Ako Sa Saudi Arabia (Tara Kain) | Feat. Applebees

27th May 2016

Tara Kain featuring: “Applebees: There’s always reason to celebrate”

image
Applebees

Sa pagbabalik tanaw..mga anim na taon na ang nagdaan, aba aba aba..kapag nag punta ka sa Hail (i mean sa bayan)..kung saan higit kumulang mga 1 hour na byahe papunta pa lang kung saan kami nagbubungkal ng Dove na sabon, eh ilan pa lang ang makakainan. Ibig kong sabihin literal na fastfood..or local restaurant. Aba naman, sino ang makakapag sabi na dadami ng bonggang bongga at kinakarir na ag Hail ang pakikipag sabayan sa pag unlad ng bayan na yan. Dati mabibilang mo ang..McDo??? yes..McDonalds..dahil minsan sa isang buwan lang makapamasyal sa bayan dahil pahirapan pa, eh kulang na lang lumaki na ang eyebag mo kapag nakikita mo ang McDo! Yung eksenang feeling mo McDo lagi kinakain nyo sa Pinas??? hahahhahaha..yung “wow McDo!!!! hahahahha..Tapos ang pinaka masaya pa nyan..yung dadayo ka pa dun sa bayan ng Qassim, para bumili ng Dunkin Donuts?? hahahahha..grabe..5 taon yan. Ewan, pag naalala ko..yung uhaw ka na nga sa beer, pati ba naman sa donut??? hahahahha. Keri lang, kita mo naman ngayon..may Domino’s pizza na sa Hail. at dumadami na din ang mga tindahan ng Broasted Chicken!!! hahhahaha.. Kumusta na kaya ang Delicia? nakaka miss din ha..

Well, umintro lang ako..Pero ang totoo, nag bukas na ang Applebees sa Hail! Nakikita ko lang ito sa mga paandar ni Ramil. Naku kaya naman nung minsan (actually kahapon)..aba dahil totoo nga naman ang tsinismis sa kin ni Aldrin, ayun sinilip namin baka nga trulalu na open na ang Applebees!! Aba…totoo nga!! At may pagkilig pa ang dalawa kong kasama. hahahahha..

Isang grandyosong pag entrada sa harapan ng Applebees! May mga pailaw pa nga dahil bagong bukas nga ito..at sa pa nga sabi nung crew, 2 days pa lang daw yun nagbubukas. Mamaya, i lo locate ko kung saan..para naman maka gora din kayo dun. Bongga ang labas, hindi mukhang pang ordinaryong maglulupa kagaya namin ang Applebees na yan. Well, masubukan nga! Pumasok kami..at kagaya ng reaksyon ko 5 years na ang nakakalipaa ng nakapag McDo ako, ganoon na ganoon din ang feeling ko..hahhaha. “Wow..Applebees, eto pala yun!”

image
Ako Sa Saudi Arabia | Sa Harap ng Applebees
image
Ramil and Pete at Applebees!

At pinuntahan kami agad agad ni Raul, ang crew! at ni kuya Emerson..para i welcome kami ng bongga..ang dami nilang Pinoy, infairness..sushal! yan lang ang nasabi ko, bongga! pagpasok mo pa lang bongga na..pintuan pa lang winner na, may pa frame pa sila. At eto na kumapit ka, pag pasok mo..pasok mo, ang wallpaper, grabe nman talaga..pinag isipan, ineffortan..ang mga chairs and tables, alam mo na ang restaurant eh..not your ordinary restarurant. ganda. Alam mo yung ambiance na nakaka relax..nakaka comfortable..Applebees, your place tobe..ganyan..hahhaha..But, truly..maganda ang set up ng restaurant, daming couch. Kaya nman ang dalawa kong kasama napa tumbling pa sa saya. hhahahhahaa

Well, ang million dollar question ay, kumusta naman ang food??? ang lasa ng food?? hmmmm..sa totoo lang, napahanga ako. first time ko eh. panalo ang mga food, at least yung mga in order namin, masasabi ko talaga na masarap. Yung masarap na mapapangiti ka, aba eh dapat lang. hehehe. Nag order kami ng salad, grilled and sizzling rib eye (actually, si Ramil yan)..bongga sya eh. hahahahah. at ako? ang in order ko, Salmon! sherep..nag order din ako ng burger. yung price is wortn it. Food na may satisfaction, lalo na kung foodie ka. Kung hindi, eh di iskata ka. hahahha. pero, seriously, winner! Paulit ulit ko na sasabihin na masarap..bongga sa sarap! Another mojito please!! hahahahhaha

Applebees Green Salad
Sizzling Grilled Rib eye!

At ang hatol:

place = 5 stars dahil sa kaaya ayang place. at talaga naman ma relax ka, higit sa lahat malinis.

food/taste = 5 stars, aba sa sarap naman ng food mapapa wow ka

customer service = 5 stars, bongga ang service..magalang, masaya, dahil may tender, love and care!

price = 4 stars, forget about the price..hehehe

overall experience = OUTSTANDING

salamat Applebees sa masayang food experience! babalik talaga kami..promise!!!

Para sa iba pang detalye, history, at kung ano ano pa tungkol sa Applebees..hanin sa wikipedia.

(tigilan nyo ako..ang mga pictures na yan ay authentic..kuha ko yan at ng mga friends! hahahahah)

Isang masayang pagbasa sa inyong lahat..para sa mga walang halong ka ek ekan at namumukod tangi nyong comments..i push nyo yan dyan sa may ibaba, may box dyan, paki rate na rin ng 5 stars..hehehe..Salamat guys! Love..love

5 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Tara Kain) | Feat. Applebees

  1. na miss ko blog mo. ang tagal bago nasundan ng mga bagong post. later ko na babasahin masyadong busy sa work eh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s