Ako Sa Saudi Arabia (Bagong Kabanata) – Isang Taon ng “Success at Survival”

ISANG TAON NG “SUCCESS AT SURVIVAL”

Ako Sa Saudi Arabia (Bagong Kabanata!

Yes i know its late! Pero siguro timing din naman ang entry ko na ito, dahil ayoko naman din may maliban na blog entry sa isang buwan! And its my November blog entry..

September 30, 2010 nang una akong lumapag sa Kingdom of Saudi Arabia, inosente, takot, excited..iniwan ang mga mahal sa buhay, pamilya at kaibigan at sumugal sa pangakong pangarap ng Kingdom! Isang malaking desisyon ang hamo nito sa pagpunta ko sa Kingdom..dahil ang totoo, ang tanging alam mo lang..trabaho ang punta mo..ang tuparin ang pangarap na inaasam asam mo na tanging pera ang makakatupad nito.  Hindi naman siguro makakabili ng mga gusto mong bilhin or mga lugar na gusto mong puntahan kung puro pangarap lang ang meron ka, pero ito ang alam kong tamang motivation para tuparin ito..Ngayon, isang taon at dalawang buwan..ano na nga ba???

Ang karanasan ko sa Saudi Arabia maaaring hindi kasing “winner” kagaya sa iba..pero ang alam ko, iba ang mundong ginagalawan ko..sabi ko nga sa mga nakaraang panulat ko, feeling ko eh ambassador ako ng congeniality pero sa international scene, exciting diba? Siguro nga, sa isang taon..pinagtibay nito ang karanasan ko bilang isang tao sa tatlong dekadang ito..

  • Natutunan ko na ang maki salamuha sa iba’t ibang lahi na nagmula sa iba’t ibang parte ng mundo ay hindi naman talaga biro..Nalaman ko na kailangan mo ng puso para maki salamuha at makipag usap sa kanila..sa ibat ibang language na maririnig at makakausap mo sa araw araw, paano mo ito gagawin? Natuto akong makinig, para maintindihan sila..at natuto akong magtanong kung hindi ko sila maintindihan..Sabi ko nga sa mga kasama ko, maiintindihan mo sila, dahil kailangan mo..gamitin mo ang puso para maintindihan sila, at gamitin ang tainga para marinig sila..at ang boses mo, para iparamdam sa kanila kung ano sila sayo..
  • Natutunan ko na sa oras ng pangungulila mo sa mahal mo sa buhay, ang tangi mo lang sandata ay ang mag dasal at isipin na ang lahat ng ito ay para sa kanila..At ang totoo naman talaga, LESS ang pag ka miss mo sa kanila, dahil pwede mo naman silang makausap..sa telepono at chat nga lang..
  • Natutunan ko na dapat mag invest..hindi lang sa materyal na bagay, pero dapat mag invest ka ng magagandang gawa lalo na sa workplace, dahil aanihin mo ito..sa takdang panahon.
  • Nalaman ko na mahirap din pala maging beauty queen..ang kumaway at ngumiti sa mga taong gusto kang batiin, kahit gaano ka pa kalungkot..sige lang ang kaway at kung todo ang smile!
  • Nalaman ko na ang pagtitiwala ay mahirap ibigay at kung wala ka naman magandang sasabihin..quiet ka na lang..
  • Nalaman ko na pinanganak yata na sensitive ang mga pinoy..nalaman ko rin na maraming pinoy ang matalino at ang competitive edge nito sa ibang lahi, hindi nga lang minsan nagamit ng tama.  Nauna kasi ang yabang sa salita..kesa ang yabang sa gawa!
  • Nalaman ko na hindi talaga imposible kung desidido kang gawin ito..magagawa mo ito, basta maniwala ka lang
  • Nalaman ko na ang pinaka malungkot at mahirap na season para sa isang OFW..ay ang PASKO! Malungkot dahil malayo..pero mahirap kasi magastos!
  • Nalaman ko na ang magreklamo ng wala sa lugar eh nakakairita! Kapag tinanggap mo ang isang bagay..wag kang mag re reklamo..at higit sa lahat, wag mong ipasa sa iba, ang misfortune mo! Hindi actually misfortune ito..masakit pero ang totoo..katangahan yun!
  • Nalaman ko na totoo kung hindi ukol..hindi bubukol.  Kaya wag atat, may nakalaan na mas bongga para sa iyo
  • Nalaman ko na malamig sa Saudi..pero kapag mainit, bongga naman ang init!
  • Nalaman ko na palakaibigan ang mga Saudian..Hindi naman totoo na mapagsamantala sila..tsismis lang yun, hinihintay ko nga na pagsamantalahan nila ako eh, hanggang ngayon wala pa rin! hahahhaha..Napaisip tuloy ako, hindi kaya..kasalanan din ng ibang tao kung bakit sila napagsamantalahan? Pero ang totoo..kahit saan ka naman pumunta, may mga ganyang tao..sa Pinas ba wala bang kaso ng rape?
  • Nalaman ko na sa workplace, hindi pala lahat ng maraming gamit sa table eh busy ka na at tambak ang trabaho..basura yan, linisin mo!
  • Nalaman ko na kahit ano pang sabihin at gawin mong maganda..may masasabi pa rin sila! Kaya dedma! Hindi mo sila kailangan i please..
  • Nalaman ko na totoo ang “crab mentality” ng mga pinoy..
  • Nalaman ko na hindi ka dapat magtiwala..kapag sinabi sayo na “uy wag mo sasabihin sa iba ha..sayo ko lang sinabi..”..dahil bago mo pa nalaman, pang sampu ka na sa pinagsabihan nito..
  • Nalaman ko rin na likas sa ating pinoy ang pagiging tsismosa..at mahilig sa kwento ng buhay ng may buhay..hahahha
  • Nalaman ko rin naman na totoo ang “bayanihan” ng mga pinoy..
  • Nalaman ko na matutong maghintay, may darating para sa iyo..totoo ang “kung may tinanim, may aanihin..” Basta “expect” less..Basta kapag dumating ito, wag mong pakakawalan
  • Nalaman ko na tama lang na may oras ka para magsaya..ang trabaho hindi mauubos, kahit abutin ka pa ng umaga..trabaho pa rin yan pagbalik mo.
  • Nalaman ko na mas masarap pang makipag chat sa facebook, kesa makinig nang mga intriga sa paligid..Pero kahit papaano, fun din naman makinig sa mga intriga at mga siraan at awayan..Pero mas fun, kung makakarinig ka ng magaganda at masasayang balita
  • Nalaman ko na hindi mo kailangan ng alak para sumaya..yun eh dahil wala lang talagang alak..Parang babae, wala kasi babae..kaya ung iba pwede na rin daw, kahit lalake! hahahhaa
  • Nalaman ko na dalawa ang pwedeng mangyare sa mga lalaki dito sa Saudi..Una – Makalbo..Pangalawa – Maging Bading
  • Nalaman ko na kapag may natanggap ka na hindi magandang balita mula sa Pinas, keri lang pala talaga ang humagulgol ka sa kakaiyak..at ma realize mo after na lilipas din ang lahat..
  • Natuto ako ditong magpasalamat sa lahat ng mga bagay na natatanggap ito..at mga pagsubok na ginamit ko para maging matatag ako

Sa unang taon ko, may mga na achieve, nakuha ko ang bahay na pangarap ko..na promote nga ako sa trabaho, pero may nawala..siguro nga, kung merong top 1 sa story of the year ko, yun eh ang malagpasan ang hamon na tanggapin na mawalan ka ng mahal sa buhay..sa gitna ng pakikipag sapalaran.  Na ang baon mo noong nagpunta ka dito, ang tuparin ang pangarap nila kahit alam mong parang late na ito.  Pero ganun nga siguro talaga..hindi lahat pwede mong makuha, dati may lovelife ako, pero hindi maganda ang career..afterall, hindi rin naman successful ang lovelife ko..pero masaya ako.  Parang ngayon, wala akong lovelife..pero may career ako, successful ang career ko..happy ang family ko!

Pero ang totoo naniniwala pa rin ako na ‘THE BEST THING IN LIFE IS FREE..”..free ang pagmamahal na mula sa tunay na nagmamahal sayo, at hindi itong kayang bayaran kahit na ilang milyong Saudi Riyals pa yan.  Afterall, ang lahat ng ito ay temporary..at ang kailangan lang i enjoy mo ang mga bagay na andyan, matutong mangarap..

Sa isang taong ito ng pakikipagsapalaran sa Saudi Arabia..nagpapasalamat ako kay God sa lahat ng blessings na dumating at sa mga trials na kahit kailan hindi nya kami pinabayaan! Aba eh, sa paggamit pa lang word na “pakikipag sapalaran” eh isa na talaga akong CERTIFIED OFW! naririnig ko lang yan sa mga tiyuhin ko dati! hahahahhahaha..Seriously, ang first year ko ay matatawag na SUCCESS! Typical story of life..nadapa at bumangon! Nahirapan pero kinaya..Napagod pero nakuha pang ngumiti..nangulila, pero hindi nagpaawat! Thank you God at Thank you Saudi Arabia!

LEARN..LAUGH..LOVE AND LIVE!

Success means having the courage, the determination, and the will to become the person you believe you were meant to be” – George Sheehan

2 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Bagong Kabanata) – Isang Taon ng “Success at Survival”

    1. hi Alex thanks for the comment, yes aware ang Senor Carlos na may blog ako..yun nga lang kahit gustuhin kong i share sa knya, di naman nya maiintindihan ito..hehehhehe..God Bless Alex!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s