Ako Sa Saudi Arabia (Mga Bagong Kabanata) | Kambyo – Ang Una Kong Driving Experience

5th July 2013 – Kambyo

Ang Una kong Driving Experience -Day 1

Ako sa Saudi Arabia
Ako sa Saudi Arabia

Iba eh, iba talaga..iba talaga eh, yun feeling na kakaiba..Nakakakaba..nakakanerbyos…nakakatakot..nakaka excite..nakakaloka..lahat na yata ng NAKAKA na feelings..eh naisip ko na..naramdaman ko na..feeling wonderful naman ang drama, ung feeling na di mo makakalimutan na experience sa buhay mo..dahil un ang FIRST mo. Parang nung una kang na in Love..ung unang experience mo na masaktan, yung eksenang, dati naiisip at pina pangarap mo lang gawin, eh ngayon nagawa mo na! yung dating na i imagine mo na anong feeling ng nakakapag drive ka..ngayon reality na ang feelings! Sa pangatlong attempt ko na sumakay at hawakan ang manibela at kambyo..isa lang ang naisip ko at naramdaman ko..hindi ako makapaniwala! Totoo na sya!!! My first attempt was last 2011 with Betchai, pero di ko napatakbo..2nd attempt was 2012 with my first love..napatakbo ko in circle..and now the third time..napatakbo ko siya..napatakbo ko ang car!!!!! Hindi ko alam..yung eksenang gusto mo sumigaw at sabihin na YESSSSSSSS!!!! Taraaayyyyy!!!

Konting briefing ng aking instructor..Basic..basic..basic!!! Isa lang nasabi ko sa instructor ko..(itatago ko muna ang identity nya..hahahahahaha), “don’t worry po kuya, fast learner po ako…”. Kalerki!!! Unexpectedly, bigla nyang sinabi na..ikaw na..”Ooopppppps bro..keri ko ba ito???!!””..wala ng atrasan te!! Iniisip ko pa lang..nalilito na ako..hala sige te..arya!! tnis is it!! ihanda ang sarili sa driver’s seat..buckle up..hawakan ang manibela..ang mga nanginginig kong paa na di ko alam kun saan ko ipu pwesto!! But..sige..gow lang ng gowww!!! I kambyo!!! Ready..set..go!! 0..10..20…20 kph..para sa kinakabahan na bagitong beki!! Hahahahahahha…ilagay sa tamang lane ang auto, dahan dahan lang muna..dahan dahan lang..di pwedeng biglain at masakit!! Charaught!!!!! Hahahahahah

Ako Sa Saudi Arabia
Ako Sa Saudi Arabia

Next challenge ko eh ang lumiko..thrilled!!! Liliko ako sa kaliwa..pak, dahan dahan..apakan dahan dahan ang break, sumignal..at ayan..ipihit ang manibela sa kaliwa at umandat!!! Ayyyyyy te.. NagawA ko..hahahah..tawa ng tawa si kuya!! Panalo!! Eto na ang simula ng derechong kalsada. Kakatakot..paano kung may makakasalubong na ako???!!! Paaano na te!!!!! Sige lang..kineri ko..determined ako..KAYA KO! Nalagpasan ko ang mga trucks! Mga bus!!! Mga kotse!! At ang pulis!!! Hahahahahhaha….na di naman nila na notice na..ayyy..”sinetch itey???!!” Hahahaha. Well..well..well, tumakbo ako ng 60-80 kph, nerbyossssss!!! Infairness..kineri ko!! oooooopppss, di pa natatapos dyan dahil 15 km pa lang ang tinakbo ko! We stopped..not for a break, kung hndi para sa pag ikot ikot na lesson..at dito ko natutunan ang tamang pag hawak ng manibela, kapag pipihit ka..”do it the professional way”…kasi nung una, ipit ipitan ang drama ng kamay ko! Hahahahaha…then nung nagawa ko na, aba ang sabi ng aking instructor..”u r a pro!!” Hahahaha..echusera! But, i enjoyed it..i enjoyed making a big circle..para ma ensayo ko ang pg pihit..pihit..pihit!!

At ang pinaka exciting na part? Ung feeling na nagiging comfortable ko na sa ginagawa mo..and u started loving it..wowwwww!! tuloy tuloy lang te..40kph..60kph..80kph..and i asked my intructor..”kuya, pwede ko pa bang bilisan? Para mas ma feel kung speed?!..ang tangi lang nya nasabi??? GOW!!!!! Hahahahaha.HALA! Sige..igiling mo te..tapakan ang gas!!! 120kph!!!!!! Ang sarap….mabagal muna sa umpisa..dahan dahan..hanggang sa pasarap na ng pasarap ang feeling..pabilis ng pabilis..ng pabilis! babagalan kung kailangan..bibilisan kung kailangan..hanggang sa kailangan mo ng tumigil kasi..nakaraos ka na sa unang araw ng isa sa hindi mo makakalimutan na experience sa buhay mo!!! Charaught!!

Ako Sa Saudi Arabia
Ako Sa Saudi Arabia

Day 1 pa lang yan..eto pa lang ang start ng driving experience ng buhay ko! At itutuloy ko ito…itutuloy ko talaga..salamat kay KL para sa kanyang matyaga na paggabay..at sayo na naniwala na kaya ko at magagawa ko! Isang power hug sayo!!🙂

“Determination is the wake-up call to the human will.” -Anthony Robbins

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s