaking University sa buong MUNDO! at meron sariling TRAIN sa loob ng university! Taray…kinabgo ang UP IKOT sa Diliman! AMAZING!!!

You know more than you think you know, just as you know less than you want to know.

Day 84 – As usual, nginarag ako ng dalawa kong bossing! Sana totoo na lang ang bato ni DARNA! hahahhaha..Para any moment na kailangan ko ng power, sisigaw na lang ako..”PETE ANG BATO!!”..hahahahhaha..Infairness, priceless yun, pag alam mong pinag kakatiwalaan ka nila..bonggang priceless! Isang blessing iyon, di sila Filipino..pero alam ko may puso sila! Meron kasing iba, yung opposite ng may puso..hahahhahaha..Well, true naman..mas maganda makipag deal sa mga taong straight forward..sabihin mo nang pangit ang ginawa ko, pero harapin mo ko! Hindi ba winner yun, kesa yung dinedma ka..tapos di mo alam kung bakit??? kuya vakeettttttttt??? kakaloka ka naman!! hahahah..DEDMA! Dedmahin..lilipas din naman yan! Welcome Back Joel Acosta! Ayan nag balik na nga muli si Joel..honestly, it’s good to see him back! FRESHNESS! hahahhaha..at sa mga experiences nya sa airport sa kanyang pagbabalik..ay madami akong natutunan! Thanks Joel! at Happy Birthday naman kay Oscar “Oca” Maravillas!

Stay committed to your decisions, but stay flexible in your approach.

Day 83 – What a Day! Umaga pag bukas ko ng facebook, ayyy si STEVE JOBS ang headline, pumanaw na rin si Steve Jobs (1955-2011)..may you Rest in Peace Mr. Jobs!  Sa workplace.. Hindi ko na nman naramdaman na natapos na nman ang isang araw..busy eh! Umaga pa lang..busy na, ang dami kasing bisita!!! Muntik pa hindi makasama papuntang bayan! Pero success!!! natuloy din naman kami, with Senyor Carlos, ang galing sa bakasyon na si Joel..at si Meldwin.  Grabe talaga..imagine, kailangan mo pang mag travel ng 1 hr or more, maka kain lang sa restaurant (sa paulit ulit na Turkish Rest)..hahahhaha..pwede na, kaysa naman..makisawsaw kapa sa mga drama, hahaha..kumain ka na lang! At hindi ko rin kinaya yung isang QA Staff na Saudian, sa Pilipinas..commonly, kapag mag fi file ka ng undertime or leave, either..mag pupunta ka sa doctor, mag a attend ng PTA meeting..or pupunta sa Pag ibig (para mag calamity loan), aba ito namang Saudian na ito, nag paalam kay boss! nakakaloka..tinanong ko naman sya, “why”..sumagot naman, at ang sagot, “new car get, toyota 2012 model”..KALOKA!!! kaw na..meron nba 2o12 na model??? meron kahit pa anong model yan, parang pedicab lang ang kukunin nya..hahaha..duguan na nman ako sa mga ito.  Buti na lang hindi ako tinanong ng Saudian na to..”Mr. Ariel, ur nose is bleeding, why?”..hahahahha..Tseee!! get lost!!! pero winner diba, kung tayo kailangan natin kumayod ng kumayod at pumunta pa ng Saudi para lang mabili natin ang mga bagay na di kayang bilhin ng sweldo natin sa Pilipinas, samantalang sila..ang kotse, parang kendi lang! Kaya thank you Saudi!!! Happy trip to Mikaela a.k.a. Mit..sa iyong nalalapit na pagbabalik Pinas! enjoy kapatid! “

I can’t change the direction of the wind, but I can adjust my sails to always reach my destination.

Day 82 – (or 82 days..) hahahha..whatever! Today is my rest day! late ang gising..pero maaga sa nakasanayan kong gising, may kailangan gawing homework! Lunch mag isa..at tumambay kay Brandon! hayy..very lazy talaga ako today! at na sa sad ako..Chat with my friends Rosa and Ching, while doing my homework.  Instead of the initial plan going to Dumaguete, baka palitan ko ito ng pagpunta sa Antique, sa probisinya ng Tatay.  Isang beses pa lang kasi ako nakapunta doon 1998 pa, di ko masyado na explore ang Antique dahil student pa ko nun.  Pero naririnig ko na yan sa mga pinsan ko na may 3 islets doon na winner.  Pero pag iisipan ko pa.  Hirap din kasi mag plan..basta kung anong meron, yun na! Sabi nga, bahala na si Batman! Inuunti unti ko na rin ang balikbayan box..why not!

Eto na..nagpaparamdam na rin ang lamig sa Saudi, ibig sabihin patapos na ang Summer, at mamimilipit na naman kami dito ng bongga! Pagkatapos ng matinding sandstorm ulet, yun na..winter na sa Saudi! Mag ha hail storm kaya?? wag naman sana..At natapos ang winner na pictorial with Team Slaughterhouse, ang tinangghal na 2nd runner up sa kakatapos lang na Almarai-Hadco Basketball Tournament..Congrats Guys!🙂

Planning is bringing the future into the present so that you can do something about it now

Day  81 – Lunch date with Fahad, ung isang QA na Saudian. Lunch date kasama din sila Joel and Meldwin.  At ang food?? KABSA! winner ang KABSA, forever KABSA..Welcome back naman kay Gilbert, it’s good to see you back Bet! at sa workplace, busy as usual..at ang internet connection ko sa bahay, mas mabagal pa sa pagong! ngayon..buo na ang plans for my vacation.. Had a late conversation with Nanay, gow gow mader! dahil emote si mader, tumawag ako..see u December! love u mader!

Being happy doesn’t mean that everything is perfect. It means that you’ve decided to look beyond the imperfections.

Day 80 – Bad internet connection! Tentative plans for vacation, Pampanga..Mt. Pulag..Dasma..Antique..and Thailand..Tentative pa lang yan, walang kokontra..Hindi matutuloy ang pag lipat bahay sa December kasi according sa pamahiin, sukob daw yan..so sa January 2012 na lang..well Mother knows best! kaya gow! Pinanood ko ulet ang Miss Universe 2011, bad trip yung mga 2 babaeng correspondents na nasa taas, ung nag co comment kapag swimsuit at evening gown (ung puti at tsino)..ayaw kay Miss Philippines, very obvious! hahahhaha..

Trust yourself. You know more than you think you do.

Day 79 – Taray taray ng tag lamig..nagpaparamdam na sya! Malapit na nga mag palit ang klima, ang nakaka imbyernang tag lamig.  May choice ba kame? Meron..ang mamaluktot na naman sa taglamig hanggang April! Tungkol naman sa plans for vacation, may kamahalan naman pala ang byaheng pa BKK..but why not!! Kanina namang lunch, na receive ko ang pic ng KOTR singlet ko from Lanne! Thanks Lanne..infairness, wagi ang singlet na yan!

The greatest discovery of all time is that a person can change his future by merely changing his attitude.” – Oprah W.

Day 78 – parang ang tagal pa, 78 days pa..pero hindi, mabilis lang yan.  Kasing bilis din ng pagkawala ng Tatay! Still mourning after seeing again the pics from the wake na in-upload ng kuya..ang drama today, coping to let go and move on! And what is left behind?? Ang mga pictures ng lumipas na panahon at ang masasayang memories na lang with Tatay Yan ang life..I love you Tay!

Moving on, is a simple thing, what it leaves behind is hard.

Day 77 – great! i’m blessed to be very busy today! and I managed to complete all the jobs for the day..pero late ako nagising, nakalimutan ko kasi i alarm ang fone ko..so i woke up late! Pero dahil puma flash gordon ako, di naman ako na late! hahahhaha..Anyways, it’s 77 days to go before vacation (and 7 days before my birthday), at na realized ko na wala pa talaga sa kalahati ang laman ng BB box ko..hahahhaha..keri yan! I watched movie when i got home..nice movie, i wish i would have FRIENDs..with BENEFITS too!! hahahahhaha.. Pina plan namin ng aking mga workmates mag jog bukas ng 20K from factory going home..ready ba ako dito?? hahahhaha..baka mag paltos ang paa ko..jogging in the middle of the desert, why not!

What we anticipate seldom occurs, what we least expected generally happens.

Day 76 – Thursday! at bukas..day off!!! Maganda ang takbo ng morning, at di masyado maganda towards the end of the day.  But still, i’m still blessed to have some “not so good things” at least to add some thrill..Tinest ang patience ko today, and i believe that i succeeded! At dahil dyan..together with Pete, Meldwin and Joel..sumubok naman kami mag jogging ng 20K pero hanggang 5K lang kame..hahahhaha..di bale na, next time na lang guys! mas agahan natin para di tayo abutan ng dilim at ng sandstorm!

It is not fair to ask of others what you are unwilling to do yourself

Day 75 – Oh Thank God it’s FRIDAY! Rest day, pero kinailangan kong mag punta sa Plant to continue some important “thing”..hahahhaa..Dahil wala naman magawa after ng pagpunta ko sa Plant, namasyal masyal na lang ako.  Chit chat and kulitan with them (hirap noh? matapos lang ang araw..kung ano ano na lang hahahaha).  At kapag nakakausap ko ang mga taong ito..pinapaalala lang sa akin, na sobra akong blessed at dapat na marami akong dapat ipagpasalamat..🙂 Mukmok sa kwarto..chat..at manood ng movie! Bukas?? pasok na naman..

“He is a wise man who does not grieve for the things which he has not, but rejoices for those which he has.”

Day 74 – naghanda para sa big boss para bukas! patience..patience..patience..

A handful of patience is worth more than a bushel of brains.

Day 73 – pasok! dumating nga ang big boss sa planta, at naging ok naman ang lahat! Pero today..ang pinaka lesson is TRUST! Ingatan ang trust na binibigay sa yo, dahil kapag ito ang nawala..mahihirapan ka for sure na maibalik ito. Or it will take time..it will take time..At ganon din naman on my end, never trust no one! be careful on what you say..or say nothing! Worst case, gagamitin ito ng mapagsamantalang nilalang to cover up their weaknesses and shortcomings.

Trust is like a vase.. once it’s broken, though you can fix it the vase will never be same again.

Day 72 – Monday MADNESS! puro na lang friday friday madness, monday naman! keeping myself busy at the extremity of my feelings. Dahil sa wakas, bukas matatapos na ang 12 days of test! hmp..effort!! hahahaha…at ang drama ko today?! love me or hate me! ang sabi nga..LOVE ME OR HATE ME, I’M STILL AMAZING..SO ADORE ME OR IGNORE ME! Anyway, late na nakauwi..at im sure late na rin makakauwi tom..ganun talaga, weather weather lang yan..

You have enemies? Good. That means you’ve stood up for something, sometime in your life.” – Winston Churchill

Day 71 – Forgive and Forget??? Parang mas appropriate ang..Forgive..Learn..and Move On! Pero sige..Forgive and Forget pero walang pilitan..hahahahha.. Anyways, feeling ko maibabalik ko na ang dating momentum! Kailangan eh..Hindi naman siguro magiging happy si pudang if emote emotan ako right?! So dedma..go go gow!! Kakaloka..birthday ko na sa Pilipinas, pero sa Saudi..hindi pa..Kumusta naman sa USA..sa isang araw pa..hahahahha..

The stupid neither forgive nor forget; the naive forgive and forget; the wise forgive but do not forget.

Day 70 – October 19, 2011..70 days before my vacation..and IT’S MY BIRTHDAY!!!!! Treintai Tres Anyos! Phillipines! Greetings from family and friends nag effort para bumati ng maligayang birthday!! wonderful! facebook, wallpost, private message..txt message..personal message..at kung ano ano pa..pabitin at abangan ang complete blog post ng 2nd bday ko sa kingdom..di pa kasi tapos, meron pa bukas! hahahha..thanks for that bondat na bondat private dinner at para tumakbo ng 200 kph..hayyy birthday ko kaya!!! and tomorrow..it’s a public smashing bday bday-an party! hold ko muna ang pagpapasalamat..bukas na lang guys..still counting! ; )

And in the end, it’s not the years in your life that count. It’s the life in your years.” – Abraham Lincoln

Day 69 – Follow up birthday party..and this time it’s a BEER-DAY party!!! Budweiser night! Thanks to Joel-J and Marwen! Sa lahat ng nag punta..thank you! At totoo nga ang balita, mas maaga ang tag lamig..fine sandstorm para sa gabi ng birthday party! feeling winter na naman tayo nito..goww!😉 https://akosasaudiarabia.wordpress.com/2011/10/20/ako-sa-saudi-arabia-mga-extra-yes-its-my-33rd-birthday-10-19-2011/

Your birthday is a special time to celebrate the gift of ‘you’ to the world.

Day 68 – Friday! Rest Day! tulog galore..late gising, 1230noon na yata ako bumangon! nalinis ng kwarto at ng bahay..nag chat..nag facebook..nag laba..nanood ng movie! yan ang buhay rest day..hahahhaa..tambay saglit sa block 1 & 3 (hmmm..para sumagap ng latest chikka!).  hahhahaha..At bukas? isa na naman bagong araw ng pakikibaka ng bonggang bongga! Malamig na talaga..di na keri ng powers ko, at kelangan ko na balutin ang sarili ko, pero di pa naman ganun balot na balot..pero tag lamig na nga talaga! hate ko pa naman yang tag lamig na yan! hmp..pero may choice ba ako?? meron..na tanggapin na yan ang katotohanan ng buhay, minsan mainit..minsan malamig! hahahhaa.

68 days more yet parang ambagal bagal..at ang drama lately, work galore and DEDMA SHIELD ACTIVATE!!!

Maturity is achieved when a person postpones immediate pleasures for long-term values.

Day 67 – Aba aba aba..at wala akong magandang tulog! Na experience mo na ba ang matulog pero ang buong diwa mo eh gising??? pati panaginip ko di winner..sa dami dami ng mapapanaginipan eh snakes pa, masyado yatang napapanahon yang mga snakes na yan! ang dream ko, parang Indie Film ang setting! very dry..walang musical scoring!!! hahahaha..

Basta today is a drama day! sa pagkaka alam ko, kapag madami kang ginagawang kababalaghan..dapat quiet ka na lang para in the end hindi ito babalik sayo! Just a quick note..I am not perfect, but i am not pretentious! Umpisa na ng paglilista para mapuno na ang BB box!! Now na!

The most pathetic person in the world is someone who has sight, but has no vision.

Day 66 – Hindi ko na nman napanaginipan ang mga ahas na yan, maryosep! dahil nakita ko sya ng harapan! hahahahaha..ayy busy masyado! maaga natapos ang production! hahhaha..ganun pa man, di nman din ako maaga umuwi, vakket?? secret! :p naku lalo na bukas, sobrang busyng busyng busy! hahahhaa..I’m looking at the possibility to go to Buraidah this coming Friday!😉 Congratulations sa SK at nakita ko ang bonggang happiness para sa 21K run sa Adidas KOTR! Good Job guys!

The greatest challenge to any thinker is stating the problem in a way that will allow a solution

Day 65 – today was a very busy day again! Need to prepare for my Riyadh trip tomorrow! Wish me luck!😉

When you are grateful fear disappears and abundance appears” – Anthony Robbins

Day 64 – Yes, i’m now again in Riyadh!!! What a blessing! 1 day business with pleasure? not bad at all! ma refresh naman kahit minsan from mountainous province of Ha’il! I had a chance to visit Almarai Head Office to meet important people..para saan? for system application training! Grateful ako at they accommodated me very well.  Nakuha ko ang mga information na tingin ko needed for this training..And after? i got a chance para makapag malling..and this time, it’s Granda Mall! First time ko nag punta dun last year nang bagong salta pa lang ako sa Saudi.  Dati medyo uncomfortable palibhasa bago ako nun..pero ngayon, para na lang syang SM southmall! ahhahaha..of course nabili ko ang pasalubong ko para sa request ng Nanay at ang higit sa lahat? ang bonggang check in sa Mercure Hotel!

Thanks to my boss talaga..at nabibigyan ako ng mga ganitong pagkakataon! If i have to rate bad over good things happened..it is still 95% good! and God Bless those who are pathetic and pity..This chance is more than those who are trying to break me! You may win to break me, but i think you are only one among all other people around me that loves me and appreciates me truly, not only because they need something from me! I will still pray for you.. Hindi pa tapos as i need to go back to Head Office tomorrow to meet other guys in the office! Thanks God for the blessings!

Your chances of success in any undertaking can always be measured by your belief in yourself.” – Robert Collier

Day 63 – Day 2 in Riyadh..maaaga ko natapos ang itinerary ko sa Riyadh, at 10am tapos na ako..so i have to returned back to Mercure Hotel para mag pack and gumora na ulet sa probinsya! and i’m glad that Mr. Asim accommodated me as well.  Nag checked out sa hotel around 12noon, though late si driver..so we have to wait for him.  and finally he arrived at 3pm! Pagod talaga ang bumiyahe ng mahigit 600km pero sulit naman talaga ang byahe na ito!! Bukod sa nagawa ko ang tasks na dapat kong gawin at yan naman primarily ang aking goal..but then, nabili ko na ang ibang items pang BB box, at least na babawasan ang iisipin kong dapat na bilhin.

Nabili ko na rin ung ibang items for myself! Alam na! hahahaha..Pero di ko na meet si kapatid na Jerome at ang aking mga Uncle! Pero pinuntahan naman ako ni Recto! Thanks Barexx! Pahinga muna at talagang bonggang pagod ang drama ko! imagine dumating ako dito sa site at 1130pm..pagod nga! Lalo pa tumitindi ang drive ko to do this things for Nanay and only for Nanay..at sya ang insipirasyon ko!

Weakness of attitude becomes weakness of character.” – Albert Einstein

Day 62 – today was a very lazy day! siguro dahil talagang pagod na pagod ako sa byahe yesterday! Yung kahit gustuhin mo mang mag trabaho..wit! as in whitney houston..hahahaha..pero may choice ba ako, sa sobrang dami sinabi ni bossing na kailangan kong gawin, makakatanggi pa ba ako..tinalo ko pa ang galing sa vacation! As expected..gagawin ko naman talaga! ano pa nga ba..tomorrow, time to buy again some goods for my BB box! drained!!!!!

There are many things that we would throw away if we were not afraid that others might pick them up.

Day 61 – October 28, 2011, Thank God its Friday Rest Day! But our Buraidah trip was a Misadventure! hahahahhaha..ahh basta, it was a misadventure! Pero ang drama namin..mag moved on! But infairness..mahirap din pala ginagalit ang mga kasama ko, gusto na yatang bilhin ang buong Buraidah! kaloka! Pero ang pinaka winner sa lahat, LUNCH??!!! Thai Food perfect! Sarap…what else can i say? eh di ang sarap! siguro nasa 60% na ako for may BB Box! hahaha..winner! At ang catch, iba na ang pangalan ko ngayon..tawagin mo akong si “Mia Mia Zamora”..sabihan ka ba naman ng winner na winner ng isang local na..“Anta mia mia”, at paulit ulit yun..paulit ulit at inulit ulit..tatlo ang testigo ko!!! hahaha..Pero thank you sayo “sadik”..at bumongga ang discount ko sayo! babalikan kita promise!!! hahahha..At ang mga mentos sa McDo?? Sayang..next time na lang Joel! Salamat din ng bongga kay Ginoong Fahad at naihatid nya kami ng matiwasay.. But thanks to Joel, Meldwine and Peter..though it was a bit of misadventure trip..it was a fun day! Balik tayo ulet, at ulitin natin ang misadventure..hahaha..at mag MALLING naman tayo! Thank you naman Joel at isa ka talagang “Certified Arabic Interpreter..” ei shada!!! whatever..

Everything happens for a reason. People change so that you can learn to let go, and things go wrong so that you can appreciate them when they go right.

Day 60 – Taray! Hmmm..it was a productive day! Kaso today na realized ko ang social responsibility ko sa ilang kabayan! Isa ba akong brgy kagawad??? hahahhaa..but hopefully eh positive naman ang result nito para sa kanya! Ang winner today..eh ang FREE INTERNET sa STC!! Thanks to Mel! At meron ako ngayon 1 month UNLIMITED INTERNET ACCESS for free! Surprisingly, Pinoy Big Brother kick off pala tonight! Ano pa nga ba, dahil noon pa eh adik na ko sa tsismis ng PBB..kaya super watch naman ako! 60 days??? ibig sabihin less than 2 months..bakasyon ng bonggang bongga! Akala ko today ang 40 days ng Tatay..pero yesterday pala sabi ng Nanay! Miscalculated man ako..sige lang! Tatay..may u rest in peace..love u Tay!

You can close your eyes to the things you do not want to see, but you cannot close your heart to the things you do not want to feel.

Day 59 – A very busy day..dahil napuyat sa free at unlimited internet access eh ayun, super antok! hahah..ngayon ako naman si commissioner Mia Mia! hahahaha..Sana eh ma close na ang case na yan.  Ka kaimbudo rin pala! hahaha..At ang lesson for this day, LOVE UR WORK! We went here in Saudi to earn for a living for our family..why not we use that as an inspiration, gow lang! Magpapasko na talaga, ang lamig na dito sa Saudi, pero wala naman parol! homesick..i miss HOME! maglalaba na nga lang ako..

Home is the place where it feels right to walk around without shoes

Day 58 – Trick or treat! Hindi ko pwedeng i deny ito..hindi masyadong winner ang araw na ito, half day ko ay nauwi into waste, at sadyang hindi ako nakabalik ng factory from Hail city for some not so good reasons! Ganun pa man, nagawa ko ang bagay na kailangan ng Nanay! Ang pinaka importante na aral for this day is to value the importance of time not only to you but for other people; Value the time of others as much as you value ur time..I hope these people could understand it very well..Buti na lang talaga at pinanganak yata akong laging may baong positive attitude, so i could let go of unhappy moments and move forward! Naku eh free nga ang internet para naman syang pagong sa sobrang bagal..baka mas mabilis pa nga ang pagong eh! yan tuloy, di ako naka pag update ng blog! hahahha..SMILE it is STILL FREE!🙂

He who fails to plan, plans to fail

Day 57 – November 01, UNDAS! Hindi naman uso yang trick or treat or Halloween dito, ewan ko lang sa ibang part ng Saudi kung ang ibang Pinoy eh ume effort pa para mag Halloween party.  Pero kagaya ng Halloween, parang huma Halloween din ang internet connection sa sobrang pag mumulto ng kabagalan ng connection, but the good news is..ngayon, nakaka pag sulat na ulet ako.  Wala naman bago sa workplace, ganun pa rin naman..padami nga lang ng padami ang trabaho na yan.  Pero ang kinaloka ko at the end of this day ang panibago kong title..Usisera Zamora! Kung ang simpleng pag tatanong na ngayon na kahit positive naman ang approach mo eh isa ka nang usisera, pwede na akong private investigator!  Ako pa talaga ang na misinterpret! maryosep..kakaloka, totoo talaga ang kasabihan na “kung wala kang magandang sasabihin..then zip ur lip!”..hahaha.. Finally, natapos ko ang No Other Woman na yan..infairness, winner nga naman sya!

Time goes by so fast, people go in and out of your life. You must never miss the opportunity to tell these people how much they mean to you.

Day 56 – Thanks sa BOLD! Ang bango ha infairness! Bold na Bold naman ang smell! Happy in the morning when i received an sms galing kay Nanay.  Knowing that Nanay is happy..bonggang happy naman ako! But in the afternoon, di ako maka get over, whew, i felt really sad! Affected ako to see a depressed person, at kinain na sya ng depression..hayy..hindi ko naman sya magawang kausapin, baka ma imbyerna eh ma luz valdez ako! Anyway, i just hope that he could overcome that depression! 56 days more??? it’s roughly around 6 weeks..hehehehe

Knowing others is intelligence; knowing yourself is true wisdom. Mastering others is strength; mastering yourself is true power.

Day 55 – What a day! yan na lang ang nasabi ko..minsan ang hirap lang i handle ang mga ganun situation! kakaloka! First time yun ha, mali pa ang pasok nya! hayyy..pero, dahil sa incident na yan, it made me think that i have to be more tough emotionally..as held in the classic line “trabaho lang yan walang personalan”..and i still respect him! Afterall he is still the most respected person in the plant!  anyways, on the lighter side..meron nang tatanghaling bagong news maker of the year! hahahha..gumawa agad ng ingay ha..at infairness, nakagawa sya ng bonggang eksena dun at natarantula lahat ng tao dito! hindi ko lang maisip kung natarantula din ang mga utaw sa airport, im sure babaunin nya ang experience nyang yan, at kasama yan sa Top 10 best experience of his life! hahahahha.. but what else can i say..WELCOME to KSA! hahahha..

The greatest barrier to success is the fear of failure.

Day 54 – Friday?? eh di ano pa nga ba..Day off! Rest day..pahinga day! Naglinis ng bahay..nag pa gupit..nag muni muni..hmmm ano pa ba? nag chat sa mga friends! a normal Friday.. Naisip ko lang na in a couple of days, dahil dito ay isang malaking pinilakang tabing..mababago ang mukha ng poulty sa pagdating ni Ate Guy! Im sure mas marami pang mga dramas..Nakikita ko ang hinaharap namin ni BFF..im sure! Ate Guy meets Ate Vi! hindi kaya parang masyado naman luma..hahahha..Hmmm, Juday meets Claudine! Hindi naman siguro papalag si BFF kung sabihin kong ako si Claudine,  dahil ang shape naman ng face ko eh Claudine at ang shape ng face nya ay Juday..so keri na yan…hahahhapero seriously, the real Shamcey Supsup is coming! at Ako na si Venus Raj!

There are only two kinds of people who are really fascinating; people who know absolutely everything, and people who know absolutely nothing.

Day 53 – usap usapan sa apat na sulok ng factory kung may pasok bukas o wala..dahil bukas magsisimula (according to my reliable source!) ang taunang pag pagdiriwang ng mga kapatid na muslims sa buong mundo ang “Eid al-Adha “.  But unfortunately, may pasok kami bukas! hmp! eh di maiinggit na lang ako nito sa mga kakilala ko na parang 1 week yata silang off! Pero sige lang..keri na rin yan! Pero dahil late ang pasok ko tom at sa buong month ng November..movie marathon galore muna ako!

Bukas na ang pagdating ni Ate Guy! “Walang himala!!”..hahahahah

“The more you praise and celebrate your life, the more there is in life to celebrate. ”

Day 52 – November 06, 2011- para sa lahat ng kapatid nating muslims sa lahat ng sulok ng daigdig..EID MUBARAK! Pagod..pagod..pagod na Sunday! And finally my BFF Ramil has already arrived and ready to rock and roll!!! Congrats sa yo kapatid sa pinaka bongga mong experience!😉

One of the secrets of a long and fruitful life is to forgive everybody everything before you go to bed

Day 51 – hindi ko bet ang pag change ng klima..lalagnatin yata ako! Need to take more Vitamin C!!! mahirap nang magkasakit! Any monument eh bobongga na nman ang tag lamig! Super pack up na ang mga sando at i we welcome na ang mga winter jackets!!!!

Fashion your life as a garland of beautiful deeds.

Day 50 – imagine..1:00am gising pa???! bukas naman sana mas maaga aga..or pwede bang late na pumasok bukas???? asa pa! keri lang, bawi bawi na lang..di bale..at 6 weeks more to go at bakasyon grande na!🙂

Intellectual growth should commence at birth and cease only at death”- Albert Einstein

Day 49 – Whew! kakaloka itey…may number 4 na sa pag bibilang ko ng araw..hahahahha, hmmm..which made me think ang bago kong baby may “4” din sa name! pakkkk! tinanong ako kanina ng kasama ko sa work kung excited ako, basta isa lang ang nasabi ko, GIVE ME A BREAK! At thanks kay Fahad sa bagong hat, at para sa aking hot-hat collection! bongga ang hat, chume checkered eh..hahahha! Hindi ko na talaga keri ang lamig, AC Off na ako talaga tonight! Sa kabila ng lahat..na realize ko lang, na hindi naman ang trabaho ang nakaka uta eh (Nakaka uta, adj. pinoy slang word na ang ibig sabihin eh nakaka umay, nakaka dismaya..)..in fact, masaya ako eh..masaya ako sa ginagawa ko, ang nakaka uta eh ang mga intrigang bonggang bongga at ang mga taong nasa likod nito! Epekto kasi yan nang pagiging unhappy and unsatisfied! Hindi pala satisfied eh, uwian na! Simple lang..buti na lang happy ako and satisfied kaya please get lost! lol

Treat others as you want them to treat you because what goes around comes around

Day 48 – araw araw na lang bang ganito?? waaaaaaaaahhhh. .ilang araw na to ah..ang lamig lamig na nga eh, imagine sume seven degrees ang temp sa sobrang lamig sa gabi..HMP! tapos PASOK pa BUKAS..FRIDAY NO REST DAY!!!!!! Hindi bale..suwerte daw bukas, kasi 11-11-11 (november 11, 2011); sana nga totoo ang swerte!🙂

Do not spoil what you have by desiring what you have not; remember that what you now have was once among the things you only hoped for.

Day 47 – eh di makiki uso ako..ITS LUCKY 11-11-11..dahil today is a lucky day! Birthday pa ni Lucky! Lucky nga!!!! Now downloading iTunes!!😉 Sana lang mabilis ang connection.. 6 weeks!!! pag palapit pala ng palapit, nakakatamad..hehehe

Luck is what happens when preparation meets opportunity.

Day 46 – maryosep! puyat at pagod..napaisip tuloy ako na lahat nga ba nangyayare for a reason?! Pero malamang na pagod at stressed lang naman ito..pasok na pasok pa rin ang determination ko to succeed! At sana naman wala naman pasok this coming Friday..PLEASSSSEE!!! Pacman..GOOD LUCK!

Keep your dreams alive. Understand to achieve anything requires faith and belief in yourself, vision, hard work, determination, and dedication. Remember all things are possible for those who believe.” –  Gail Devers

Day 45 – Taray!!! Taray taray taray!! nung isang araw..puro number 1 ang nakikita ko sa wall ng facebook dahil sa 11-11-11, aba ngayon ang kontrobersyal na pagka panalo nman ni Pacman! Why not..sisikat uli ang course na LAW, at marami kasing gustong maging JUDGE!! hahahahhaa..Basta Congrats PACMAN! mataray today dahil 45 Days is 30+15 days!! 1 month and fifteen days! bongga! Anyway, today was a bit of improvement on my working day, di ako masyadong lazy! Minsan kailangan mo rin talaga na ma realize ang worth mo as a person, i mean personally and socially.  Kung gaano kahalaga sa sarili mo ang mga bagay na gusto mo, at ikaw bilang isang tao.  Sometimes you have to be upfront..deal with it, JUST RIGHT THERE..but never take it too personal..otherwise it will eat you up! Think!

The first resistance to social change is to say it’s not necessary.

Day 44 – Tired..pagod..stressed..kulang sa tulog..puyat..hmp! Weather weather lang yan..Siguro epekto ito ng Miss World na pinanood ko kagabe, sakit sa bangs ng “beauty with a purpose..”. Ang nakaka stress sa lahat, wala na naman OFF this Friday!😦

It is better to be hated for who you are, than to be loved for someone you are not.

Day 43 – talaga nga naman..Ok naman ang buo kong mag hapon eh, nakadama lang ako ng awa sayo kuya..desperate move yang ginawa mo eh! At some point nakakatakot pala..at least nung nasa Pinas ako at puro Pinoy ang kasama ko sa workplace, kahit nagkakaroon ng misunderstanding, hindi naman umaabot sa ganyan! Pero eto iba eh..may ganun pala na kapag desperado ka pala maibagsak ang kasama mo, nakakalimutan mo na ang professional ethics na meron ka! Kala ko sa movie lang yun..sa movie ko lang nakita ang move na ginawa nya, pero eto REALITY!! grabe..nakakaloka ka! Honestly, hindi kita kinaya..hahahhaha..Ikaw na!!

Knowing is not enough; we must apply. Willing is not enough; we must do.

Day 42 – sakit ng ulo! maaga pumasok..maaga din naman umuwi..natulog ng maaga, eto gising na naman! ano ba naman yan! 39 days before Christmas and 42 days before “vacacion grande”! hayyy..called Nanay this evening..and HOMESICK!😦

Homesickness is. . . absolutely nothing. Fifty percent of the people in the world are homesick all the time. You don’t really long for another country. You long for something in yourself that you don’t have, or haven’t been able to find.

Day 41 – 33 – 8 DAYS OF INTERNET HOLIDAY!!! Kakaloka ito!! INTERNET DISCONNECTED!!! Parang Internet Holiday lang! As in..di ako makapag Google, makpag update ng blog..makapag skype..YM..DL..Twitter! at kung ano ano pa! Ang tangi ko lang nabubuksan FACEBOOK! ang nakakaloka pa dun, di ko makita ang faces ng mga friends ko! Ako na 8 days akong pinarusahan ng STC na ito!

All human wisdom is summed up in two words – wait and hope

Day 32 – November 26, 2011! This is it! I’m back! Today is my dear Tatay’s birthday..Happy Birthday po Tatay! Mahal po namin kayo saan man kayo naroroon ngayon.. Dahil ngayon lang din ako nakapag open at update ng blog, aba may pending na comment from unknown viewer ng blog ko, at itatago ko sya sa pangalang “Vaklushii”..hahhaa..nag comment sya sa blog ko na “Paano ba Malalaman kung Bading ang Isang Lalake..”, at imbudong imbudo sya..at ka fes ko daw si Romeo Garduse!! hahahhahaha..kakaloka! maghahanap nga ako ng picture ni Romy..at pagtatabihin ko sa pic ko! Infairness ha, duma dami ang kamukha ko..the other week, kinonfirm naman ng isang Indiano na worker, pagkakit sa picture ko (old ID pic..na kalbo ako), aba kamukha ko naman daw si Obama! Ewan..minsan, gagawa ako ng photo collection na kung sino sino ang ka fes ko! hahahhaa

Pero napaisip naman ako sa galit na galit na visitor ko ng blog, napa ouch din man ako..ganun siguro talaga! Hindi lahat ma p please mo..hindi lahat magugustuhan ang approach mo sa buhay mo..o ang kung paano mo sinulat o sinabi ang isang bagay! Hindi lahat ng tao, bibilib sa pagkatao mo..or mapapa wow sa bawat kilos mo, at sa kung paano mo ito ginagawa. Depende sa kung ano ang gusto mo ma achieve,  Buti na lang hindi ako pumasok sa Showbiz, mahirap pala..hahahahha..Pero ang totoo, ang reality ng life ay para talagang SHOWBIZ..parang TELESERYE..parang PELIKULA..iba’t ibang ROLE ang ginagampanan natin! Hindi pwedeng bida lahat..dapat may kontra bida..at may BIDANG-KONTRABIDA!!!!

Always try to do something for the other fellow and you will be agreeably surprised how things come your way – how many pleasing things are done for you.” –  Claude M. Bristol

Day 31 – Busy Sunday!!! Pero ang taray taray..1 month na lang!!! TRULY..i need this very badly! kailangan mag refresh!! Need to see my family..friends..mountains..road trip..beach bumming..and ang umaatikabong concert and LASINGAN session!!! Ngayon araw na ito, na realize ko na..ano pa nga ba ang kailangan kong hilingin or idulog sa kanya, i’m BLESSED! Sa bawat araw na humihinga pa tayo..isa itong malaking blessings!

I realized not to waste my time with non sense “showbiz” thing! At na realize ko na..hindi pala lahat ng BIG LAUGHS ay sign of happiness..this is a sign of weakness trying to cover up such weaknesses! Pero try to listen to his heartbeat????? Sabi nga ni Juday..”Tingnan at pakinggan mo ang lata..hindi ba maingay kapag walang laman??!”

Happy Monday nga pala sa friend kong si Mikaela! hahahahhahah..miss u kapatid!

Stay committed to your decisions, but stay flexible in your approach.” – Tom Robbins

Day 30 – isang MAULAN na Monday ito! mula kaninang umaga hanggang ngayong gabi..ayaw paawat! Umpisa na nga talaga ng limang buwan na pakikipag rock and roll sa tag lamig..sabi kasi ng mga Pinoy na matatanda na sa Kingdom.. kapag umulan ng malakas at tuloy tuloy, ito na nga ang simula ng winter season. At hindi sya nakaka tuwa kung iisipin..mas gugustuhin ko pa ang summer sa Saudi Arabia, kesa ang nakakalokang tag lamig..dahil ang mamaluktot ay sadyang bonggang bongga!!! Imagine, 1030PM bumiyahe kami ni Kuya Jo from planta papuntang villa..at talagang super scary!!! Malakas na ulan kasabay nang 5 degree Celsius na temperature..samahan mo nang sirang WIPER ng kotse na gamit namin, maiisip mo ba na makakauwi ka ng walang kaba at takot!!! 2nd time ko natakot ng bongga..ung last year ung SAND STORM bago mag summer, at ang pangalawa..ngayong gabi!

Pero sabi nga ni Kuya Jo ng makarating kami sa Villa..”TUNKS GOD..WE ARE SAFE!”….TANK U TOO KOYA JO!!! waaaaaaaaaaaahhhhh..at sabi sa weather forecast..patuloy ang pag ulan hanggang araw ng Martes..at bukas yun!!!! Welcome to Mike Manla dito sa Hail, Kingdom of Saudi Arabia..ang isa sa mga “avid” follower ng blog na ito..😉

Nothing in life is to be feared. It is only to be understood.” – Marie Curie

Day 29 – Napakalamiiiigggggggggggggggg!!!! Ang ginaw ginaw na..ang hirap hirap na..ang hirap hirap MALIGO!.ang hirap hirap MATULOG!!! Aba aba aba..nabasa ko sa status ni Jojo Q., na pauwi na sya for holidays..aba eh, nkakainggit naman ito!!!  At ako?? 29 days to go at bonggang holiday ito!!!! Pero napansin ko lang na parang mali ang calculation ko..hahahhahaha..dedma na!! Isang malamig na TUESDAY mga friends!!

Reality isn’t the way you wish things to be, nor the way they appear to be, but the way they actually are.

Day 28 – Busy ako kanina..Busy pa rin ngayon, nag susulat ako eh..long over due na eh..hahahhaha..28 more days and That is..3 weeks!

Success is simple. Do what’s right, the right way, at the right time.

Day 27 – Unwell ako today! naku ewan ko ba, ang sama sama ng pakiramdam ko today!!! Bad timing pa at may lecture/orientation/chorvahan para sa mga QA!!! The show must go on!!!! Pero thanks kay Joel for the med na binigay nya at lalo naman kay Dr. Carlos!! Infairness, tinanong ko kung bakit ako may kulani?? syempre di ko alam ang english ng kulani..sooopper search naman ako, sabi ang english daw ng “kulani” eh abscess..weeh??? Pero sabi naman ni Dr. Carlos / Amo / C Senyor..eh di daw un abscess!!! Inflammation of lymph nodes daw..pero lymphatic lymphatic pa sya nalalaman!!! hahahahha..eh di sya na..hingan ko nga ng prescription..kaloka! Pero ang bongga dun, binigyan nya ako ng gamot! pero ngayon ko lang na experience na uminom ng malaking size na gamot..at 1000mg!!!

Bakit di ako mag cartwheel!! pero kidding aside, Gracias Senyor para un medico..para medico legal! hahahhaha..IT’S A KULANI DAY, actually.. Nilalabang lang ang sarili! Kumain ako ng na miss ko na Purefoods Corned Beef, at na miss ko tuloy ang MIDA mirindas deys sa Singalong! 27 Days??? that is 3 weeks 4 days! Bukas rest day..gowww kami sa Buraidah!!!!

We cannot do great things on this Earth, only small things with great love.” – Mother Teresa

Day 26 – Yeyyysss it was a great and fun Friday off! Nag punta kami sa Buraidah (sa kabilang bayan), para naman kahit papaano eh makapag unwind! Happiness naman ang drama naming lahat..at feeling ko naman lahat eh nag enjoy! Gow sa Pinoy food lunch together at ang mag shopping galore..at ang mag pictorial, eh talaga namang bonggang bongga!!! This day was really a happy day! Thanks guys for that fun day and sa dalawang friend na nag hatid at nagbalik sa amin ng safe sa site!

Pero hindi na talaga mawawala ang mga taong sadyang masakit sa bangs..pero eto na lang, sabi nga ng friend kong si May C., “ang AMPALAYA inuulam..hindi INUUGALI”!

Live life fully while you’re here. Experience everything. Take care of yourself and your friends. Have fun, be crazy, be weird. Go out and screw up! You’re going to anyway, so you might as well enjoy the process. Take the opportunity to learn from your mistakes: find the cause of your problem and eliminate it. Don’t try to be perfect; just be an excellent example of being human.” – Anthony Robbins

Day 25 – soooooooppeerrrrr bussssssssyy day!!! Pagod..pagod..pagod!!! Bukas naman sabak sa training! ang isa sa mga gusto kong training! Anyways..super laba naman ako ngayon, dahil inuna ko pa ang lakwatsa kahapon kesa maglaba..Gusto ko lang sana mag wish, kung sakaling makakita ako ng shooting star, “sana naman eh maging masaya ang lahat ng tao, at wala akong panahon makipag echusan! Isa pa, i hate drama and i hate drama queeensss!!! Please, masaya AKO, at masaya akong nakapag papasaya ng mga tao..don’t spoil it, JUST GET LOST! Uulitin ko ang sabi ng friend kong si May C..”Ang AMPALAYA inuulam..hindi INUUGALI”..Dahil dyan ikakanta ko na nga lang ito…🙂

Happy lang tayo dapat, alam mo yun..happy! spell ko ha..HAPPY! If you see other people that are happy let them be, be happy for them and just be happy too on what you have!

Cheerfulness and contentment are great beautifiers, and are fatuous preservers of youthful looks” – Charles Dickens

Day 24 – wooww! once again nag karoon na naman ako ng opportunity na mag attend ng isang Training Course, at salamat naman sa mga Managers ko at na consider nila ako to attend! Thanks po! isang nakaka stress na maghapon na training, imagine lima lang kayo sa class!! Two days ang training na ito, so may continuation pa until tomorrow!!!

Learn everything you can, anytime you can, from anyone you can – there will always come a time when you will be grateful you did.” – Sarah Caldwell 

Day 23 – 20 days before christmas and my Kuya’s birthday! Today ang naging last part ng Lead Auditor course, it was really a great experience..kakapagod sa katawan at mag isip pero i can say that i have to be grateful at hindi talaga lahat nabibigyan ng ganitong opportunity.  Yung course na ito, isa sa inaasam asam kong training..kaya eto lang ang masasabi ko..BONGGA!!!

Life is a gift, and it offers us the privilege, opportunity, and responsibility to give something back by becoming more” – Anthony Robbins

Day 22 – whewwwwww…ganun pala ang feeling ano, ewan ba kulang ako sa tulog, hirap makatulog kagabe..at ang ending 3 hours of sleep! Isa pa, naiisip mo tuloy nakakatamad mag trabaho, parang looking forward kana sa bonggang bakasyon..hahahhaha! Ganun nga siguro yun, excited ka nga pero maiisip mo din na hmp, saglit lang din naman ang vacation grande.  Ahhh, basta i enjoy ito..dahil once a year lang ito..22 days to go before the vacation grande and 19 days before PASKO!

Ang nakakatuwa ngayong araw na ito may surpresang handog mula sa isang friend, imagine..nung nakita nya ako na nasa planta na ako, aba aba aba..excited sya na ipinakita ang parang winter coat (di ko kasi alam ang tawag dyan), at sinasabi na ang ganda daw, ganito daw nya nabili yun..syempre ako naman sabi ko naman eh, winner naman talaga at beautiful! At sinukat ko pa ha..hahahh..kaloka, yun pala…GIFT nya pala sa akin ito! Sabi nya (teka pwedeng interpret ko sa tagalog)..”sayo yan..gift!”..hahahhah..tagalog na nga barok pa rin! bwahhahahahha..Gusto ko lang talagang lumundag kasi sadya nmang winner ang winter coat na yun! Hindi man nya alam ang Christmas, but for me..its an early holiday gift from a good friend! Super HUG ko pa sya..buti na lang di ko nasabi na..”bibigyan kita ng POWER HUG!”..hahahha..baka sapakin pa ko! But truly..Shokran Sadik!

Every gift from a friend is a wish for your happiness.” – Richard Bach 

Day 21 – gosshhhh ano ba naman yan malapit na ang Christmas! Old school drama..come on! New school drama naman! hahahahha..Surely..PASKONG disyerto ulet! =P

Do not spoil what you have by desiring what you have not; remember that what you now have was once among the things you only hoped for. – Epicurus

Day 20 – Seventeen Days before Christmas at Twenty Days more (parang + 2 days pa)..hahaha..kalurkey! Whatever! Today,  as usual ay isang boring day! Pero kaninang umaga..it was a cold windy Thursday morning, naghahanap ng “huggable” bear..wala naman, baka sakali si Jasyon Alex! hahahhaha..late na umuwi from work, at bukas..kailangan mag DAY OFF!! Stay na lang muna sa baler at ayusin ang BB box!

Losers live in the past. Winners learn from the past and enjoy working in the present toward the future.” – Denis Waitley

Day 19 – Friday Rest Day! Just stayed in the house..inayos ang BB box, naglaba..nag movie marathon..at natulog..ano pa nga ba ang pde mong gawin during Friday dito sa disyerto???

Celebrate your success and stand strong when adversity hits, for when the storm clouds come in, the eagles soar while the small birds take cover

Day 18 – 15 days before christmas and 18 days to go before the BEER PARTY! excited naman ako masyado..hahahhaha..late na nga ako umuwi from work, nakatulog naman ng maaga..early nman nagising..ano ba naman yan! 4am yata gising na ako at nag pa tumbling tumbling…

The more you praise and celebrate your life, the more there is in life to celebrate.” –  Oprah Winfrey

Day 17 – what an inspiring day! It’s really the trust from them that COUNTS! 13 days more before Christmas..17 more days in preparation for the grand new year Climb!

Your time is limited, so don’t waste it living someone else’s life. Don’t be trapped by dogma – which is living with the results of other people’s thinking. Don’t let the noise of other’s opinions drown out your own inner voice. And most important, have the courage to follow your heart and intuition. They somehow already know what you truly want to become. Everything else is secondary.” – Steve Jobs

Day 16 – ano pa nga ba ang maganda sa araw na ito kung hindi ang paglipad ni BB box! THANK GOD ITS MONDAY! Accomplished all what i need to do for today and it’s 12 days before Christmans..16 more days in preparation for the Grand Family Reunion! Ang dami naman palang kailangan gawin! pak! Nakakabaka..nakaka excite..nakaka balisa..nakaka babaw tulog..nakakaloka..bongga!!! hahahahhaha Salamat ng marami kay friend at kahit malaking abala hindi ako nag dalawang salita..Shukran Sadiq!🙂

Practice as if you are the worst, perform as if you are the best.

Day 15 – boring day! Hayyy Tuesday..Tuesday..Tuesday..miss ko ang cobol tuwing Tuesday! Pero di ko pa naman napapanaginipan ang cobol! hhahahha..Yess..its 11 days before Christmas..15 more days in preparation for more dinner at cobol nights!!

Any fool can criticize, condemn, and complain but it takes character and self control to be understanding and forgiving.”-  Dale Carnegie

Day 14 – what a busy day!!!!! tumbling sa pag ka busy today! Maya’t maya tingin sa calendar..hahahhaha..Oh yes it’s Wednesday…miss ko na ang “shushal” karaoke night tuwing Wednesday night sa Singalong!!!  Well..it’s 10 days before Christmas Day..14 more days in preparation for more karaoke night!! Bukas im sure excited na rin ang lahat (i mean mamayang madaling araw) sa Misa de Gallo..puto bumbong..bibingka..at ang family happy together!

I certainly don’t regret my experiences because without them, I couldn’t imagine who or where I would be today. Life is an amazing gift to those who have overcome great obstacles, and attitude is everything!” – Sasha Azevedo

Day 13 – Happy Thursday!! Why? kasi tomorrow Friday..and its our DAY OFF!!! Hindi masyadong stressful ang day na ito..keri lang! At nag decide ang mga friends na mag singalore after ng tahimik na working Thursday!!! Singalore ng bonggang bongga!!Food trip + karaoke = Fun Fun Fun!!! Also, we welcome Benjie..the new member of the Team! Oh yes..it’s 9 days before Christmas Day and 13 days more para sa mas marami pang family get together!

Nobody grows old merely by living a number of years. We grow old by deserting our ideals. Years may wrinkle the skin, but to give up enthusiasm wrinkles the soul.” – Samuel Ullman

Day 12 – December 16, 2011, Thank God its Friday..again! Walang ginawa kung hindi matulog..mag chat..mag movie marathon..ang lamig lamig kasi eh..hahah..at dahil sa walang magawa, ginawa ko ang itinerary ko for my new year vacation…winner! hahhahhaa..napansin ko na wala naman pala akong masyadong lakad..hehehehhe..At bukas pasok na naman! 8 days na lang pala Christmas day na..at 12 days na lang bakasyon na ng bonggang bongga!!!!

at dahil sa Dream Girls na yan..nag feeling Effie White na naman ako..hahahahhahah..ganda! na miss ko tuloy ang mga singing buddies ko..🙂

Go out in the world and work like money doesn’t matter, Sing as if no one is listening, Love as if you have never been hurt, and Dance as if no one is watching

Day 11 – Pitong araw na lang Christmas Day na!!!! as usual dito sa Saudi, di mo naman talaga ramdam yan (sad).  Pero ganun pa man, tuloy tuloy pa rin ang buhay saudi! It’s Saturday..kaya start na naman ng full week of hardwork! 11 days na lang…bakasyon na!

The value of a man resides in what he gives and not in what he is capable of receiving.” – Albert Einstein

Day 10 – December 18, 2011-Ewan ko bad day! kalurkey ang araw na ito, as in mag hapon!!!!…buti na lang may something to look forward..Aba biruin mo, six days na lang Christmas na! tapos..tapos..tapos..10 days na lang, nomo nomo na!!!

Self-improvement is the name of the game, and your primary objective is to strengthen yourself, not to destroy an opponent” – Maxwell Maltz

Day 09 – Oh Monday..monday..monday..pahirap na ng pahirap ang mag borlog!!! Not a bad day at all..buti na lang at kahit di maganda ang borlog..kering keri naman ang whole day at work! Aba imagine..mali pala ang bilang ko..hahahhaha..6 days at Christmas day na..and the good news is, 9 days before a big break! give me some beer!!! Naiinggit man ako kahapon at Christmas Party ng SK..naiinggit nga naman lang ako..hahahha..Merry Christmas party SK!

Laugh as much as you breathe and love as long as you live.

Day 08 – Tuesday na! Medyo ka sadness naman ang halfday at wala ang dalawa kong kasama sa ufes..kalurkey mag isa sa ufes!!!! and What’s so special about this day..it’s Tuesday and feel more positive vibes..more laughs..and more excitement at 8 days to go.. it’s Hello Philippines!! at 5 days na lang MERRY CHRISTMAS world na! Infairness late ang mga update..eto naman kasing STC..winner eh, ambagal!

It is Christmas in the heart that puts Christmas in the air.” – W. T. Ellis

Day 07 – 4 days na lang Christmas Day na, yan ang txt sa akin ni mudra!  Excited naman talaga ako ng bonggang bongga at confirmed na ang long weekend road trip..winner! Seven days and its the grand V day!!! kaw di mo ba na miss ang MOA? eh ang Dasma? San Andres Bukid? at ang Pasig..its home sweet home!

Sa kabilang banda..naisip ko lang na sa lahat ng pinag daanan ko, eh di napag daanan ko..sus! Ganun lang naman yun..mangyayare, dadaan at lilipas..lahat naman nangyayare dahil may dahilan, at isa pa..bet na bet naman din talaga ang experience!! Basta alam mo na happy ka at may napapasaya ka at totoo ka..bongga na yun!

“The only true wisdom is in knowing you know nothing.” – Socrates

Day 06 – nakkksss Thursday!! Sabi nga ng mga friends kong gagomon..Tarsdi daw, or Hoybis! hahahha..dama mo ba ang excitement ko?? ako man..di ko na rin keri mag pretend na di ako excited.  Minsan lang sa isang taon ang ganito no at bonggang blessing na nga ito, aarte pba ako??? hahhaha..but then, ang araw na ito nadama ko ang balanse ng life dito sa disyerto.  Ewan ko ba, siguro dala lang ito ng mga totoong drama ng buhay..or whatever!

Lapit na ang Pasko..magmamaganda pa ba ako?? eh 3 days na lang naman Christmas Day na! 6 days na nga lang eh..bakasyon galore na nga eh, mag bi bitter bitteran pba ako?? It’s soon..HOME SWEET HOME!

Kindness is more important than wisdom, and the recognition of this is the beginning of wisdom.” – Theodore Isaac Rubin

Day 05 – Friday na..buti na lang rest day! nagpunta  sa bayan para bumili ng mga gagamitin for pinoy Christmas party.  Grabe..ngarag ever ang day na ito, kapag Pasko talaga, busy busyhan..pati kami dito tuloy sa Saudi, nag busy busyhan din.  Natapos namin ang food preparation almost 2AM na.  My gosh, what a day! 2 days na lang Merry Pasko na..2nd Christmas in Saudi.  at 5 days na lang, happy yipee yehey Philippines na ito! HOME SWEET HOME!

Believe and act as if it were impossible to fail.” –  Charles F. Kettering

Day 04 – Bisperas ng Pasko! December 24, 2011..bongga! Simple lang naman, im happy seeing my kababayan na kahit malayo sa family, nakuha pa rin namin na mag celebrate ng Christmas..as in Christmas party with program! Just like what we used to do back in Pinas.  Pero hindi man ganun ka bongga..pero ang galing! Hindi ko rin ma imagine, dahil ang saya saya talaga! Congrats naman sa lahat ng mga nanalo at Merry christmas! Thanks and Congrats also to Pete..at sa lahat ng tao sa likod ng successful Christmas party na ito..BRAVO!

4 days bakasyon na! HOME SWEET HOME!!!

Christmas is the day that holds all time together.” –  Alexander Smith

Day 03 – December 25-Christmas Day! Isang masayang Pasko sa lahat mula dito sa Saudi Arabia! Kagaya last year, trabaho para sa amin ang araw ng Pasko..habang holiday naman ang drama sa Pilipinas.  Dedma ang Christmas break sa planta! Ganun pa man, lilipas ang Pasko ng malayo..isa lang naman ang importante, malayo man..ang sigurado, napasaya ang bawat pamilya ng mga OFW ang mga naiwang mahal sa buhay sa Pinas..keri na yun te!! Saludo ako sa lahat ng OFW saan man sa mundo!🙂

Pero ang bongga sa lahat 3 days na lang, its my time to spend NEW YEAR in Pinas, aba eh last year andito na ako ng Christmas & New Year..HAPPY NEW YEAR Philippines naman ang drama ko ngayon. .Excited na ewan..see you soon guys! CHEERS!

“Any emotion, if it is sincere, is involuntary” –  Mark Twain

Day 02 – Day after Christmas..eh di syempre may hang over pa rin ang mga tao sa natapos na Christmas party..hahahha! 6 days na lang New Year na! Hayyyy basta..2 days na lang, ready to go ng bonggang bongga sa BEACH!!!! HOME SWEET HOME!

The only thing that stands between a man and what he wants from life is often merely the will to try it and the faith to believe that it is possible. – David Viscott

Day 01 – December 27, 2011, Aba imagine natapos ko din ang nakakalokang 105 days na ito, ups & down..in & out, good & bad..negative & positive..friendship & love..peace & war.  105 days of Blessings! Daming nangyare..ang dami dami dami..pero ano pa nga ba ang dapat gawin kung hindi ang magtiwala na sa kabila ng lahat..ang lahat ng ito whether good or bad, ito ay true blessings or blessings in disguise!  Nakakatuwa lang isipin na sa halos higit 365 days sa lupain ng disyerto at ang lahat ng pinapangarap at inaasam asam sampu ng kapwa ko OFW.i.ang bakasyong hindi mapapantayan! Ang bakasyon itself ay matatawag na blessing! Hindi kaya ganoon kadali ang mabuhay sa secluded place kagaya dito ng wala ang nakagisnan mong kasama, pamilya..kaibigan..jowa (yihhhhhhhhhhhh)..kahit na sabihin mo pang may FB..YM..Skype..GL account or iPhone! iba pa rin syempre kapag kapiling mo sila! But then..choice ko ito eh, pangarap nga diba?? so dedma sa mga lungkot lungkutan factor! GOOD VIBES!!!!

Kaya naman ito..naghahanda naman ako sa muli naming pagkikita ni mother Philippines!!! Sumulyap lang kasi ako last September..but now, THIS IS IT! 32 DAYS of BB adventures! Gagawin ko pa rin simple ito, but i will make sure that the memories of the this BB adventures will be worthwhile! Yun naman ang importante no, siguro naman sapat na dahilan na yun na sabihin ko na GIVE ME A BREAK! hahahahha…I need this very badly not only to have fun but also to reflect! Para naman sa aking pag babalik, mas alam ko kung ano ang mga dapat gawin, mga dapat i-improve, and to deeply understand the real meaning of “forgive & forget”, to set wisdom, to continue to be an inspiration..and the humility which will be of big factor for the big change on me for the BIG YEAR 2012. It’s Saudi Year II, good vibes..good vibes..good vibes..

Gusto ko lang naman magpasalamat sa lahat ng bumasa, nag comment at nag aksaya ng kanilang precious time para basahin ang blog post na ito! Kahit ako..naisip ko lang na, WOW..hindi pala talaga biro ang mag diary sa internet on a daily basis ha! THANK YOU SAUDI ARABIA!

5 DAYS ITS A BRAND NEW YEAR!!! : ) –> I pack na ang bagelya at gora na!!!

Think of the long view of life, not just what’s going to happen today or tomorrow. Don’t give up what you most want in life for something you think you want now.” – Elder Richard G. Scott

 

 

2 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (105 Days) – 105 Days of Blessings

  1. The angels are always near to those who are grieving, to whisper to them that their loved ones are safe in the hand of God. ~Quoted in The Angels’ Little Instruction Book by Eileen Elias Freeman, 1994

    condolence kuya ariel..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s