Ako Sa Saudi Arabia (Mga Bagong Kabanata) – Fastfood Galore feat. McDonalds | Ha’il City

Ako Sa Saudi Arabia (Mga Bagong Kabanata) – FASTFOOD SHOPS | Ha’il City

18 June 2013

“One of the very nicest things about life is the way we must regularly stop whatever it is we are doing and devote our attention to eating.” – Luciano Pavarotti

McDonalds Hail City - I'm Loving It
McDonalds Hail City – I’m Loving It

Tatlong taon..tatlong taong walang JOLLIBBBBBEEEEE!!!! Wala man Jollibee sa Hail, pero bongga naman day ang progress!!! Mula sa nag iisang McDo sa Hail, aba ngayon dalawa na.  Bukod sa chatting, work, shopping, work, shopping, shopping, work..what else can you do? To be honest, ang tumira sa rural o para mas madali, ang tumira sa gitna ng farm sa gitna ng disyerto, ay hindi naman madali.  So..may mapaglilibangan pa bang iba? Meron..ang kumain! Kain..kain..at more sa kain! More Kain, More Fun! More din sa gastos! ahhahahahha

Sa Pinas, kaliwa’t kanan..bawat kanto na yata may fast food, isang kembot mo lang aba..Jollibee na naman.  Hindi mo need mag wait ng 6 days, para lang maka laps sa favorite mong fast food chain.  Jollibee, McDonalds, KFC, Kenny Rogers, Pizza Hut, Wendy’s, Tropical Hut…at maraming marami pa.  Para ngang kabute ang mga FFC na to sa Pinas.  Pero dito..dito sa Hail??????????? Parang gusto mong tumambling..dahil limited ang mga fast food chain.  Ang nakakaloka pa dito..you need to travel 120 km (one way) at dahil babalik ka sa site, eh di 120km +120km = 240km.  Eh tatakbo ka ng 80 km per hour, so ilang oras na travel time? Mahigit kumulang dalawang oras!! Nganga ka na sa gutom bago mo pa makita ang McDo at gutom ka na ulit..pag balik mo sa kwarto..winner ang experience!! Hindi matatawaran! Effort kung effort makakain lang ng yummy BIG Mac ni McDonalds.  Ma appreciate mo nga ang super craving mo sa burger..dahil sa talagang sasadyain mo sya..ano itey..tourist spot!? Keribels, may choice te? Witchicles!!! Wit na sa complaint abour living in the middle of the desert, far from your loveones..more sa hardwork..kayod kayod kayod for the family..miss ko na si misis, anak ko at si kumpards, na kasama ni misis mag Jollibee..hahaha, chos! hayy naku..tigilan ako sa mga drama at ang pag MMK..basta push lang every weekend or kung may available na sasakyan papuntang bayan..maka laps lang burger! Basta kung saan may food..at fastfood, I push ang HAPPINESS!!!

Pero infairness naman sa Hail, kahit medyo may kalayuan keri na rin.  Dahil noong dumating ako dito back in 2010, nakita ko lang ang McDo..napa HUWAW na ako..hahahahha..primitive! may KFC,Pizza Hut din naman.  McDo, KFC, Pizza Hut..Pizza Hut, Hardees, McDo, KFC..ayyy DELICIA! Hahhaha..paulit ulit ulit lang din sila.  Pero teka, nag po progress din naman ang Hail, dahil..nangaganak na rin ang mga FFC na ito, imagine..2 na ang McDo, 2 na rin ang Pizza Hut..1 pa rin ang KFC, mga local FFC like, Herfy, and Kudu, Baskin Robbins..pero may mga nadagdag..andyan na rin si Subway, Burger King, ang matamis na  donuts ni Krispy Kreme, Seattle’s Best + Cinnabon, Cinnzeo..attttt, may Domino’s Pizza pa..pak! pwede na! may variety na rin! Nung nakita ko nga ang Krispy Kreme at Burger King..para lang akong galing ng liblib, yung eksenang ngayon ka lang ulit nakakita ng Burger King??? Ayyy..ignorante much, ayy exicted much lang pala ang drama! Ayyyy di naman namin mapapalagpas yan..ginagawa pa lang ang store, naka plano na kami agad! Saya much!

with friends Joel & Rey S. @ McDo Hail City
with friends Joel & Rey S. @ McDo Hail City

Hmmmmm..nakaka aliw isipin na ang tumira sa disyerto ay di biro pero may mga bagay na pwede mong gawin..para di naman hindi mo bine beybi ang homesick! Hahahaha..kain galore! Gusto ko isa isahin ang mga fastfood chains dito sa Hail, para naman ma ishare ko naman ang mga fastfood places na to..para yung iba, ma enjoy din naman nila ang pag laps pag may time! Enjoy eating di te! J J

Isa – isahin nga natin..

1. McDonalds Hail, Saudi Arabia – “I’m Loving It”

McArabia, yan ang isa sa paborito kong sandwich ng McDonalds Saudi..McArabia!

McDonald's Burgers & Fries
McDonald’s Burgers & Fries

Apat na ang McDonalds sa Hail. Dati 2 lang, ngayon apat na..Market Market te? Hahahha. Ayyyyy, wait meron pa pa lang isa, nasa food court ng Garden Mall, pweeeeeedeeeee! Ung unang McDonalds, nasa King Abdulazzis Rd., bago mag unang rotonda. Wit ka naman sa pagkaligaw te, dahil may McDo sign naman! Ung kulay dilaw na “M”..hahaha..kapag tumingin ka naman sa bandang kanan, ayyyyy..makikita mo naman si Pizza Hut and KFC! Tawid tawid lang..makkapag Pizza kna!

At ang address:

King Abdul Aziz Road, Hail
P.O.Box: 7284
Phone: 06-5313740, 06-5347718

Hmmm..yung second McDo naman, hahanapin ko ang mapa nyan! Pero dun sa sa road na kapag dinerecho mo ung pinakabago at isa sa pinakamalaking mosque sa Saudi. Yun dun sa road na un! Tingin sa kanan..ayyy, McDo na agad! Pwede rin naman daw mag drive thru!

At ang address:

Jamaeen District ,King Fahad Road

Al Salhia Plaza Northern Hail

At ang pangatlo? Go lang sa Garden Mall, makakapasok lang tayo mga te, kung di family day, at kung di bawal! In case makapasok kayo sa Garden Mall, go lang sa 3rd floor, sa may food court..

McDonalds Hail City
McDonalds Hail City

Yung pang apat..sa loob ng Samah Mall, sa tabi ng post office, kapag tumingin ka sa likod, makikita mo ang Hail tower, sa may parking lot! Basta alam ng mga friends natin from Almarai yan!

At ang address:

Samah Center ( Food Court )

Samah Centre Northern Hail
KSA Central

06 531 8846

At dahil dyan..mapapa “love ko to” naman kayo..dahil andun naman si classic Big Mac and Fries, happy meal, value meals, salad..and dessert..still original McDo taste pa rin naman talaga.  Mapapa achieve din naman kayo dahil nag se serve din sila ng brekky! Pancakes..pancakes..pancakes, coffee and hot choco..hash browns??? Yes na yes!! I enjoy din natin ang delivery nila..

At tumatagline din naman ang McDonalds Arabia -> “I’m Loving It”

At ang address:

At hanapin din naman sa google maps!

http://www.daleeli.com/profile/OTYyODg=/McDonalds.html

http://www.mcdonaldsarabia.com/ksa-riyadh/en/locations.html

There is no sincerer love than the love of food.” – G.B. Shaw

Up Next! – Itutuloy natin ito..🙂

  • Kentucky Fried Chicken (KFC) – Finger Lickin’ Good!!
  • Hardees
  • Pizza Hut
  • Domino’s Pizza
  • Subway
  • Krispy Kreme
  • Burger King
  • Cinnabon / Seattle’sBest
  • Cinnzeo
  • Herfy
  • Kudu
  • Baskin Robbins

3 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Mga Bagong Kabanata) – Fastfood Galore feat. McDonalds | Ha’il City

  1. Ang saya naman basahin ng blog mo which I discovered only today 30-10-2013. Nakapag-work din ako sa Hail year 2000-2002 in the very front of McDo. Sa Al-Jabalain Suites Hotel ako nagwork bilang roomboy. Mabuti nga dumami na ang fast food dyan dati dalawa na kilala natin ang pagpipilian dyan kapag hindi KFC e ung katapat naman na Pizza Hut hehe… and the rest ay local fast foods.

    I am still in Saudi Arabia in Jeddah and the last time na nag-visit ako sa Ha’il was in 2004 at alam ko sangkaterba narin ang nabago dyan sa Ha’il dahil balita ko may mga fly-overs narin dyan hehe… at marami narin ang mga pinoy.. dati halos magkakakilala ang mga pinoy dyan dahil nagkikita-kita kami sa Pinoy Restaurant na nawala narin yata🙂 malapit lang un sa Ha’il Tower e.

    Till here and more power to your blog. God bless.

    I am Hernan nga pala. Thanks

  2. Its nice na may MCdo dyan at KFC na lagin pinupuntahan diyan nga mga pinoy siguro bundat na bundat kayo sa kakakain diyan. Kumusta naman ang presyo mahal ba? (sami.noll2013@gmail.com)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s