Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) | Ikaw Anong Theme Song mo?

18th June 2016

Ikaw, anong theme song ng buhay mo?

image
Feeling Gitaritsa – Ako Sa Saudi Arabia

Aba, title pa lang ng blog post na ito ay emote na emote na. Yun bang i a associate mo ang kwento ng buhay mo sa isang awitin? Tuloy pa ba natin? Emote ito panigurado..hahahhaa..Bigla na lang pumasok sa isip ko, at dahil na rin siguro sa kapapanood ko ng mga favorite artist ko sa youtube! Dati kasi kailangan mag tune in ka pa sa radio, abangan.ang top 10 sa radyo, hanggang nagung sa tv (mtv), at ngayon..may internet ka lang, kahit anong songs yata, makikita mo na sa youtube. Bilang OFW, libangan ko na ang makinig sa mga paborito kong awitin, bago man yan, o luma. Sa opisina, kapag nag mamaneho, kapag nag papahinga..isa ito sa aking mga stress reliever o kaya naman pam pa relax, or pampagising ng diwa.

May theme song ka din ba? Well, pwede naman happy song ang theme song buhay mo, depende naman sayo yan..hindi talaga kami makiki alam, susuportahan ka namin dyan. At hindi din naman ito limited, ang pagpili ng mga awitin na nagiging kulay ng mga buhay natin ay unlimited. Damihan mo pa para intense. Hahhaha. Kapag broken hearted ka, kaya mo kaya na mag emote kung be bersyunan mo ang “tatlong bibe”?? hahahaha..uso kasi yan ngayon. “Tatlong bibe” emote version! Oh di kaya kapag pasko, tapos ang song mo for pasko eh, “Tuwing umuulan at kapiling ka!” hahahhaha.. napapanahon, tag ulan sa kapaskuhan. Syempre naman pipili ka naman ng song na naayon sa panahon, keri lang..song mo yan eh.hahahahha. Meron ba kaming choice.

Pero, seryoso, sa sobra sobrang dami ng kanta..o awitin, parang ang hirap pumili ano? oh kaya ,ay nag lalarawan ba talaga sa isang awitin ang buhay natin. Hmmm..ako kasi, oo ang sagot, depende sa panahon at mga karanasan. Mahilig din kasi akong kumanta, kinakarir ko talaga yan dati. Dito na nga lang yara ako natigil. Ang sarap kasi, alam mo yung kapag kumanta ka ma re relax ka. Kapag may mga drama ka, kanta ka lang ng makabagbag damdaming “Gold”! hahahha. Naalala ko pa nung broken hearted ako kay ano, paborito ko talaga yung kanta ni Sarah G. na “How could you say you loved me”..yun parang andyan talaga sya sa harap mo..yung emote na emote ka, ung mga letra ng kantang un..pak na pak para sa pag b break nyo! ayyy..ang saklap! May mga ilang ulit..paulit ulit kong kinakanta yan. Tapos,meron pang isa, yung pag narinig mo..yung parang madudurog ka. Ewan ba sa mga song writers na ito. nauuto tayo..hahahah. Yung “I Love you Goodbye!” na orihinal na inawit ni Celine Dion, tapos may version si Nina! Ayyy..yun letra na, “I am not the one you needed, i love you..goodbye!” taray!!!! Giving up talaga..parang sinasabi mo na”Oo na..sya na, kayo na talaga..” ganooonnn! hahahahha. Nakakatuwa lang isipin na ang mga awitin ay malaki ang impact sa atin “psychologically”.

Pero kung may bet na bet talaga ako na song, ang all time favorite ko, yung song ni Elton John..”Your Song”, kanta ko yan sa mga naging at magiging jowa ko! Feeling ko, ako sumulat ng song. “Its a little bit, funny this feeling inside. I am not one of those, who can easily hide”. Ganda! Parang pag kinanta mo yan sa jowa mo, kayong kayo na talaga forever. Sa OPM naman, walang tulak kabigin talaga ang mga emote na emote na songs ni Gary V. Damang dama kahit ng mga internL organs mo ang bawat letra. Kapag kinanta mo ang mga songs ni Gary V., mapapa Gary V. ka rin ng interpretation! hahahhahaha.

Ang bawat kanta ay isinulat ng mga composers, dahil ito ang nararamdaman ng kanilang puso, at base sa kani kanilang karanasan. Kahit ano pa ang emosyon mo, masaya, malungkot, in love, nakipag break ka, galit, pag bangon, iba iba..galing sa iba’t ibang emosyon. Naalala ko pa nga, dahil favorite ng talaga ng pumanaw kong tatay ang “My Way”..kapag kinakanta ko talaga ito, napapluha ako. Kapag kinakanta nya kasi yan, parang talaga sya ang sumulat ng kantang un, ung bawat letra nun eh lahat karanasan nya. Kapag binasa mo naman, ay talaga naman “He did it..his way” amg pagatataguyod nya sa amin. Yung kaibigan ko naman, grabe..kapag kinanta nya ang “I Write the Song” ni Barry Manilow..hahahahahha..matatanong mo sya na “Ikaw sumulat ng kantang yan teh?..eh di ikaw na!” hahahahahha. Grabe ang emosyon nya..mapapa “I Write the song that make the whole world sings..” ka!

Yung mga pang friendship songs ko..syempre andyan ang “That”s what are friends for”, “Count on me” at syempre “Chiquitita”. Wag kayong ano, pang friendship ang “Chiquitita” pakinggan nyo pa! hahahahahha.  Kapag pang mudrakels..bet ko yung “A song for mama” ng Boys II Men and syempre ang klasik na “Wind Beneath my Wings”.

Kapag inlababers naman, yung mag i istart pa lang..hahahah..winner ang “I think i’m in love”, “Pangarap ko ang ibigin ka”, at yung “Vogue” ni Madonna! char lang yung “Vogue” pang model model yan..hahahahha. ayyy, naku emote na emote ang “A thousand years” ni Christina Perri! Kapag naman na mi miss mo sya, feel ko naman ang pag ka miss sa “I miss you like crazy”, oh kaya “get here”..”I don’t care how you get here, just, get here if you can..”

Eh yung mga pa break na..tapos galit ka pa..”Stupid Love” lang period! hahahahahhaa..kapag nag break tapos may pag hopya ka pa..number 1 na ang “Just Once”..can we find a way, to find and make it right..”Just Once”…ooohhhhh!

Kahit anong kanta o awitin pa yan..kahit nasaan ka pa, Saudi, Japan o Hongkong..sa mga kagaya natin na malayo sa ating pamilya, isa sa maganda medication? ang makinig sa mga paborito natin at mga paborito nilang awitin! Nakaka relate ako..ako pa ba? Pero tandaan mo friend, “Hindi talaga hawak ng mga favorite songs mo ang iyong kapalaran, lilibangin ka lang nito..meron kang free will, i share mo ito!” ahhahahhaha

Ikaw anong Awit ng Buhay mo? Share naman friend..or kanta muna tayo..

“Pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan pa..bakit may mahal ka nang iba? Ngunit di bale na, kahit mahala mo sya..mahal naman kita…”

Isang magandang gabi po sa lahat..mwah, mwah..lab lab! ❤️❤️❤️

2 thoughts on “Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) | Ikaw Anong Theme Song mo?

  1. Ito na po ba ung last blog mo as of the moment? Well, kahapon ko lng nkita ung mga blogs mo. At binasa ko to from the start .. walang palaya until itong last blog mo.

    Actually .. Nghahanap Po tlga Ako Ng mbabasang blogs maybe a week from now nasa KSA nren ako. Excited na may halong pangamba pero dahil sa blog na to .. ung Takot napalitan ng mas higit na excitement.

    Thanks po sa napakainformative na blog.

    Ingat Po Kau Palage.
    Go Bless Us All!!

    1. Hi Ms. Danica, maraming salamat at napasaya ka ng mga kwento dito sa blog na ito. Nakakatuwa naman at nakakataba ng balun balunan..hehehe. Seryoso ate, i wish you Good luck sa iyong bagong pakikibaka. God bless you and may you have unlimited blessings! Keep focus!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s