Mga Bagong Yugto | Bente-Kwatro

Bente-Kwatro 2012.10.01

Bente-Kwatro, Dalawamput Apat..24..TWEYYYYYYNTTTYYY FOUR! 24 months na ako sa Kingdom..in short 2 years na! Imagine..na survive ko naman ang mala hospital..mala rehab..mala Survivor at Big Brother na drama dito sa Dreamland! Sa pagpasok ng ikalawang taon ko sa Saudi..tinawag ko itong DREAMLAND! Kung bakit? Feeling ko eh dream lang itey..hahahahha! Ako na ang mabuhay sa panaginip! But seriously..feeling ko lang na dito ang Dream Come True ng mga Dreams of all DreamS!

Ako sa Saudi Arabia
Ako sa Saudi Arabia

Aba marami na rin naman nag bago..well adjusted na rin naman ako sa culture dito..at kung ano ano pang mga “culture thing” dito sa Dreamland! Hmmm..syempre ang matakot sa mga “motorola” ay di na maiiwasan..di ko yata keri ang ma krompal..masakit ito! Hhhhaha..Hmmm, syempre..ngayon mas easy na ang pag recognize ng mga faces ng mga candidates ng Mr. Universe! Egyptian, Pakistan, Indian, Saudian..at mga Pamintuan! Hahahahha..ano pa ba? Syempre complete pa rin ang mga karakters na pinag bibidahan ng pinaka tahimik at kulang sa pag ka panic na pinaka adorable na si Senyor..hahah! (sipsip)..andyan pa rin ang mala Amazing Race na pagbaba sa bayan..Riyadh, Buraidah o Hail pa yan..

Ang second year ay di masyadong kadalian..pero andun yung “kaya pa” factor..but of course, huwag mag umarte at ginusto ko ito..kailangan kayanin..ang mga past love LIVES..take note “mga”..kineri ko..eto pa?? Well..happy ako as always..dahil infairness, dami rin naman bagong challenges, at mga bagong friends..and frienemies..hahahhahah

Highlights ng Second Year!

1. Nakabalik ng Dreamland after 33 Days na bakasyon sa Philippines..di ba ang maka balik ng matiwasay at pagtuloy sa pagyakap sa mga posibleng opportunities eh talaga naman something to look forward and not backward!

2. Career..tuloy tuloy ang opportunities na makapag training at makalabas from Farmville! Dahil nag attend ako ng SDP training in Riyadh..last March, May and September..Wagi!

3. Nagkaroon ako ng chance na makapag pa picture with no other than..the CEO of Almarai himself..hep, hep, hep..wag kuwestiyunin at may ebidensya ako! Hahahahhaha..

4. Apple mania..end of story..hahahhaha..baka ma accuse ako na Socialite..hahahahha

5. Witness ng World War, blind item..kabilaan…at ang mga issue ng pagka inggit..at kung ano ano pang mga drama..laptop na pinalitan kuno..tsismis daw..at kung ano ano pa..kakaloka lang..lam mo yun..kakaloka lang..

6. Ang struggle ko sa internet..dahil wala akong internet..s loob ng 9 months..wala akong internet para magamit sng laptop at ma i continue ang pagsusulat..ang hirap naman mag sulat sa celfone..ang hirap te..mahirap!

7. Ang pag attend ko first time..first ever..unang una..ng Wedding Ceremony ng isang Saudi..na di mo makikita a bride ever! Para lang kaming ng attend ng awards night at kami ang pangunahing pandangal! Pictorial left and right..smile..todo smile! Pero enjoy ang first time experince ko na matikman ang Camel meat at malasing ng tea at arabic coffee! Zzzzzzzzzz

8. Pagbisita sa pinakaabangan na Chicken City! Excited na rin naman ako..sarap naman isipin na may malaking swimming pool sa gitna ng Farm!

9. Wow..na meet ko ang mg blog readers ko..(feeling madami)..hahaha..na meet ko in person ha..dito sa Saudi..sa Saudi mismo..haha..thanks nman kay Mike, Jaymar and Alex! Cheers! 10. New friends..workmates..ang saya lang to meet new friends..at makilala mo rin ang mga frienemies..hahahhaha..

(lagi na lang 10..gawin ko naman 11!)

11. Highlight ko rin na pagkaroon ko ng Nanay na healthy..reunited with my siblings..masaya ako at andyan sila to support me..enough, baka mag emote ako!

Sa 2 years ko..mas natutunan ko na mag tiwala sa sarili..at mahalin ang sarili..Lovelife? Saka na yan..makapag hihintay yan..hahahahhaa..echusera!! Hindi ko naman dapat makalimutan magpasalamat sa mga fans..at sa mga GL accounts! Hahaha..seriously, sobrang nag uumapaw sa pasasalamat ko kay dear Bro dahil kung di dahil sa kanya..wala naman ang mga ito! tuloy tuloy lamang ang saya at pagtupad ng mga pangarap..no reason to be frown..

Marami pong Salamat Lord!

“We are all inventors, each sailing out on a voyage of discovery, guided by each of private chart, of which there is no duplicate. The world is all gates, all opportunities.” – Ralph Waldo Emerson

One thought on “Mga Bagong Yugto | Bente-Kwatro

  1. Very nice experiences that i like to read.

    Keep up the good work aye and im sure malayo pa mararating mo.

    Magaganda ang mga opportunities na dumating sa buhay mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s