Ako Sa Saudi Arabia | Tuloy ang Journey sa Dreamland


27th May 2016

“Tuloy ang pagsulat sa Saudi Arabia”

image
Litratista

 Ang di ko talaga kinaya yung mga taong patuloy na bumabasa sa mga ka ek-ekan ng mga sinusulat ko dati, (ka-ek ekan, v. mga bagay na wala lang, mga kung ano ano lang). at biruin mo, mag d dalawang taon na rin pala. Masyado naman na pala akong busy..abala sa mga bagay bagay sa pagpapatuloy ng karera at pagpapahalaga sa trabaho at pamilya (naks..seryoso na!!) hahahahhaha..

Ang huli ko pang nailathala eh noong 2013 pa..kaya pala, ang mga “fans” nangungukit na. Kaya heto ako dahil madami ng naka kain na alikabok eh nag babalik para muling mag kwento. Hmmm..bakit naman hindi, marami rami rin pala ang may napupulot sa mga kaek ekan na ito.  Yang salitang kaek ekan na yan napulot ko sa isang kaibigan at dating kasama sa hanap buhay noong 2002 pa. Hahahhaha..ka ek ekan! Yang ka ek ekan na yan ang maaring dahilan ng pananatili ko pa sa dreamland..ang Saudi Arabia!

Masaya, masarap at nakakalibang ang mag sulat at kung ano ano pa ang pumasok sa isip mo..go lang sulat lang. hindi mo namamalayan marami ka na rin palang naisulat at napatawa..hmmm napasaya.

image
Ako Sa Saudi Arabia

Sa aking pagbabalik, marami pa tayong kwento at mga kaek ekan na pag sasaluhan. Pwede rin tayong mag tsismisan..at tatawa talaga tayo ng bonggang bongga. Madami na ang nangyare no, sobrang dami na..may masaya, may malungkot, may pag kabigo..at may pagtatagumpay. Madami ng nabago hindi lang sa aking buhay..aba pati na rin talaga sa Saudi Arabia, madaming madami..at magaganda ang mga ito. Aba buti na lang talaga namang malakas ang internet..sing lakas ng pag buhos ng sand storm..hahhahaha.

Ako Sa Saudi Arabia
Ako Sa Saudi Arabia #version2.0

Paano ko naman hindi sasabihin marami ng nabago eh yung timbang ko nabago na rin, pati ang mga puso ng iba na naghilom. Sa bayan na kang, ibig kong sabihin sa Hail na lang, ang dami dami dami ng nabago. Unti unting nagbabago ang anyo..at nagiging progresibo. Dumami ang mga pamilihan..mga kainan…mapapasyalan at mga pagkakagastusan. hhahahahha. Dadalhin ko kayo unti unti sa mga lugar na ito at hindi lang sa Hail, dahil may mga napuntahan na rin akong iba pang lugar sa Arabia na talaga naman mapapakapit ka sa bongga at ganda! Pag sinabi kasing Saudi ang iniisip ng ilan sa hindi nakakaalam eh, mainit..nakakatakot at puro buhangin! aba aba aba..sa buhangin ko kinuha ang pinambili ko ng dove na sabon pabalik ng pinas no..hahahhaha. Kaya wag kayong ano..char lang.

Ako Sa Saudi Arabia
Bulaklak ng Arabia

May nagtanong sa akin..”kapatid, anong inspirasyon mo sa pagsulat?” ang sagot ko??? “Kayo!” hahahahha..showbiz!! pero muli kong susubukan na sumulat sa inyo ng madalas..mag kwento..at sagutin ang mga katanungan sa abot ng aking matalas na pag iisip. (eh di ako na ang brainy!). Tayo ay muling mag kukulitan palang paandaran..tuloy lang ang mga kwentong dove at nivea dito sa Saudi Arabia

At isa naman grandyosong pagbabalik mula sa akin dito sa aking dreamland..ang Kingdom of Saudi Arabia! i hash tag na yan.. #akosasaudiarabia version 2.0!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s