Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) – “Bago ka ba sa Saudi? Aba eh Welcome to Saudi Arabia!”

Bago Ka Ba sa Saudi? Aba eh Welcome to Saudi Arabia!

Ito ang mga TIPS ko sayo at para lang sayo sa pagpunta mo sa Saudi Arabia!

Ako Sa Saudi Arabia

Sa dinami dami ng bonggang countries na pwede kang mag work abroad, at bakit naman sa Kingdom of Saudi Arabia??? Mainit, maraming bawal, walang bisyo, hindi naman kataasan ng sweldo (para sa iba)..disyerto, ang mga girls animoy ninja, di mo sila makita..puro guys kasama mo, lalo na dito kung saang parte man ako ng Saudi naroroon! Ooooppss wait, baka naman ma quote ako, at di ko sinasabi na hindi BONGGA ang Saudi, wait let me explain..nasasayo naman yan kung paano magiging makabuluhan ang mundo mo sa Saudi, kaya gow! gow lang ng gow! at bakit kaba nag punta sa Saudi??? aba aba aba..eh di naman siguro para makakita ng Arabo..or makakita ng disyerto..or ma feel ang init ng Saudi, pupunta ka para kumita at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya mo..right?? Lagi ko sinasabi na..ang “SAUDI IS THE PLACE TO SAVE MONEY..”  you will know im sure, kung pupunta ka dito..

Kaya wine welcome kita ngayon sa SAUDI ARABIA! AFWAN SAUDI ARABIA!

Mga Dapat mong Gawin bago mag punta sa Kingdom! Hihimayin ko ito, bago ka mag punta sa airport sa nakatakda mong paglipad papuntang Saudi Arabia, hanggang sa airport..hanggang sa pagtapak mo sa Kingdom..hanggang sa kung saan ka man pupunta! Hindi madali ang gagawin mo..ang mawalay sa pamilya at kaibagan..at jowa?? lalo na kay baby?? aba aba aba..hindi yan biro.  Kaya mo ang feeling ng may ma mi miss ka..pwes i handa mo ang sarili mo at darating yan sa mga susunod na araw mo sa Saudi! HOMESICK! yan..labanan mo yan.  Don’t worry..easy ka lang..steady ka lang.  Focus ang kailangan mo at hindi ang mag emote, dahil di ka drama king para mag emote! Kung iisipin mo na gagawa ka ng movie?? or isang palabas sa tv..gawin mo itong, KOMEDI! hahahha..at least, napasaya mo ang sarili mo at nakapag pasaya ka ng ibang tao. Afterall, may goal ka kaya ka nag punta sa Saudi Arabia..at dun ka mag focus! 

Mga Dapat mong Gawin bago ka Umalis from Philippines!

Una – Maki bonding with family and friends bago ka lumipad sa Saudi!

Tandaan mo huwag na huwag kang aalis na di ka makikibonding sa kanila..tandaan mo “life is short!”..at mapapalayo ka sa kanila, isipin mo na papasok ka sa Big Brother House, at di mo muna sila makakasama..at dahil “life is short..” make the most out of it with your loveones..baka malay mo di mo na ulet sila makasama! at least wala kang regret..don’t worry..FACT OF LIFE yan, i should know!

Pangalawa – Mga documents, I secure ang lahat ng importanteng dokumento!

Huwag mo kalimutan ang mga sumusunod!

1. PASSPORT – natural, di ka makakaalis kahit may plane ticket ka pa kung wala kang passport! At kahit may passport ka kung wala ka mang VISA??? Pwes..baka ma award ka lang sa airport..at uuwi kang luhaan! hahahaha.  Ingatan ang passport, ito ang buhay mo bilang Overseas Contract Worker!

2. TRAVEL TICKET – travel ticket, dapat meron ka nito..so siguruhin mo na dala dala mo yan.  Siguruhin na alam mo ang schedule ng flight mo para naman di ka maiwan ng eroplano at magtanong tanong kung first time mo para naman maiwasan mo ang mas mahirap na problema kung sakaling maiwan ka ng byahe..hahaha

3. CASH – hello!!! i anticipate mo na may mga kailangan kang bayaran or baka may gusto kang bilhin pag nagutom ka, or baka mamaya walang libreng food sa eroplano, or di mo ito gusto..tandaan mo mahaba ang byahe, at tatagal ito ng mga 12 hours kasama na ang pag lipat lipat mo ng flight.  Manila-Dubai, Dubai-Riyadh..may ganyan, minsan nga tatlo pang connecting flight! hahahah..bonggang pasyal ka teh! At kung may cash ka, mas safe kung ipapalit mo ang dala mong PESO ng DOLLARS, at least kahit saan ka makarating..pasok sa banga ang US DOLLAR! Hindi mo pde ibayad yang PESO mo! hahaha.. Dahil overseas contract worker ka, di ko sure kung magkano ang dapat mong dala kasi ako nung nagpunta ako dito, 5, 000 pesos lang dala ko. Naka survive naman ako, at may tira pa after ng isang buwan..why not! ang tipid diba?😀

4. MALETA or BAG – Aba natural, dapat naman eh may dala kang personal things mo no! Advise ko lang, HUWAG mo naman dalhin ang buong bahay mo! hahhaha..Kasi meron ung iba, my gosh..mas malaki pa sa kanila ang maleta nila. Well, di ko naman sila masisisi..baka naman every hour sila magpapalit ng damit.  Ang sa akin lang, mahirap ang magbitbit as in hassle sa akin yan, isa pa..baka di ko magustuhan ang magiging sitwasyon ko, at least any moment pwede akong mag decide na umalis at bumalik sa Pinas at konti lang dala ko.  Isa pa, di naman planetang MARS ang pupuntahan mo..so may mabibili ka rin dito ng mga kailangan mo.  Yung tingin mo pinaka importante sayo..yun ang dalhin mo! I secure mo ang luggage mo..i pad lock mo hangga’t maaari..

Dalhin mo ang mga sumusunod:

-Damit pang tag lamig, at pag tag lamig..sadya naman bongga ang lamig!

-Mga sapat na damit pang trabaho at pambahay.  

-Magdala ka na rin ng toiletries mo para sa unang buwan mo, syempre first time mo..di mo pa naman alam ang mga prices, baka maloka ka kaka convert! 

-Identification cards (ID) importante yan!

-Sapatos, tsinelas..huwag naman pitong pares..hahahaha..hindi ka mag a attend ng binyagan.  Pwede na isang pair of rubber shoes, isang pair ng tsinelas, at isang pair na medyo pormal na shoes! 

-Magdala ng mga damit pang kaswal (casual wear), t shirt, polo shirt..maong pants..pde na rin isang pang pormal.  Pero kung mag o opisina ka aba mag dala ka ng mas maraming damit pang opisina.  Alam mo na siguro yan no?? im sure di nman kaw nag sa sando lang sa opisina diba?

Huwag kang magdadala ng mga sumusunod: 

-Alak, pagkain na may laman “pork”, drugs..pleaseeeeeeeeeeeeeeeee!!!Saudi ito..Saudi!!!

-Mga religious things..maiintindihan naman ni God yan im sure! Itago mo na lang..itago mo ng mabuti..

-Porn materials (mga litratong hubad..mga x rated movies, bold magazines..)..my gosh! tiis tiis lang, may mga mabubuting nilalang na magbibigay sa yo nyan..hahahahhahah

5. ATTENTIVE MIND – Huwag ilagay sa paa ang brain mo, maging listo..maging mapagmatyag..MATANGLAWIN! hahahha..but seriously, sa Saudi ka pupunta..at isa pa, maraming mang gagancho sa paligid, kaya mag ingat.  Huwag basta basta magtitiwala sa mga taong nag o offer ng kung ano ano.  Hangga’t maaari, huwag na huwag kang papayag kung may gusto maki hitch sa yo dahil konti lang ang dala mo, dahil kapag tinanggap mo yung mga bagahe nila, ibig sabihin nun..ikaw na ang responsable sa kung ano man ang meron dun.  At kung sakaling may hindi maganda sa bag nila (at huwag naman sana), pde na nila i deny yun..ang ending?? yare ka..baka makulong ka pa! So dedma! ikaw nga nag effort para di mahirapan sa mga bagahe mo diba?? hindi ka nman nagdadamot..nag iingat ka lang.  Don’t worry kahit maganda pa ang gawin mo, kung mapahamak ka..di ka pag tatayo ng monumento kapalit ni Rizal sa Luneta! Isa pa..proteksyunan mo ang sarili mo, kahit naman tulungan ka nyan, at napahamak ka?? mawawala yan sila..gusto mo i try?? gow!!! hahahhaa..

6. MOBILE PHONE – kaya nga na imbento ang celfone diba, para maka communicate ka sa mga taong mahal mo, at in case of emergency! Ipa roaming mo na agad ang SIM mo..or may nabibili naman na naka ready roaming na..so choice mo.  Ang importante, may dala kang celfone.  At, hangga’t maaari dalawang celfone..or para handy may mga dual sim na celfone, mas bongga yun, dahil kailangan mo ng bagong Sim ng Saudi network pagdating mo sa Saudi..at ang isa for your roaming (konek ng konek ng bonggang bongga ang mga kapamilya!

7. IBA PANG IMPORTANTENG PERSONAL DOCUMENTS –

Pangatlo – Ikaw lang at ang Sarili mo..tandaan mo!

Tandaan mo ang lahat ng mga sinabi sa PRE DEPARTURE ORIENTATION SEMINAR (PDOS) at makakatulong sa yo ito, para safe kang makarating sa Saudi Arabia.  Kaya nga ni re require ito, dahil hindi ka Australia pupunta..sa Saudi..iba ang Saudi..Relax ka lang, hindi nakakatakot sa Saudi, kagaya ng inaakala mo..nasasayo kung paano mo dadalhin ang sarili mo kaya steady ka lang.  Huwag ka masyadong mabait, huwag ka naman super suplado at parang mukhang di ka mapagkakatiwalaan..easy lang, be polite..tumahimik kung wala kang sasabihin, para naman di ka malagay sa alanganin, saka ka na maging Mr. Frienship kapag ok na ang lahat! Hindi masama maging friendly, pero ilagay mo ang sarili mo sa tama! Kung medyo bading ka, huwag ke kendeng kendeng sis at baka mapag tripan ka! Gamitin ang isip para gawin ang tama! tama????? Pag sakay ng eroplano

Pang apat – Mag Pray! Ikaw at si God..Yun na!

Huwag mo kakalimutan magdasal..at naniniwala ako sa power of prayer!

Pang lima – Ikaw at ang Agency!

Siguruhin mo ang lahat sa agency..lalo na kung may susundo sa yo sa Saudi Airport! I assure mo yan..magtanong mabuti at alamin ang lahat ng mga gumugulo sayo.  Mabuti nang maging makulit, kesa naman pagdating mo sa Saudi, shu shunga shunga ka! Ilista mo na rin kung kaya mo, para may guide ka..Kunin mo ang number ng agency para in case na magka problema ka, ma co contact mo sila..Kung may contact details ka ng pupuntahan mo, kunin mo na rin ito sa agency para makasiguro ka.  Matawagan kung kinakailangan..

READY NA!!! Eh Maligayang Paglalakbay!

Mga Dapat mong Gawin pag tapak mo ng Saudi!

Excited ka na natatakot i am sure! Wala yatang hindi matatakot kung nag attend ka ng PDOS! hahahhaha..parang feeling mo tuloy, “tama ba itong desisyon ko?? sa Saudi talaga?? hindi nga..” hahahha..uulitin ko RELAX! Expect mo na makakakita ka ng iba’t ibang uri ng tao from UNITED NATIONS! ang saya diba?? hahahha..sa airport pa lang yan!

1. Huwag sumama sa hindi kakilala.  Uulitin ko huwag na huwag sumama sa hindi kakilala.  Im sure may susundo sa yo dyan..kapag wala?? tumawag sa Agency!

2. Dahil first time mo, im sure pipila ka ng mahabang mahaba..at matagal tagal.  Dahil kailangan mong dumaan sa immigration, at i re register ka ng mga Immigration officer sa kanilang TALAAN! Relax, huwag matakot..kukunan ka lang ng picture at finger print para sa iyong IQAMA (or ung residence permit) habang nasa Saudi ka.  Teka, yung mga Security sa Airport ng Saudi, mukhang matatapang yan..sa hitsura pa lang nila, kahit gwapo sila..matatakot ka.  Pero relax, huwag kang makikipag away sa kanila..be polite the best that you can!

3. Kunin ang luggage..kung sinabi ng mag i inspect na buksan ang MALETA! buksan! Huwag matakot..wala ka nman tinatago diba?? pag ok na..umexit at umupo at manatili sa waiting area! UULITIN KO..manatili sa waiting area!

4. Dont talk to strangers..experience ko yan! May lalapit sayo, at kukunin ang passport mo..HUWAG MO IBIBIGAY! Huwag na huwag mo ibibigay! Maraming mapagpanggap..Sabi nila, marami daw gago sa Saudi, kahit naman saan maraming masasamang loob..kaya mag ingat!

5. Maging alerto..minsan yung mga sundo, mauuna pa yan sayo.  Minsan may mga pangalan mo na nakasulat sa typewriting at hawak hawak yan ng sundo mo.  Pag may ganun..sya na! Pero kung wala, tatanungin ka naman dahil hahanapin ka nila..”are you Bryan Churva?” eh sama na! Pero bago sumama, tanungin mo din sya..mag tanga tangahan kunwari, at tanungin mo..kung sino sya, at kung saang company sya.  Yung iba naman, may mga dalang request letter na sya yung susundo sayo..

6. Huwag maki ki usyoso, umiwas sa mga area na may mga babae..dun ka lang sa mga boys! Kung may mga Filipino dyan na bagong dating, maki join ka sa knila.  Don’t worry, kabado din yang mga yan! hahahhaha..

7. Maghanap ka ng mabibilhan ng Sim card sa Saudi, para ma contact mo ang family mo at i update mo sila sa pagdating mo sa Saudi!

Hindi ko sure kung may nakalimutan ako, pero 3 points lang naman ito..

1. Keep in touch with your family; Call them very often

2. Know the Rules in Saudi Arabia; Don’t TALK to strangers!

3. Believe and Focus with your Goal and you will succeed!

Isipin mo na ang pagpunta mo sa Saudi Arabia..ay isang JOURNEY! isang magandang Journey..madami kang matutununan, madami kang magiging kaibigan (at united nations ang mga friends mo..), matutupad mo ang pangarap mo..maniwala ka lang..just ENJOY THE RIDE!

Again..Welcome sa Saudi Arabia Kabayan! Sumilip sa mga iba pang lathala at baka may mapulot ka pa dyan..gow!!!

Success is not a place at which one arrives but rather the spirit with which one undertakes and continues the journey.” – Alex Noble

64 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) – “Bago ka ba sa Saudi? Aba eh Welcome to Saudi Arabia!”

  1. wow, like it kuya ariel… nabasa ko sa previews post mo na less hassle kung di magdadala ng electronic device na may memeory card, tapos pag nadiscover na may porn dun eh iconfiscate yung buong phone, laptop, camera? pwede ba ihiwalay at itago nalng yung memory card tutal maliit lng naman hehehe para kung kunin eh yung memory card lang (mautak…hehehe)

    1. hello jay! actually you can bring naman your e-devices! Pero make sure na clean yan (u know what i mean)..hehehhe. Mahirap na! Pwede mo rin itago, pero what for..kung wala ka naman ni hi hide dun, right? pero mainam na ilagay mo yan sa check in luggage mo instead sa hand carry bag mo..

      1. Hello, sir first timer din po aq sa saudi riyadh ung tropa q po kc balak pagpauwi skin ng yosi pede po ba aq magdala dun

      2. Hi Michael, salamat po sa pagbasa ng blogna ito. Pwede naman mag dala, wag lang madami ha. hindi naman bawal. isa pa marami din yosi dito. 😊😊😊

  2. hi. Im Jane..:) may alam ka sa ha’il KSA? Im a nurse at sa al safa polyclinic daw ako sa Ha’il? narinig mo na ba un?

    1. Hi Jane, nasa hail knba? Check ko ang Al Safa Polyclinic kung saan sa Hail yan..madami nga rin nurse na noypi sa hail..tiyak na di ka naman mag eemote sa pag ka homesick.. good luck! =)

  3. salamat po sa mga expirience n naishare nyo.. nkktuwa pong bsahin, para lang po aqng nagbbsa ng bob ong book, nakkatawa at the same time very informative ung mga blogs nyo para sa mga kgaya qng magttrabaho sa ksa, wag po sana kaung magsawang mag share ng buhay nyo kahit wala n kau sa saudi.. ang gling mu!! pak na pak ka!!

  4. Salamat po bago lang ako mag saudi riyadh ksa.. ang work ko housekeeping. Marami ko natutunan at mas lumawak ang aking kaisipan. Nakakatwa mga sinasabi mo but true namn po kahat.

  5. sir/maam your tip has been very helpful, hindi pa po ako papunta ng saudi but i’m getting offers at ngayon pa lang nag reresearch na ako, and your article is one of my considering factor. sir/maam lalaki ako, totoo ba na kailangan kong magpahaba ng balbas before going there, at halimbawa mag dadala ako ng laptop na may porn, bubuksan ba nila yung laptop ko para icheck?

    1. Hi Jaypet, thank u sa message mo and im glad na na consider mo ang blog ko, thank you thank you. Para sa mga questions mo, (1) balbas, hindi need mag patubonng balbas..kakaloka naman yan, pero to be honest, nung first time ko nagpunta dito may balbas din ako, nakaka astig yata yang balbas na yan. Pwede ka naman mag pa balbas, pero di naman requirement. at (2) Laptop na may porn, ayy kuya..not recommended..better safe than sorry! yun lang period. Jaypet, good luck and God bless you. See you sa Saudi!

      1. Kung icheck ba yung files nun magiging cause of delay pa kaya yun?? andame ko kasi nakasave na movies sa drive eh. Thanks🙂

  6. Hi, thank you sa mga tips. Im going to riyadh sa Riyadh Oasis Home Care. Dami q natutunan at d booring basahin. Hehe ask po kung may app.sa phone na bible pwede po ba yun? E coconfiscate ba nila ung fon f may app.na bible? And may mabibili ba na sim sa airport or my free wifi dun? Thank you po. God bless

    1. Hello Reysh, salamat sa time pagbasa ng blog. Bongga ka!
      first, good luck at masaya ako sa pagdating mo dito sa kingdom! pagpapalain ka ni Allah!

      second, hindi nman nila i confiscate ung fone. pero make sure i hide mo na rin sa folder phone mo. di naman nila ma t trace yan..heheheh. naalala ko nga nung una rin ako sa eroplano, shinopon (tinapon) ko ung crucifix ko..hala, super sorry ako talaga, kasi na afraidy aguilar ako..haha..anyway, keri lng yan!

      ingat sa byahe..and good luck!!!

    2. ooppss.. Reysh, yes may nabibilhan ng sim card, pero ang di ko sigurado kung pagbibilhan ka kung passport pa lang ang hawak mo. pwede mo naman i try, nice naman ung mga kagaya ng smart and globe (dito Mobily and STC) i a assist ka naman nila. okidoki?! =)

      1. Hi sir/madam ask ko lang po pwde po bng mgdala ng mga pang ahit. Nail cutter small cutter po khit ilagay lng po sa check in luggage pwde po ba yun going to riyadh po kc ako by nextwik thanks po..

      2. Hi Ashlie, thanks for taking time to read my blog.
        pwede ka naman mag dala ilagay mo lang sa check in luggage mo and just make sure na walang kutsilyo..hehehehe..take care and God bless.

  7. hi 1st timer po aq bound to qatar ako gusto ko po sana dalhin ung laptop ko pde po ba magdala nun kahit crack ung o.s nun hndi na kc sya genuine i che check din po kaya yun sa airport or sa mismong qatar ?? thank you po

  8. Hi! Pwede ba magdala ng external hard drive if may mga pictures at movies na naka-save? (No porn) ofcourse hehe. Ichecheck pa ba nila yun? Thanks!

    1. Hi Hazel, thanks for the time reading my posts. Naman pde talagang magdala ng external gard drive, baka i check din so dapat walang chenelin yang HD mo..hahaha. Good luck and conquer Saudi Arabia!

  9. Tatanong ko LNG po paalis po ako next week Jung ng medical po ako wala pako tattoo s braso last week ngpatattoo ako OK lang po ba tattoo sa alkifah trading ako sa damam salamat po

    1. Hi Xtian, thanks for reading. Hindi ko naman sure kung ang employer mo ay mahigpit sa mga tattoo. pero since andyan na yang tattoo mo, itago mo na lang muna..sana hindi masyadong obvious. Good luck and God bless you.

  10. Hi ..Thank you po sa lahat ng mga words of wisdom nyo po ang ganda especially sa akin kasi first tymer po ako….tanong ko lang Ok ba yung company na AL OTHAIM kasi free nga transpo at tska housing pero food hindi ehh…safe ba yung house na ma stay ko…BARISTA yung work ko po don..Last nlng po ano po bang maipapayo nyo po sa akin… Salamat ng marami😉

  11. Hi AyieZamora!

    Nabasa ko ang blog mo. And infairness, lakas makaGoodbibes neto. Today ihe-held ang PDOS ng asawa ko to Saudi. Utility Operator sya and ang agency niya is Al Assal Manpower. Medyo nervous aq kasi medyo taliwas ang proseso ng pagAlis niya, pero wala syang binayaran ni singko, I also made a little research and legal naman ang agency. Natatakot lang ako coz it’s Saudi. Base sa mga napapanuod ko, mga narerape pati lalaki or napapahamak dahil nasasalisihan ng mga drug dealers or mapagtripan. Mga ganung kanegahan?

    Hindi naman na siguro kasing delikado nung araw ang Saudi ngayon nuh?! Hahaha natatakot aq but we really have to take this risk. So uulit ulitin ko nalang basahin ang blog mo.

    Thank You so much😉😊😁

    1. Salamat Ms. R. Villa, trust is paramount, kahit saang relasyon..dedma na sa mga negatron. isipin mo na lang na ang lahat ng ito ay ginagawa ni hubby for u and para sa family..happy sa mga na r re receive nyo na blessings! God bless you more and more, and again salamat sa pag basa ng blog ko..sana makpagsulat ulet ako at bongga ang pag ka busy sa work! Tc!

  12. ahhm tanung ko lng po what if pag itatago po ung memory card sa laugage mahahanap po ba un?? ngaung 24 na po ang alis q marami po kming picture nang gf q don

  13. Hi. Nice blog. Very informative in a humorous way. Tulad ng sabi ng ilang mga commenters, hindi boring basahin. Additional info, dahil business na ang PDOS ngayon, nagbebenta sila ng mga Saudi sim (ex. Mobily). Wag nang patulan yun dahil useless, di mo rin magagamit yun dahil unregistered and no signal. Then make sure na may enough load yung roaming mo bago ka pumunta dito, sapat para gamitin sa multiple text or pantawag in case of emergency. It happened to me nung bagong dating ako dito. Hindi sinabi sa akin na aabutin pala ng pagkatagal tagal sa immigration kapag bago ka. I texted my employer na nasa airport na ako (pero 25 pesos lang ang laman ng roaming ko at naubos yun sa isang text lang to a Saudi sim). Dumating yung boss ko at naghintay ng matagal. Hindi nakatiis at umalis. Paglabas ko ng airport after 6 hours mula nung pumila ako, wala na si boss. Wala na din akong pantext or pantawag. Nagawan naman ng paraan sa pamamagitan ng isang Saudi sa arrival area kung saan napilitan akong magtiwala. Nakitawag na ako sa kanya. Siya na rin naghatid sa akin sa opisina ng boss ko. And kung nag-oopisina po kayo, expect po pala na broken sched kayo, may morning and afternoon/evening duties kayo. Swerte nyo pag regular 8am-5pm kayo, pero I doubt. Goodluck and God bless po sa mga pupunta dito🙂

  14. Hello po..sobrang informative po ng blog nyo. Ask ko lang po kung may batas po pagdating sa iqama? Dapat po b ito sinasagot ng employer lagi? Ayaw ko po kasi ikaltas pa sa sahod ko yun if ever. Btw. Sa riyadh po ako pupunta. Salamat po

    1. Hi Azereht, salamat sa pagbasa at pag visit ng blogspot ko. About your tattoo, hindi naman siguro dahil marami din naman may tattoo dito..Take care and God bless you more! Mabrouk!

  15. Hello… May portrait tatoo po ako ng mama ko sa kamay ko. Kitang kita po siya.. Kaya madalas naka longsleeves ako pag mag aapply. Nag apply po kase ako sa CDK Corp.. Selected po ako for Barista sa COSTA COFFEE.. bound to saudi. Di ko palang alam kong RIYADH OR JEDDAH..

    Ang tanong ko po.. Bawal po ba ang may tattoo? Sa kamay ( kita) at may tatoo sa both traps and left leg?

    Thank you po… First timer palang po..

    1. Hi Keith, salamat sa pagbasa at trust to ask for advise. Tingin ko nman hindi bawal ang tattoo, otherwise, sasabihan ka nman ng agency kung hindi pwede ang may tattoo..madami din akong kakilala na may tattoo na andito sa Saudi, kaya tingin ko ok lang yan. Good luck sayo at pasensya na po sa late response! God bless and enjoy ur journey!

  16. Wow i love this blog. Nakatulong sya sa mga hesitation ko sa buhay. Pede po ba magdala ng ipad? At hindi sya i check in kung di i hand carry lang. Titignan paba nila yun laman sa ipad? Sa Jeddah saudi arabia po ako punta. My mga additional tips po ba kayo maibibigay sakin pag nasa jeddah nako. Nay gera po ba don ngayon? Sa pest control po ako.

  17. hello po bawal na po ba magdala ng chess board sa saudi?
    enervon at mga flavorings pwede po ba dalhin?
    at saka blank cd pwede ba magdala? salamat po

  18. Hello po ang ganda po ng blog nyo.
    Ung nanay ko po kasi may balak umalis papuntang riyadh natatakot lang po ako baka po anung mangyari sakanya nag sesearch po kasi ako about riyadh nakita ko po ung nga pinupugot ang ulo kaya natakot din po ako at andami pong bawal paki sagot nalang po salamat:)

    1. Salamat po ng marami sa pagbabasa ng ating blog. 😊
      Good luck po sa mudra nyo na papunta ng Riyadh. sana ay ma enjoy nya ang pag t trabaho. Hindi ko sure kung ano ang magiging trbaho ng mudra nyo. pero nakakasigurado ako na sa tamang pag sunod ng mga alituntunin sa Saudi eh magiging matiwasay ang pananatili at pag t trabaho nya. God bless po sa inyo at sa inyong pamilya.

  19. Hi po any gnda po ng blog nyo ask q long po d po ba bawal mgdala ng chisharon baboy jn sa Saudi slamt po.

    1. salamat po ms. jackilyn sa pagbasa ng mga kwento..bawal pong magdala ng chicahrong baboy. baka ma A to A ka teh..hehehe..ingat po and God bless. Paki follow na rin po ang blog ko.thanks ulet. Mabrouk!❤️❤️

  20. Mag aabroad kc ang asawa q ang daming nagpapasabay s kanya gamot tulad ng bioflu biogesic mefanamic atsolmux ,yosi at daing ok lng b un ang totoo natatakot aqbka kc mapahamak sha…dahil s padala s kanya first timer kc sha aq ang kinakabahan!

    1. Hi Marynol,
      Maraming salamat sa pagbasa ng blog ko. Yung mga common medicines like paracetamol ok lang naman yan, i lagay lang sa check in luggage ni kuya saka wag masyadong madami at baka mag karoon ng branch ng mercury drug dito..hehehe, char lang. konting medicine is ok. ung mga daing at yosi ay ok lang din naman. basta wag lang marami. im sure daing na isda naman yan diba te? hehehehe..lahat i balot ng maayos ha at ilagay sa check in luggage. hindi winner ang amoy ng daing kapag binitbit nya sa loob ng eroplano yan..ma shoho!! hehehhe.. grabe ang nag padala kay kuya ha, sabihin mo te samahan na rin ng coffee mate!! hahahhaa. oh careful te, baka mag over baggage si kuya, mag bayad pa sya sa airport! good luck sa inyo at im sure sa pagti tiyaga at tiwala nyo kay kuya, malalagpasan at make keri nya ang lahat. God bless! 😊😊😊

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s