Mga Bagong Yugto | Kapatid, Ano na ba ang Latest?

Kapatid, Ano na ba ang Latest?

Kapatid, Ano na ba ang latest?

Ang isa sa first love ko nga yata ang mag sulat. Pero imagine, NOVEMBER 2011 pa ang last na blog post ko!!! Ang hirap ng walang laptop..or kung may laptop ka man, wala ka naman magandang internet connection..Pero na miss ko ang mag sulat..na miss ko rin i share ang mga magagandang pangyayare simula ng una ako nag bakasyon ng Dec 2011-Jan 2012. At ang pagbabalik ko sa tinaguri kong “DREAMLAND”. Mga drama ng buhay, buhay ko at buhay ng mga kasama ko (hahaha..tsismosa). Hindi bale, babalikan naman natin ang seven months na lumipas. Mahaba habang kuwentuhan na naman ito. Kakaloka lang kasi last time at may mga nagtatanong (huwaw..may “MGA”)..hahaha..kung kumusta na daw ang blog ko..ang nasabi ko na lang, sabay buntong hininga (ala ate guy)..”hayaan mo..mag susulat na ulit ako..very soon!”. at least, infairness at may nagtanong..Basta sulat lang ng sulat..kuwento lang ng kuwento..

Pero isa sa nakakamangha, napatunayan ko na very VERY powerful talaga ang internet..dahil kahit wala akong post, patuloy ang dagsa ng mga nag vi view sa mga kuwento at patuloy na nag co comment. Aba..aba..aba..helpful nga naman yata sya!!! Dalawa rin actually sa mga nag basa ng blog na ito, ang actually na meet ko dito ON SITE.. heheheheh..amazing!!! At ayon naman talaga sa statistika ng aking blog, ang busiest day was last July 21, 2012, na mayroon 124 views. Aba, 124 na tao ang nag aksaya ng panahon para mag basa..kung sino man sila, maraming salamat sa panahon.

Ano na ba ang latest? Isa lang ang nasabi ko..ang bilis ng panahon:

1. Mag first death anniversary ni Tatay sa September.
2. August na naman sa isang linggo, pagkatapos ng August..September..tapos OCTOBER..yay, 34 na ako!!!!
3. Padami na ng padami ang pinapatay na manok!! Imagine..libo libo!!
4. Loveless (hmmmmm)
5. Wagi ang career (medyo stressed lang talaga lately..ewan ba, pwede naman hindi..)
6. Miss ko na rin ang Pinas
7. May mga bagong nabili naman..
8. Nag iisip ng bagong investment
9. 100 (+) days at bakasyon na ulet..(yeyss…cobol na!!!)
10. Happy & Contented (truly)

Sa ngayon..wala akong pinag kakaabalahan kung hindi ang mag pakadalubhasa sa career. Sus, keri lang naman na hindi, at pwede naman easy lang..keri na yun..sabi nga ni Jessica Sanchez..”whatever happen..happens..” Patuloy lang ang pangarap..Naisip ko rin na ang pag susulat ko ang nakaka release din ng stress na meron ako..bukod sa pagiging abala ko sa Facebook, Twitter, Instagram..at kung ano ano pang social networking sites..hahahah..

In the meantime, ngayon ay buwan ng Ramadan..at hindi naman sinabi na bawal ang magsulat kahit daytime, nightime..noontime..walang oras at panahon! Hindi ko yata feel ang “Mga Bagong Yugto”..parang book 2 lang ng MARA CLARA ni tiyo carlo! hahahahhaha..pag iisipan ko yan.. Ang sarap din naman tumawa hanggang sa pagsulat.. na miss ko na ring ang mga nakakalokang sandali na halos ma stress ako kung wala akong ma isulat..yun feeling na “ayy..dapat meron buwan buwan..” hahahah..feeling showbiz personality..Sa isang banda naman..malaki talaga ang naitulong sa akin ng pagsulat sa pagkilala..at paghulma ng aking pag katao..

Be yourself. Above all, let who you are, what you are, what you believe, shine through every sentence you write, every piece you finish.” – John Jakes

2 thoughts on “Mga Bagong Yugto | Kapatid, Ano na ba ang Latest?

    1. yeyss kapatid!! kahit ano pang hamon ng buhay..kelangan happy & contented, in fact hindi na talaga tayo lugi sa blessings na meron tayo..gow lang tayo ng gow!!! TC!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s