Ako Sa Saudi Arabia (Mga Extra) – “At ng Umulan Sa Ha’il”

Mga Extra – At ng Umulan sa Ha’il

Ngayong araw na ito 20110419..Isang matinding pagbuhos ng ulan bandang alas singko (5:00PM KSA) ng hapon. Hindi naman ito ang first time ko ma experience na umulan dito sa Saudi Arabia (halatang inosente pa! kasi feeling ko hindi naulan dito..hahahah)..pero ang ito ang pinaka malakas, na may kasamang pag kulog at pag kidlat (hahahah..isa na ako WEATHER MAN!)..

rainbow connection sa Saudi Arabia 20110419

Sabi ng mga kwento ng matatagal na dito sa Ha’il, kapag umulan na ng MALAKAS..ayan na..UMPISA na ng TAG ARAW..SUMMER TIME na!! Summer na sobrang pag ka init init, na umaabot ng 40-45 degree Centigrade (or worst 50 degree C)..

at nag effort para lang makuhanan ang rainbow! hahahahha

At nakaka loka itong si Joel habang pauwi na kami sakay kay Senyor Carlos, eh sigaw ng sigaw ng may mga butil ng yelo na kasabay ng pagbuhos ng ulan..HAIL!!! at ang Senyor Carlos?? La Lluvia!! La Lluvia! bongga! hahahahha

kadilim diliman..

Ayan guys..naulan din sa Saudi, hindi lang disyerto at tag init..hehehehhe

Sayang at hindi ko ma upload ang video na kuha habang kami ay pauwi galing planta sa gitna ng bonggang bonggana La Lluvia!!! (rain!)..at ng masilip si Senyor Carlos! hahahahahha

wala lang..extra lang! =)

-end-

Ako Sa Saudi Arabia (Ang Sa Akin Lang) – “Paano mo Malalaman kung NANGANGALIWA ang JOWA mo?”

Ang Sa Akin Lang – Paano mo Malalaman kung Nangangaliwa ang JOWA mo??

STOP!! at mag isip isip.."paano ba ito, kinaliwa ako ng jowa ko!!"

Tweet tweet ang sabi ng ibon..ANG ISDA AY NAHUHULI SA SARILING BIBIG!! kaya mag ingat baka mabuking! (baka naman sa cellfone ko mahuli ang isda..hahaha)

at at at …Kapag nahuli ng jowa, HUWAG NA HUWAG KANG AAMIN!!!

Humingi tayo ng ibat ibang opinyon mula sa mga friends mula sa FACEBOOK..at sinagot ang tanong “Feeling ko may ibang kalaguyo ang jowa ko..PAANO KO BA MALALAMAN kung NANGANGALIWA ang JOWA KO?” Well..galing na rin ako sa maraming relasyon (hahahhaha..marami talaga???!!), at alam ko rin ang feeling kung paano ang pakiramdam ng may ginagawang kababalaghan si jowa!!! damang dama ko yan mga kapatid!!! damang dama..

Ang salitang “pangangaliwa” ay hango sa salitang “kaliwa” ibig sabihin papunta sa kaliwa at hindi sa kanan (which is RIGHT)..in tagalog..RIGHT is TAMA..ito ay slang word na ang ibig sabihin ay..”PANLOLOKO!!!”..”wehh..kinaliwa ka pala ng jowa mo eh!!” HAHAHAHHAHAHA

Ang Sa Akin Lang..

Importante kahit paano na malaman mo kung may iba pa ba syang jowa bukod sayo, at aminin na natin na minsan kahit naman alam na natin na meron (i mean lantaran na ang pangangaliwa..), pilit mo pa rin itong dinededma!! hahahha..in the end, nasa sa iyo pa rin ang huling desisyon kahit na sobra pang dami ng mga SIGNS na nakikita mo sa pangangaliwa nya..kung GO ka pa rin or WAKASAN na ang LAHAT!!! bongga!! At isa pa sa kabilang banda..at least may batayan ka, kung sakali man na ikaw naman ang MANGALIWA..at least may idea ka kung paanong HINDI ka MA JU JULIE!! (ma huli)..hahahhaa..pero syempre, di naman dapat na MANGALIWA!! wag naman..masakit po ito kuya!! Ang sa akin lang..kung keri mong gawin ang pangagaliwa sa partner mo (or sa jowa mo)..eh be ready baka ikaw naman ang kaliwain..

Tingnan nga natin kung ano ang mga sinabi ng mga friends..

1. Unahin natin ang mga senyales sa pamamagitan ng CELLFONE!!! MAG INGAT SA PAG GAMIT NG CELFONE..Baka ito na ang umpisa ng umaatikabong WARLA!! hahahahha

  • Hindi nagtetext…CALL sya lagi! so loaded ang cp kaya pala hindi “please call me” ang drama nya MAY  SUPPLIER –> Betch ng Bulacan              
  • Di mawaglit ang cp sa katawan, naka-silent mode lage, at pag nasa shower n sya naka-off mode na ang cp (pra di mapaki-alaman ni girl ang cp while on shower sya)! GRRRHHHH=) –> Janeth L. ng Taguig
  • Sa pun**tang cp m0 malalaman…once n naglagay n ng c0de, naka silent m0de, di mbitawan fne, ksama s cr at ang malala ay palitan ng b0ys name ang girl nya…base on true story :)..Umabot n s point n bsagan ng fone kc gling q mag alis ng c0de! Hahaha…those wer da days! –> Ching ng Manila
  • Kapag nilalagay na sa ilalim ng unan ang cp, dati naman hindi, dinadala kahit sa bakery ang cp, then online sya then inutusan mo, papatayin ang computer or mag-offline muna. At pag nakita mo na nagde-delete ng history, like sent items, may tinatago ang jowa mo. Haha, one time, nasa FX ako may katabi ako na min, napansin ko ang cp nya, unlisted ang number ng ka-text nya pero ang messages, may “i miss u achuchuchu” pero nung pababa na, binura ang mga messages. –> Malou R. ng Caloocan City
  • Hindi nya mailapag cp nya katabi ng cp mo  -> Mart ng Quezon City
  • Kapag empty ang sent items ng fon or empty din ang dialled or miscall nia….tapos kapag kinonfront mo e pautal2 na at balisa s pgdedefend….tyak me ibang pinagkakaabalahan….–> Angel M.P. ng Batangas
  • Kung nakita mung patay ang celfone nya tapos pagbinuksan mu may pincoe at eto pa! kapag tinanung mu anung pincode nakalimutan bigla at pag nakuha nya ang celfone sayo magugulat ka maya maya nagtetextnagtetext na..–> Jeanette E. ng Las Pinas
  • Kapag meron sya gamit na extra sim card at cp…para kahit icheck mo nga nman un cp nya wala kang mababasa sa inbox,sent msg at log history nya…–> Regina of Bulacan
  • Another thing, when hes w/ u let say ure on a bus & seated together and he’s texting, even if u dont intend to make silip kung sino at anong tinetxt nya and the guy is covering phone, its a sign u think? WHY NOT! –> Ehl Carey ng Bacoor, Cavite

2. May FRIENDSTER, FACEBOOK, YAHOO MESSENGER, COMPUTER? i check mo ngayon ito..kung di mo mapigilan ang pagiging Kati-reen Zeta Jones..dedma sa FACEBOOK! 

  •  Hindi kayo friend sa facebook! –> Mart ng Quezon City
  • Naka invisible sya lage..pero SAYO lang!! hahahahah..naka STEALTH settings ba.. –> Sabi ko!
  • Nag cocomputer cya tapos paglapit mo naka minimize na lahat ng window –> Mart ng Quezon City
  • If ever na friend kayo sa Facebook..nka private settings naman sya, at sayo lang ulet..so di mo mababasa ang wall nya..at hindi mo makikita ang ibang photos!!! –> Mr. Anonymous ng Riyadh, KSA
  • May mga nakilala ako na mag bf-gf or mag asawa na, usually alam nila ang password ng isa’t isa..HALA! mag duda kna kung isang araw, binago na ang PASSWORD! for sure.. –> Ms. Anonymous ng Cavite
  • Kung bago pa lang kayo..kapag tinanong mo kung may FACEBOOK account sya? ang isasagot lang sayo..”na, FB? not my cup of tea..”..wehh?? e di cup of coffee na lang..hahahha..pero, eto na..malalaman mo na lang, dahil ang common friend nyo, friend nya!! ang mahirap pa, ang common friend nyo pang GIRL! or BOY! or in my case..BADING! hahahhahahah..isa lang ibig sabihin nito, ayaw kang maging friend sa facebook, pero vakeet? –> Ayie (KSA) ako yan! hahahha
  • Para sa mga sisters! kung meron syang Planet Romeo, Downelink at Manjam account..at laging updated ang profile..well, well, well..naghahanap pa sya bukod sayo! hahahha..at eto pa, MIRC chatter kba..laging on line sa MIRC at sa BI-MANILA Channel pa..why why why???? hahhahaha –> from Mr. Anonymous ng Riyadh, KSA
  • Maraming FRIENDSTER, FACEBOOK, YAHOO MESSENGER Account! that’s it!! bakit kailangan marami?? for what?? –>SABI NG EX ko na dedma na kung nasaan man sya ngayon..hahahhaha

3. Ito lahat galing kay MARK ng QC..taray! winner ka dito koya mark!  ikaw na! hahhahaha.. :p

  • Ang jowa nyo na lalake e sobrang tipid na sa date nyo na dati naman ay hindi!
  • Panay na ang cap and shades nya pag umaalis kayo kahit gabi na dati naman ay hindi..
  • Kumakanta na cya lagi ng ‘sana dalawa ang puso ko’ or ng ‘ bakit ngayon ka lang’ – kapag naliligo or nagkakaraoke..
  • Lagi kang barado sa twing hihirit ka!
  • Yayakapin mo at sasabihin syo lagi na ‘umalis ka nga dyan mainit!!! (dagdagan ko nga..at kapag inulit mo, magagalit..at sasabihin..“ang kulit mo naman eh..sinabi ng mainit eh..”) hahahahhahaha
  • Higit sa lahat … ayaw na nya ng sexytime with you hahahaha alam na..

4. ACTIONS SPEAK LOUDER THAN WORDS! Tamaaaa..hindi daw sa bibig nahuhuli ang fish..sa paglangoy nito! 😀

  • Kapatid, one clear indication is – kapag tawagan nyo ay honey or whatsoever and then habang kausap ka iba itinawag sayo sure yun may iba…–>from Ely of Dubai
  • Hhmmmm alam na..pag na iirita na siya pag ksama ka, kasi iba ang gusto nya ng kasama hahahaah–>Marissa of Quezon City
  • Pag palaging mainit ang ulo sa iyo kahit wala ka namang ginagawa… at higit sa lahat sobrang bango.. as in..hehehehhe–>Myra Flores of San Juan
  •  makisawsaw na nga teh para madagdagan ang gagawin mong blog saka para ma-mention mo din ako. (read the bading issue)pag naramdaman mo ung gut feeling or insticnt nga, naku, magmanman ka n, malamang sa hindi, tama ang feeling mo. Tama si my, pag dati bench lang ang kinukulapol sa katawan, tas biglang nagpabili ng mmamahalin like Bulgari Extreme at Polo sports.–>Malou of Caloocan City
  • short-tempered, gustong makipag-away kahit small things kasi para matago ung guilt nila, to show na you are hard to deal para may reason ung kalokohan nila. In short, binabaligtad ka na teh, kaw ang lalabas na may kasalanan sa nanyayare. Bad Trip–>Malou of Caloocan City

5. INSTINCT! Alam na! 😀

  • When he gets easily irritated even on small things, you can detect in his actions – the women will feel that instinct ba!-->Ely of Dubai

Syempre naman..ang mga ito eh mga pwede mong makita or mapuna sa partner kung saka sakali lang naman na feeling mo may ginagawa syang karimarimarim na hindi mo nalalaman..pero nasa sa iyo pa rin ang huling desisyon kung nahuli mo na sya at tatanggapin mo pa rin sya sa kabila ng lahat! Pero sabi nga ng friend ko noon sa ken, hindi na daw uso ang martir! Pero naman, bago mo naman i confront ang partner mo, siguraduhin mong kumpleto ang “ibidinsya” na nakalap mo..hahahahha..dahil kung hindi, PAPAIKUTIN ka lang nya..at in the end IKAW NA ANG LALABAS NA MAY KASALANAN! hahahhaha..tama???

May gusto ka pa bang idagdag?  mag comment sa ibaba..

PAALALA: ang mag comment ng hindi kanais nais ay IPA PA BARANGAY!! 

Ako Sa Saudi Arabia (“PIKTORYAL”) – “Sunrise to Sunset”

“Piktoryal” – SUNRISE TO SUNSET..

Sa loob ng mahigit isang daang araw..hindi naman biro ang tumira ka sa gitna ng disyerto! kaya naman sinubukan ko na gawin subject ang araw sa aking piktoryal..at sa unang lathala para sa bagong kategoryang ito..

Ang buhay ng tao..parang Araw, may oras ng pagsikat at paglubog..
Minsan, makulimlim..malamlam..hindi mo alam kung sisikat pa..Minsan, matingkad..maliwanag..kagaya ng isang magandang umaga
Ang pagsikat ng araw..ang simbolo ng pag LIWANAG ng buhay..
Parang tayo..ang pagsikat natin, hindi pantay pantay..may mas MALIWANAG..may MALAMLAM..
SUMIKAT man ang Araw..Hindi mo mapipigilan ang paglubog nito..Kagaya ng tao..lulubog din ito..
Sa oras ng paglubog ng araw..pagmamasdan mo lang ito..Malungkot..may kirot..ma drama..
Parang ang tao..sa pag lubog nito, malungkot ang sandaling ito..may drama..Hindi naman dapat bawat paglubog..malungkot..
Pwede itong maging Masaya..maging inspirasyon..kagaya ng paglubog ng araw..Lumubog man ito..SISIKAT muli ito..
Lulubog ang araw para makapag pahinga ito..parang tao..Sa paglubog ng araw..pagkakataon mo itong ipahinga..
Dahil pag gising mo..maliwanag man o makulimlim ang pagsikat nito..ISA ITONG BAGONG ARAW para sayo..
Parang tao..sa muling pagsikat mo, hindi man ito sa sobrang LIWANAG! Isa pa rin itong BAGONG PAGKAKATAON para sa yo..dahil ito na ang ORAS NG PAG BANGON MO!

Ang totoo..kahit lumubog na tayo..literally..SISIKAT pa rin ang ARAW!! At LULUBOG pa rin ito!! Kaya wag kang mag emote dyan..ENJOY LIFE!! DRAMA DRAMA ka jan..At baka sa kakaabang mo ng paglubog at pagsikat ng araw..hindi ka na sikatan ng ARAW!! LIVE LIFE TO THE FULLEST!! Not to the FOOLEST! =)


Ako Sa Saudi Arabia (Ang Unang 100 Araw) – “EPILOGUE”

—EPILOGUE —

Ang pagwawakas ng “Ang Unang 100 Araw”

January 08, 2011

(gagawin ko sanang video ito..pero next time na lang..hehehehhe)

Hindi biro ang ginawa kong pagsusulat na ito..ang finally NATAPOS din! Hahahhahahaha..and isa itong achievement na bukod sa natapos ko itong lathala ng aking UNANG 100 ARAW eh winner ko naman na-survive ang first three months ko dito sa Saudi Arabia..hindi rin naman talaga biro ang pagpunta, isa talaga itong bagong mundo..

Ako Sa Centennial Terminal 2 Airport

Eh bakit ba naman kasi 100 days! Minsan nga naisip ko..kahit nga ako naiinip na matapos to..hello, April 1, 2011 na..ngayon pa lang natapos..hahahaha..minsan din naisip ko, bakit ba kasi sumulat pa ako..PERO ANG TOTOO, nag e enjoy naman ako na I kuwento ang nangyayare sa akin dito..(syempre di naman lahat..HELLO!)..hahahaha..100 days, hmmm..kasi feeling ko ito ang panahon ng start (of course kung saan at kailan ako nag simula, simula pa lang ng pagtapak ko sa malaking bansa ng disyerto!)..dahil feeling ko eh andito ang excitement (at sana naman na excite din kayo!), adjustment sa mga bagay bagay..sa mga lugar..sa mga tao..sa klima..sa pag bili gamit ang currency nila (convert dito convert doon)..sa bagong trabaho..parang nagsimula kasi ulit ako! Masaya naman talaga ikuwento ang mga experiences lalo na kapag first time..ang unang birthday ko dito..andito ang unang sweldo ko, unang experience ng Christmas and new year..at marami pang iba…pak na pak..walang duda, SULIT ANG 100 DAYS! Life..malungkot minsan, pero dapat maging Masaya..maiksi lang ito eh para sa mga drama!

Ako Sa Riyadh (at ang Kabsa)

Syempre sa una eh kinakabahan..iba’t ibang emosyon, kasi di  ko naman alam kung anong aabutan ko..may idea ka, pero iba kapag aktwal mong nasubukan (o na experience..tama??) and hello??? kahit naman siguro sino eh maloloka naman sa kakaisip kung ano ba meron lalo na kapag first time! Naloka nga ako diba?? Riyadh airport pa lang..tumabling na ako ng bonggang bongga! hahahhahahaha

Ako Sa Processing Plant

Mula Manila, Pilipinas..tinahak sakay ng eroplano papuntang Saudi Arabia..at mula Riyadh..nilakbay ang 800KM na layo papuntang Ha’il City! Madali ba yun?? Na sumakay mag isa sa bus..matakot at kabahan na  baka any moment, hablutin na lang ako ng kung sino..(wow ganda ko??? Hahahhaha)

Iba’t ibang lahi ang nakakasalamuha ko..at makipag usap at mag adjust para sa kanila..madali ba yun????

Iba’t ibang pagkain..maanghang..matabang..at kung ano ano pa! hahahahha..masarap ba yun? (masarap din naman..yun iba..)

Mag adjust ng oras ng tulog at pag gising..hello?????? hindi madali! Dahil feeling ko everyday akong bangenge!!

Sumabak sa mainit na tag araw..at manigas sa napaka lamig na tag lamig! Enjoy ba yun???????? HELLO! Hahahhaha..

Abangan na mag online ang mga friends..tapos makikita mo sa mga pictures nila, kaw lang ang wala..hindi ba nakaka miss yan!!! Parang engot na pilitin ang mga barkada na mag webcam party..webcam climb kaya pwede?hahahahhaa

Ma miss ang mga parents (weeh?? Hindi nga?? Hahahha)..well, walang kokontra..kasi totoo naman! =)

Pero…pero..pero..kahit ano pa man ang mga yan eh part lang naman yan ng buhay na mag sakripisyo ka kung ito naman ang tutulong na tuparin ang mga pangarap mo..hindi na masama, tama?? Hhahahha..

OPPORTUNITY!!! yan ang pinunta ko dito! Saying naman kung hindi susubukan..hindi din naman ako nagkamali

Ako Sa Almarai (noong tag lamig)

sadesisyon na subukan at tanggapin ito..Tinanggap ko na pansamantalang talikuran ang mga bagay na nakasanayan ko..dahil bawal ang ALAK dito! Hahahahhaha..may bundok nga, wala naman mga puno..isa pa hindi ko naman alam kung paano aakyatin un..or kung may chance ba o wala? Hahahhahaha..

Sa kabilang banda, nagpapasalamat ako ng maraming marami at napunta rin ako dito..marami kasi akong na realize at marami rin akong nagawa na hindi ko nagawa dati, about sa buhay buhay ng iba’t ibang tao..mga kultura at paniniwala ng iba’t ibang lahi..magawa ang mga bagay na kaya ko naman pala..imagine, keri ko naman pala ang hindi uminom..sumusubok ng iba’t ibang mga bagay..ma discover ang iba pang talent ko (ang kumain ng apoy..joke!)..na ma miss ang mga magulang ko, ..about sa sarili ko (hindi pa ko nag pa sex change..at wala akong plano hahahha..hello!)..na realize ko kung gaano kasi ako ka swerte bukod sa magandang opportunity na nandito ako, kung hindi kung paano ako pinalaki ng tama ng mga magulang ko, na kung gaano ako ka winner na pagsikapan nila na mapagtapos ako..mapalad ako na kailangan maraming dapat ipag pasalamat dahil kahit wala ako dito, CHAMPION talaga ang mga magulang ko!

Ako Sa Bachelor Villa

Winner din naman ako sa experiences ko sa buhay..dito ko yan na realize (kaibigan..trabaho..mga naging mentors ko), yan ang nagiging sandata ko.. Na realize ko rin kung gaano kahusay ang mga Pinoy..kung gaano rin tayo pinagpala (na kahit magulo tayo minsan) eh magaling pa rin ang education system sa atin (kumpara sa iba)..na realize ko rin na kaya natin mabuhay ng simple, ung hindi magarbo..matulog, magtrabaho..mag libang..pero ang higit sa lahat..at dahil maraming tao pa rin ang hindi mapapagkakatiwalaan kaya “DON’T TRUST NO ONE!”

ENOUGH IS ENOUGH..marami pa akong gustong sabihin, pero hindi yan mauubos (sa taklesa kong ito)..hahahahhaha

Hindi ko na isa isa pang pasasalamatan pa ang mga tao na laging nandyan para kumustahin ang lagay ko..at ang mga taong wala naman talagang ibang gusto para maging successful ako dito! At para naman pag uwi ko..EVERYBODY HAPPY!!!

Ako sa Saudi sa Unang Bagong Taon

Ang JOURNEY ko dito sa Kingdom of Saudi Arabia ay hindi simple..pero WORTHWHILE! Ang PANGARAP daw eh nasa ISIP lang (WELL..tama naman)..pero pwede itong maging totoo..maniwala ka lang!

Isang bonggang bonggang bonggang thank you at kahit walang “infairness” eh thank you thank you at nandiyan kayo hindi lamang sumilip sa mga lathala ko..at sa bawat pagsilip nyo sa bawat lathala ko mula sa FACEBOOK hanggang WORDPRESS?? Para nyo na rin sinabi na MISS nyo na ko..at bongga rin naman na miss ko na rin kayo! “harinawa” eh napasaya ko kayo (at minsan napaluha) sa mga kuwento ko!

Hanggang sa mga bagong kabanata! (kung ano man ang susunod na kabanata..wala naman nakaka alam, kahit ako hindi ko rin alam..pero hindi naman natin ito mapipigilan..ang importante ay mahalaga! hahahha)..Libre ang tumawa at maging masaya!

SHOKRAN SADIQ!

(-END-)

Ako Sa Saudi Arabia