Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra)| Pabakasyon ka na ba? Aba eh di Mabrook!

1st June 2016

Pabakasyon ka na ba friend? Aba eh di Mabrook!!

image
Ako Sa Saudi Arabia

Isa naman talaga sa mga pinaka hihintay ng bawat taong nangingibang bayan or nag t trabaho abroad, eh ang mag bakasyon! Naman..deserve na deserve mo yan! Biruin mong na survive mo ang isa, dalawa o madaming taon mo sa Saudi Arabia, sigurado ako excited ka! Pwes..mas excited naman talaga ang mga mahal mo sa buhay, at mga kaibigan at mga kapitbahay sa Pinas! Dahil talaga naman inaabangan ang dala dalang mong Dove soap na pinag ipunan mo habang nasa Saudi ka!! Nag banat ka ng buto..dugo’t pawis ang puhunan mo friend madala lang ang pinakakabangan nilang Dove soap!! hahahahah. Naku hindi ko naman ma imagine kung gaano ka talaga ka excited..kesehodang tatlo talong boxes of pasalubong yang dala mo..gets ko yan friend! Been there..done that!

Sarap ng feeling no? pagkatapos ng pag bibilang mo ng mga buhangin, kita mo nga naman..pabakasyon ka na!!! Kahit ako excited para sayo..Prro, prro, pero..keri mo na ba ang mga dadalhin mo? alam mo na ba ang dapat mong gawin(for sure alam mo yan), eh mga plano mo sa bakasyon mo..meron na ba?? ayoko naman maging atribida or paki alamero, pero..nais ko lang naman makatulong, malay mo..may mapulot ka dito..hehehe. ang mga susunod na isusulat ko ay base sa aking karanasan at iba pang karanasan ng mga kakilala ko at maaari din naman kagaya ng sarili kong karanasan. Pak tuloy ang pag sulat!

image
Saudi Arabian Airline | Ako Sa Saudi Arabia

 

image
Passport ko yan | Ako Sa Saudi Arabia

Mga dapat tandaan at mga bagay na wag kalimutan:

  1. Passport, ticket sa eroplano, at visa

Aba, natural..kung galing ka ng ibang bayan at pabaksyon ko sa iyong inang bayan, kailangan mong siguraduhin na meron kang ticket ng eroplano, i check mabuti ang petsa at oras ng pag alis. maging handa sa posibilidad na may connecting flight. Hindi naman lahat ng lokasyon ng bawat isa ay pare pareho, sa kagaya ko sampu ng aking kasama mas madalas na may connecting flight kami. Halimbawa, kung ang sasakyan namin eroplano ay kailangan mag stop over sa Abu dhabi, dubai o Doham ibig sabihin eh mag hihintay kami sa mga paliparan na ito para sa byahe patungong Manila!!! so baka kasi hindi mo na alam na may connecting flight ka, so wag tayong ano..ahmm..shunga! hahahahah..basahin mabuti ang ticket at paghandaan ang mahabang pag aantay sa paliparan. Well, kung direct flight man ito..aba eh di bongga..di masyado mahaba ang oras na hihintayin mo bago ang iyong departure. Alamin mabuti ang oras ng byahe at kung ilang oras ka dapat dumating sa paliparan bago pa ang itinakdang departure o boarding time. Kadalasan, dapat andun kana mga tatlong oras bago ang byahe mo. Syempre..para may sapat kang panahon para mag check in, at may oras ka pa kung sakaling mag karoon man ng aberya na wag naman sana. Gusto ko naman ang best para sa bakasyon mo friend! hahahahah. May mga madaling paraan din, pwede kang mag check in online, pumunta ka lamang sa web site ng airline na iyong sasakyan at sundan lamang ang mga alituntunin (naks alituntunin hahahah) sa pag check in on line. Advantage ng mag check in on line? na sisiguro mo ang upuan at ang oras ng pag check in mo sa airport.

Passport, ayy friend wag na wag na wag mo kalilimutan ang passport mo sa isang simpleng dahilan, ang passport ay ang iyong dokumento para makapasok at makalabas ng bansa kung saan ka man pupunta. oh wah tayong ano..shunga, dapat passport mo ang dala mo..baka passport pa yan ng jowa mo na nakalimutan mo na i chrck dahil sa sobrang pag ka inlababo mo sa kanya. Passport mo te ha, passport mo. At..ang passport ay kailangan valid at hindi peke. Valid passport ay ang sinasabing hindi pa expired sa itinakdang passport validity date. Makikita mo yan sa passport mo. Dapat i renew ang passport mga anim na buwan bago ito mag expire!! at wag mong subukan na mag dala ng pekeng passport, wag..common sense day, baka isampal pa sayo yan ng immigration officer at makulobg ka pa! bawal yan!!

Visa, siguruhin mo na ang visa mo ay valid at naayon sa iyong Passport at national id. Dito sa saudi, nakasulat sa visa ang passport at iqama number mo na katunayan na ikaw na ikaw at wala ng iba pa ang b byahe! May validity ang visa..sa aking karanasan mga 90 days ang validity nito mula sa departure date. Basahin ang importanteng mensahe o detalye na nakasulat sa visa!!

Friend, tandaan mo..kahit milyones pa yang baon mo na pera, at nag mumukhang may hepa ka na dahil sa mga gintong nakasabit dyan sa leeg mo, at isang box na dove soap pa yang dala mo, kung wala kang passport, visa at plane ticket na valid..hindi ka makaka gora..at sabi nga nila, baka nganga ka na lang..hahahha.

2. Ang bagahe mo

Siguro naman 95% ng mga OFW at least mga galing dito sa Saudi, may bagahe kesehodang hand carry lang yan. Ako kadalasan hand carry lang dala ko, paandar eh. hahahha..hirap mag bit bit. Nung minsan na sumakay ako sa Qatar airways, aba 30 kg lang pala ang allowed, ayun nganga..nag bayad ako ng extra dahil excess baggage ako! ako na ako na ang shunga! hahahah. Pero, dapat talagang alamin ang tinakdang limit sa check in bags, hindi ito pare pareho, depende ito sa airline na sasakyan mo. Bisitahin ang website ng airline para malaman mo ang mga alituntunin tungkol sa bagahe. Kung walang internet pwede ka tumawag sa customer service. Alamin mo din kung ano ang pwede at hindi pedeng dalhin sa bag mo, kahi na hand carry pa yan o check in bags. Sumunod sa alituntunin ng airport at ng airline! at syempre mg bansang pupuntahan mo. Malakig abala kasi eh..kapag naharang ka pa dahil may nabitbit kang hindi mo pwdeng dalhin. Andyan ung mag bubukas ka ng bag, bubulat latin pa yang bag mo, makita pa nila na isang dove lang ang dala mo. hahahha. so, alamin mabuti ang pwede at hindi pwede. kapag itinakdang hindi pwede..wag ipilit dahil hindi ito pwede.

Siguruhin mo na secured ang bag mo, may lock, matibay ang bag, kung may mga kahin kahing kang dala siguruhin mong naka tape ito at selyado. Dapat mo rin tandaan na dapat na may pangalan, address at numero ng telepono mo ang mga bagaheng ito. aba, hindi mo sure baka mawala, ma luz valdes ka!! para kapag claim mo ng bag mo, alam mo na agad na bag mo nga iyon. Mag lagay ng palatandaan sa bag o bagahe mo, wag naman yung portrait ng mukha mo o ng jowa mo ang palatandaan, ewan ko..pero wag naman ganun. hahahaha.muli, siguruhin ang seguridad ng bag mo!

Sa pag ch check in ng bagahe, siguruhin mo na nakuha mo ang claim stub at tama ang destination ng bag mo, baka imbes na sa Pilipinas mapunta or sa Manila, mailagay nila  sa Mars! magtanong sa check in counter kung ok na at suriin mabuti kung kumpleto na ang hawak mong papel kasama ng iyong boarding pass. Libre ang magtanong friend, kapag hindi alam mag tanong sa counter, wag mag galing galingan.

3. Sa pag che check in sa airport

Siguruhin mong may passport ka, plane ticket at visa at pumila ka. Pumila ng tama, pumila sa tamang counter! baka kung saan saan ka pumila. Kapag nag check in kna, bibigyan ka ng boarding pass, katunayan na ikaw ang totoong pasahero at dumaan ka sa pag susuri bago ka papasukin sa loob ng boarding gates. Baka dumerecho ka na agad sa gate ng walang boarding pass, wag mag maganda dahil may immigration. alamin mabuti ang proseso, at magtanong kung kinakailangan. I check mabuti ang boarding pass kung tama, tama ang detalye ng eroplano na sasakyan mo at ang lugar kung saan ka pupunta. Hahanapin sa immigration ang boarding pass friend!!

Sa immigration, maging formal, i greet mo naman ng maayos si immifration officer, para happy. oops, I greet mo sya ng formal hindi yung feeling close ka sa kanila. hahahha. for some reason, seryoso ang mga mukha ng immigration officers. Wag matakot, sini siguro lang nito na ikaw ang pasahero para sa kaligtasan ng lahat.

4. Ang sarili mo at identification card

Naku naman friend, of course wag mo kalilimutan na ikaw ang b byahe at hindi ang jowa mo. i check mabuti ang sarili!! manamit ng maayos pero wag naman OA. maganda naman manamit ng presentable pero baka kasi mag long gown ka pa. Hahahaha..or swimsuit, manamit ng naayon sa okasyon!! Magdala din ng jacket, minsan malamig sa eroplano, baka sakali na walang blanket. so ready ka!

Siguruhin mo din na nakapag pahinga ka bago ka bumiyahe, importante yan dahil ang pag byahe ay kinakailangan ng mahabang oras ng paghihintay sa airport at pag byahe mo pabaksyon sa iyong inang bayan. Minsan, stressful ang bumyahe kasama na dito ang excitement mo na makita ang iyong mahal sa buhay. Kapag may sapat kang pahinga, na reserve mo ang energy mo at magiging alisto ka sa mga bagay bagay na maaring mangyare sa pag byahe mo.

Bantayan mong mabuti ang bag mo habang naghihintay ka ng boarding announcement! baka mawala yang bag mo, may dala ka pa naman dove soap!!

Bukod sa passport, magdala din ng iba pang ID. baka mawala ka eh, at least meron ka pang ibang pagkaka kilanlan.

5. Mobile phone at iba pang libangan

Kung may mobile phone, at siguro naman lahat na meron nito. Ihanda ang battery nito para naman meron kang pantawag sa mahal mo sa buhay pagdating mo sa iyong paroroonan.

Maari kang magdala ng libangan, magdala ka halimbawa ng tablet na may mga games o movies, dahil hindi lahat ng eroplano may tv/monitor para malibang ka habang nsa byahe ka. Or libro para may mabasa ka or notebook para may maisulat ka, malay mo feel mo ikwento ang iyong mga karanasan sa pag ibig! hahaha..Mahaba ng byahe friend, mga 9-10 hours!! kailangan mo ito!

6. Mga importanteng gamot

Mag dala ka ng ilang piraso o tableta ng Gamot sa pagkahilo, pag je jebs, pain killer (yung allowed ha) minsan wala nito ang mga eroplano. Mabuti magdala ng sapat na tableta. wag naman sobrang dami na parang magtatayo ka na ng pharmacy sa eroplano at plano mo pang mag negosyo. hahahha

Friend, wag magdala ng ipinagbabawal na droga!!! huwag na huwag!!

7. Pasalubong (optional)

Kung may pampasalubong, yes..go friend. Ikaw na bahal kung ano ang gusto mo dalhin para kung kanino mo man yang ibibigay. May mga sale sa duty free, pero alalay lang sa pagbili, siguruhin mo na ang byahe o bakasyon mo ay budgeted, ibig sabihin naayon sa iyong budget.

8. Maging ma disiplina

Maging madisiplina sa lahat ng panahon, at sa lahat ng pagkakataon. Pumila ng maayos..igalang ang mga kasamang pasahero, igalang ang mga flight attendant, wag manigarilyo sa loob ng eroplano, sa mga manginginom, uminom lang ng tama, tama na libre, baka naman laklakin mo na ang lahat ng alak sa byahe..sige ka hindu ka na winner pag touch down mo sa Pinas! hahahhahaha..ipakilala mo friend na Pinoy ka na madisiplina!

9. Pera

Kahit ano pang sabihin mo, kailangan mo ng pera. Siguro naman dapat may pera ka, OFW ka eh! Siguruhin na nka budget ang pera, at may pera para maging handa kung kinakailangan. Kailangan mo friend mg pambili ng tubig habang naghihintay ka ng departure time, hindi mo pwede itrade in ang dove ma sabob, pambili mg tubig at 21st century na! I secure mabuti ang pera, wag mayabang, baka i expose mo pa yan..kapag nawala yan, ayyy cryola ka friend!!

10. Magdasal

Wala ng tatalo pa sa kapangyarihan ng pagdadasal para hingin ang pasasalamat dahil sa pagkakataong makapag bakasyon at makasama ang mahal sa buhay at hingin ang mapayapang paglalakbay.

 Sampu lang naisip ko eh, meron pa ba, pwes hinihintay ko ang mga maari nyo pang ma ibahagi sa akin at sa ating mga kababayan! Naks, patriotic! hahahaha. Kapag may naisip pa ako muli ko itong isusulat, kayo naman ang taas ng expectations, hindi lahat ma co cover ko, kalma lang..darating tayo dyan!

Oh friend ready ka na ba sa iyong pinaka hihintay na bakasyon?? goooow!!! at mabrook!!

Tandaan, hindi hawak ng blog na ito ang iyong kapalaran, gabay lamang ito, meron kang free will, gamitin mo ito! 😊😊😊

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s